Your Ad Here

Sunday, April 18, 2010

Barbie, inaabangan ng manliligaw!


Hindi pa man natatapos ang drama series na First Time ay may kasunod na show agad sina Barbie Forteza, Joshua Dionisio at Jake Vargas na Pilyang Kerubin. Kung si Barbie ang tatanungin, ayaw niyang matapos agad ang First Time dahil marami pa raw silang puwedeng ituro na magaganda sa mga televiewers nila.


“Medyo telefantasya naman po ang kasunod na gagawin namin nina Joshua at Jake. Matutuwa sila sa akin sa Pilyang Kerubin kasi ulo ko lang ang una nilang makikita tapos may pakpak.

“At tulad sa First Time, may mga important lessons in life kami na ise-share sa mga kaedad namin at sa buong pamilya nila,” kuwento ni Barbie.


Sa July pa magti-13 years old si Barbie pero marami ang nakapansin na tumatangkad na ito at lalo itong gumaganda ngayon. Kuwento nga sa akin ay marami na ang gustong manligaw kay Barbie ngayon. Pero say nga ni Barbie, bawal pa siyang ligawan.


“Mabuti naman po at napapansin ninyo na tumatangkad ako at gumaganda. Kapag may chance po na makatulog sa set, ginagawa po naming matulog. Lagi kong sinasabihan ‘yung dalawa na kaila­ngang matulog sila para lalo silang tumangkad. Minsan kasi ang gugulo nila sa set. Ayaw magpahinga kaya tinatakot ko na hindi sila lalaki kapag hindi sila magpahinga,” ngiti pa ni Barbie.


Nagpapasalamat nga si Barbie na kahit na­ging busy ang schedules niya ay nakapag-attend pa siya ng kanyang classes sa school sa BiƱan, Laguna. Sa susunod na pasukan daw ay baka mag-home study na lang siya dahil nahirapan din daw siyang bumiyahe mula sa ta­ping location nila.

0 comments:

Post a Comment