Your Ad Here

Friday, March 5, 2010

Ruffa, emosyonal ang paglayas sa Dos


Habang pumipirma ng kontrata si Richard sa GMA 7, iniinterbyu naman ng entertainment press ang kanyang kapatid na si Ruffa Gutierrez sa presscon na ipinatawag ng TV5.


Si Percy Intalan (Entertainment TV head ng TV 5) ang nag-announce na opisyal na ang paglipat ni Ruffa sa TV 5. Three-years ang non-exclusive contract na pinirmahan ni Ruffa at tatlong programa ang gagawin niya sa TV5 network.


Kasama ni Ruffa ang kanyang ina nang pumunta siya sa opisina nina TV5 Chairman Manny V. Pangi­linan at TV5 CEO and President Atty. Ray Espinosa nang pirmahan niya ang kanyang kontrata.


Gaganapin ngayong gabi sa Cuneta Astrodome ang Talentadong Pinoy Battle of the Champions at ang pagiging talent scout ng programa ang unang task ni Ruffa bilang contract star ng TV 5. Makakasama ni Ruffa sina Joey Reyes, Audie Gemora, Alessandra de Rossi at Judy Ann Santos.

Hindi napigilan ni Ruffa ang mapaluha nang pasa­lamatan nito ang kanyang mga kasamahan at boss sa ABS-CBN. Hindi raw madali sa kanya na iwan ang mga tao at network na napamahal sa kanya.


“I would like to thank my Kapamilya network for giving me the break, a really well-managed comeback after I left my home in Istanbul in February 2007.


“Nang malaman nila na aalis na ako, nalungkot sila, nalungkot din ako. Nag-iyakan kami nang konti.

Naging emotional na rin ako. You know, I have to grow as an artist and I also have to secure my children’s future because I am a single working mom so this is a very big decision for me,” ang naluluha na sabi ni Ruffa.


“Paparazzi” ang pamagat ng showbiz-oriented talk show ni Ruffa sa TV5 at mga co-host niya sina Cristy Fermin at DJ Mo.


Hindi pa alam ni Ruffa ang araw at timeslot ng Paparazzi pero ikinuwento nila ni Percy na magkakaroon ng grand launch ang TV5 sa 3rd week ng March.
read more "Ruffa, emosyonal ang paglayas sa Dos"

Richard, pumirma ng 3-year contract sa GMA


SA May 2010 pa ang expiration date ng three-year exclusive contract ni Richard Gutierrez sa GMA Network pero ni-renew kahapon ng management ang kanyang kontrata.


Another three years ang exclusive contract ni Richard sa Kapuso network at pinirmahan niya kahapon ang kontrata. Kasama ni Richard sa contract signing na ginanap sa 16th floor ang kanyang nanay at manager na si Annabelle Rama.

Present sa contract signing sina GMA 7 executives Atty. Felipe Gozon at Mr. Jimmy Duavit. Si Atty. Annette Gozon-Abrogar ang magsasabi sa publiko ng next TV project ni Richard sa Kapuso network.
read more "Richard, pumirma ng 3-year contract sa GMA"

Sarah, matutulad kay Angel?


UNTIL now, wala pang nakakaalam ng tunay na dahilan kung bakit bigla na lang nag-break sina Angel Locsin at Luis Manzano. May kina­laman daw kaya ‘yun sa binitiwang statement ni Angel Locsin na for her si Nora Aunor ang ta­nging pinakamagaling na aktres ng henerasyon niya dahil sa balitang gagawin ni Angel ang “Himala” ni Nora Aunor?
Hindi ako makapaniwala sa nag-text sa akin noon na dahil daw sa statement na ‘yun ni Angel ay nainsekyur na naman ang hindi naman resident ng Batangas kung bakit nahalal na mayor. These are the same ones na nagsasabi ng paulit-ulit na tuwing Lunes lang nakikita sa munisipyo si mayor ‘pag flag ceremony. Eh, bakit nahalal pa nilang gobernadora ng Batangas ito? Maulit kaya this year ‘yun?


Medyo naniniwala yata ako sa padalang text na ‘yun. Knowing how insecure nga si Velma when it comes to Nora Aunor na palagi siyang tinatalo sa mga awards! I remember very clearly nu’ng magtatakbong palabas ng New Frontier theatre si Velma nang talunin ni Nora Aunor sa best actress award for “And God Smiled At Me” laban sa “Dama de Noche” ni Velma. Until may gumawa lang ng paraan kaya nanalo si Velma sa FAMAS na ka-tie ni Boots Anson-Roa. Hukayin ninyo si William Leary sa libingan at itanong niyo!


