Your Ad Here

Tuesday, March 2, 2010

Anne Curtis spearheads fund drive for Francine Prieto's mom


Young actress Anne Curtis has enjoined her celebrity friends to help out sexy star Francine Prieto’s mom Amelia, who has been diagnosed with ovarian cancer.

Anne was able to reach out to many celebs in such a short time via the worldwide web, and of course, the now ever-ubiquitous celeb toy, Blackberry.

“We brought [the matter] to horizon, sa Twitter, sa Facebook, na walang sapilitan. It’s all for Mommy Amelia. Nag-BM (Blackberry message) lang kami hanggang sa ang dami nang gustong tumulong,” Anne narrated in “Showbiz News Ngayon” on March 1.

“Nabuo lang siya through Blackberry meesages. Wala nang halong politics when it comes to it… nationwide. We’re all in this together, trying to help someone,” she added.

Among those who had extended a helping hand to Mommy Amelia is the star of “Lobo,” Angel Locsin, who donated money.

“Naka-receive ako text. Kung anuman iyong desisyon nila, susuportahan ko naman kasi sobrang for a cause naman,” Angel said.

As of March 1, AnneCurtis’ group has raised about P800,000.

Anne profusely thanked the many celebrities who helped in the fund-raising.

“Sina Tito Boy Abunda, Ate Kris Aquino, Christian Bautista. Ito ‘yung from my list pa lang, ha? Drew Arellano, Iya Villania, Mariel Rodriguez, Jed Madela. Maraming-marami talaga. Then sina Sam Milby, Luis Manzano and Vhong Navarro,” Anne enumerated.

Francine was overjoyed by the outpouring of help from her colleagues in the business.

“Sobrang saya ko na nakakaiyak. Grabe! Ang dami pa palang mababait at mabubuting tao. Maraming-maraming salamat sa pagtulong ninyo sa akin,” the sexy star said.

Amelia Falcon was diagnosed with stage three ovarian cancer last year. She has had six chemotherapy sessions and she’ll be needing more.

Just last week, Francine, with tears running down her face, related the painful experience.

“Noong Sunday nagpatakbo siya sa hospital kasi hindi siya makahinga. Yun pala, may fluid pala ang lungs niya. Ang mommy ko, hindi niya kaya ang pain. Nagpapahinga siya ng one week. Next week kailangan naming megdesisyon kung alin doon sa mga options ng klase ng chemotherapy ang gagawin kay mommy,” she shared via SNN.

“Sabi ko lang sa Diyos na sana, sabi ko, 'Lord tulungan n’yo naman kami. Bigyan N’yo pa ako ng work para makatulong ako kay mommy.' ‘Yung mommy ko nga, nakikita ko hindi siya sususuko, eh, di lalo na ako.”
read more "Anne Curtis spearheads fund drive for Francine Prieto's mom"

Pinoy Big Brother Five charm Baguio


Melai charmed locals with her simplicity.

Pinoy Big Brother big five winners during the Kapamilya Karavan wowed the local crowd with their wit and charm.
The Kapamilya Karavan’s show was an offering of the regional network for the Panagbenga 2010 celebration.

The Karavan held at the SM City Baguio drive over the weekend showcased the local leading soap opera “Rubi” with Angelica Panganiban.

The power cast of the ABS-CBN TV 3 Baguio MAGTV’s Kiko, Ara, Karen and Archie with the participation 103.1 disc jocks, Naimbag na Morning stars and TV Patrol Northern Luzon news anchors and reporters.

PBB Housemates Melai, Paul Jake, Johan, and Tibo were part of the afternoon press conference with the fans and media alike.

Melai gamely answered questions about her new found fame while saying she never dreamed of becoming a star.

Johan said the hospitality and weather of the city was an ideal setting for them after the heat of the lowlands.

Johan showed heart when asked if he would ever fall in love with a gay man. “I have many gay friends,” he said sheepishly.

Malai, however, said the fame and fortune is all passing and is as early as now preparing for the future. “Pag na laos na kami, dapat may ipon na para handa!”

