Your Ad Here

Saturday, March 20, 2010

Derek at Angelica magpapakasal sa South Africa?


Pinag-uusapan ng mga channel heads ng ABS-CBN ang umano’y pagpapakasal sa South Africa nina Derek Ramsay and Angelica Panganiban.

Ayon sa narinig kong kuwentuhan, nagpaplano ang dalawang pakasal sa kanilang bakasyon sa na­sabing bansa.

Magbabakasyon ang dalawa sa South Africa at isasabay na rin ang panood ng 2010 FIFA World Cup (international football festival) na ma­pa­panood sa Balls channel sa sports cable ng ABS-CBN kaya na­pag-uusapan ang tung­kol sa plano uma­­nong pagpapa­kasal ng da­lawa.

Anyway, kasama si Angelica sa maraming artistang magpi-per­form nga­yong araw sa ASAP.

Naispatan na namin siyang nag-i-enjoy dito sa Bora.
read more "Derek at Angelica magpapakasal sa South Africa?"

Raymond noon pa 'di boto kay John Lloyd


Cute ang dating sa amin ng tanong ni Ray­mond Gutierrez na “Will I get into trouble?” sa comment niyang “I think she can do with some­one so much better” na patungkol sa naging relasyon ng kapatid niyang si Ruffa Gutier­rez at John Lloyd Cruz.

Hirit pa ni Raymond, hindi siya in favor sa naging relasyon ng kapatid sa aktor, pero ngayon lang siya nag­­salita na wala na ang dalawa.

“Before, ’di ako nag-react because I want them to have space and I res­pect my sister’s decision at ayokong makialam. Ngayong wala na sila, I can talk na, pero will I get into trouble?” ulit nitong tanong.

Smile lang si Raymond nang sabihin naming mag­re-react ang mga fans ni JLC, pero si Ruffa, ang sagot ay “I have to respect my bro­ther’s opinion. Dati, ako ang ma­higpit sa kanila ni Richard, ngayon, sila na ang over protective sa akin,” sabi ni Ruffa.

Anyway, ibinalita ni Raymond na nag-shoot sila ni Richard ng OBB for Party Pilipinas, he’ll be hosting at baka mag-try na rin siyang ku­man­ta. Every Friday, lumalabas sa The Philippine Star ang column niyang The Dia­logue at excited siya sa dalawang bago niyang trabaho.
read more "Raymond noon pa 'di boto kay John Lloyd"

Jean Garcia lasing na lasing sa bora


SEEN : Hinahaluan nina Butch Francisco at Chino Roces ng acting ang kanilang TV hosting at reporting job.

SCENE : FLG at JRD lang ang tawag ni Aljur Abrenica sa dalawang big boss ng GMA 7. Walang “sir.”

SEEN : Lasing na lasing si Jean Garcia sa Boracay. Hinahalikan ni Jean ang mga nagpapa-picture na kasama siya at iniimbitahan niya ng “Let’s party!”

Hindi puwedeng mag-deny si Jean dahil ebidensiya ang mga litrato. Ina…kasusuklaman ba kita?

SCENE : Pilit ang pagli-link kina Jennylyn Mercado at Rocco Nacino. Promong-promo para sa Gumapang Ka sa Lusak.

Si Rocco ang karagdagan sa mga cast mem­bers ng afternoon show ng GMA 7.

SEEN : Malaki ang katawan ni Angelica Panganiban sa kanyang two-piece swimsuit. Dapat magpapayat si Angelica.

SCENE : Ang sobrang closeness nina Pinoy Big Brother Double Up Housemates Paul Jake Castillo at Sam Pinto. Hindi naghihiwalay ang dalawa sa Boracay.

May girlfriend si Paul Jake.

SEEN : Non-showbiz friends ang mga kasama ni Luis Manzano sa Boracay, hindi si Angel Locsin.

SCENE : Kahanga-hanga ang matapang na pagtanggap ni Toni Rose Gayda sa maagang pagpanaw ng kanyang bunsong anak.
read more "Jean Garcia lasing na lasing sa bora"

Jennylyn, open makatrabaho si Patrick Garcia


Open naman si Jennylyn Mercado sa posibilidad na makatrabaho ang dating karelasyon na si Patrick Garcia. Wala rin naman siyang pagtutol kung magkalapit ito at ang kanilang anak na si Alex Jazz. Pero parang ang pagkukulang ay na kay Patrick. Panay ang pagsasabi nito tungkol sa pagnanais niyang mapalapit sa anak pero wala naman yata siyang ginagawang paraan ukol dito. Katunayan ni konting sustento sa anak ay wala siyang ibinibigay. Makakatanggi ba si Jennylyn kung bibigyan niya ng ipon sa bangko ang bata bilang paghahanda sa kinabukasan nito? Huwag na siyang mag-isip pa, gawin na lamang niya at maa-appreciate pa ito ng kanyang mag-ina.
read more "Jennylyn, open makatrabaho si Patrick Garcia"

Mark liliit na ang tsansa kay Sarah


Sa isang singing contest naman ng GMA 7 unang nadiskubre si Mark Bautista, kaya kumbaga, nag­babalik lang siya sa dati niyang bahay.