Ngayon ay may nagpapaalala sa akin na nagalit daw si Velma sa akin nu’ng isulat kong pinagnasaan pa ni Velma ‘yung award for Gloria Romero na naging dahilan kaya ‘di naka-grandslam si Ate Glo for “Ta­nging Yaman”. Isang award na lang grandslam na sana si Gloria Romero pero kay Velma pa napunta ‘yun kaya frustrated tuloy ang reyna ng pelikulang Pilipino na tumulong din naman kay Velma para marating ang kinaruruonan ngayon!


Vindictive ba? Ano ‘yun, agua bendetta?


At ngayon, si Sa­rah Geronimo naman ang nagpaulan ng papuri kay Nora Aunor. Fan na fan daw si Sarah ni Ate Guy na itinuturing niyang tunay na Superstar.


Oh debah, iisipin na naman ng Velma na ‘yan na patama sa kanya ni Sarah ‘yun? Lalo na at maka-Villar si Sa­rah at si Velma ay sumasakay ngayon sa bandwagon naman ni Noynoy Aquino?


Si Sarah ang kapareha ni Luis Manzano ngayon sa “Hating Kapatid”. Matulad kaya ang kapalaran ni Sarah kay Angel Locsin na nawalan ng boypren? At si Sarah ay mawawalan ng leading man in Lucky?


Huwag naman sanang maging unlucky si Sarah ha! Huwag sana tayong makadinig ng isang kontrabidang nagsisigaw ng: “Layuan mo ang punyetang babaing ‘yan! Bitiwan mo ang pelikulang ‘yan! Ayoko sa babaing ‘yan na ‘di naman marunong kumanta at ang boses eh maganda pang ‘di hamak ang boses ko!”


Oh sweet sixteen, ne­ver been kissed, never been touched! Ang lelang niyong panot! Hahahaha!


Uhum, the height ng kaplastikan yata ‘yung kuno-kuno eh welcome ang pagbabalik ni Nora Aunor sa Pilipinas at there’s nothing wrong kuno sa pagpapa-facelift!


Naman! Eh sino kaya ang naunang nagpa-deep-set ang mga mata at nagpa-implant ng mga ngipin?


Walang tigil nang katatawag sa akin si Mother Lily para um-attend sa papreskon niya sa mango girl.

Bakit, anong kikitain namin sa papreskon na ‘yun? Eh nu’ng sabay nga ka­ming bumalik ng Pilipinas ng mango girl na ‘yan eh may uwi pa akong ten thousand dollars from Las Vegas, noh!


Samantalang ni one dollar na berde ay ‘di man lang ako naabutan ng indian mango girl na ‘yun!


Eh sa papreskon na ipinatawag ni Mother Lily, magkano ang kikitain ko -- three thousand pesos? ‘Yun lang ba ang halaga ng aking pride and prejudice?


Si Velma Santos ay parang si Judy Ann Santos na inalagaan din namin ang career hanggang sa makadalawang asawa siya! Kaya pala ang ibinigay ng Mahal na Nazareno sa akin ay si Judy Ann Santos dahil ito ang tunay na Santa at hindi ‘yung nagpapanggap lang na Santa!
read more "Sarah, matutulad kay Angel?"

Ryan, iwas sa buntis isyu ni Juday!


MAY news black-out ba sa balitang buntis na ang misis ni Ryan Agoncillo na si Judy Ann Santos? Ang dati kasing palasagot sa mga isyu at hindi nagdadamot na magsalita sa harap ng press na sina Juday at Ryan ay tila nananatiling tikom ang mga bibig tungkol sa naturang isyu.


Ilang kasamahan na namin sa hanapbuhay ang nagtangkang kausapin si Juday, pero
ayaw raw magsalita ng aktres. At kahit anong comment daw ay ayaw talagang magbigay ni Juday.

Palaging ngiti lang daw ang isinasagot sa kanila ng aktres.
Nu’ng mag-taping naman kami sa Juicy ng TV5 kamakailan, nagti-taping din nu’ng mga oras na ‘yon si Ryan para sa Talentadong Pinoy. Sinubukan naming kausapin ang kanyang assistant kung puwedeng makatsikahan ang kanyang alaga.


Pero, nasorpresa kami dahil humingi ng paumanhin sa amin ang nasabing assistant at dahil bilin daw sa kanila ni


Ryan na ayaw nitong magpa-interview sa kahit na sinong press, partikular na sa buntis issue ni Juday.