The big five are now busy with acting and personality workshops to enhance their skills before going full blast into their new found careers in show business.

“Di naman akimi prepared talaga sa ganito,” Melai said.
read more "Pinoy Big Brother Five charm Baguio"

Jake at Piolo, labanan sa Ultimate Pinoy Hunk!


AWARE si Jake Cuenca na nabitin ang mga fans sa pag­rampa niya kamakailan sa Mall of Asia. Hindi kasi nag-brief si Jake sa pagrampa, bagkus ay nag-topless lang ito at pantalon, to think na brief ng Bench ang ini-endorse niya.


“Siyempre, may susunod pa, malapit na malapit na.

At least, may aabangan ang mga tao,” sabi ni Jake.


Kung tutuusin, wala namang problema kay Jake kung rumampa siya na naka-brief. Sanay na siya sa ganun, at ginawa na rin niya `yon noon sa Araneta Coliseum.


“Siyempre, nasa mall tayo, at iginagalang natin ang lugar,” sagot lang niya.


Anyway, bagama’t bitin sa bukol ni Jake ang mga fans, marami naman ang humanga sa magandang katawan niya ngayon. Labas na labas nga ang kanyang 6-packs abs.


Pero, pang-iintriga kay Jake, kaya gumanda ng ganun ang kanyang katawan ay dahil nagpaturok siya ng steroids.


“Ang sa akin naman kasi, I really work hard sa gym. Binigyan ako ng panahon, tatlong buwan para paghandaan ito. Sumakto naman, na tapos na ang Tayong Dalawa at wala akong trabaho kaya kinareer ko ta­laga araw-araw sa gym kahit itanong ninyo sa mga co-workers ko.


“Kahit may taping ako, nagdyi-gym ako. At the same, time ‘yung diet ko rin. Hanggang ngayon hindi ko pa rin itinitigil ang diet ko.


“Sa taping nagbabaon ako ng tatlong de-lata ng tuna at kapag nasa bahay ako chicken o turkey o fish lang at no carbs talaga. Pampatanggal ng abs ‘yan.


“Basta, masayang-masaya ako sa katawan ko. Pero may pinagha­handaan pa akong Agimat. Gusto ko naman na maging mas malaki doon. Siyempre, pagdating ng Agimat pagbabalik ko naman ‘yun sa action from Palos. From Tayong Da­lawa, gusto ko namang ibigay ang sarili ko sa proyekto kaya nagpapalaki ako para doon,” kuwento ni Jake.


Natuwa naman si Jake sa comment ng ibang manunulat na inagawan na niya ng trono si Piolo Pascual bilang Ultimate Pinoy Hunk, dahil sa 6-pack abs niya.


“Wow! Ako naman talaga, pagdating kay Piolo, Piolo is Piolo siyempre. Pero, wala naman akong inagaw na trono sa kanya. Pero honestly, compliment sa akin `yon. Pero, Piolo is Piolo!” sagot ni Jake.
read more "Jake at Piolo, labanan sa Ultimate Pinoy Hunk!"

Dingdong, bagong host ng Survivor Philippines


BALITANG si Dingdong Dantes ang magiging bagong host ng Survivor Philippines Season 3. Mula sa isang source, mukhang si Dingdong na ang napili para pu­malit kay Paolo Bediones na mag-host sa isa sa pinakamalaking reality competition show franchise ng GMA-7.


Kung matatandaan ay si Paolo Bediones ang host nito for two seasons bago ito magdesisyon na maging exclusive talent na ng TV5. Marami ang nagtatanong kung sino ang puwedeng pumalit kay Paolo among the many Kapuso talents. At lumabas nga ang name na Dingdong Dantes.


Pero bago pa man daw na piliin si Dingdong, una raw itong in-offer kay Richard Gutierrez, pero imposible raw na magawa niya ito dahil punung-puno na ang schedules niya hanggang early part ng 2011. Kasama nga sa pinaghahandaan ni Ri­chard ay ang pagbabalik ng telefantasya na Captain Barbell.


As for Dingdong, sa June na nga raw magsisimula ang telenovela nila ni Marian Rivera na Endless Love.