Makakasama na si Mark sa sisimulang Party Pili­pi­nas ngayong araw na ito and for sure, marami namang pasasayahin si Mark dahil magaling naman siyang performer. Ang siste, mami-miss niya ng husto ang love of his life na si Sarah Geronimo. Baka na­man maagaw ito sa kanya o baka naman lumiit ang tsansa niya rito ngayong bihira na silang magka­kasa­ma? Ito ang malaking panganib sa ginawa niyang paglipat. Baka masapawan siya ni Rayver Cruz.

Sana, maging maganda ang katayuan ni Mark sa Siete. At sana marating niya rito ang hindi n’ya narating sa kabila. Hindi ba Boss Vic (del Rosario)?
read more "Mark liliit na ang tsansa kay Sarah"

Anne tinuruang maging gentleman si Sam


Sa presscon ng Babe, I Love You tinanong namin si Sam Milby kung posible ba siyang ma-in love sa isang babae na opposite ang ugali sa kanya. Isa kasi siyang professor sa movie at si Anne Curtis ay isang promo girl na may pagka-palengkera.

“’Pag mahal ko ang isang babae nang tapat kahit maging sino siya, mamahalin ko,” sagot ng aktor.

Anu-ano naman ang natutunan nila sa isa’t isa sa muli nilang pagtatambal?

“Siguro we got to know each other very well at nagkaroon kami ng more bonding. Tinuruan din ako ni Anne na maging gentleman at marunong mag-excuse,” ani Sam.

Sa kabilang banda, sinabi ng aktres na si Sam ay matiyaga. Kaya natutunan naman nito ang patience sa aktor.

Sa ilalim ng direksyon ni Mae Cruz umikot ang ku­wento sa dalawang karakter na magkaiba ang mundo. Sa kanilang away-bati na relas­yon ay mauuwi ito sa isang malalim na ugnayan.

Palabas na ang Babe, I Love You sa April 3 mula sa Star Cinema.

Maganda at matalino si Direk Mae. Inamin nito na hindi naman siya na-pressure dahil matagal na niyang hinintay na makagawa ng unang full-length movie.

“I have fun doing the film kahit nag-aaway sina Anne at Sam. I’m very excited and nervous dahil ina­asahan ko na ang expectations ng mga tao. This is a different romance with a touch of light comedy and drama,” sabi ng direktor.

Komento pa ni Direk Mae, posible na magkaroon ng reconciliation ang dalawa balang araw. Inamin naman kasi ni Anne na hindi niya isinasara ang pinto at malaki ang tsansa na magkabalikan sila ni Sam.

“We are enjoying our time together day by day. Siya ang deepest love ko four years ago. Marami na kaming pinagdaanan. Alam ko na ang mga mistakes namin before and things are peaceful now,” sabi ng aktres.
read more "Anne tinuruang maging gentleman si Sam"

Richard ibinuking na maraming artista ang feel mag-Survivor


Forty plus days na mawawala si Richard Gutierrez sa June dahil pupunta siya sa isang isla para sa taping ng Celebrity Edition ng Survivor Philippines.

Walang maisagot si Richard sa mga nagtatanong sa isla na magiging location ng Survivor Philippines Celebrity Edition dahil hindi pa rin niya alam.

Basta ang sabi niya, maraming celebrity ang type na mag-join sa reality show na iho-host niya. Handang-handa na si Richard sa pagpunta niya sa undisclosed island.
read more "Richard ibinuking na maraming artista ang feel mag-Survivor"

Sam & Anne together at last in big-screen romance


They are, they are not. They are on, they are off.

Whether Sam Milby and Anne Curtis are or they are not, they are on or off, doesn’t at all matter to their fans as long as Sam and Anne are together, maybe as “special friends” or whatever.

The two look good “together.” They are both half-Filipinos, Sam with one side of him American and Anne, Australian. No wonder they click for sure because of their bi-cultural backgrounds.