Sabi nga namin sa assistant, tsitiyempuhan na lang namin si Ryan sa kanyang break time at kahit 5 minutes lang ma-interview man lang namin ang actor-host. Pero, sinagot kami ng assistant ni Ryan na magpaalam na lang kami sa executive producer ng show ni Ryan.


Well, hindi na kami nagpilit na ma-interview si Ryan dahil alam naming hindi uubra ang aming pakiusap.

Pero, sinabi naman ng assistant ni Ryan na magsasalita naman daw ang kanyang alaga sa pocket presscon nito nga­yong linggo at doon na lang daw nito sasagutin ang isyu tungkol sa buntis isyu ni Juday.


Anyway, naalala namin ang sinabi sa amin ni Ryan kamakailan, na hindi siya magku-comment ‘pag may lumabas na buntis isyu sa kanyang misis, puwera na lang daw kung kinakailangan na talaga nilang magsalita at totoo na ang balita.


Sabi pa niya, hindi nila ipagkakait sa lahat ang katotohanan dahil sila mismo ay excited na rin na magka-baby.
read more "Ryan, iwas sa buntis isyu ni Juday!"

Carmina, na-miss ang pagiging tsismosa!


GULAT na gulat si Carmina Villaroel nang malaman na umalis na si Ruffa Gutierrez sa ABS-CBN 2 at lumipat sa TV5.

Nakakatawa nga kung magtanong si Carmina dahil para siyang tsismosang nahuhuli sa balita parati.
Pagpasensyahan na raw siya dahil since nawala raw ang daily show niyang SiS ay nahuli na raw siya sa mga chika sa showbiz.


“Kasi naman nung may SiS pa ako, lahat ng latest na chika alam ko. Nauuna ngang magbalita si Gelli (de Be­len). Siya ang tagahanap namin ng mga tsismis sa show. Kaya up-to-date ako. Kaya noong mawala ang SiS, aba nahuhuli na ako! Feeling ko tuloy hindi na ako in! Ha! Ha! Ha! Ha!” malakas na tawa ni Mina.


Nagparinig nga si Mina na gusto niyang mag-pinch hit paminsan-minsan sa Showbiz Central. Nalaman din kasi niya na tinanggap na rin daw ni Mo Twister ang offer ng TV5.


“Naku gusto kong mag-talk show talaga. Nami-miss ko ang dumaldal nang dumaldal. Kaya feel ko yatang sumali sa Showbiz Central! Ha! Ha! Ha! Ha!


“Serious ako, gusto kong mag-pinch hit or mag-guest host ako. Nami-miss ko kasi ang mga ganyang shows. Gusto ko up-to-date ako sa mga showbiz news. Please, iparating n’yo ‘yan sa Showbiz Central!” pakiusap pa ni Carmina.


Kasama nga pala si Carmina sa bagong sitcom ng GMA-7 na Pepito Manaloto, na kung saan makakasama niya sina Michael V., Manilyn Reynes at marami pang iba.


“Dito ko nga nilabas ang pagiging bungisngis ko. Sa The Last Prince kasi, seryoso ang role ko. Dito sa Pepito Manaloto, akong-ako ang mapapanood nila. Kung gaano ako kakikay at kaingay, dito nila mapapanood iyon,” sabi pa ni Carmina.
read more "Carmina, na-miss ang pagiging tsismosa!"

Sino ang tatanghaling Ultimate Talentadong Pinoy?


Ngayong gabi na rin malalaman kung sino ang magiging kauna-unahang Talentadong Pinoy, sa Ta­lentadong Pinoy Battle of the Champions ng TV5. Gaganapin ito sa Cuneta Astrodome sa Pasay City, sa pangunguna pa rin ng host na si Ryan Agoncillo.


Ang maglalaban-laban sa titulong “Philippines’ First Ultimate Talentado” ay sina ‘Far East’ Gutierrez Acrobatic Family, Wan Lu the Puppeteer, Joshua “The Yoyo Tricker” Davis, The Tribal Dancers, singer Leah Patricio, Omar the Ladder Balancer, Ferdinand Clemente a.k.a.”Makata-tawanan,” at ang chosen Wildcard Challenger na si Jackielyn Pinaso.


Bongga ang line-up ng talent scouts na magdedesisyon at magko-comment dahil magsasama-sama sina Audie Gemora, Direk Joey Reyes, Alessandra de Rossi, Joey De Leon, Judy Ann Santos, at ang latest addition sa Talentadong Pinoy at TV5 family na si Ruffa Gutierrez.


Nasa kamay ng mga talent scouts ang 50% chance of winning ng mga contender, depende sa ibigay na rankings ng bawat talent scout. 50% din ang nakasalalay sa audience text votes, na open ang botohan hanggang Sabado ng gabi until the last performance.