Good for one season lang daw iyon at kaya na nitong gawin ang Survivor Philippines Season 3. Isang buwan lang naman siya mawawala para i-shoot ang buong season sa isang undisclosed location.
read more "Dingdong, bagong host ng Survivor Philippines"

Glaiza at Kris, agawan kay Carlo?


KAPANSIN-PANSIN ang pagiging blooming ni Glaiza de Castro ngayon. Mukha nga raw itong in-love at siyempre, ang young actor na si Carlo Aquino ang tinutukoy.


“Natatawa lang ako, kasi dati ko pang kabarkada si Carlo. Hindi ko alam kung bakit kami nali-link ngayon.”


Eh, may nakakakita nga kasi sa kanila na sinusundo siya ni Carlo sa GMA.


“Eh, matagal na namang ganun. Dati pa rin naman. Pero bakit naman dati, hindi naman kami nai-isyu?”


Nililigawan ba siya nito ngayon?


“Hindi ko alam? Kasi, parang ang hirap namang i-define kung nililigawan ka nga ng isang lalaki. Mahirap magsalita, tapos, hindi naman pala. At saka, parehas lang naman, na kung ano ‘yung dati, ganun pa rin naman ngayon.”


So, kung manligaw sa kanya si Carlo, magugustuhan ba niya?


“Tingnan na lang natin,” ang nangi­ngiting sagot niya.


Kumusta naman sila ni Kris Bernal na nali-link din kay Carlo? Bakit parang nag-a­agawan sila kay Carlo ngayon?


“Kami ni Kris? Okey lang? Bakit naman?”


Nagdi-dedmahan daw sila kapag nagkikita?


“Bakit naman kami magdi-dedmahan? Wala namang reason para magdedmahan kami!”


Sa kabilang banda, pinaninindigan ni Glaiza na hanggang ngayon, nananatili pa rin siyang NBSB, which means, “no boyfriend since birth.” Hindi nito itinanggi na ‘yung episode ni Patrick Garcia sa buhay niya, ito raw ang puwedeng sabihin na muntik na, pero, hindi rin nauwi sa pagiging sila.


“Matagal ko na siyang hindi nakikita o nakakausap. I think last year pa yata ang last. Ewan ko, bigla na lang siyang nawala. Ganun yata talaga! Ha! Ha! Ha!” say na lang ni Glaiza, na kon­trabida ni Regine Velasquez sa Diva.
read more "Glaiza at Kris, agawan kay Carlo?"

Marian-Dingdong fans, umapela sa GMA at Regal


LAST Friday, balitang nag-story conference na para sa ikalawang movie at pagsasamahan muli nina Dingdong Dantes at Marian Rivera under GMA Films and Regal Films. Hindi lang kami sure kung natuloy ang original schedule na kahapon, March 1 ang start ng shooting ng dalawa para sa naturang movie with Direk Mark Reyes as the director.


On the other hand, mukhang excited at may halong concerned ang mga Dongyanatics sa bagong movie ng kanilang favorite loveteam. Nakatanggap kami ng e-mail mula sa fans ng dalawa from MParreno na isang U.S. based Dongyanatics with email address of myparr@att.net’.


Nakasaad sa email niya ang kanyang concerns sa gagawing movie ng dalawa.
“I am compelled and driven to share my sentiments with you about the upcoming movie of Dingdong and Marian which is co-produced by Regal Films and GMA Films. I understand the movie is expected to shoot during the months of March and April this year. In addition, it is going to be shown shortly after that to quench the thirst of many of their followers waiting for their team-up once again onscreen.


“When I read this, I had mixed emotions. I was ecstatic to the point we will see them again onscreen but also very apprehensive and disappointed to what seems to be a movie project done in a hasty mode. The fans allegedly are clamo­ring for their much awaited return onscreen. No doubt we certainly are. But to rush a movie pro­ject? No way in hell. That is a disgrace to Dingdong and Marian and most of all an insult to us their avid followers.