In the ABS-CBN soaps Dyosa and Maging Sino Ka Man, which cemented them as a bankable loveteam, Sam and Milby have amply proven that they are more than beautiful faces...that they can also act. Anne has a Best Actress trophy to prove it, won in the 2008 Metro Manila Filmfest entry Baler (produced by Viva Films) in which she plays a fair maiden unsuccessfully prevented by her father (Phillip Salvador who bagged the Best Supporting Actor trophy) from falling in love with an indio (Jericho Rosales).

Sam himself has done a variety of roles, both on TV and in film (mostly co-starring with Toni Gonzaga and Bea Alonzo), most notable of which is a shot-in-the-USA episode for Maalaala Mo Kaya?, hosted by Charo Santos-Concio, in which he and US-based Leandro Mu├▒oz played half-siblings (with Miguel Vera as their father) who become friends only after hurdling some trials.

Sam-Anne fans should thank Star Cinema and Viva Films for finally bringing them together in a big-screen romance-drama, Babe, I Love You, which opens nationwide on Easter Sunday.

Directed by Mae Cruz, Babe, I Love You is the story of two people from opposite worlds. Sam plays Niccolo “Nico” Veneracion, a History of Architecture professor about to become a dean. Anne plays Sandra “Sasa” Sanchez, a promo-girl. Poles apart, will the two fall for each other? Well, they do. But then, some obstacles: They have conflicting backgrounds and besides, will the match softens the heart of Sam’s mother who blames Sam for indirectly causing the death of his father?

“I play a character which is opposite of what I am although I am at ease in the academe,” said Sam.

“I can identify with Sasa but only as far as her feelings and emotion are concerned,” said Anne.

But all is fair in love, isn’t it?

In real life, Sam and Anne were once an item. Even if their romance is said to be “off,” they have remained good friends and that could lead to a possible reconciliation.

Will the off-screen love story of Sam and Anne end up the way that of Nico and Sasa does?
read more "Sam & Anne together at last in big-screen romance"

How Iza changed her bad eating habits


Svelte Iza Calzado does not in any way look like the carefree girl who broke all the rules of healthy eating years ago.

“I was a couch potato,” she recalls those “sinful” days. “I didn’t have any sports. I ate and ate pizza for my midnight snack, doughnuts, candy, chocolate, name it!”

So when did the change of heart start?

It happened — but of course — when she was in her early teens and starting to get conscious about her figure.

“I was in second year high school,” says Iza. She started weaning herself away from the junk food she knew oh so well and switched to vegetables. She willed herself to go on a crash diet.

Iza has been red meat free for the past six years. She’s trying to go organic, too.

“It’s tough,” she admits. But Iza knows it’s the best way to go.

“A shorter life span can be traced back to what we put inside our mouth,” she reasons out.

Today, that slim figure is a product of eating fish, chicken and vegetables, push-ups, regular running, strength training for her arms and other healthy practices.

Iza also swears by herbal supplements and regularly sees a doctor who practices homeopathy.

The boxes of chocolate she gets as gifts remain unwrapped in their fancy containers. Iza recycles them by serving them to visitors or friends who come to her house.Last January, she had a one-hour cold laser treatment to clean her blood.“The procedure uses laser light to cleanse your system. I also had this oxygen chamber treatment that brings oxygen into your body and rids it of parasites, worms and others,” Iza goes on.

Healthy cooking
is a must at home.

“The way you cook your food is important,” she declares. “You may be eating vegetables, but if it’s buried in transfat, it’s useless.”

Her non-showbiz boyfriend helps Iza maintain her healthy lifestyle
. Himself an advocate of an alternative lifestyle, he sometimes asks Iza what her diet for the day is like.

Oh yes, she’s but human and admits to cheating on her diet once in a while. The little girl in her is still coaxing Iza to indulge a little once in a while.

At the presscon of her new show, Healthy Cravings (Saturdays, 11:30 a.m. on Q-11), Iza helped herself to a slice of cake for dessert.

Years ago, she would have just lounged on her favorite chair after a helping of chocolate cake or pancake. But not anymore today. Iza finds time to hit the gym and burn calories after enjoying her chocolate cake or any rich dessert.

Hosting Healthy Cravings with Chef Jeremy Favia of Fresh Choice Always (FCA) is therefore a welcome addition to her to-do list.

The show features the most flavorful healthy recipes and presents ways to be consistent with the diet, even when situations limit food choices. Iza and Jeremy show how you can eat healthy, even when you’re away from home — in school, the office, at a party, etc.

