Your Ad Here

Sunday, February 28, 2010

Roxanne Guinoo confirms that she'll get married next year and that she is pregnant


Sa wakas ay binasag na ni Roxanne Guinoo ang kanyang pananahimik tungkol sa mga naglabasang isyu sa kanya na nailathala sa mga pahayagan nitong nagdaang linggo. Ito ay kaugnay ng umano'y magpapakasal na raw siya sa kanyang non-showbiz boyfriend at ang balitang buntis daw si Roxanne.



Sa ekslusibong panayam ni Boy Abunda kay Roxanne na ipinalabas sa The Buzz kahapon, February 28, ay kinumpirma mismo ng aktres na may katotohanan ang mga isyung ito. Totoong siya ay magpapakasal na at totoo ring siya ay buntis.



Gayunpaman, nagpaliwanag din siya para mabigyang-linaw ang ilang maling espekulasyon at mga naisulat gaya ng isang DOM (dirty old man) daw ang kanyang mapapangasawa, nabuntis daw siya at nagpa-abort, nagde-demand daw ang kanyang mommy ng house and lot sa boyfriend niya, at marami pang iba.



HIBERNATION. Dahil nga matagal nang hindi napapanood si Roxanne sa telebisyon at hindi ito lumalabas para magpa-interview, tungkol dito ang kaaagad tanong ni Boy sa kanya. Ito bang hibernation na ito is a choice?



"Hindi naman po. Siguro nung time naman na nawala ako, may iba ring rason kung bakit nagkaganun. Siguro nagkaroon lang sila ng...nagkaroon lang sila ng taong masisisi. Ito ngang boyfriend ko," panimula ni Roxanne.



Napipikon ba siya kapag sinasabing kaya niya hindi ginawa ang proyektong ito dahil pinagbabawalan siya ng kanyang boyfriend?



"Siguro po kasi kung pinagbawalan din ho ako, ang higit na tao na pagbabawalan niya sa akin yung mga ex [boyfriend] ko na makatrabaho ko. Yun na po ang pinaka-worst na aayawan niya sa gagawin ko," sagot ni Roxanne.



Pero hindi niya ginawa ito?



"Hindi niya po ginawa."



Is this your happiest moment?



"Opo," mabilis na sagot ni Roxanne.



Masayang-masaya ka ngayon?



"Opo. Kaya nga minsan iniisip ko, yung mga tao parang why can't you just be happy for me, di ba? Masaya ako, e, pinipilit n'yo akong hinihila."



Nang sabihin ni Boy na maganda siya ngayon at tama ang timbang, kaagad namang nagsabi si Roxanne kay Boy na itanong na ang tungkol sa buntis issue dahil excited na raw siyang sagutin ito. Pero mamaya na raw muna ito kaya sandaling nabitin ang mga manonood sa magiging pahayag ni Roxanne.



Sabi pa ni Roxanne, "Now na. Yun ang bottomline nito, Tito Boy!"



THE NON-SHOWBIZ BOYFRIEND. Ayon kay Boy, bago ang buntis issue ay gusto muna niyang makilala ang non-showbiz boyfriend ni Roxanne na si Angelo. Binalik-tanaw pa ni Boy kung paano siya ipinakilala ni Roxanne kay Angelo last year sa New Year's party ni Joy Lim, ang negosyanteng involved sa charms and crystals. Aniya pa, nakita na niya ang saya ng aktres ng pagkakataon iyon.



Ang tanong tuloy ni Boy, "From that time na ipinakilala mo si Angelo hanggang ngayon, ano ang mga pagbabago sa iyong buhay?"



"Maraming naitama sa buhay ko sa totoo lang po... sa trabaho ko. Mas nabibigyang halaga ko rin yung work and yung sarili ko, pamilya ko."



Sino ba si Angelo?



"Buhay ko na rin po siya talaga e," sagot ni Roxanne. "Isa lang siyang simpleng tao. Para po sa mga taong...akala kasi nila matanda. Siguro well-off lang din yung pamilya niya, hindi man ganun katodo. Ako naman po bilang Roxanne, bago ako nag-artista, may negosyo rin po ang pamilya ko. Mabubuhay ho ako kahit hindi ako mag-artista."

May mga taong nagsasabi na matanda kasi gusto ni Roxanne ang mayaman na boyfriend?



"Yun po ang laging sinasabi nila."



How old is he?



"Twenty!" natatawang sagot ni Roxanne. "He is young. Three years po ang tanda ko sa kanya."



Sabi ni Roxanne, may family business daw sina Angelo bagamat hindi sinabi ng aktres kung anong business ito.



FIRST MEETING & COURTING STAGE. Paano sila nag-meet?



"Common friend po," sabi ni Roxanne. "And then parang wala, e, dumaan lang siya sa condo ko. Sabi ko, 'Naku, huwag na, may ginagawa ako. May lakad kami.' Sabi sa akin ng friend ko, 'Sige na, crush ka talaga niya.' Kapatid actually ni Joy Lim yun. So, yun ang common friend namin. And then, siyempre wala pa naman pong attraction noong first meeting. Till we met the second time. And then he started texting me na, calling me. Nagpapa-cute na ako. Puwede naman, e, single naman ako. I deserve to be happy. Why not, di ba?"



Paano nanligaw si Angelo? Maregalo ba ito? Niligawan din ba ang mommy niya?



"Friendship po muna kasi nag-start, e. Until nakakatunog na kami, naku type ako nito, type ko rin siya!" natatawang kuwento ni Roxanne. "Very parang bagets. Until yun na po, punta na kaming Cavite. And yung effort naman po na ibinigay niya sa family ko, nararamdaman ko naman po na, 'A, importante pala ako.' Hindi lang siya masyadong masalita. Pero importante ka. Especially, grabe rin yung pagmamahal sa akin ng pamilya niya."



How about sa kanyang family?



"Sobrang pampered na pampered siya," sabi niya.



Nagkaroon ba sila ng formal agreement na sila na?



"Siguro yung unang kilig na naramdaman ko, Tito Boy, nung nasa Boracay kami. Work ko naman ito. Dinala ako doon sa may [sand] castle na nakalagay ang name niya. Nakalagay 'I miss you.' Ang haba ng hair ko! Feeling ko, ang ganda-ganda ko. E, nasa Manila siya. Yun pala, may barkada siya na doon nagwo-work [sa Boracay]," kuwento ni Roxanne.



Gaano na sila katagal magkasama at magkakilala?



"Magti-three years na po, 2008 ko siya nakilala."



ANSWERED PRAYER. What's happening in your life nung siya ay dumating?



"Ano, e, nasa peak pa ako noon na hindi ko pa alam kung ano ang gagawin ko sa buhay ko. Katatapos lang ng trabaho ko. Parang dun ko lang na-feel yung nae-enjoy ko yung single life with my single friends. Until parang feeling ko, bakit walang nagmamamahal sa akin? Minsan tinatanong si Lord, 'Lord, parang ba't nangyayari ito sa buhay ko? Puwede bang bigyan Mo ako ng sagot.' Siguro ang naging sagot niya, feeling ko, nung dumating sa akin si Angelo."



Sino ang mas seloso—siya ba o si Angelo?



"Kilala n'yo naman akong magselos. Ako! Oo naman ako! Yun talaga ako, e!" natatawang pag-amin ni Roxanne.



Hindi ba seloso ang boyfriend niya?
"Marunong ding magselos. Pero hindi ako nagpapatalo sa pagseselos. Ako ang winner sa pagseselos. Ganyan naman ang nagmamahalan, e. Siyempre ayaw mong mapunta itong taong ito sa iba."



WEDDING ISSUE. Noong isang linggo ay nauna nang i-announce ni Boy sa SNN (Showbiz News Ngayon) na mag-aasawa na nga si Roxanne at magpapakasal. Nagkaroon ng iba't ibang reaksiyon ang mga tao pati ang mga fans ni Roxanne. How did people react to her?



"Buntis, yun yun. Buntis ka."



Yun ba ang tinatanong agad ng mga tao sa kanya kaya siya magpapakasal?



"Opo."



February 2009, isang espesyal na regalo mula kay Angelo ang ini-reveal ni Roxanne.



"Last year po kasi he gave me this ring," sabi ni Roxanne sabay pakita ng suot niyang singsing. "Birthday ko po yun. When I turned 23, binigyan niya ako. So, akala ng mga tao, 'Naku, engagement na yata 'yan!' Hindi naman. Kinabahan ako. Di ba pag nagbibigay ng singsing, hala. Di ba pag babae ka, yun na yun. Hindi pa pala."



One year after that special ring, isang mahalagang pangyayari sa kanilang relasyon ang ibinahagi ni Roxanne. Dito na sinagot ni Roxanne ang isyu tungkol sa pagpapakasal. Totoo bang siya ay magpapakasal at mag-aasawa na?



"Opo," pagkumpirma ng young actress.



Kailan sila magpapakasal?



"Early next year."



Hindi raw sila puwedeng ikasal ngayong taon dahil na rin sa pamahiin tungkol sa sukob na kasal. This year din kasi ay ikinasal ang kapatid na babae ni Angelo.



"Sister po niya. Mali nga po yung balita, e, lumabas kasi na kapatid ko. Pero originally po talaga ang gusto niya 2011," sabi niya.



THREE MONTS ON THE FAMILY WAY. Paano nag-propose si Angelo?



"Hindi po yung kagaya ng iba na... Siguro dahil may mga sitwasyon kami ngayon na medyo gumugulo sa amin. Yung ibang tao, hayan, nagkakalatan ang mga isyu. Mas naramdaman ko po yung importansiya dahil kailangan na natin inaano, e..."



Kaya napilit na rin si Boy na itanong kung totoo nga bang buntis si Roxanne?



"Opo," kinikilig na sagot ni Roxanne. "And kami naman po, we don't consider this as a big mistake. We consider this as a big blessing, na itong batang ito magiging...magsisimbolo ito ng pagsasama namin until the end of time. Magandang pagsasama, mahirap, lahat. Lahat nandito. Ito yung nabuo sa panahong nagdaan sa amin na away-bati, problema-saya, still, nandito and ibinigay ni Lord."



Ilang buwan na siyang buntis?



"Twelve weeks," sagot ni Roxanne.



THE PROPOSAL. May formal proposal ba si Angelo ng pagpapakasal?


"Meron po. Sa problema na kumakalat, hindi namin alam kung paano ia-announce. Mali ito sa paningin ng tao, nauna ang bata. Sa amin, hindi. Paningin ko, lahat ng babae dream na mauna ang proposal. Pero hindi ko na po ine-expect na magpo-propose pa siya. And then, sinurprise niya ako. So, mas naramdaman ko na napakaimportante ko nga talaga sa buhay niya, na hindi ito gagawin dahil kailangan dahil may bata. Gagawin pa rin natin ito dahil gusto natin."



Paano yung proposal?



"Dinala nila lang po ako doon sa garden nila. And then may cake. Sarado lahat ng ilaw. Pagbukas ng ilaw, 'Will you marry me?' Iyak lang ako nang iyak. Parang feeling ko, napakaespesyal ko namang tao para sa ganitong sitwasyon."



Nang tanungin ni Boy kung may engagement ring bang ibinigay si Angelo kay Roxanne, hindi na sumagot ang aktres bagkus ay ipinakita na lang nito ang suot niyang singsing.



FAMILY'S REACTION. Pagkatapos ng proposal, sino ang una nilang sinabihan?



"Una na po talaga pamilya, mga pami-pamilya po namin. Umuwi po ako ng Cavite right after."



Ano ang reaksiyon ng kanyang pamilya?



"Nakatunganga sila. Siyempre parang bothered lahat kami, e. Hindi namin alam. Nung nalaman kong buntis, ano na ang gagawin ko? Paano ko ito ia-announce? Kahit sa mga managers po namin hindi ko... Kina Mr. M [Johnny Manahan, head of Star Magic], parang natakot akong sabihin. So, parang iisa-isahin ko ito," saad ni Roxanne.



How did she break the news about everything sa kanyang managers?



