Your Ad Here

Wednesday, March 3, 2010

Kristine, Oyo denies secret marriage


KAPAMILYA star Kristine Hermosa and Oyo Boy Sotto dismissed rumors that the two of them tied the knot in the States.

In a television interview, Oyo also cleared the name of his mom, actress Dina Bonnevie, saying she was not the one spreading the big news.

"I just want to clear things, yung sinabi nila na nanggaling sa mom ko na nagkaroon kami ng secret marriage sa America, hindi po totoo yun, wala pong secret marriage ni Kristine (they said that it was from my mom that we had a secret marriage in America, that is not true. No secret marriage between me and Kristine)," Oyo said.

He added that he doesn't believe that it was his mom who was the source of all the news coming out.

"I doubt it na galing yun sa mom ko. Wala namang rason kung bakit dapat akong itago yun. Kung papakasalan ko si Tin, dapat kong ipagmalaki yun (I doubt that it was from my mom. I don't have any reason why I should keep it a secret if we really got married. If I will be married to Tin, I should be proud of it)," Oyo further said.

When asked about the current status of their relationship, the two tried to be mum about it.

"I just like to keep it private, kung ano man yung meron sa amin, kung ano yung nakikita ng tao hanggang doon na lang muna (whatever we have right now, whatever you see between us, let's keep it that way)," he said.

Kristine is also asking the public to just give this moment to them because they don't want to complicate things by confirming or denying everything to the press.

But when asked if he sees himself married to Kristine, Oyo without any hesitation said "yes".

Kristine on the other hand said that she wants to tie the knot in two to three years time, to which Oyo agreed.

"Sobrang importante ni Oyo sa buhay ko kasi hindi ako makakatawa ng ganito (Oyo is so important in my life because I cannot laugh like this if not for him)," Kristine said.

The two is set to do Precious Hearts Romances (PHR) "Lumang Pisa Para Sa Puso" which is part of the Quikilig short romance story collection of the PH
read more "Kristine, Oyo denies secret marriage"

Reklamo ng Marian fans, sinagot ng FHM


MAY explanation ang FHM Editor-in-Chief na si Allan Madrilejos tungkol sa non-inclusion ni Ma­rian Rivera sa listahan nila ng 25 Sexiest Women of the Decade.

Isinulat namin sa Sunday Tonite na posibleng umalma ang fans ni Marian dahil ito ang Sexiest Woman ng FHM Phi­lippines noong 2008, pero hindi siya kasali sa 25 Sexiest Women of the Decade list na bibigyan ng para­ngal sa 10th Anniversary Party ng FHM sa NBC Tent sa March 11, 2010.


Narito ang paliwanag ni Allan:


“This list involves only the women who have posed on the cover of FHM, and we considered many things: their rankings in the annual 100 Sexiest list, the input of our readers, the daily comments uploaded on FHM.com.ph, and their impact on the sales and circulation of the magazine.


“Even if we didn’t put it to a vote, hindi naman kami tatagal ng 10 years kung hindi namin napupulsuhan kung sino ang magugustuhan ng readers. These 25 women best represent the glory that was, is, and will always be FHM,” ang paliwanag ni Allan.


Nasagot na ang tanong ng fans ni Marian. Hindi kasama sa listahan ang pa­ngalan ng aktres dahil hindi pa ito nagiging co­ver girl ng nangungunang men’s maga­zine sa Pilipinas.
read more "Reklamo ng Marian fans, sinagot ng FHM"

Bangs, pantapat sa alindog ni Cristine!


HINDI muna masisilayan ng mga barako ang kaseksihan ni Bangs Garcia sa mga men’s magazine. Nagdesisyon muna ang sexy star na magpahinga sa pagpapa-sexy sa mga men’s magazine.


Ang mga kabataang nanonood ng kanyang teleseryeng Magkano Ang Iyong Dangal sa ABS CBN 2 ang iniisip ni Bangs. Natutuwa nga si Bangs dahil kahit nagpa-sexy na siya noon, marami pa ring bagets ang nanonood ng kanyang serye.


Seryoso si Bangs sa kanyang showbiz career. Gusto niyang gumawa ng iba’t ibang klaseng role, at hindi puro pagpapa-sexy lang.


Nilinaw ni Bangs na nga­yon lang daw siya iiwas sa mga sexy pictorial, at babalik din daw siya sa ganu’n kapag establish na siya bilang aktres. Pero, prangkahang sinabi ni Bangs na hindi niya kaya ang maghubo’t hubad sa magazine na tulad nang ginawa noon ni Tetchie Agbayani sa Playboy.


“Hindi ko kayang mag-nude totally. Hindi ko talaga kaya ang ginawa ni Ms. Tetchie,” saad pa ni Bangs.


Kahit daw magpakita lang ng ‘crack’ ng kanyang puwet ay hindi niya kayang gawin. Ang kanyang pamilya raw ang iniisip niya kaya hindi niya kayang gawin ang mga ganun sa pictorial.