“We are very excited and very much optimistic to see our royal couple back onscreen but to rush a movie project and use the fans as excuse is so lame and so unfair. I don’t mean to sound too ostentatious. May I remind you that many of their followers are successful professionals in their own respective fields. We can decipher a quality project from a lousy one. In short, Dingdong and Marian and all their supporters deserve nothing but a good quality and well thought out movie project. I sincerely object to rushing a movie project. As Dingdong said in one article, “we will not take this sitting down”.


“I appeal to your senses and influence. Please convey our sentiments to GMA and Regal and to Mark Reyes as well as Dingdong/Marian. We want a quality comeback movie project for them. We can and will wait patiently. If lessons were learned from the past, a very good promo is indeed a big factor that should be considered as well. Take some tips from ABS-CBN. The public knows and are much smarter.

The movie producers ought to know that by now. We want those involved in this movie project to hear our voices and know how we feel. We can assure you, our all out support will not waver for Dingdong and Marian. All we ask for give our primetime’s first couple a much deserved project that we can be proud of.”
read more "Marian-Dingdong fans, umapela sa GMA at Regal"

Tuta ni Mark, katabi sa pagtulog ni Ynna!


NAKAKALOKA si Ynna Asisitio, dahil itinatabi talaga niya sa pagtulog si Choco, ang tuta na Chihuahua na regalo sa kanya ng special friend niyang si Mark Herras, na kapareha niya ngayon sa Diva ni Regine Velasquez.


So, pag niyayakap at hinihimas niya si Choco, para na ring si Mark ang kayakap at hinihimas niya?


“Hindi naman po! Ha! Ha! Ha! Natuwa lang ako kasi naikuwento ko sa kanya na gusto kong bumili ng aso na ako ang mag-a­alaga. Eh, masyadong napadali at niregaluhan niya ako kaya dapat ko lang alagaan ang aso!” sabi ni Ynna.


Ano ba ang ugali ni Mark na gustung-gusto niya?


“Sobrang understanding at sobrang sweet niya!”Eh, ano naman ang gusto niyang baguhin sa aktor?


“Nabago na, eh! Ha! Ha! Ha! ‘Yung pagkaka-addict niya sa internet. Sa computer games,” sagot ni Ynna.


Ano pa ba ang hinihintay niya para maging opisyal na niyang boyfriend si Mark?


“Hindi sa merong hinihintay. Ini-enjoy namin kung ano ang meron kami ngayon. Mas maganda ‘yung hindi namin minamadali. Mas natatakot ako kapag mina­dali ko dahil baka masira ‘yung relasyong meron kami.”


Ano ba ang madalas nilang pagtampuhan ni Mark?


“’Yung paglalaro niya sa internet ang pinag-aawayan namin. Hindi sa ayaw ko pero naiintindihan ko naman dahil after work, ‘yun ang way niya para mawala ang stress niya. So, bakit ako magagalit?

Nagkaroon lang ng time na pinaghintay kami sa bahay dahil doon! Ha! Ha! Ha! Pero nabago na ‘yon!”


Ano naman ang sinasabi ng mga parents niya kay Mark?


“Nag-usap sina Mark at mommy (Nadia Montenegro) at kung ano ang pinag-usapan nila, wala akong alam doon. Hindi nila sinasabi sa akin ang pinag-usapan nila. Si daddy naman, okey sa kanya si Mark.

Three years nang pabalik-balik sa bahay si Mark. Eh, wala namang ginagawang masama si Mark sa akin kaya walang dahilan para maging masama rin ang tingin sa kanya ng daddy ko.”


Para kay Ynna, kulang pa rin ang 3-years na friendship nila ni Mark upang makilala niya ito nang husto.


“Bawat araw kasi, may nakikita kang bago sa kanya. Takot lang niya sa nanay at tatay ko! Ha! Ha! Ha!”
So, hindi na siya nagpapaligaw sa iba dahil kay Mark?


“Hindi naman po talaga ako nagpapaligaw. Walang nagta-try o nag-a-attempt! Baka takot sila sa magulang ko! Ha! Ha! Ha! Si Mark lang kasi ang nagpapakita sa bahay!” sagot ni Ynna.