"Sila po yung... Bukod sa magulang ko, si Ms. Mariole [Alberto] po ang una kong sinabihan. And eventually, sasabihin niya naman po yun kay Mr. M. And hindi po sila na-disappoint. And hindi naman po ibig sabihin nito, sabi nga nila, goodbye showbiz. Hindi po totoo yun. Hello showbiz!" aniya.



Kailan niya nalaman na buntis siya?



"January, mga siguro po pa-Feb [February] na rin po, e."



Nung nalaman niya na buntis siya, ano ang naging reaksiyon niya?



"Naiyak po ako," sagot ni Roxanne. "Hindi po dumaan sa utak ko na patayin yung bata dahil unang lumalabas sa mga ano [diyaryo] na nagpa-abort daw."



Umiyak ka dahil natuwa ka ba, natakot ka ba, kinabahan ka?



"Kinabahan ako paano ko ito gagawin. Pero masarap yung pakiramdam na, 'Ay, kaya ko palang gumawa ng baby na magiging proud ako na 'eto yung anak ko na naging bunga ng pagmamahalan namin.'"



BREAKING THE NEWS TO ANGELO. Paano niya sinabi kay Angelo na buntis siya?



"Tinext ko lang siya. Hindi siya sa akin tumawag, sa ate niya. 'Ate, totoo?'" natatawang sabi ni Roxanne. "At least now, tatlo na kami. And then magiging masaya na yung family niya and sa amin. Ako po kasi, sobra akong mahilig sa bata. Alam niya na paglabas nito, alam niyang magiging masaya ang bata kasi mamahalin ko nang todo."



Ang mommy niya, ano ang reaksiyon?



"Iyak lang nang iyak. Nagulat lang siya. 'Ang aga naman,' sabi niya. Siyempre lahat naman ng magulang, 'Bakit napaaga? Sana kasal muna.' Ang lagi ko lang sinasabi, hindi po talaga nagkulang ang mga magulang ko sa akin."

DEFENDING HER FAMILY. Sa dami ng naisulat, saan talaga siya napipikon?



"Masakit kasi pag pamilya ko na yung sinasaktan ng iba," sabi ni Roxanne.



Ang mommy niya raw ay nagde-demand ng house and lot sa kanyang mapapangasawa. Totoo ba ito?



"May sarili po kaming bahay at lupa. Bago pa ako nag-artista, may negosyo rin ho kami. Nung nag-start po akong magtrabaho, ang kinikita ko para lang sa sarili ko. Hindi ho sila nagde-demand. Ang nanay ko po at ang tatay ko, napakabubuting magulang. 'Eto nga na ganitong nangyari sa buhay ko, ni hindi ko naramdaman ang galit nila," pagtatanggol ni Roxanne sa kanyang mga magulang.



Ano ang dasal niya?



"Nagpapasalamat ako na hindi ako pinapabayaan ng mga taong aakalain kong...pamilya ko nandiyan. Si Angelo, mas hinarap niya yung buhay na kaming dalawa magkasama. Umaasa ako na maging masaya ako. Nakasakit din ako. Ang lagi kong hinihiling, sana hindi ito maulit dahil ibang buhay na itong haharapin ko. Siguro mas magiging mabuting artista ako, mas mahusay, mas mabuting tao, magiging mabuting anak, magiging mabuting ina sa magiging baby ko."



MESSAGES. Sa mga taong hindi nakakaunawa, ano ang nais niyang sabihin sa kanila?



"Hindi naman po ako kriminal. Hindi ko ho pinatay ang bata. Nandito ho kaming dalawa [ni Angelo], haharapin ito. Siguro maraming taong naiintriga, sino ba talaga 'yan? Simpleng tao lang sila, simpleng pamilya. Nagsisikap din sila sa buhay para mabuhay. Mahal ako, mahal ang pamilya ko. Lahat naman tayo we all deserve to be happy."



Ano ang mensahe niya sa mga taong nagmamahal sa kanya?



"Strength ang nakukuha ko ho talaga sa kanila. Excited sila for the baby. Excited sila for the wedding. And naramdaman ko yung sayang iyan sa mga totoong taong nasa paligid ko."



Isang araw, mapapanood ito ng magiging baby niya, ano ang nais niyang sabihin sa baby niya?



"Naku, ngayon pa lang nagso-sorry na ako sa kanya. Kung anuman yung mga pagkakamali ko sa buhay, iga-guide ko na talaga siya kasi ayokong masaktan siya kung paano ako nasaktan dati. Tutularan ko ang ginawa ng nanay ko. Sobrang thankful ako na dumating siya sa buhay ko. Buo ang pamilya ko. May nagmamahal sa akin. Buo ako bilang tao. So, walang kulang sa buhay ko ngayon."



Mensahe niya para kay Angelo.



"Ayokong mangako pero hangga't nabubuhay ako, hangga't nagmamahalan kami, wala na siyang dapat ikatakot, e. Buo ang pamilya naming dalawa. Wala nang puwedeng tumibag sa amin. Ngayon pa na may baby kami."



May maikling mensahe din si Roxanne para sa mga taong naghihintay sa kanyang kumpirmasyon.



"Ngayong narinig na ng lahat ang hinihintay nila. So, wala na siguro silang dapat hanapin pa," sabi niya.
read more "Roxanne Guinoo confirms that she'll get married next year and that she is pregnant"

Claudine, pinagsabihan ni Raymart na tigilan na si Mark Anthony!


SA Pre-Pageant ng Bb. Pilipinas 2010 ay muli naming hiningi ang reaksiyon ni Claudine Barretto tungkol sa paulit-ulit na paghingi ng sorry ni Mark Anthony Fernandez sa kanya, dahil sa hindi natuloy na movie project nila.

Nu’ng oras na `yon, tila kalmado na si Claudine. At sabi niya, gustuhin man daw niyang mag-react, kailangan na niyang tumigil.
“As much as gusto kong mag-react, pinagsabihan na ako ng asawa ko (Raymart Santiago) na tigilan ko na. Tutal matutuloy na ang movie kaya tama na iyon. Huwag na nating pahabain pa,” nakangiting sabi ni Claudine na isa nga sa mga judges ng Binibining Pilipinas 2010.
Anyway, ibinalita na rin ni Claudine na sisimulan na niya ang kanyang unang show para sa GMA-7, ang SRO Sinemaserye na magiging isang drama anthology, na kung saan ipi-feature siya sa iba’t ibang episodes.

“I just had a pictorial for SRO and it’s going to be a drama anthology na. They already showed me scripts for the episodes na gagawin ko. Excited na ako to act again. Matagal din akong hindi nakaranas ng pag-arte on TV.

“Magaganda ang mga storylines na pinakita nila sa akin and we might start taping na by March. Kaya abangan na lang nila ‘yung SRO kasi iba’t ibang istorya ang mapapanood nila and I will be working with the stars of GMA-7,” kuwento ni Claudine.

Lilipad din for the US si Claudine dahil sisimulan na niya ang shooting para sa kanyang movie sa Viva Films at GMA Films, ang In Your Eyes. Kasama niya sa movie sina Richard Gutierrez at Anne Curtis.

“We might start shooting it in April. Kasi nga this March, we will start muna with the TV drama. Magbabangko muna kami bago ako umalis for the US. May ite-tape rin kasi na pang-SRO episode sa US. Kaya I might stay there for over a month.

“This is my first time to work with Richard Gutierrez. Though matagal ko na siyang kilala at pati na ang family niya like si Ruffa na naging kaibigan ko noon pa, Tita Annabelle Rama and Tito Eddie Gutierrez, nga­yon ko lang talaga siya makakatrabaho.

“With Anne naman, it’s also my first time with her. Kahit na nagkakasalubong kami o nagkakasabay ang guestings namin sa ABS-CBN 2 before, she’s a very nice girl and I am happy to work with her,” lahad pa ni Claudine.
read more "Claudine, pinagsabihan ni Raymart na tigilan na si Mark Anthony!"

Ogie, napa-‘ASUS’ sa ‘pagbubuntis’ ni Regine!


MISMONG ang mga taong malalapit kay Regine Velasquez ang tumanggi at nagsabing walang katotohanan ang kumakalat na isyu ngayon na nagdadalang-tao na ito.

Hindi naman itinatago ni Regine na may nangyayari sa pagitan nila ni Ogie Alcasid at kung sakali ngang mabuntis siya, siguradong ikatutuwa nila ito pareho.
Kailan lang ay lumabas ang balitang buntis na si Regine, at hindi pa lang daw nito magawang aminin ay sa dahilan na may mga endorsement contract daw kasi na puwedeng maapektuhan.

Pero as we all know, walang ginawang announcement of pregnancy si Regine sa SOP kahapon. Instead, ang bagong show pa nila na papalit sa SOP, ang Party Pilipinas ang ini-announce nila.

Nang makarating din sa kapatid ni Regine ang isyung buntis na nga raw ito at may announcement na gagawin, ang mabilis na sagot ni Cacai Mitra sa isyu ay, “Hindi totoo ang isyu.”

Nang tanungin naman ang mismong partner ni Regine at siyempre pa, ang ama ng bata ngang ipinagbubuntis daw ng Songbird na si Ogie, ang bukod-tanging naisagot lang nito ay, “Asus!”

Sa isang banda, kung sakali man ngang mabuntis si Regine, we don’t see any needs na itatago or itatanggi pa nila ito. Malamang na pareho pang magi­ging masaya ang dalawa sa pag-a-announce.
read more "Ogie, napa-‘ASUS’ sa ‘pagbubuntis’ ni Regine!"

Shaina, humagulgol sa harap ni Ruffa


MULA sa isang very reliable source, pinagharap na raw ng Star Magic management sina Ruffa Gutierrez at Shaina Magdayao. Nagsimula nga ang isyu sa dalawa nu’ng may nagpadala kay Ruffa ng mga nasty text messages at ang accused suspect nga niya ay si Shaina.Ang pinag-ugatan nga raw ng isyu sa dalawa ay nu’ng ma-link si Shaina kay John Lloyd Cruz na unang na-link romantically kay Ruffa.

Noong mabalitang naghiwalay na sina Shaina at John Prats, na-link agad sa kanya si John Lloyd na balita namang naka-cool off muna ni Ruffa nu’ng time na `yon. Nakita pa ngang nag-date sina Shaina at John Lloyd noon.

Pero nang mabalita namang nakipagbalikan na si John Lloyd kay Ruffa, doon na raw nagsimula na makatanggap si Ruffa ng mga bastos na text messages. Nagpaimbestiga nga si Ruffa at nakapag-conclude ang kampo niya na may kinalaman si Shaina sa pagpapadala ng mga text messages na iyon.

Sey nga ng aming source na pinagharap na nga sina Ruffa at Shaina sa opisina ng Star Magic. Kinuwento nga raw ni Ruffa ang kanyang side at ang kanyang hinala na may kinalaman si Shaina sa mga bastos na text messages.

Sa panig ni Shaina, ayon pa sa aming source, humagulgol daw nang husto si Shaina sa harap ni Ruffa, at buong ningning na nag-deny sa akusasyon na iyon ni Ruffa sa kanya.
read more "Shaina, humagulgol sa harap ni Ruffa"

Melisa, ‘pinagtaksilan’ ni Jason?


Sa unang linggo ng Melason In Love, na tampok ang magsing-irog na sina Melisa Cantiveros at Jason Francisco ay napanood ang kanilang unang tikim sa showbiz - mula sa mga paglabas sa shows, mga interviews, pati na rin ang pagdumog ng mga fans sa kanila.At ngayong linggo, mapapanood ang pla­nong pagdi-date nina Melai at Jason sa isang mall sa Maynila, at ang kontrobersyal na date ni Jason sa isang tagahangang ohwver-ohwverr sa ganda!

Binigyan kasi ng pagkakataon ang fans ng Melason na maka-date sila ng hiwalay. Paano kaya tatanggapin ni Melisa ang pakikipag-date ni sweetypies Jason kay Lucia, na pinagselosan na niya dati? Taksil nga ba si Jason kay Melai?