“It’s sad to see adobo, lechon, paksiw, crispy pata, liempo and the like as main party fare. Vegetables are merely side dishes,” observes Iza. She longs for the day when the tables are turned. Vegetables are the main event, while sinful dishes take the sidelines.

She may be all out for putting more vegetables on the table. But Iza is careful not to ram it down people’s throat.

“It’s not that I’m telling you to stop eating meat. It’s still your choice,” she clarifies. “But I would like to encourage more people to eat more vegetables.”

Thus, Healthy Cravings will show televiewers how to prepare vegetarian adobo, among other traditional local dishes. Chef Jeremy will guide people watching at home how to make healthy sinigang broth.

Three recipes — two main course dishes and one dessert — will emphasize nutrition and health.

Healthy Cravings may not convince all televiewers to go vegetarian. The show’s executives realize that. But if it opens minds and makes people ask questions about healthy eating, half the battle is won. If it helps small organic farmers by convincing people to buy their produce, so much the better.

Then Iza, Chef Jeremy, Chef Sau del Rosario and others who have a hand in the show, will feel rewarded. Then the show’s impact will stretch on and on, not just for a season or the here and now. It will cover an entire lifetime of healthy habits as well.
read more "How Iza changed her bad eating habits"

Dennis, walang paki sa Carlene-Yo kasal!


Hindi na big deal kay Dennis Trillo ang balitang kasal na ang ina ng kanyang anak na si Carlene Agui­lar sa boyfriend nitong si Yo Ocampo.

Kumalat nga ang balita na legal na kasal na ang dalawa at ginagamit na raw na apelyido ni Carlene ay Ocampo.


Sabi nga ni Dennis, hindi na raw siya nakikialam sa anumang desis­yon ni Carlene. Ang importante ay hindi napapabayaan ni Carlene ang kanilang anak na si Calix Andreas.


“Whatever na gawin na ni Carlene, desisyon niya ‘yon. May kanya-kanya na kaming buhay. Atsaka matagal ko nang narinig ‘yan pero nahihiya naman akong magtanong kay Carlene kasi nga that’s her life.


“Siyempre, ang wish ko lang ay kung gaano ko kamahal si Calix, sana ay ganu’n din ang pagmamahal na iparamdam ni Yo sa kanya. Bale tatayo na siyang pa­ngalawang ama ni Calix at gusto ko ay mahalin niya ang anak ko.


“But of course, ako pa rin naman ang biological father ni Calix kaya gusto ko ay maalagaan siya nang husto,” sabi ni Dennis.


Habang lumalaki nga si Calix ay nagiging kamukha na ito ni Dennis. Natutuwa nga si Dennis at mas lalo silang nagiging close ng kanyang anak.


“Hindi ako nagpapabaya lalo na kapag araw ng pagkuha ko sa kanya. Kahit na may taping ako ng Gumapang Ka Sa Lusak o ng iba ko pang trabaho, I make sure na kasama ko siya, lalo na kung araw ko.


“Ayokong pumalpak when it comes to my son. Lahat ay gagawin ko para maramdaman niya na isa akong mabuting ama sa kanya,” saad na lang ni Dennis.
read more "Dennis, walang paki sa Carlene-Yo kasal!"

MELIBUG VS. MELASON!


Gustong makapareha ni Bugoy Drilon si Melisa Cantiveros, o Melai, sa pelikula o sitcom. Pero, wala raw siyang balak na sirain ang loveteam nina Melai at Jason Francisco, o Melason.


Kung matutuloy ang pagtatambal nina Melai at Bugoy, tatawagin silang Melibug. So, Melibug vs. Melason?
read more "MELIBUG VS. MELASON!"

Pagkalulong sa droga at sugal, itinanggi ni Cogie!


Halos dalawang taon din na nawala sa sirkulasyon si Cogie Domingo.

Hindi na nga halos maalala ni Cogie ang huling project niya.


Aminado si Cogie na may panghihinayang siya sa nangyari sa kanyang career.


Alam daw niya na marami ang nagkakagusto sa kanya noon at marami ang nagagalingan sa kanyang pag-arte, madalas pa rin daw niyang marinig ang mga katagang, nasasayangan sa kanya dahil siya rin daw mismo, nanghihina­yang nga.


Plano na ni Cogie na magbalik showbiz at tingin naman daw niya, may mababalikan pa rin siya. Halos kasabayan niya noon si Richard Gutierrez sa Click.