Para bumoto, itext ang corresponding code for each contender to 2256. Text “TP1” to 2256 to vote for the Far East Acrobatic Family; “TP2” for Makata-Tawanan; “TP3” for Leah Patricio; “TP4” for Omar the Ladder Balancer; “TP5” for Wanlu the Puppeteer; “TP6” for Joshua “The Yoyo Tricker”; “TP7” for the Tribal Dancers, at “TP8” for Wilcard challenger Jackielyn Pinaso.
read more "Sino ang tatanghaling Ultimate Talentadong Pinoy?"

Venus at Krissa, pukpukan ang laban sa Bb. Pilipinas


MAIUWI kaya ni Krissa Arrieta Kleiner (Krissa Mae) ang isa sa mga titulong Bb. Pilipinas-World, Bb-Pilipinas-International at Bb. Pilipinas-Universe ngayong gabi?


Sa pre-pageant ng Bb. Pilipinas 2010, nakuha ni Krissa ang award na Best in Talent.

At makatulong kaya `yon para mabigyan siya ng korona?


Anyway, ngayon pa lang ay sabi-sabi na siguradong mag-uuwi ng korona si Candidate No. 10, Maria Venus Raj, na una na ngang nanalo bilang Best in Philippine Terno at Ms. Friendship. Ma­ging maganda kaya ang kapalaran ni Venus nga­yong gabi?


Siyanga pala, sina Dingdong Dantes at Carla Abellana ang magsisilbing hosts ngayong gabi sa Grand Coronation Night ng Bb. Pilipinas Beauty Pageant, na mapapanood pagkatapos ng Imbestigador.
read more "Venus at Krissa, pukpukan ang laban sa Bb. Pilipinas"

Jennylyn at Mark, palihim na naghaharutan?


TOTOO kaya na madalas pa ring dumalaw si Mark Herras sa set ng teleserye ni Jennylyn Mercado?

Kuwento ng isang kaibigan, ilang beses na raw niyang nakita si Mark sa taping ni Jen, at kakaiba raw ang kilos nito, dahil tila hinaharut-harot pa rin nito ang ex-girlfriend.


Teka, paano na si Ynna Asistio, kung totoo nga ang tsismis na ito?


Anyway, nu’ng makatsikahan namin si Mark kamakailan lang, buong ningning niyang inamin na totoong dumadalaw siya sa set ng teleserye ni Jen.

Katunayan, dalawang beses na raw siyang nagpunta, pero isang beses lang daw niyang natiyempuhan doon si Jen.Ang mga friends daw niyang sina Mart Escudero at Ryza Cenon na kasama sa teleserye ni Jen ang siyang dinadalaw niya. Malapit din daw siya sa staff ng naturang teleserye, kaya hindi kataka-takang pumasyal siya roon kapag wala siyang trabaho.


Anyway, iginiit ni Mark na wala na siyang interes na balikan pa si Jen. Hindi raw totoo na hinaharot-harot pa rin niya ito.


Katunayan, prangkahang sinabi ni Mark na wala na siyang alam sa nangyayari sa buhay ni Jen ngayon, lalo na `yung tsismis na hindi na rin ito pumirma ng panibagong kontrata sa GMA 7.


Unang-una, wala na raw rason para alamin pa niya ang mga nangyayari sa buhay ni Jen ngayon.


Oo nga, kay Ynna na talaga tumitibok ang puso ni Mark. Nu’ng tanungin namin siya kung in love ba talaga siya ngayon, agad siyang sumagot na happy talaga siya ngayon. Siyempre, si Ynna ang babae na nagpapaligaya kay Mark ngayon.


So, kung masaya siya kay Ynna, bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maamin-amin ang relasyon nila?


“Siguro for me lang, happy kami kung ano ang meron kami. Looking forward for a deeper relationship na medyo matagal pa nga, kasi 18 pa lang si Ynna. So, bata pa siya.


“Ayokong i-rush ang lahat ng mga bagay,” sambit niya.


Hangga’t maari, gusto ngang sarilinin ni Mark ang kaligayahan niya kay Ynna. Ayaw na raw niyang mangyari pa `yung noon, na ipina­ngangalandakan niya ang lovelife niya, na nauuwi rin sa hiwalayan dahil marami ang nakikialam.


“This time, ayoko na talaga nu’ng marami ang nakikialam. So, pag dumating ‘yung time na ‘yun, sa akin na lang.”


Magkasama sina Ynna at Mark sa Diva, na pinagbibidahan ni Regine Velasquez.
read more "Jennylyn at Mark, palihim na naghaharutan?"