Anyway, lingid sa kaalaman ng dalawa ay mga kasabwat lang ang mga taong kanilang nakakasalamuha upang subukin ang tatag ng pagmamahalan nila para sa isa’t isa.
read more "Melisa, ‘pinagtaksilan’ ni Jason?"

Jake Cuenca, ‘binitin’ ang fans!


Naramdaman ni Jake Cuenca at ng mga taga­hanga nito ang pagpapahalaga sa kanya ng Bench sa fashion show na ginanap sa atrium ng Mall of Asia noong Sabado.

Ang mga summer collection ng Bench ang ipinakita ng mga model sa pangunguna ni Jake na sinalubong ng malakas na tili at palakpakan. At dahil may kinalaman sa mga summer wear ang fashion show, may mga nag-akala na magsusuot si Jake ng swimming trunks.

Nagkamali sila dahil mga wholesome fashion show lang ang pinapayagan ng SM management. Nakuntento na lang ang audience sa topless na pag­rampa ng aktor. “Jake Takes Off” ang title ng Bench catalogue ni Jake Cuenca at makikita dito ang kanyang mga sexy pictorial.
read more "Jake Cuenca, ‘binitin’ ang fans!"

Saturday, February 27, 2010

Regine, spoiled na spoiled sa GMA!


MASAYANG-MASAYA si Regine Velasquez sa bago niyang kantaserye, ang Diva, sa GMA 7. Unang-una, konsepto raw niya `yon, kaya ganun na lang siya kaligaya ngayong ipalalabas na ito.


“‘Yung basic concept lang ang akin. Because I’ve always wanted to do a musical. Kasi before Totoy Bato, medyo nag-hesitate akong gawin ‘yon, kinausap nila ako to do it. I wanted to do this first.
Matagal na ito. Eh, hindi pa kami ready for it kaya nag-Totoy Bato muna kami. Now that we’re ready sa kantaserye, heto na nga! Ha! Ha! Ha!” pahayag ni Regine.


So, ini-spoil siya ng GMA sa bago niyang series dahil base sa plug, maraming kantahan at production numbers.


“Actually, lagi naman akong binibigyan ng chance to voice out any idea. Always naman akong may idea. Lagi naman nila akong pinagbibigyan, so I’m just happy na given the opportunity to voice out what’s in my head. Minsan din kasi, nakaka-frustrate din ‘yung may gusto kang gawin pero hindi mo nagagawa,” paliwa­nag ng singer-actress.


Spoiled daw siya sa Diva para hindi na siya lumipat sa TV 5?


“Sabi! Ha! Ha! Ha! Parang nabuntis din ‘yon! Eve­ry year, nabubuntis ako! Ang dami ko nang anak! Ha! Ha! Ha!


“Bago matapos ang contract, for some reasons, may nakakaalam pag matatapos na ang kontrata ko! Ha! Ha! Ha! Lilipat na ako agad ang tsismis.


“Pero hindi naman. Mas malaki dito! Loko lang! Ha! Ha! Ha! Ahh, of course, both Ogie and I are staying here. We’re happy naman here. As artists, meron kang minamahal na isang show and you want to improve on it!” deklara ni Regine.


Kung bongga ang ideas niya sa Diva, bakit hindi niya ibahagi ‘yon sa SOP?


“Nabibigyan naman ang ideas ko doon. Doon kasi, hindi lang naman ako ang involved. Lahat naman kami nabibigyan ng pagkakataon to voice out our ideas,” sagot niya.


Malungkot ba siya’t mawawala na ang Sunday show nila?


“It’s sad and at the same time, I’m also excited for the upcoming show. Actually, sa SOP, hindi naman ako original na nandiyan. Mas nararamdaman mo ‘yung lungkot kina Ogie at Janno (Gibbs) kasi sila ang original diyan. Originally, I was asked to do it but I didn’t do it because, I felt I wasn’t ready to do TV that time. It was my sister Cacai who did it. But when she left, I took over. And I loved it. I had fun doing the show and I still have fun doing it. It’s really sad, it’s going to say goodbye already. But, just like everything else, everything has its beginnings and it has to end also. Ganoon lang ‘yon,” rason ng Asia’s Songbird.


Pero itinanggi ni Regine na desisyon niyang palitan na ang SOP ng ibang show.


“It wasn’t my decision to do that. Like I’ve said, SOP is a fun show to do. It’s sad that I’m not always there kasi nga, madami akong raket. Now, they will probably see me more in the new show. Kinakarir talaga namin!” tugon niya.


Party Pilipinas ang magiging kapalit na title ng SOP at sey ni Reg, “Happy ako doon. That’s the title na talaga.”


Same people pa rin ba ang mapapanood?


“It will still be the four of us. Jay-R will still be there and Kyla. La Diva, Vocalistas. May ibang look! Maraming mababago sa show pero alam kong napakalaki ng expectations pero sa akin, mas gusto ko lang mag-enjoy. Pinapanood nila kami dahil nag-e-enjoy kami. Minsan lang kasi, hindi masyadong enjoyable!” katwiran niya.


Hindi na siya magkakasakit?


“Sa albularyo kasi ako nagpupunta! Ha! Ha! Ha!” tugon ni Regine.


Ano na nga pala ang balita sa movie nila ni Aga Muhlach?


“We’re still doing it! Epic na ito! Ha! Ha! Ha! Hindi mo ba alam? We’re really trying our best to finish it.

Kinakasya-kasya namin ‘yung schedule. Na-bu­sy ka­ming lahat!” sabi na lang ni Regine.
read more "Regine, spoiled na spoiled sa GMA!"

Bong, biktima ng audio recording scandal!


ITINANGGI na ni Senator Bong Revilla na boses niya ang naririnig sa 45-second audio recording na ginawan ng video, kalat na kalat sa Internet at mapapanood din sa Youtube.


Sa report ni Jun Lalin ng Abante Tonite, sinabi ni Bong na paninira ang voice clip dahil sa mga kandidatura sa Cavite ng kanyang kapatid na si Strike Revilla at misis na si Lani Mercado. Ang mga nakakakilala raw sa kanya ang makapagsasabi kung boses nga niya ang maririnig sa controversial audio recording.


Napakinggan at napanood na namin sa Youtube ang voice clip. Ipauubaya namin sa mga expert ang pag-iimbestiga sa authenticity ng audio recording pero bilang senador, may kakayahan si Bong na malaman ang pinagmulan ng paninira sa kanya.


May dapat ikatakot ang source ng voice clip dahil kung nagawa niya na ipakalat ‘yon, may kapasidad si Bong na magpaim­bestiga at makilala siya.


Kung na-trace ng FBI sa Pilipinas ang Filipino author ng I Love You virus na nag-paralyze sa mara­ming computer sa buong mundo noong May 2000 at natukoy ng NBI ang nag-upload sa Internet ng sex videos ni Hayden Kho, Jr., capable si Bong na hingin ang tulong ng awtoridad para makilala ang mga naninira sa kanya.


***


Hindi lahat ng tao sa Pilipinas ay computer literate. Hindi lahat ng Pilipino ay pamilyar sa Youtube, lalo na ang mga senior citizen at para sa kapakanan ng aming mga tinutukoy, ang mga sumusunod ang mapapakinggan sa voice clip na ibinibintang kay Bong:


“Kaya itong labanan na ito, siguraduhan. Hindi tayo patatalo dito. Nakataya dito ang pangalang Bong Revilla, ang pangalan ko. Nakataya dito ang 2010 ko. Araw-araw nakatutok na ko sa Bacoor at hindi ko hahayaang matalo ang kapatid ko.


“Atin ang pulis. Hepe ng Bacoor, papalitan na ‘yan. Ang COMELEC, mahirap mang sabihin, kung hindi neutral pero hindi tayo papadaya diyan, malamang tayo pa ang mandaya. Matikman nila na sila’y madaya, putangina nila. Hindi kayo nagkamali ng taya at siguradong panalo ito. MalacaƱang, nakasuporta din sa atin.


“Kung sino man nangha-harass sa inyo, kunin nyo ‘yung pangalan, taga-saan at kami na ang bahala dun.”


Hindi si Bong ang una at kilalang personalidad na biktima ng audio recording scandal. Malamlam ang mga mata at parang bata na humihingi ng pang-unawa si President Gloria Macapagal-Arroyo nang magsabi ito sa bayan ng “I am sorry” dahil sa involvement niya sa Hello Garci scandal.


Nasangkot din sa ganitong eskandalo si Lolit Solis, ang manager ni Bong. Ipinadala sa mga radio station at newspaper office ang tape ng pakikipag-meeting ni Lolit sa kampo ni Hayden noong kainitan ng sex video scandal ng doktor na binawian ng lisensya.


Ang pagkakaiba lang, hindi nag-deny si Lolit at lalong hindi siya nag-sorry. Nairita pa si Lolit dahil edited ang audio recordings na ikinalat ng kanyang detractors.
read more "Bong, biktima ng audio recording scandal!"

Thursday, February 25, 2010

Mark, paulit-ulit na nag-sorry kay Claudine!


HINDI naiwasan ni Mark Anthony Fernandez ang mga tanong ng entertainment press tungkol sa muling pagsabog ng galit sa kanya ni Claudine Barretto.

Ayaw na sanang sagutin pa ni Mark ang issue na ‘yan dahil sinagot na raw niya ‘yan sa Showbiz Central at Startalk, at ayaw na raw niyang pahabain pa ang lahat dahil maraming tao na raw ang nadadamay.


Pero dahil sa kakakulit sa kanya ng press ay napilitan si Mark na muling i-explain ang side niya at kung bakit hindi na matutuloy ang movie project nila ni Claudine sa ilalim ng Viva Films.


Para kay Mark, misunderstanding lang ang lahat at hindi raw nanggaling sa kanya ang balitang ayaw niyang makatrabaho muna si Claudine.


“That’s not true. Wala akong sinabing ayoko siyang makatrabaho muna. Sa totoo lang, excited nga ako noong sabihin sa akin na magkakaroon kami ng movie. I said that ilang beses sa mga interviews sa akin. Natuwa talaga ako kasi it means na okey na kay Claudine iyon.


“Nagkataon lang na sumabay na iyon sa pagpasok ng bagong series na Diva. Alam naman nila dito sa GMA-7 na hindi ko kayang maglagare sa dalawang trabaho. Kapag may show ako, doon lahat ang concentration ko. Ayoko kasing may iba pang trabaho na kasabay,” sambit ni Mark.


Pero sa kabila ng lahat, nag-sorry pa rin si Mark kay Claudine.


“Dapat lang naman na mag-sorry ako. Nobody wants na maging ganito ito kagulo at ayaw ko rin na may iba pang tao na nadadamay. Kaya I’m really sorry sa nangyari and sana nga ay magkaroon talaga kami ng chance na magkatrabaho ulit.”
read more "Mark, paulit-ulit na nag-sorry kay Claudine!"

Gretchen, ‘di natatakot kay Bea!


PAGLABAS ng item na ito ay nakapag-workshop na sina Gretchen Barretto at Bea Alonzo para sa pro­ject na pagsasamahan nila sa ABS CBN 2. Sa 10th year anniversary celebration ng Yes magazine sa NBC Tent, last Tuesday, masa­yang ibinalita ni Greta ang tungkol sa workshop nila ni Bea. Excited si Greta, dahil ‘yun daw ang unang pagkakataon na magkakaharap sila ni Bea.


Kuwento pa ni Gret­chen, pinanood din niya ang movie nina Bea at John Lloyd Cruz, ang Miss You Like Crazy. Bilib na bilib daw siya sa husay umarte ni Bea, pero ipinagdiinan niyang hindi siya nati-threaten sa husay sa pag-arte ni Bea.


Ipinagdiinan din niyang hindi siya nai-intimidate sa husay ni Bea, bagkus mas nai-inspire daw siya at na­tsa-challenge na makasama ito sa project. Nilinaw ni Gretchen na sa halip na magpatalbugan silang dalawa ni Bea, gusto niyang kaibiganin ito para may mapulot siyang tip at maturuan siya nito sa acting.