“Siyempre, nakakahinayang talaga kapag binabalikan ko. Pero ganun talaga. Ngayon naman, gusto ko na, tingin ko naman, puwede pang makabalik,” sey nga ni Cogie na sa totoo lang, very one liner pa rin kung sumagot nang makita naming guest sa progra­mang Juicy ng TV5.


Bagama’t matipid kung sumagot, itinanggi naman ni Cogie ang mga isyung naugnay sa kanya bago pa umalis at kahit noong panahong hindi na siya aktibo sa showbiz.


Ilan sa mga naging isyu sa kanya noon ay ang diumano’y pagda-drugs niya, pagkalulong sa casino at maging ‘yung pagkakadawit ng pangalan niya sa isyu ni former Gov. Chavit Singson and wife. Lahat ng mga ‘yun ay itinanggi ni Cogie.


“Wala, hindi totoo ‘yung mga isyung ‘yun. Hindi ko na lang pinansin kasi, hindi naman talaga totoo.”


With regards to drugs, kaya raw magpa-drug test ni Cogie and he can prove na malinis siya rito.


‘Yung tungkol sa isyu kay Chavit, dito ay naging matipid lalo sa pagsagot ang nagbabalik na young actor.


“Wala na ‘yun, okey na ‘yun, maayos na naman. So, ayoko nang pag-usapan pa, okey na ‘yun.”


Namalagi si Cogie sa Amerika sa loob halos ng dalawang taon. Tumulung-tulong lang daw siya sa business ng kanilang pamilya kunsaan, nagpapadala sila ng mga nurses abroad.


In fairness, guwapo pa rin si Cogie tulad noong araw na siya halos ang madalas sabihin na crush ng mga kabataang babaeng artista at gustong makapareha. Ang kaila­ngan lang nito ngayon ay ang makapagbawas ng konting timbang.
read more "Pagkalulong sa droga at sugal, itinanggi ni Cogie!"

Mark Herras, mukhang extra sa ‘Diva’!


Marami ang nanghihinayang kay Mark Herras dahil sa role na binigay sa kanya sa Diva. Mukha raw kasing extra at halos wala raw ginagawa sa Diva si Mark.


Nagagalit nga ang mga fans ni Mark dahil binigyan ito ng supporting role sa Diva, eh nagbibida na raw ito.


Pero nang tanungin si Mark ay okey lang daw sa kanya ang role niya sa Diva. Mabibigyan daw siya ng magagandang eksena pero hindi pa raw ito nakukunan. At masaya raw siya na nakatrabaho niya ulit si Regine Velasquez na una niyang naging kapatid sa drama series na Forever In My Heart noong 2004.


“Wala naman akong reklamo sa mga shows na binibigay nila sa akin. Alam ko naman na hindi ako bibigyan ng GMA-7 ng show na hindi ako magagamit nang husto.


“Nagsisimula pa lang naman ang Diva at marami pang mangyayari. May sa­rili akong kuwento sa series kaya abangan nila ‘yon. Sa ngayon, ‘yung mga dance portions ng show, sa akin nakatoka.


“Enjoy naman kami sa taping ng Diva. Masa­yang kasama si Ate Regine. Naging kapatid ko na siya before sa Forever In My Heart. Mabait siya at napaka-supportive sa aming mga baguhan noon.


“Hanggang ngayon ay napakamatulungin pa rin niya. Kaya noong sabihin sa akin na gaganap akong kapatid niya, natuwa ako kasi masarap siyang katrabaho,” nakangiting sabi pa ni Mark.


Sa pagiging Bad Boy on the Dance Floor niya, mukhang may mga makakalaban na siya sa pagsayaw dahil mahuhusay sa sayawan ang mga bagong Starstruck stars na sina Rocco Nacino at Enzo Pineda.


“Parati namang ganyan. May bago at lahat naman sila ay welcome sa aming lahat. Ang maganda rito ay walang bad competition. Pakikisama lang lahat at magtulungan tayo.


“Sina Rocco at Enzo, magagaling silang suma­yaw at may sarili silang mga moves na nakaka-impress.

Magkakasama naman kami sa Party Pilipinas, kaya doon kami magkakaroon ng magandang samahan, lalo na’t pare-pareho kaming mahilig sa pagsayaw,” pagtatapos pa ni Mark.
read more "Mark Herras, mukhang extra sa ‘Diva’!"

Cristine, ‘dyarum-dyarum’ ang lovelife?


Dyarum-dyarum daw ang lovelife ni Cristine Reyes ngayon, na ang ibig sabihin daw ay masayang-masaya ito sa bagong lalaki sa buhay niya.