Teka, magkakaroon ba sila ni Mark ng kissing scene sa Diva?


“Hindi ko po alam, pero pinayagan ako ni daddy sa ganyan pagdating sa work. Naka-kissing scene ko na sina JC de Vera at Joross Gamboa. So feeling ko, hindi naman magiging iba kung si Mark naman ang ka-kissing scene ko!” paliwanag ni Ynna.


Eh, off-screen, may kissing scene na sila?


“Hi! Hi! Hi! Hi!” tugon lang ng anak ni Nadia.
read more "Tuta ni Mark, katabi sa pagtulog ni Ynna!"

Alessandra, ‘inabuso’ ng dating dyowa!


Matagal-tagal na ring walang lalaki sa buhay si Alessadra de Rossi. May mga nanliligaw naman daw siya, pero hindi raw niya type, kaya prinangka na agad niya na tigilan na ang panliligaw sa kanya dahil hindi niya sila gusto.


Kesa raw paasahin pa niya ang mga lalaking `yon, mas magandang patigilin na niya agad sa simula pa lang.“Kung gusto ko ang isang lalake, ako pa ang manliligaw. Gagawa ako ng paraan para mapansin niya ako at magustuhan niya ako,” sabi ni Alessandra.


At dahil wala nga siyang boyfriend, mas natututukan daw niya ang kanyang trabaho. Katunayan, kasama si Alessandra sa pelikulang Romeo and Juliet, na tumatalakay sa pang-aabuso.


Kuwento ni Alessandra, naka-relate raw siya sa movie dahil biktima rin siya ng iba’t ibang klase ng pang-aabuso mula sa kanyang ex-boyfriend. Tumangging magbanggit ng pangalan ng lalaki si
Alex, para maiwasan daw ang posibleng pagsulpot ng intriga.


Pero ayon kay Alex, mental abused ang naranasan niya sa kanyang dating dyowa.


“Medyo may topak kasi ‘yun noon. ‘Yung tipong ‘hi, halika dito, tapos, ay, huwag kang lalapit, huwag mo akong kakausapin buong maghapon.


“May ganung ugali `yung guy na ‘yon. ‘Yung tipong hindi ka puwedeng makipag-usap sa kanya buong araw. ‘Pag magtatanong ka sa kanya kung ano ang problema, sisigawan ka niya na ‘Don’t talk to me!’ Ang taray, `di ba?


“Araw-araw ganun siya na parang baliw na. Minsan, nanonood lang kayo ng TV tapos biglang magsi-CR ka, maririnig mo kakalabog ‘yung pinto. Paglabas mo wala na siya. Siyempre, matatakot ka! Bakit mo ako iniwan? Eh, kasi hindi mo nilipat sa channel na gusto ko ang TV.’


“Para sa akin, mental abused na ‘yon!” kuwento ni Alessandra na sinundan ng tawa.


Grabeng mental torture raw ang naranasan ni Alex sa tinutukoy na ex-boyfriend niya.


“Grabe talaga! Siyempre, magi-isip ka kung anong nangyaring mali ? Anong ginawa kong mali. Sasabihin niya, wala lang! ‘Ha? Trip lang?’


“Minsan dadalawin mo, may dala kang food. Tatanungin ka, bakit ganyan ang mukha mo? Kasi nga pagod na ako. Bakit ganyan ang mukha mo? Umalis ka na!


Tapos itatapon ‘yung food sa iyo, umalis ka na! Sige, bye-bye! Ako naman aalis na ako, hindi ko kaya!

Ha! Ha! Ha! Ha!” humahalakhak na kuwento pa rin ni Alex.


Anyway, hindi na dinitalye ni Alex kung gaano katagal ang pangtu-torture na ginawa sa kanya ng kanyang ex-boyfriend. Pero, matagal din daw siyang nagtiis sa naturang lalaki.


Bukod sa naturang lalaki, ikinuwento rin ni Alex na nakatikim na rin siya ng physical abused mula sa iba pa niyang naging boyfriend. Kapag naga-away raw sila noon at hinahawakan siya ng mahi­gpit sa kanyang dalawang braso at niyuyugyog, nasasaktan daw siya.