Ganun daw ang ginagawa ni Gretchen pag may nakakasama siyang mas mahusay sa kanya, na hindi niya itinuturing na kaaway kundi kinakaibigan niya ito para may matutunan siya.


Wala pang ideya si Gretchen kung kailan ilalabas ang serye nilang dalawa ni Bea. Uunahin daw muna ang launching niya ngayong March 7 sa ABS CBN bilang official na Kapamilya talent. Isasabay na rin ang birthday celebration niya sa March 6, na gagawin daw sa ASAP at The Buzz.


Anyway, gustong masurpresa ni Gretchen sa kung anuman ang ireregalo sa kanya ng longtime live-in partner niyang si Tony Boy Cojuangco. Nitong nakaraang Valentine’s Day, isang brand new Jaguar Sports Car ang iniregalo nito sa kanya na ikinaloka niya.


Sa tanong kung paano niya nakumbinse si Tony Boy na balikan uli ang showbiz, masayang ikinuwento ni Gretchen na ito lang ang sinabi niya sa kasintahan, “Hey lover, I have a career. I’ll become rich and have my own money!”


Kung seseryosohin daw niya ang pagpapaalam sa kasintahan, malamang hindi siya pinayagan nito kaya idinaan niya sa pagpapa-kikay.


Salaysay pa ng controversial fashion icon, nag-dialogue raw si Tony Boy sa kanya na mabuti nga raw ito para meron siyang pinagkakaabalahan at malaman nito ang value ng pagtatrabaho.


Pumayag si Gretchen na mag-taping ng 24 hours straight na malayo sa dating cut off time niya na hanggang 12 midnight lang.


“For a few months lang naman, I understand na ganun talaga ang mga bida. Ha! Ha! Ha! Ha!” humahalakhak na sabi pa ni Gretchen.


Naiintindihan naman daw ni Tony Boy kung sakali mang hindi siya makita ng madalas sa kanilang bahay at hindi makatabi sa higaan.


Samantala, nalungkot at nanghinayang si Gretchen sa ginawang paglipat ng younger sister niyang si Claudine Barretto sa GMA 7 mula sa ABS CBN 2. Pero, para sa ikagaganda ng career, kailangan daw magdesisyon ang isang artista at nirerespeto niya ang desisyon ng kanyang kapatid.


Alam ni Gretchen na posible pa rin silang magsama ni Claudine sa project sa ibang pagkakataon lalo’t balik showbiz na siya.
read more "Gretchen, ‘di natatakot kay Bea!"

Annabelle, nanghinayang sa mukha ni Gretchen!



SINADYA raw talaga ni Tita Annabelle Rama na mag-walkout sa presscon ng GMA Kantaserye na Diva last Wednesday nu’ng tawagin na si Ma’am Wilma Galvante upang magbigay ng message na nataong birthday din niya sa araw na ‘yon.


“Ayokong makipag-celebrate ng birthday sa kanya kaya umalis talaga ako!” katwiran ni Tita Annabelle, ang ma­nager nina TJ Trinidad at Ynna Asistio na bahagi rin ng Diva.


Isa kasi si Ma’am Wilma sa nakaaway ni Bisaya bukod kay Jo-Ann Maglipon, editor in-chief ng Philippine Entertainment Portal (PEP), na nakabati na niya. Kaya naman marami ang nagsasabing next na niyang makakasundo ang GMA executive, huh!


“Hindi! Hindi! Wala akong balak!” mariing sabi ng ina ng Gutierrez family.


May kinalaman ang away ng dating magkaibigan kay JC de Vera na nasa Panday Kids ngayon. Pero wala pang tiyak na sagot si Tita Annabelle kung magri-renew pa sa GMA ang alaga niya na pagka-expire ng contract nito next month.


Pagdating naman sa leading ladies ng anak na si Richard sa Captain Barbell, wala pa siyang definite na sagot kung sino. Ayaw pa naman daw kasing pumayag ni Georgina Wilson, ex-girlfriend ni Chard, kung papasukin nito ang showbiz. Pero mukhang payag ang ina na masama sa cast si Jewel Mische.


May kinu-consider ngang baguhang aktres pero si Bisaya na rin mismo ang umayaw dahil baka kapag kinuha nila ito, magkaroon ng negative effect sa programa. Kasi nga, taga-Channel 2 ang baguhang aktres, huh!


Tuloy na rin daw ang movie ni Chard with Claudine Barretto at Anne Curtis at ayon kay Bisaya, ang ganda raw ng story ng movie kaya nila tinanggap ang project.


Anyway, nasa anniversary party rin ng Yes! magazine si Tita Annabelle at kung natuwa siya sa rami ng artista at bisitang dumating, lubha talaga siyang nagulat nang sinabi sa kanyang nandoon din si Gretchen Barretto.


“’Day, hindi ko talaga nakilala si Gretchen! Parang may nabago sa mukha niya! Bakit ganoon ang nangyari sa kanya?” takang-taka na tila nanghihinayang na bulalas ni Tita Annabelle na katsikahan namin sa Wed Club sa Imperial Hotel.


Anyway, magtatagal pa sana si Bisaya sa Wednesday Club pero antuk na antok na raw siya dahil kumain siya ng matamis. Biniro siya ni Tito Alfie Lorenzo na siguro, waiting na sa kanya si Tito Eddie Gutierrez na nakahiga na sa kama.


Out of the blue, tinanong namin siya kung nagsi-sex pa ba sila ni Tito Eddie. Pa-girl at mababa ang boses na sumagot ng, “Oo naman, siyempre naman, Dong! Ha! Ha! Ha! Ha!”
read more "Annabelle, nanghinayang sa mukha ni Gretchen!"

Nipple ni Rufa Mae, sumungaw sa harap ng media!


KASABAY ng presscon ng Diva ang kumpirmasyon na totoo ang balita na last airing na ng SOP sa darating na Linggo dahil papalitan ito, pero mga host pa rin sina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Janno Gibbs at Jaya.


Cast member ng Diva si Rufa Mae Quinto na dating co-host ng SOP. Sa presscon ng Diva, nagpahayag ng kalungkutan si Rufa Mae sa nalalapit na pamamaalam ng Sunday noontime show ng GMA 7.


Malaki ang naging bahagi ng SOP sa buhay ni Rufa Mae dahil walong taon ang itinagal niya sa show bago siya namaalam noong nakaraang taon.


Sa Linggo, muling babalik si Rufa Mae sa SOP para sa grand promo ng Diva at nagkataon din na farewell episode ng programa.
Late man na nag-umpisa ang presscon ng Diva, nabawi ng magandang presentation ang aming pagkainip. Pang-Diva ang grand entrance ni Regine Velasquez sa Studio 7. Kumanta ang buong cast mula kay Gloria Diaz hanggang kina TJ Trinidad at Mark Anthony Fernandez, ang leading men ni Regine.


Hindi makapaniwala si Rufa Mae sa sinabi ng entertainment press na lumitaw ang kanyang nipple habang kumakanta at sumasayaw siya. Masyadong revealing ang red gown na suot ni Rufa Mae at dahil bigay na bigay siya sa pagkanta at pagsayaw, hindi niya namalayan na lumitaw ang maselang parte ng kanyang dibdib.
read more "Nipple ni Rufa Mae, sumungaw sa harap ng media!"

Wednesday, February 24, 2010

Professional gaka, umeksena sa ‘Yes’ party!



May guest list ang event, mahigpit ang security pero nakalusot pa rin ang mga gatecrasher. Isang lalake na malakas ang loob ang lumapit sa media registration table at nagpakilala na member siya ng media.


Nang magtanong kami kung saan siya konektado, buong ningning na sinabi ng lalake na empleyado siya ng GMA 7. Sinabi namin sa mystery gatecrasher na hindi namin siya kilala at wala kaming natatandaan na inimbitahan namin siya.


Nanindigan ang lalake. Taga-GMA 7 siya at empleyado ng Artist Center, sabay pakita sa amin ng kanyang Artist Center ID.


“Hindi kita kilala. Hindi kita nakikita sa Artist Center,” ang aming sagot.


Nagkataon na malapit sa aming puwesto si Gen Magno, isa sa mga senior staff member ng Artist Center. Tinawag namin si Gen at ipinaalam sa kanya ang sitwasyon.


“Taga-Artist Center po ako pero hindi ko kayo kilala,” ang sabi ni Gen sa makulit na unwanted guest.


Muling ipinakita ng lalake ang kanyang ID at dahil ayaw niya na magpaawat, tinawag na ang security people para palabasin siya. Kinuha rin ng security men ang fake Ar­tist Center ID ng lalake.


Ayon sa mga photographer na nakiusyoso sa insidente, professional gatecrasher ang lalake na nagngangalang Manny at sa tuwing nakakalusot ito sa mga showbiz event, nagbabalot siya ng mga pagkain mula sa buffet table. Ang mga litrato ng gatecrasher na kuha ng mga photographer ang ebidensya.


Hindi si Manny ang u­nang tao na nagpanggap na empleyado ng Artist Center. Several months back, ipinakita sa Imbestigador ang kaso ng isang talent scout na nagpanggap na empleyado ng Artist Center at nambiktima ng mga aspiring star. Hiningan ng pera at laptop ng impostor na talent scout ang mga applicant at dahil sa rami ng reklamo laban sa kanya, sinampahan siya ng mga kaso at ikinulong.
read more "Professional gaka, umeksena sa ‘Yes’ party!"

Jake, ‘di nakaiwas sa ‘kasal-buntis’ isyu ni Roxanne!


HINDI nakaiwas si Jake Cuenca sa mga tanong ng press sa kanya during the Yes! 10th year anniversary celebration sa NBC Tent. Iisa nga lang ang naiisip na itanong halos ng mga press kay Jake nang makita siyang dumating.


May kaugnayan pa rin ito sa kanyang ex-girlfriend na si Roxanne Guinoo na ngayon nga ay nagpaplano na raw magpakasal at nababalitang on the family way na raw.


Ano nga ba ang reaction niya sa balitang magpapakasal na ito sa non-showbiz boyfriend?


“Well, congratulation and I’m very happy for her,” say lang ni Jake.Nagulat ba siya nang malaman niya?


“Well, ako, I’m very happy for her. Kung anuman ang makakapagpasaya kay Roxanne, masaya na rin ako roon at saka, congratulation.”


Napapabalitang buntis na ito, pero, nangiti si Jake sabay sabi nang, “wala na akong alam sa ganyan.”


Nagkikita pa rin daw sila minsan kapag nagkakasabay or nagkakasalubong sila sa ABS-CBN at para sa kanya, okey naman daw silang dalawa.


“Sa nakikita ko naman sa kanya, mukha naman siyang masaya at kilala ko naman siya kapag masaya siya.”


May nagtanong kung hindi raw ba siya nanghihinayang na hindi na tala­ga sila nagkatuluyan?


“Well, paulit-ulit na lang din ako, pero, tulad nga nang sinabi ko, kung ano ang makakapagpasaya sa kanya, doon ako. Ang sa akin naman, matagal nang natapos kung anuman ang me­ron sa amin.


“Dapat lang na hayaan siyang mag-move-on to better things in life. So, congratulation to her and to her future husband.”


On his part, wala pa naman daw sa isipan niya ang lumagay sa tahimik.


“Naku, wala pa! Ha! Ha! Ha! Bata pa naman tayo. Trabaho muna. Mara­ming blessing na pumapasok.

So, doon muna ko. At masaya ako na mataas ang rating ng Rubi at gayundin ang ginawa namin ni Angel Locsin na MMK, bukod sa mataas din ang na­ging rating, natutuwa ako na marami ang nagsabi na nagustuhan ang ginawa namin ni Angel,” say na lang ni Jake.
read more "Jake, ‘di nakaiwas sa ‘kasal-buntis’ isyu ni Roxanne!"

Aga-Charlene, ayaw pang sundan sina Atasha at Andres


HINDI namin matukoy kung seryoso lang o biro lang kay Aga Muhlach na naninibago raw siya sa mga kamerang nakatutok sa kanya nang dumating sila sa NBC Tent noong Martes ng gabi para sa YES! 10th year anniversary party.