Nu’ng makatsikahan nga namin si Cristine kamakailan, buong-ningning niyang itinanggi na may boyfriend siya ngayon, o may la­laking nagpapaligaya sa kanya.

Depensa pa niya, kaya siya nag­lagay ng dyarum-dyarum sa Facebook account niya ay dahil masaya siya sa career niya.“For me kasi, ang dyarum-dyarum ay masaya. Masaya naman talaga ako ngayon, pero sa career ‘yon. Gusto ko lang kumanta nung time na ‘yon, dahil ang dami ngang blessings sa career ko ngayon.


“So, kapag marami kang blessings, dapat kumanta ka, dyarum-dyarum,” natatawang sabi ni Cristine.


Pagdating kay Dennis, tikom na ang bibig ni Cristine. Matagal na raw silang hiwalay at imposible na silang magkabalikan, kaya a­yaw na niyang magsalita pa tungkol dito.


Wala na raw silang kaugnayan pa sa isa’t isa. Pero, inamin niya na paminsan-minsan ay nagti-text pa rin sila ni Dennis para magkumustahan.


Anyway, kasama nga pala si Cristine sa pelikulang Working Girls ng Viva Films, na dinirek ni Joey Reyes.
read more "Cristine, ‘dyarum-dyarum’ ang lovelife?"

Yeng Constantino, ayaw maniwalang kamukha niya si Madame Auring!


Hindi alam ni Yeng Constantino kung paano sasagutin ang isyung tomboy siya dahil sa pambabasted niya sa tatlong guwapong kalalakihan sa showbiz. Una nga niyang binasted si RJ Jimenez.


Pero ayon kay Yeng, nagkaroon na sila ng understanding ni RJ nu’ng nasa Pinoy Dream Academy pa sila, pero dahil tutol ang parents niya na magkaroon siya ng boyfriend noon, hindi ito natuloy.


Kasunod na binasted daw ni Yeng ay si Carl Guevarra, na nasundan pa ng pambabasted niya umano kay Jason ng Rivermaya.


Pero hirit ni Yeng, friends lang talaga ang turing niya kay Carl kahit masugid itong nanligaw sa kanya noon. Kinausap daw niya ang binata na ayaw muna niyang magka-boyfriend.


Si Jason ng Rivermaya, inamin niya na natakot siyang ma-fall nang husto sa binata kaya agad niya itong sinabihan na itigil ang panliligaw sa kanya.


“Kasi mabait si Jason at pareho kaming artist. Nakikita ko naman ‘yung sincerity niya. Ako kasi, madali rin naman akong ma-ano. So, bago pa uma­bot sa hindi ko inaasahan, sinabihan ko na si Jason na huwag na lang,” esplika sa amin ni Yeng nu’ng makausap namin siya sa guesting niya sa Juicy.


Hindi itinanggi ni Yeng na nagkaroon ng pagbabago sa samahan nila nu’ng sabihan niya ang binata na tumigil sa panliligaw sa kanya.


“Hindi na kami mas­yadong nagti-text. Nagkakamustahan lang minsan. ‘Yung mga text niya, wala nang concern. Pero, friends pa rin kami. Mabait ‘yun.”


Ang mala­king rason ni Yeng kung bakit ayaw niyang magka-boyfriend ngayon ay dahil gusto niyang mag-focus sa kanyang career.


“Iba kasi ako pag na-in love, natatakot ako na baka makaapekto sa focus ko sa work ang lovelife. Mas gusto kong magtrabaho muna at huwag muna ‘yung mga love-love na ‘yan,” pag-amin niya.


Anyway, hindi naman kataka-takang magustuhan ng mga barako si Yeng dahil maganda ito sa personal. Kahawig nga raw ito nina Maja Salvador, Amy Perez, Charice Pempengco at Imelda Papin.


Pero, hindi siya naniniwala na kamukha niya si Madame Auring. Hindi raw siya naiinis sa mga nagsasabing kamukha niya si Madame Auring, dahil alam niyang hindi ‘yon totoo.
read more "Yeng Constantino, ayaw maniwalang kamukha niya si Madame Auring!"

Problema sa datung, itinanggi ni Eugene!


Itinanggi ni Eugene Domingo ang tsismis na hindi siya nagbibigay ng komisyon sa dati niyang manager na si Rikki Gallardo kaya sila nagkahiwalay.