Sabi nga ni Alex, wala raw sa itsura niya ang pagiging martir pero sa tunay na buhay matiisin siya sa kanyang love life.


“Kahit sa mga friends talagang ganun ako. Kung bumitiw na ako, ibig sabihin tinodo mo na ako nang bonggang-bongga! Pero usually, loyal talaga ako kahit sabihin mong friend ‘yan na laging nangungutang nandiyan lang ako kahit inubos mo na ang pera ko,” sambit niya.


Pati raw verbal abused ay nakatikim na rin si Alex.


“Kasama na ‘yon sa ganun kapag nagagalit, minumura ka. Anong ginawa kong mali sa iyo? Pero after naman naming naghiwalay, tsinika ko naman sa kanya ‘yung mga ‘yon. Sabi ko, alam mo nu’ng tayo pa, ang sama-sama ng ugali mo! Kasi nga ganito ka, ganyan.


“In-explain ko sa kanya isa-isa ‘yon. Sabi lang niya, ‘oo nga no’. Kasi nga siguro nu’ng mga time na ‘yun insecure raw siya. Pero, naging friend ko naman siya. Actually, lahat naman sila naging friends ko.”


Pero, ayon kay Alex, okey lang daw sa kanya ang pang-aabusong mental, verbal at konting physical, at kaya raw niyang magtiis. Huwag lang daw siyang kakaliwain.


“Once na ang loyalty ang nawala, bye-bye na talaga. Kaya mo akong ilaglag for that, ano pang puwede mong gawin sa akin,” sabi na lang ni Alex.
read more "Alessandra, ‘inabuso’ ng dating dyowa!"

Roxanne, ‘di raw disgrasyada!


UMAMIN na nga si Roxanne Guinoo kay Boy Abunda sa The Buzz last Sunday na 12 weeks na siyang buntis. At heto naman ngayon ang fan ni Roxanne, na nag-email agad sa akin, na siyempre pa ay ipinagtatanggol ang kanyang idolo. Sige, basahin na lang natin ang email ni Tetcha Emmanuel (tetcha_emmanuel45@yahoo.com):


“Dear Tito Alfie,


“Lalo po akong hu­ma­nga kay Roxanne nu’ng aminin niya na buntis siya, at hindi pumasok sa isip niya na ipalaglag ang bata. I know, may mga taong kumukondena kay Ro­xanne, na hayun nga siya at mukhang mahinhin, pero nabuntis agad kahit hindi pa kasal. Pero, sa totoo lang po, hindi naman siya dapat ikondena, bagkus ay dapat siyang hangaan, na hinarap niya ang sitwasyon niya.


“Maraming taga-show­biz ang nabuntis noon, na nag-deny, pero after 9 months, hayun at nanganak, at nu’ng malaki na ang bata, doon lang inamin na nanay na sila. Kahit itanong niyo pa kina Aubrey Miles, Geneva Cruz, Carlene Aguilar, at marami pang iba.


“Sabi ng mga detractors ni Roxanne, dalagang-ina, o disgrasyada raw siya. Hindi po tama `yon, dahil unang-una, hindi naman tinakbuhan si Roxanne ng lalaking nakabuntis sa kanya, at hayun nga at pakakasalan siya next year. Ang disgrasyada sa pananaw ko ay ‘yung mga nabuntis na lang, at hindi na nakita ang ama ng kanilang ipinagbubuntis. Sa case ni Roxanne, nauna lang talaga ang baby, at isusunod naman agad ang kasal. Eh, may iba nga riyan na nagsasama na, may mga anak na, pero hindi naman kasal. Pero, hindi natin sila kinukondena.


“Sana lang po, maintindihan natin ang sitwasyon ni Roxanne nga­yon. Huwag na sana natin siyang bigyan ng sama ng loob ngayong buntis siya, dahil makakasama `yon sa baby niya.


Dapat maging masaya tayo sa kanya na masaya na siya ngayon. Thank you po, Tito Alfie….”
read more "Roxanne, ‘di raw disgrasyada!"