Dumating si Aga kasama ang asawang si Charlene Gonzalez at sey nga niya, “parang naninibago ako sa mga kamera na nakatutok. Ha! Ha! Ha!”


As much as possible kasi, kung wala rin lang naman siyang ipino-promote, mas gusto pa ni Aga to spend more time with his family, especially sa kanilang rest house sa Batangas.


Pero ngayon, siguradong mas magi­ging visible nga ang actor dahil sa movie na ginagawa nila ni Regine Velasquez under Viva Films, ang Of All The Things at ang sisimulan naman niyang movie with Angel Locsin under Star Cinema.


‘Yung movie nila ni Regine ay umabot na ng ilang buwan at hindi rin natuloy sa supposedly playdate nito na Valentine’s Day. Ano na nga ba ang nangyari rito?


“We started shooting last year and we’ve been doing it for six months already, ‘no. There’s so many delays, for one, ‘yung sa akin, I was overweight last year and I had to lose weight first. And then, schedule-schedule namin. Tapos si Reg naman, this year.


“But then, we talked about it, sina Direk Joyce (Bernal) and sina Regine, basta importante, let’s just come out with a good movie. Kahit matagal gawin, basta maganda lang.”


Sa isang banda, kinumpirma naman ni Aga na bagama’t hindi pa tapos i-shoot ang movie nila ni Regine, sisimulan naman niyang gawin ang movie na pagsasamahan nga nila ni Angel.


“We’re starting the movie on March 23. So, mag-o-overlap na siya.”


Sa huli, tinanong din si Aga at Charlene kung wala pa rin ba silang planong sundan ang kanilang kambal na sina Atasha at Andres lalo na at malalaki na ang kambal?


“Well, we’re happy with our set-up right now. We’re happy with the way things are. So, we leave it that way, ganu’n lang,” say na lang ni Aga.
read more "Aga-Charlene, ayaw pang sundan sina Atasha at Andres"

Richard, dumalo sa party ng dating kaaway!


MARAMI ang nag-aabang sa pamilya Gutierrez, lalung-lalo na kay Richard Gutierrez kung darating nga ba ito sa YES! 10th year anniversary party noong Tuesday ng gabi sa NBC Tent.


Kung matatandaan, nagkaroon ng kaso sa pagitan nina Richard at ng YES! Editor-In-Chief na si Ms. Jo-Anne Maglipon at sa on-line site ng YES! magazine na PEP.ph.


Pero kailan lang, naresolbahan na ang kaso at nagkaroon ng amicable settlement sa dalawang kampo.


At ‘yun na nga, dumalo ang pamil­ya Gutierrez sa party ng Yes. Ayon nga kay Richard nang makausapng press bago ito umalis sa NBC Tent, kung ano ang natutuhan niya sa mga nangyari, “It feels great to be able to forgive and forget and to move forward and be positive.”


Nakatanggap naman daw sila ng imbitasyon kung kaya’t they made sure na lahat sila halos sa pa­milya, kasama ang kanyang ina na si Ms. Annabelle Rama at iba pang Royale Era ta­lents ay dadalo sa event.


Nang araw rin na ‘yun naganap ang story conference para sa pagsasamahan nilang movie for the first time nina Claudine Barretto at Anne Curtis for Viva Films, ang In Your Eyes.


“It’s gonna be a really good film. Very challenging for all of us and very exciting kasi, kakaibang pamilya ‘to.”


Paano raw kaya ang magiging billing nila ni Claudine?


“Ah, hindi pa namin napag-uusapan ‘yun. But of course, it’s an honor for me to work with Ms. Claudine Barretto because you know, when I was growing-up, si Ms. Claudine, she’s Superstar and up to now, she’s one of the best actresses. So, it’s an honor to be working with her.


“So, I never thought that I’ll be working with her.”


Love triangle raw ang kuwento ng pelikula nila na isang pure drama.
read more "Richard, dumalo sa party ng dating kaaway!"

KC, ‘di makapaniwalang ayaw siyang ligawan ni Jericho!


HALATANG gulat na gulat si KC Concepcion nang hingan ito ng reaction sa sinabi raw ni Jericho Rosales na never siyang liligawan. Sina KC at Echo ang magkasama sa movie under Star Cinema, kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay makakasama rin niya ang kanyang Papa na si Gabby Concepcion.


“Talaga? Sinabi niya ‘yun? Bakit niya sinabi ‘yun?”

natatawang tila hindi rin makapaniwalang sagot naman ni KC.


Ipinaliwanag naman kay KC na kaya raw nasabi ‘yun ni Echo, parang respeto na nito sa napapabalita namang rumored boyfriend daw niya ngayon na si Piolo Pascual.


“Well, I don’t know kung ano ang napag-usapan nila, sa totoo lang. Wala talaga akong alam about that. And siguro, ewan ko? Ang dating sa akin, parang usapang lalaki. Ewan ko. Ha! Ha! Ha!”


Hindi pa raw sila masyadong nakakapag-shooting dahil ina-eye pa rin daw na magkaroon sila ng bakanteng schedule na sabay-sabay na tatlo.


“Pero sa tingin ko, they will beat the deadline na by May, matutuloy pa rin ang showing ng movie.”


Last Valentine’s Day naman, ini-spent ito ni KC sa Los Angeles. Ang naka-date raw niya ay isa sa kanyang mga bestfriend na babae at ang kanyang lola na naroon din that time.


Paano si Piolo?


“Ay, ewan ko sa kanya? Hindi ko alam kung ano ang ginawa niya noon. Ha! Ha! Ha! Ha!”


Wala ba itong pagpaparamdam na ginawa sa kanya?


“Well, pareho kasi kaming nasa ibang trip. But he calls naman, nagkakausap naman sa phone.”


Hindi raw niya naging ugali ang magbigay ng Valentine’s gift. Feeling niya, mas ang lalaki talaga ang gumagawa ng ganitong bagay. So, may iniabot na ba sa kanyang Valentine’s gift si Piolo?


“Wala pa, baka parating pa lang. Ha! Ha! Ha! Naku, kayo talaga, ‘yung mga tanong n’yo!,” natatawa na lang niyang sabi.
read more "KC, ‘di makapaniwalang ayaw siyang ligawan ni Jericho!"

Jennylyn Mercado and Valerie Concepcion bagong modelo ng Belo Medical Group


Natuloy na rin ang launching kina Jennylyn Mercado at Valerie Concepcion bilang modelo ng Belo Medical Group na bilang Hot Mamas, huh! Halos pareho nga ng kapalaran sina Jen at Val nang magsimula sa showbiz.


Aba, sa murang edad nila, agad silang nabiyayaan ng mga anak, huh! Una nga lang si Val na naging mother dahil four years old na ang anak niyang si Fiona. Si Jen naman, isang taon pa lang ang anak na si Alex Jazz.


But still, katakam-takam pa rin ang kanilang pigura, sa totoo lang! Pinagpipiyestahan pa rin ang alindog nila sa mga covers ng men’s magazines.


Eh, bukod sa proper diet at exercise, kapwa pumupunta sina Jen at Val sa Belo para sa non-invasive body contouring sessions with Novashape. Kaya naman hindi kataka-takang ang mga young moms na ito ay perfect endorsers ng most trusted beauty clinic ni Dra. Vicki Belo.
read more "Jennylyn Mercado and Valerie Concepcion bagong modelo ng Belo Medical Group"

Marvin, natawa sa bagong image ni Jolina!


HIWALAY muna sina Marvin Agustin at Jolina Magdangal bilang magkapareha sa Panday Kids na humataw nang husto sa ra­tings nu’ng initial telecast nito last Monday.


“Hindi muna kami magkasama ni Jolina. Magkahiwalay ang mga eksena namin. Magkaibang-magkaiba ang mundo na ginagalawan namin. Maybe in other show but definitely, we will not be linked romantically sa Panday Kids sa istorya,” paliwanag ni Marvin na special guest celebrity judge ngayong Huwebes sa Diz Iz It.


Pinakamasama ba niyang role ang Lizardo sa fantaserye?


“Ha! Ha! Ha! Hindi ito masama. Demonyo talaga ang role ko rito!

Ha! Ha! Ha! Lagpas-lagpasan ang kasamaan!” bulalas ng aktor.


Teka, ano ang masasabi niya sa bagong image ng dating ka-loveteam na ala-Lady Gaga?


“Well, okey kasi, we should always welcome change. ‘Yun naman ang dapat nating ginagawa. We reinvent! Sa akin, okey ang ginagawa niya. At least, may bago siyang ino-offer sa tao. Mula doon sa dati na colorful, heto nga­yon, medyo sophisticated na Jolina ang nakikita,” paliwanag ni Marvin.


So, natuwa o natawa ba siya sa bagong image ni Jolina?


“Yeah, natuwa at natawa…”


Nabanggit ba sa kanya ni Jolens na babaguhin niya ang packaging nito?


“Oo, tapos, tinawagan ko siya. Tinanong ko kung Lady Gaga na siya. Sabi niya, hindi naman daw.

Naglagay lang siya ng mga borloloy ulit. Okey naman ang performance niya sa SOP. Sa Dear Friend, may konting dagdag lang sa make up,” pahayag niya.


Siyanga pala, totoo bang ending na ng SOP this Sunday? Kasama ba siya sa masisibak?


“Yes, there’s a re-launch this March! I cannot tell you yet kung ano ang title at kung sinu-sino ang makakasama. Reformat. Secret kung kasama ako. Basta abangan na lang nila,” biting say ni Marvin.


Ibinalita rin ni Marvin na ipalalabas na ang pelikulang nagawa niya under Unitel Productions na Red Shoes kasama si Nikki Gil.
read more "Marvin, natawa sa bagong image ni Jolina!"

Regine Velasquez, pinapangit sa Diva


GINANAP kagabi ang presscon ng Diva sa Studio 7 ng GMA 7. At tulad ng dati, bongga ang presentation ng Siyete, na maaliw ka talaga sa mga gimik nila.


Si Regine Velasquez ang bida sa Diva, at sa title pa lang, obyus na puro kantahan, tawanan ang laman nito. At para mas lalong maging katawa-tawa, pinapa­ngit nga nila si Regine.Makikita nga sa picture ang mukha ni Regine, na bukod sa medyo pinaitim siya, hayun at nilagyan pa ng bukol o tagyawat ba `yon, ang kanyang mukha. At in fairness, carry ni Regine ang maging chaka, ha!


Makakasama ni Re­gine sa Diva sina Mark Anthony Fernandez, TJ Trinidad, Rufa Mae Quinto, Glaiza de Castro, Mark Herras, Ynna Asistio at Gloria Diaz.


At dahil kantahan ito, dapat kasama ang mga singers na tulad nina Buboy Garovillo, Randy Santiago at Jaya, sa kanyang kauna-unahang acting stint.


Marami nga ang nag-enjoy sa unang pagtatambal nina Regine at Mark noon, sa Koreanovelang Ako si Kim Sam Soon nu’ng 2008. Kaya tiwala ang GMA na muling mai-in love sa kanila ang mga fans.
Ang Diva ay mula sa direksyon ni Dominic Zapata.
read more "Regine Velasquez, pinapangit sa Diva"

Francine, tutulungan ni Bongbong


Present kahapon si Francine Prieto sa presscon ng Ever Bilena para kay Bongbong Marcos. I­mage model si Francine ng Ever Bilena products at si Bongbong ang endorser ng EB Blackwater Cologne.


Matagal nang kaibigan ni Bongbong si Deocildo Sy, ang President at CEO ng Ever Bilena Cosmetics.

Idea ni Mr. Sy na imbitahan ang dating presidential son para maging official endorser ng Blackwater Cologne.