“Hindi totoo ‘yon! ‘Yung secretary ko nga, sinusuwelduhan ko ngayon. Ang gusto ko lang mangyari, diretso ang usapan sa producer, sa creative team. May sekretarya ako pagdating sa schedules kaya hindi totoo ‘yung tsimis na komisyon ang dahilan ng hiwalayan namin,” paliwanag ni Eugene na kasama sa pelikulang Working Girls.


Ngayong tapos na ang WG, dalawang movies pa ang ginagawa ni Eugene, ‘yung sa Star Cinema at sa Regal Films. Pagda­ting naman sa TV, on-going pa rin siyang napapanood sa SRO: Hot Mama at sa pagtatapos ng Cool Center, kapalit nito ang reality comedy show nila ni Allan K na Laugh Kita! simula sa April 10.
read more "Problema sa datung, itinanggi ni Eugene!"

Demanda ni Mark sa dating manager, suportado ni Jolina!


Walang yearly contract si Jolina Magda­ngal sa GMA Network. Although mapapasama pa rin siya sa kapalit na show ng SOP na Party Pi­lipinas, per show lang ang kontrata niya sa network at hindi annually.


Nilinaw ni Jolina na hindi na rin involved sa career niya ang kanyang daddy Jun Magdangal.
“Okey naman kami ng daddy ko. ‘Yung lumabas na tsismis na nag-alsa-balutan ako, hindi totoo ‘yon!

Itong pagpapalit ko ng manager, three years na naming pinag-uusapan ni daddy. And finally, napagdesisyunan ng buong family. Hindi kami nagkakagulo dahil sa desisyon ko. Desisyon ng lahat ang pangyaya­ring ito,” paliwanag ni Jolina.


Ano naman ang suporta niya sa boyfriend niyang si Mark Escueta, drummer ng bandang Rivermaya, sa kasong isinampa niya laban sa dating manager ng grupo at sa pag-angkin ng pangalan ng banda nila?


“In fairness kay Mark, kasi wala naman akong alam sa mga kaso, nakikita ko, nararamdaman ko siya na kaya ganoon ang reaksyon niya at pakikipaglaban sa grupo, lalo na siya, kasi, ilang years na ang Rivermaya, 15 years na, dala na rin ‘yon sa pinagda­anan nilang hirap sa grupo ng experience dahil that time, ang dami nilang kasabayang iba.


“Naiintindihan ko ‘yung ganoong feeling. Pinaghirapan kasi nilang lahat ‘yon. Tapos, kung magkakagulo ng ganoon, masakit talaga sa kanya.


“Okey naman kami ni Mark. Magkasama sana kami ngayon pero nag-file pa sila ng isang kaso kaya ganoon. Nakakaloka talaga! Ha! Ha! Ha!” pahayag ni Jolina na nasa cast din ng Panday Kids.
read more "Demanda ni Mark sa dating manager, suportado ni Jolina!"

Dahilan ng maagang pagalis ni Jc de Vera sa GMA


Nalaman namin sa presscon ng TV5 para kay JC de Vera ang dahilan ng kanyang napaagang pag-alis sa Panday Kids ng GMA 7. Pumayag si JC at ang kanyang manager na si Annabelle Rama na tapusin niya ang Panday Kids, kahit March 14, 2010 ang expiration date ng kanyang exclusive contract sa GMA 7.


Pero ang insidente na nangyari sa guesting ng Panday Kids cast sa SOP ang last straw para hindi tapusin ni JC ang show dahil hindi raw siya nabigyan ng pagkakataon na magsalita at i-promote ang kanilang fantaserye.


“Hindi naman ako ang tipo ng artist na ‘O akin na itong mic, magpo-promote ako. Ako ang bida. Hindi naman ako ganoon.


“Inantay ko lang talaga ang mga host ng show na ‘yon na sana, inabot sa amin ang microphone. Sina Marvin, sila pa ‘yung nasa gilid. Kami pa ‘yung nasa likod ng kids so right after the kids, ine-expect namin na eto, sa likod naman, sina JC... (ang magsasalita).


“Actually, sinabihan ko si Tita Annabelle noong presscon na ‘Tita manood ka. Panoorin mo ‘yung presscon. Tingnan mo ‘yung presscon’.


“Sabi ni Tita sige... Ganoon din ang nangyari. Same thing. Kung ano ang nangyari, ganoon din ang nangyari sa presscon.


“Ako, for the longest time, silent lang ako tungkol doon. Kaya lang kasi, ang sinabi nila sa akin, ‘Ikaw ‘yung lead star ng show.’


“Iba ‘yung definition ko ng bida. Ikaw ‘yung naka-front, ikaw ‘yung magsasalita. Parang bida. Eh ‘yon ang naging outcome, naging cast member ako,” ang mahabang kuwento ni JC tungkol sa pagkaka-itsa puwera sa kanya sa guesting noon ng Panday Kids cast sa SOP.


Twenty-four years old na ngayon si JC at tatlong taon ang contract niya sa TV5. Kung hindi raw siya naipit sa away ng kanyang manager at ng GMA 7 executive na si Wilma Galvante, hindi aalis si JC sa Kapuso network.


Ayon sa aktor, naramdaman niya ang pagbabago ng trato sa kanya nang maging witness siya sa kaso na isinampa ni Annabelle laban kay Galvante.


“Nagbago ang treatment. Basta nag-iba. Nagbago lahat although may mga kaibigan naman ako doon na staff and directors pero ano magagawa nila para matulu­ngan ako?


“Mabigat... Ako ang naiipit. ‘Yung ginawa ko lang na nag-witness ako kay Tita Annabelle, ano na ‘yon eh sobrang ipit na i­pit na ako.


“Kumbaga, parang ang kakampi ko na lang doon, si Ma’am Annette (Abrogar), saka si Sir Gozon. Si Ma’am Wilma, wala na. Totally, enemy na ang da­ting niya.


“Mabigat sa mga tao. Alam kasi nila na may isyu. Alam nila na magkaaway sina Tita Annabelle, saka si Ma’am Wilma.


“Palagi ‘yon. Pagdating sa mga storycon, presscons, mga launching, may politics eh. ‘Yun ang mga effect ng away nina Tita at Ma’am Wilma. Kapag tumagal pa siya nang tumagal, ako ‘yung mahihirapan. Better na rin after my contract, alis na ako (sa GMA 7) para at least tapos na,” ani JC.


Hindi nakialam ang TV5 sa desisyon ni JC de Vera na huwag tapusin ang Panday Kids. In fact, sinabi ni Perci Intalan (TV5 Entertainment TV Head) kina JC at Annabelle na handa sila na mag-adjust sa sche­dule ni JC hanggang matapos ang airing ng Panday Kids.


Ang buong akala ni Perci, magwawakas sa April 2010 ang Panday Kids kaya napa­kamot siya ng ulo nang malaman niya na June 2010 pa ang ending ng show dahil magkakaroon ito ng conflict sa apat na shows na ibibigay nila kay JC.


Nalutas ang problema ni Perci nang magpasya si Annabelle na i-pull out si JC sa Panday Kids dahil sa mga nangyari sa launch ng show sa SOP.


Ikinuwento ni JC na ang pagtatagpo nila ni Paulo Avelino ang isa sa mga huling eksena niya sa Panday Kids. Identical daw ang kanilang mga costume sa eksena na kinunan dahil si Paulo ang ipinalit sa kanyang karak­ter na pinatay.
read more "Dahilan ng maagang pagalis ni Jc de Vera sa GMA"

Jackie Rice, bumalik sa pagiging pasaway!


Ginagawa ng GMA Artist Center ang lahat para mabigyan ng trabaho ang kanilang mga contract star pero may mga talent sila na natural na pasaway at nangunguna sa listahan si Jackie Rice.


Reportedly, bumalik ang unprofessionalism ni Jackie sa kabila ng pangako nito na hindi na siya magiging pasaway dahil ayaw niya na masayang ang malalaking break na ibinibigay ng GMA 7.


Ang hindi pagsipot ni Jackie sa Final Judgment Night ng Starstuck V ang isa sa mga sign na nakalimot siya sa pangako na seseryosohin ang pag-aartista.Si Jackie ang Ultimate Female Survivor ng Starstruck 3 pero hindi niya sinuportahan ang Final Judgment Night ng Starstruck V. Ang brilliant excuse ni Jackie, birthday ng kanyang kapatid.


Regular nang napapanood si Jackie sa Bubble Gang at may balita na nahihirapan sa kanya ang staff ng show. Diumano, ayaw ni Jackie na sumama sa taping ng summer episode ng nasabing gag show.


Marami sa contract stars ng Artist Center ang naghihintay ng malaking break. Sila ang mga artista na propesyonal at mas malaki ang potensyal na sumikat kesa kay Jackie.


Kung ipagpapatuloy ng sexy star ang pagiging pasaway, nanganganib na mawala sa kanyang kamay ang magagandang oportunidad na hindi niya pinahahalagahan.
read more "Jackie Rice, bumalik sa pagiging pasaway!"