Tiniyak ni Mr. Sy na hindi magkakaroon ng problema sa COMELEC ang product endorsement ni Bongbong dahil inalam muna nila ang lahat ng legalidad bago sila nagpatawag ng presscon.
Inimbitahan ni Mr. Sy at Khristine Gabriel (EB PR Director) sa presscon si Francine para personal ito na makilala ni Bongbong. Ang kawalan ng trabaho ang reklamo ni Francine. Ipinakilala siya kay Bongbong dahil kailangan ng artista sa campaign sorties ng ex-presidential son na kumakandidatong senador.
read more "Francine, tutulungan ni Bongbong"

Richard, iiwan na si Heart


ATLONG araw na lang ang Full House nina Richard Gutierrez at Heart Evangelista, at siyempre, abot-tenga ang ngiti o halakhak ba, ng nanay ni Chard na si Annabelle Rama.


Eh kasi naman, matatapos ang Full House na maganda ang ratings, at sabi nga ni Bisaya, may time na ang anak niya na makapagpahinga. Eh, dapat daw sulitin ni Chard ang pahinga, dahil after noon ay raratsada na naman si Chard sa taping ng Captain Barbell.


Eh, mukhang mas excited pa si Bisaya na simu­lan ni Chard ang Captain Barbell. Pero, at the same time, medyo kabado rin daw siya, dahil alam niyang mas maraming stunts at fight scenes si Chard dito.
Well, iiwan na nga ni Richard si Heart bilang leading lady. At ngayon pa lang, iba’t ibang pangalan na ang pinipili na makapareha ni Chard.


Anyway, sa mga huling araw ng Full House, malalaman na natin kung may pag-asa pa bang matuloy sa totohanan ang “kasal” nina Justin (Richard) at Jessie (Heart) o kung mauuwi lang ba sila sa hiwalayan? Lakas loob kasing nag-alok ng kasal si Elaine (Isabel Oli) kay Justin. At walang choice si Justin kundi tanggapin ang alok ni Elaine dahil ginagamit nitong pang-blackmail ang kondisyon niya.


Samantala, malapit na ring tanggapin ni Jessie ang alok na kasal ni Luigi (Patrick Garcia).


Lumipad na nga papuntang States ang buong pamilya ni Justin dahil nami-miss na daw ni Mamita (Pilita Corrales) si Justin. Matapos maramdaman ang pangungulila ni Justin kay Jessie, pinayuhan ni Lorenzo (Ronaldo Valdez) ang anak na sundin kung ano ang nilalaman ng puso nito. Umuwi kaya pabalik ng Pilipinas si Justin?


Sa kabilang banda, pinayuhan naman ni Lisette (Sheena Halili) ang kaibigan na talikuran na ng tuluyan si Justin. Tutal naman daw, mas mahal siya ni Luigi kaya ito na lang ang piliin niya. Sa mahirap na desisyong ito, ano kaya ang gagamitin ni Jessie, ang kanyang utak o ang kanyang puso?


Alamin ang mga kasagutan sa nalalapit na pagtatapos ng Full House.
read more "Richard, iiwan na si Heart"

Nancy, mistulang katulong sa Canada


SEKSING-SEKSI at parang hindi nanganak sa kambal na lalake si Nancy Castiglione. Isa nga si Nancy sa naging special host ng Starstruck V: The Final Judgment last Sunday sa Araneta Colisuem.


Si Nancy kasi ang original host ng unang season ng Starstruck kunsaan kasama niya si Dingdong Dantes.


Magwa-one year old na nga this year ang kanyang twin boys na sina Matteo at Joaquin. Malilikot na raw sila at tuwang-tuwa si Nancy pati na ang kanyang mister na si Nacho Dominguez.


“It’s so fun to be a pa­rent, lalo if your kids are so cute and very bibo. My twins, they run around a lot. Nakakatuwa silang habulin. Kaya siguro hindi ako tumaba kasi I have no time to eat at hands-on ako sa pag-alaga sa kanila.


“Wala kaming maids or yayas sa Canada kaya I do lots of chores like cooking, doing the laundry, cleaning the house and taking care of twin boys na sobrang cute at makukulit.


“But no regrets, this is the life that I chose and I am enjoying motherhood so much. Akala ko noong una mahirap, oo mahirap pero masarap siyang gawin kasi you see your kids growing up and learning so many things,” kuwento ni Nancy.


Matagal na palang nasa Pilipinas si Nancy at ang kanyang pamilya at dito na nga sila naka-base. Kaya naman unti-unti raw siyang magbabalik sa showbiz.


“But of course, priority ko pa rin ang aking mga babies. Kapag kailangan nila ako, sila ang uunahin ko.”


Nagkita na ba sila ng ex-boyfriend niyang si Paolo Contis na magkakaroon na rin ng sarili niyang pamilya?


“Hindi pa nga kami nagkikita or accidentally na nagkakasalubong. But I am happy for the news na magkakaroon na siya ng baby niya and I heard it’s a baby girl.


“I know that Paolo will be a good father. Mabait siyang tao and I know na he will be okay as a dad and husband.


“Siguro kapag nagkita kami, ang pag-uusapan na lang namin ay tungkol sa mga anak namin. And I want our kids to be good friends kasi halos magkakasing-edad lang sila, ‘di ba? That would be so nice!” say na lang ni Nancy.
read more "Nancy, mistulang katulong sa Canada"

Angelika at Oreo, malamig ang pulot-gata sa Korea


Kumuha na ng yaya si Angelika dela Cruz para sa anak niya, ngayong abala na naman siya sa kanyang career. Sabi ni Angelika, ayaw sanang ipagkatiwala ang anak niya sa yaya, pero kailangan daw niyang gawin ’yon para maka­ratsada siya sa mga projects na gagawin. Siyempre, lalo na at pumirma na naman siya ng panibagong kontrata.


Dalawang taon ang kontrata niya sa Siyete, at apat hanggang lima ang shows na gagawin niya.


“Dati ako yung nag-aalaga sa baby namin. Pero ngayong nagti-taping na ako, kumuha na ako ng yaya. Hindi ko naman puwedeng isama sa locations ang anak ko dahil baka magkasakit, lalo na nga­yong mainit ang panahon.


“Pero kapag puwede siyang papuntahin sa taping, ginagawa ko naman. Gusto ko kasing maramdaman ng anak ko kung ano ang trabaho ko. Importante kasi sa mga baby na iparamdam mo kung ano ang ginagawa mo,” esplika ni Angelika.


Kuwento ni Angelika, kahit nagtatrabaho na siya ngayon, pag-uwi niya ay pinipilit pa rin niyang asikasuhin ang anak. Gusto raw niya na laging nararamdaman ng baby niya ang kanyang presence at hindi lang lagi sa yaya.


Obyus na happy si Angel sa buhay may-asawa niya. Napakabait at supportive raw ng kanyang asawa.

Nu’ng sinabi raw niyang nami-miss niya ang showbiz, pinayagan daw siya agad nito na bumalik.


Kagagaling lang sa honeymoon sa Korea nina Angelika at ng mister niya. Naabutan daw sila ng snow roon, kaya sobrang nag-enjoy sila.


Isang mariing ‘NO muna’ ang sagot ni Angelika sa tanong namin na kung masusundan agad ang baby nila, lalo na at kagagaling lang nila sa honeymoon.


Maliit pa raw ang baby nila at ngayon pa lang daw bumabalik ang pigura ng kanyang katawan, kaya ayaw muna niyang mabuntis.
read more "Angelika at Oreo, malamig ang pulot-gata sa Korea"

Bayani Agbayani at Vhong Navarro, walang imbiyernahan!


HINDI nawawala ang friendship sa pagitan nina Bayani Agbayani at Vhong Navarro, kahit na nga magkalaban ang kanilang mga shows, ang Diz Iz It sa GMA 7, at Showtime sa ABS CBN 2.


“Trabahador lang kami sa mga shows namin. Kung ano ang dapat naming gawin bilang mga empleyado sa mga shows namin kailangang gawin namin ng mahusay. Diyan kami nabubuhay. Pero siyempre, hindi puwedeng maapektuhan ang pagkakaibigan namin ni Bayani.


“Hindi man kami madalas magsama sa mga lakaran o gimik, pag nagkita naman kami nagkukuwentuhan kami,” bungad na kuwento ni Vhong.


Sabi ni Vhong, natuwa siya sa magandang pagwi-welcome ng GMA kay Bayani.


“Nabalitaan ko nga na ang dami niyang shows sa GMA. Natutuwa ako para kay Bayani. Napakasipag na tao niyan, tapos very creative pa. Lahat naman tayo nagta-trabaho para mabuhay natin ng maayos ang pamilya natin. Naiintindihan ko ang desisyon niyang lumipat. Kaya natutuwa ako dahil successful ang paglipat niya at sana magtuluy-tuloy ‘yan,” sey pa ni Vhong.


Bilang pagpapatunay na wala talagang namamagitang imbiyernahan sa kanilang dalawa ni Bayani, ibinalita pa ni Vhong na tini-text niya si Bayani.


“Lagi ko siyang tini-text pag may time ako. Kinukumusta ko siya. Nu’ng mag-start ang airing ng show nila, tinext ko pa siya.


“Wala sa aming inggitan. Hindi naman kami mga baguhan sa showbiz na magkakainsekyuran pa. Ang importante sa amin trabaho at kung sino ‘yung kaibigan namin noong nagsisimula pa lang kami, ‘yun pa rin ang kaibigan namin hanggang ngayon.”


Samantala, deadma muna si Vhong sa love life. Natatawa nga siya kapag inili-link siya kay Anne Curtis.
read more "Bayani Agbayani at Vhong Navarro, walang imbiyernahan!"

Rich Asuncion, kinontra ni Dindi Gallardo!


NAKAKITA ng kakampi kay Dindi Gallardo ang Bb. Pilipinas Charities Inc., ang beauty pa­geant organizer na inaakusahan ni Rich Asuncion ng hindi pagbibigay ng cash prize na napanalunan niya bilang 1st runner-up sa 2009 Bb. Pilipinas Contest.


Si Dindi ang 1993 Bb. Pilipinas-Universe at isa siya sa mga pinakakontrobersyal na winner noon.


New-York based na si Dindi at nang magkausap kami noong Lunes, tinanong namin ang da­ting beauty queen-actress kung nagkaroon din siya ng problema sa pagkuha ng kanyang mga premyo mula sa BPCI.


“Hindi” ang sagot ni Dindi. Wala raw siyang naging problema sa BPCI. Hindi rin niya mali­limutan ang kabutihan na ipinakita sa kanya ng buong staff ng organization na inirereklamo ni Rich.


Tinanong namin si Dindi sa mga naging karanasan at trato sa kanya ng BPCI dahil nakita namin si Rich sa Araneta Coliseum noong Linggo.


“One of those” performers si Rich sa Final Judgment Night ng Starstruck V. Teritoryo ng BPCI ang Araneta Coliseum at sa mismong stage nito nagkaroon si Rich ng sariling 15-minute fame.
read more "Rich Asuncion, kinontra ni Dindi Gallardo!"

Aljur, inaming nag-MU sila ni Rich!


NAKARATING na kay Aljur Abrenica ang binitiwang salita ni Rich Asuncion na hindi sila nagkaroon ng relas­yon, at may sagot din siya, “Hindi naman talaga.”


Ipinaliwanag ni Aljur na “mutual understanding” lang ang namagitan sa kanila ni Rich at naging malapit sila sa isa’t isa dahil kapwa sila produkto ng Starstruck Season IV.


Kabilang si Aljur sa mga performer sa Final Judgment Night ng Starstruck V. Ayon kay Aljur, wala siyang nararamdaman na threat sa pagpasok ng mga bagong artista sa GMA Artist Center. Masaya raw siya dahil sa mga bagong kasama niya sa pagbibigay ng entertainment sa mga tao.


Sa male finalists ng Starstruck V, nakita ni Aljur ang sarili kay Rocco Na­cino, ang 2nd Prince title-holder. Pareho raw sila ni Rocco ng determinasyon nang maging contestant siya noon ng Starstruck IV. Ang pagkakaiba lang, Se­cond Prince si Rocco at si Aljur ang bida ng The Last Prince.


Hindi rin threatened si Aljur sa pagpasok ng Panday Kids. Buo ang paniniwala ni Aljur na pa­nonoorin ng televiewers ang Panday Kids at ang The Last Prince, kahit parehong mga fantaserye ang mga nabanggit na primetime show ng GMA 7.
read more "Aljur, inaming nag-MU sila ni Rich!"

Bigay na sapatos ni Marian, ‘di kasya kay Diva!


May mala-Cinderella story si Diva Montelaba, ang 1st Princess ng Starstruck V. Ang pagkakaiba lang, si Marian Rivera at hindi isang prinsipe ang nagbigay sa kanya ng sapatos.


Sa Final V ng Starstruck V, si Diva ang pinakitaan ni Marian ng pagkagiliw dahil nang magkaharap sila, sinabi ni Marian kay Diva na size 7 ang kanyang paa at gusto niya na bigyan ng sapatos ang aspiring actress from Cebu.


Tuwang-tuwa si Diva at nang itanong ni Ma­rian ang sukat ng paa niya, “size 7” din ang kanyang isinagot.


Hindi naging Cinde­rella si Diva nang isukat niya ang sapatos na ibinigay ni Marian. Sa kagustuhan niya na magkaroon ng gamit mula sa isang sikat na celebrity, sinabi niya na size 7 ang kanyang paa. Hindi nagkasya kay Diva ang sapatos. In reality, 9 ang sukat ng kanyang paa.
read more "Bigay na sapatos ni Marian, ‘di kasya kay Diva!"

Tuesday, February 23, 2010

Ulo ni Kris, bawal mauntog ulit!


PINAHINTULUTAN na si Kris Aquino ng kanyang mga doktor na lumabas ng Makati Medical Center, matapos siyang ma-confine ng ilang araw dahil sa pagkadulas sa kanilang banyo habang naliligo.


Sa panayam kay Kris, sinabi niyang normal naman ang resulta ng mga laboratory tests na isinagawa sa kanya, subalit naapektuhan umano ang kanyang inner ear nu’ng mauntog ang kanyang ulo sa bathtub habang siya ay naliligo.


Pag-amin pa ni Kris, malaki raw ang tinamo niyang bukol sa ulo at tumaas din ang kanyang dugo kung kaya’t kinailangan siyang isugod sa ospital. Pero, agad naman daw siyang isinalang sa CT scan para makita kung nagkaroon ng blood clot sa ulo niya, at base nga sa resulta ng CT scan, may concussion o tama ang isang bahagi ng kanyang ulo dahil sa pagkakauntog nito sa bathtub.


Pero, pinayuhan din si Kris ng kanyang mga doktor na bumalik sa ospital sa Miyerkules para sa follow-up check-up. Payo pa rin ng mga doktor kay Kris, kailangan niyang mag-ingat at iwasan na maumpog muli ang kanyang ulo dahil minsan na itong nadisgrasya.


Pinayuhan din si Kris ng co-host niya sa The Buzz na si Boy Abunda na doblehin ang pag-iingat. Na magsilbing leksiyon ito kay Kris, na ingatan nang husto ang kanyang kalusugan, lalo na at sangkatutak ang trabaho nito.


Inamin ni Kris na dahil sa sobrang pagtatrabaho niya, minsan daw ay hindi na niya nabibigyan ng panahon o pansin ang kanyang sarili. Kulang na kulang din daw siya sa pahinga.


“Medyo kailangang mag-ingat kasi meron akong tendency na medyo elevated ang cholesterol, tapos elevated ang blood sugar. Kahit anu-ano na lang ang kinakain ko sa taping,” sabi ni Kris habang naka-confine sa Makati Medical Center.
read more "Ulo ni Kris, bawal mauntog ulit!"

Krista, ayaw makatrabaho ni Ryan Eigenmann!


UNG gaano kataray si Gina Alajar sa kanyang mga naging pahayag noon kaugnay sa pagkakalabas sa The Buzz ng kanyang shout-out sa Facebook tungkol sa pagkaka-link ni Manny Pacquiao kay Krista Ranillo, tinapatan `yon ng tapang ng kanyang panganay na anak na si Ryan Eigenmann.


Ayaw na sanang magsalita pa ni Ryan tungkol sa isyung kinasangkutan ng kanyang ina, pero nu’ng kulitin namin siya ay hindi rin niya napigilan ang magbigay ng maanghang na comment.“Hindi maganda na may sinisisi ka. I mean, tao lang tayo, and we make mistakes. Pero, some people are, nag-start lang naman ito with my Mom’s Facebook status di ba? And her network is her network and her friends. So, kung sinuman ‘yung nangialam ng status niya, could really face criminal justice.

Because what you post on Facebook is your property. And you cannot re-post or publicize it without the consent of the author and that’s what happened,” bungad na sabi ni Ryan.


Deretsahang inamin ni Ryan na nagalit siya nu’ng nabalitaan niyang ginamit ng The Buzz ang shout-out ng kanyang ina.


“Sino ba naman ang hindi magagalit? Kasi kung sa amin mangyari ‘yun, parang ang kapal naman ng mukha noon para gawin ‘yon.”


Edukadung-bobo ang tawag ni Ryan sa na­nguna sa paglalabas ng shout-out ng kanyang ina.


“Wala tayong magagawa. Some people are just… ‘Yun ang masarap tawaging edukadung-bobo. Alam mo namang may mga pinag-aralan, pero ginagawa pa rin ‘yung hindi tama!” mariing sabi ni Ryan.


Anyway, ngayong linggong ito nakatakdang dumating sa Pinas ang tatay ni Ryan na si Michael de Mesa para dumalo sa kasal niya sa February 28. Hindi malayong maungkat na naman ang isyu kina Krista at sa tatay ni Ryan, na sabi-sabing siya umanong rason kung bakit nagkahiwalay noon ang kanyang mga magulang. Doon nga raw nag-ugat ang shout-out ni Gina noon?


Tanong nga namin kay Ryan, baka muling mabuhay ang tsismis kina Krista at sa mga magulang niya?


“Hindi namin palalakihin ‘yan. My mom said her piece na and we said our piece na. Hindi na naman pinag-uusapan ngayon, bakit ko naman palalakihin? Okey na ‘yon. Let them live their lives, let us live our lives,” sey niya.


Nakilala na raw ni Ryan si Krista noon. Katuna­yan, nakagawa na sila ng dalawang project. Pero tahasang sinabi ni Ryan na hindi sila naging magkaibigan ng sexy actress.


Tanong ulit namin kay Ryan, willing ba siyang makatrabaho ulit si Krista ngayon?


“Kung makakatrabaho ko siya and then what?” balik-tanong niya sa akin.


“Kung makakatrabaho ko siya and then what?” muli niyang tanong sa akin.


In-explain namin kay Ryan na maliit lang ang showbiz at siguradong magkikita sila ni Krista.


“It’s not worth it! I wanna work per se, like do good projects. I wanna continue doing good projects, doing good shows. Then, dapat magagaling din ang mga kasama ko,” sarkastikong sabi niya.


Meaning, ayaw makatrabaho ni Ryan si Krista, ha!


Anyway, excited na si Ryan sa wedding nila ni Cathy. Five years na raw ang relasyon nila. Pero, mahigit tatlong taon na raw silang magka-live in.


“It’s about time na ibigay ko na sa kanya, make it right in the eyes of the Lord,” sabi na lang ni Ryan, na gaganap na kontrabida sa Panday Kids ng GMA 7.
read more "Krista, ayaw makatrabaho ni Ryan Eigenmann!"

Toni, atat maging bida sa stage


TODO-HANDA na si Toni Gonzaga sa kanyang nalalapit na concert, ang Love is…Toni Gonzaga, sa Feb. 26 at 27 sa Music Museum. At kahit hindi naman niya first time mag-concert, sobrang excited pa rin ang hitad, ha!
“Excited ako, kasi ngayon lang ulit ako magku-concert. Nu’ng na­karaan kasi, nag- concentrate ako sa movies and hosting. Kaya nga­yong nabigyan ako ng chance na mag-concert ulit, todo-todo talaga ang paghahanda. Na-miss ko rin kasi ang magkaroon ng isang solo concert, `yung ako talaga ang bida sa stage. At saka, ayo­kong ma­pahiya sa mga fans ko,” say pa ni Toni.


Sige nga, tingnan nga natin kung bongga talaga ‘yang concert na `yan ni Toni.
read more "Toni, atat maging bida sa stage"

Jackie, hinding-hindi na babalikan si Biboy!


KINILIG si Jackie Rice nang malaman niyang bumili ng FHM si JC de Vera para makita ang kaseksihan niya. Malutong na halakhak ang reaksiyon ni Jackie nu’ng sabihin namin sa kanya na baka ginawang poster ni JC sa kuwarto nito ang magazine na siya ang cover.


“Ganun?! Ha! Ha! Ha! Ha! Hindi niya sinabi sa akin ‘yon, ah!”


Bakit parang kinikilig siya kay JC?


“Siyempre, JC de Vera ‘yan, eh. Iniidolo na ‘yan ng lahat at isa na yan sa mga big stars ng GMA 7. So, masaya ako. Ha! Ha! Ha! Ha!


Okey lang ba sa kanya na pagpantasyahan siya ni JC?


“Teka, paano ba ‘yang klase ng pagpapantasya? Ha! Ha! Ha!” hirit na tanong ni Jackie sa akin na siinundan ng malulutong na halakhak.


Sabi namin kay Jackie, hindi lahat ng babae ay pinagpapantasyahan ng mga lalaki.


“Happy ako, at least hindi lalake ang tingin nila sa akin o hindi tomboy!” sagot niya.


Okey rin ba sa kanya kung pagpantasyahan siya ng mga tomboy?


“Wala naman akong magagawa kung ‘yun ang gusto nilang gawin. Kanya-kanyang feelings lang ‘yan,” sagot niya.


Posible bang magkagustuhan sila ni JC, lalo na at halos araw-araw silang magkasama sa Panday Kids?


“Friends po kami, pero ayoko muna nu’ng may something, kasi baka makaapekto sa trabaho namin,” say niya.


Anyway, tungkol naman sa ex-boyfriend niyang si Biboy Ramirez, sinigurado ni Jackie na hinding-hindi na siya makikipagbalikan pa rito. Nakapag-move on na raw siya, at okey na `yon.
read more "Jackie, hinding-hindi na babalikan si Biboy!"

Annabelle Rama at Jewel Mische, palihim na nagtsikahan


PALIHIM na bumati si Jewel Mische kay Tita Annabelle Rama na nasa audience habang on–going ang Starstruck V Final Judgment sa Araneta Coliseum last Sunday. Inabot din ng ilang minuto ang palihim na chikahan ng dalawa dahil hindi pa naman agad tinawag si Je­wel sa segment niya sa programa.
Eh, nu’ng tapos na ang Starstruck na pinagwagian nina Sarah Lahbati at Steven Silva, namataan naming palabas na ng artists entrance si Tita Annabelle. Biniro namin siya sa paglapit sa kanya ni Jewel.


“Ha! Ha! Ha! Nakita mo pala ‘yon! Wala naman kaming pinag-usapan. Kumustahan lang, eh mabait namang bata ‘yon!” sey ni Bisaya sa amin.


Si Jewel nga ang sabi-sabing lihim na karelasyon ni Richard Gutierrez.
read more "Annabelle Rama at Jewel Mische, palihim na nagtsikahan"

Starstruck The Final Judgment


SINA Steven Silva at Sarah Lahbati ang Ultimate Male and Female Survivors, respectively ng Starstruck V. First Prince si Enzo Pineda at 1st Princess si Hyacinth Diva Montelaba. Second Prince si Rocco Nacino na sumali na noon sa MYX VJ Hunt bilang Nico Nacino pero hindi pinalad na manalo.


Ang Araneta Coliseum ang venue ng Final Judgment Night, at dahil sa dami ng mga supporter ng Final V, napuno ng audience ang big dome.


Si Rommel Gacho ang nasa likod ng successful at highly-entertaining finale night ng Starstruck V. Mabilis ang pacing ng show, nakakaaliw ang mga production number kaya hindi nainip ang audience, kahit may kahabaan ang mga commercial gap.


Pinakagusto namin ang production number ng siyam na Starstruck Avengers at ng kanilang mga mentor. Brilliant idea ni Rommel na bigyan ng moment ang Starstruck mentors na sina Gina Alajar, Douglas Nie­ras, Abbygale Arenas, Barrbi Chan at Jai Sabas.


Nagmistulang winners din ang Avengers dahil tumatak sa audience ang production number nila.


Kung magiging ka­sing-ganda ng Final Judgment Night ng Starstruck V ang SOP, makakahabol at mapapantayan ng Sunday noontime show ng GMA 7 ang ASAP. Bakit hindi subukan ng GMA 7 na pahawakan kay Rommel ang SOP?
Mas matindi ang rivalry sa male finalists ng Starstruck V kumpara sa competition sa pagitan nina Sarah at Diva. Ang malalakas na cheer ng fans nina Enzo, Rocco at Steven ang nagpasigla sa atmosphere sa loob ng Araneta Coliseum.


Dahil si Steven ang Ultimate Male Survivor, huminto na ang mga intriga na si Enzo ang mananalo dahil mayaman ang kanyang pamilya, at anak siya ni Eric Pineda, ang business manager ni Manny Pacquiao.
Hindi man niya nakuha ang title, panalo pa rin si Enzo dahil mayaman pa rin ang kanyang pa­milya. Biktima man siya ng paninira, lamang pa rin si Enzo dahil sa mata ng mga tao at staff ng Starstruck, siya ang pinakamabait, humble at may breeding.


Isang staff mem­ber ng show ang nagpakuha ng litrato na kasama si Enzo sa huling gabi ng Starstruck para may souvenir siya. Hindi raw niya makakalimutan ang natural na kabaitan at pagiging down-to-earth ni Enzo na pinagkaisahan ng ibang Starstruck male contestants.


***


Pagkatapos ng show, binigyan ng pagkakataon ang entertainment writers na makausap sa press room ang Final V. Malaki ang nagawa kina Sarah at Steven ng kanilang tagumpay dahil bigla silang nagkaroon ng star aura nang pumasok sa press room.


Nakinig kami sa pakikipag-usap nila sa mga reporter pero hindi kami nag-aksaya ng panahon na magtanong. Kung tatanungin namin ang mga natalo sa kanilang naging pakiramdam at sasagot sila ng “Okey lang po, tanggap namin ang resulta ng contest,” hindi kami matutuwa.


Tiyak na iiiral ang aming pagkamalis­yoso dahil malalim na ang gabi para makipagbolahan.

Makukuntento at bibilib kami sa mga loser kung magpapakatotoo sila at sasagot ng “Nalulungkot po ako dahil uuwi ako na luhaan. Ayoko pong magpakaplastik. Hindi okey! Bakit ko sasabihin na natutuwa ako eh su­mali nga ako sa Starstruck dahil gusto kong manalo at maging instant millionaire?”
read more "Starstruck The Final Judgment"

Monday, February 22, 2010

Guess Who??


NAAWA naman kami sa kuwento ng male singer na produkto ng talent search ng isang network. Komo nga wala na siyang regular show, nagpatulong umano ito sa isang taong involved sa network kung saan nakakontrata siya.

Nangako naman daw na tutulungan ng taong ito ang male singer. ‘Yun nga lang, ang kapalit ng tulong ay ikakama siya, huh!

Siyempre, shocked si male singer dahil hindi niya akalaing ang pagkalalaki niya ang magiging kapalit ng trabahong hinihingi niya. Sinumbong daw ni male singer sa isang tao sa network ang gustong mangyari sa kanya ng taong ‘yon. Pero sa halip na magalit sa kuwento, napagsabihan pa raw si male singer na parte na ng pagsikat o pagkakaroon ng trabaho ang pumatol sa bading, huh!
Parang hindi naman tama ‘yon dahil may talent naman ang singer, huh!

So, para magkatrabaho, obviously, lumapit ang bagets sa isang TV host. Pero, natawa na lang ang nagkuwento sa amin dahil kilala rin niya ang TV host na natsitsismis ding nagkakaroon ng kaugnayan sa nakakasama niya sa show.

“A case of from the frying pan to the fire!” daw kasi ang nangyari sa male singer! Ha! Ha! Ha!
read more "Guess Who??"

Dingdong-Marian, umaatikabong lambingan ang ginawa sa Madrid


ANG pakikipaglaban sa malamig na panahon sa Madrid ang maitutu­ring ni Dingdong Dantes na isa sa mga memorable moments nila ni Ma­rian Rivera.

Nahiya lang si Dingdong na magde­talye sa kung anong ibig sabihin niya sa pakikipag­laban nila ni Marian sa lamig. Pero, napangiti at kinilig siya nu’ng sabihin namin na katakut-takot na yapakan at lambingan ang ginagawa nila ni Marian sa Madrid.

Pero, sundot na biro ni Dingdong, hindi raw umubra ang mainit na pagmamahalan nila ni Marian sa malamig na panahon sa Madrid.

“Hindi umubra. Hindi kinaya. Siyempre, nakakagulat sa umpisa. Pero kailangang labanan. Sa­yang din naman kung hindi ka lalabas. Very-very fun. Magandang expe­rience,” say ni Dingdong.
Sa lahat daw ng mga pinuntahang bansa nila ni Marian, hindi nila mali­limutan ang Madrid, dahil doon nagkakilala ang mga pamilya nila.

“‘Yung iba kasi, trabaho pero wala doon ang pamilya or relatives na­ming na sasadyain mo talaga. Kaya unique itong last trip namin,” say pa ni Dong.

Anyway, nadiskub­re raw ni Dingdong na minana ni Marian sa kanyang daddy ang pagiging down to earth, at hilig sa pagluluto.

“Although, ang mommy niya magaling ding magluto.Nakikita ko kung saan nanggaling ang kalahati niya.”

Bagama’t wala raw ibini­gay na souvenir ang tatay ni Marian sa ka­nilang dalawa, sobra-sobra na raw ang ibinigay ni­tong pag-aasikaso sa kanila.

Hindi makakalimutan ni Dingdong ang gina­wang paga-asikaso ng tatay ni Marian sa kanilang accommodation kaya naging kumportable sila sa kanilang tinuluyan.
Balak din ba ng tatay ni Marian na magpunta ng Pilipinas?
“Nasabi niya. And we hope that when the time comes, kami naman ang magpapakita sa kanya ng isang goodtime,” say ng aktor.

Sa tantiya ni Dingdong, tanggap daw siya ng tatay ni Marian. Sabi nga ni Dong, napakabuting tao ng tatay ni Marian.
read more "Dingdong-Marian, umaatikabong lambingan ang ginawa sa Madrid"

Kris, nadulas at na-confine sa ospital!


FOLLOWER kami ni Kris Aquino sa kanyang Tweeter account at aktibo ang actress/host sa kanyang Tweeter. Dito namin nalaman na naka-confine sa kasalukuyan ang aktres sa hospital dahil sa pagkakadulas niya sa kanilang banyo noong Biyernes ng ala-una ng umaga.

Base nga sa tweet ni Kris, “My gosh! Super exhaustion and my lack of balance while scrubbing my legs, I slipped in the shower. Super banged my head around 1:30 AM. So stayed up till 3 am because not supposed to sleep after a bad untog! I’m still dizzy today.”Ang family doctor raw nila na si Doctor Aye Nuguid wanted to make sure na walang concussion na nangyari sa kanya dahil kahit ilang oras na ang lumipas, hilo pa rin daw ang pakiramdam ni Kris.
Pero base pa rin sa tweeter post ni Kris, sinabi niya rito kung ano eksakto ang naging epekto ng pagkakadulas niyang ‘yun kung kaya’t expected na hanggang ngayong araw na ito, Lunes, naka-confine pa rin siya sa Makati Medical Center.

Nag-suffer nga raw si Kris ng concussion. Sey niya sa kanyang tweet, “Forcing myself to update you all. I suffered a concussion. Cerebral and inner ear. Must’ve fallen that hard. Had CT scan. My BP shot up to 180/100. Confined next 3 nights. Good night. Will rest, promise.”

Nasabi rin ni Kris sa kanyang tweet na dumaan na ang kapatid na si Sen. Noynoy Aquino sa kanya sa Hospital on his way to his dinner forum. Ang mga kapatid na sina Ballsy and Pinky naman daw ay nasa Baguio kung kaya’t si Viel lang daw ang nakadalaw pa sa kanya bukod kay Sen. Noynoy.

At sa huling tweet ni Kris, “still dizzy but OK my EEG for brain activity. OK my ECG for heart. Inner ear affected that’s why still so dizzy. Confined till Monday.”

Dahil sa nangyaring aksidente kay Kris, stop taping muna nga siya ng kanilang seryeng Kung Tayo’y Magkakalayo. Hindi rin daw muna ito makakalabas sa SNN at gayundin sa The Buzz kahapon. Minimum of at least three days daw na rest ang order ng doctor kay Kris.
read more "Kris, nadulas at na-confine sa ospital!"

Aljur, iniwan ang girlfriend para kay Kris!


Matapos umaming mahal si Kris Bernal, iniwan na ni Aljur Abrenica ang kanyang girlfriend. Inamin na nga ni Aljur kamakailan na mahal na mahal niya si Kris at sa sobrang saya ay nauwi sa halikan ang pag-amin nila ng pag-ibig sa isa’t isa.

Matagal na pala nilang nararamdam ang atraksyon para sa isa’t isa, pero dahil sa mga taong nakapaligid sa kanila at sa mga nangyayari sa buhay nila, hindi nila ito agad maamin.Hindi na nga napigilan ni Aljur ang pag-amin sa nararamdaman sa takot na mawala muli sa kanya si Kris.
Anyway, sa The Last Prince, isang malaking problema ang haharapin ni Kris. Babalik na sa dating anyo niya bilang Prinsipe Almiro si Aljur at mawawala na ang sumpa.

Sobrang saya ni Almiro samantalang hindi naman makapaniwala si Lara (Kris) na si Almiro at Ramil ay iisa.

Ang hindi alam ng bagong magkasintahan na hindi pa tapos ang malaki nilang problema -- hihigupin si Prinsipe Almiro pabalik ng Paladino pati na rin sina Anexi (Paolo Ballesteros), Dama Rosata (Chanda Romero), Onuro (Francis Magundayao) at pati na ang bahay, samantalang maiiwan naman mag-isa sa baybayin si Lara.

Anong buhay ang naghihintay kay Lara ngayong iniwan siya ng kasintahang prinsipe pala? At paano kung madiskrubre niyang nalipat pala sa kanya ang sumpa!

Subaybayan ang pag-iibigang langit at lupa ang pagitan kasama sina Aljur at Kris sa The Last Prince sa GMA Telebabad.
read more "Aljur, iniwan ang girlfriend para kay Kris!"

Relasyon kay Carlo, itinanggi ni Glaiza!


Deny agad si Glaiza de Castro nang tanungin namin siya tungkol sa balitang boyfriend na niya si Carlo Aquino.

“Hindi po!” sambit ni Glaiza nang mag-guest sa Diz Iz It kamakailan.
Eh, bakit nakita siyang sinusundo ni Carlo?

“Ha! Ha! Ha!” tugon lang ni Glaiza pero walang paliwanag sa sagot niya sa tsismis.
Anyway, ngayong umaga sa Diz Iz It!, si Iza Calzado naman ang celebrity judge. Pumalit muna si Ate Gay kina Michell O’ Bombshell at Gie Kinis bilang special judges.

Sa third week ng Diz Iz It na hinu-host nina Bayani Agbayani, Ehra Madrigal, Grace Lee at Sam YG/Shivaker, iba’t ibang talents ang ipamamalas ng mga kalahok para hindi masabi ng pangit na judge na ginagaya sila ng show sa GMA, huh! Aba, para namang hindi sila poor copycat ng mga foreign shows, huh!

Well, hintayin na lang nating ma-ban ang flash in the pan na judge na ito dahil sa walang preno niyang pahayag tungkol sa mga writers. Hindi raw siya natatakot sa mga nagsusulat ng negatibo sa kanya, huh!
read more "Relasyon kay Carlo, itinanggi ni Glaiza!"