“Hindi naman ako nagi-inarte. Pero siyempre, ayoko namang magkaroon kami ng samaan ng loob ng family ko dahil doon. Eh, kaya nga ako nagtatrabaho para sa kanila.


“Kung magpapaka-daring ako sa mga ma­gazine pictorial, hindi sa nudity way. May iba kasi akong paniniwala na you can be sexy even without showing flesh. I have nothing against nudity. Nudity is an art. Sa akin lang, hindi ko kaya ‘yon, at puwede naman akong magpa-sexy sa ibang paraan,” esplika ni Bangs.


Anyway, ikinukum­para si Bangs kay Cristine Reyes ngayon. Si Bangs daw ang puwedeng ipantapat kay Cristine pagdating sa lakas ng sex appeal sa mga boys, at sa ganda ng katawan.


“Naku, thank you naman. Pero, ayoko namang magkaroon ng isyu sa amin ni Cristine,” sabi lang ni Bangs.
read more "Bangs, pantapat sa alindog ni Cristine!"

Si Vilma, hindi nagpasuweldo ng mga doctors at nurses?


UHUMMMM, ngayong gabi raw ay may preskon si Mother Lily para sa mahal niyang artista na dinala sa New York nu’ng 1979 para mag-shoot ng “Pinay American Style” 31 years ago now which now became my basis for super hatred for the young girl we helped propel to stardom and politics!


Hindi ako puwedeng dumalo sa preskon na ‘yan bagaman last week pa ako pinipilit ni Mother Lily na um-attend. Kasi baka maagawan ng eksena ang Velma na ‘yan dahil tiyak na ako ang dudumugin ng mga reporters to let me spill the basket of beans about Velma and the snobbery of Velma in New York nu’ng 2009 na nagkita kami sa lobby ng Radisson Hotel where we were both staying.


Huwag na at baka lalo lamang maging maliwanag pa sa sikat ng araw ang pagiging mang-iiwan o manggagamit ng Velma na ‘yan. Iniiwan niya ang mga taong nakatulong na sa kanya at nagbabakasakali sa mga bagong kakilala na hindi naman siya sure kung matutulungan nga siya ng mga newbees na ‘yan tulad ng malaking naitulong ko sa kanya eversince she got paired with Edgar “Bobot” Mortiz.


Sino bang nagluklok kay Velma sa Batangas bilang mayor ng Lipa City? At sino rin ang nagluklok kay Velma bilang gobernadora ng Batangas? Hindi ba si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo? At ngayon ay tinalikuran na rin ng Velma na ‘yan si Ate Glo at su­m­abit naman siya ngayon sa tiket ni Noynoy Aquino? Para masiguro niya ang kanyang panalo bilang gobernadora uli?


Uhummm, sigurado kaya siya sa choice niya o baka pulutin lang siya sa pansitan?


Marami at dagsa ang mga natatanggap naming emails at text messa­ges mula sa mga disgruntled people of Batangas na nagsasabing Monday lang nila nakikita si Velma sa flag ceremony and the rest of the week ay hindi nila ito malapitan para sa immediate na pangangailangan nila dahil wala nga ito sa munisipyo?


And now, heto na ang grabeng akusasyon o bintang kay Velma na mga provincial health workers daw na hindi niya sinuwelduhan! At bakit, si Ate Velma ko ba ang nagpapasweldo sa mga doctors, nurses, technician at administrative staff sa apat na hospital districts ng probinsya at ang provincial government daw ay financially in the red? At bakit na naman, kasalanan ba ‘yan ng Ate Velma ko?


Ibinunyag ni Meynard Melo, personnel head daw ng provincial government daw ay dumaranas ng kakapusan ng gamot pati na ‘yung mga dialysis at CT scan machines na inilagay ng dating governor na si Armand Sanchez ay pinabayaan lang daw na mabulok dahil sa kakulangan ng kailangang spare parts.


Hindi naman yata kapani-paniwala na ni minsan daw mula nu’ng manungkulan si Velma ay hindi ito dumalaw sa ospital para tingnan ang sitwasyon?


May mga nurses daw na nagsabing nu’ng gumawa ng surprise vi­sit ang Velma sa provincial hospital, akala nila ay para pakinggan ang daing nila at mga reklamo –‘yun pala raw ay para lang magkampanya para sa kanyang mister na kandidato para sa senado. Si Recto na naglagay ng VAT sa mga taxpayers.


“Pag may dumating na gamot sabihin ninyo galing sa amin ni Ralph,” sinabi raw ni Velma ‘yun?


Ibinilin sa mga nurses na ‘di nasusuwelduhan? Sabi pa nu’ng isang nurse na “Hindi alam ni Velma ang mga nangyayari sa kapitolyo dahil nga palaging absent ay naparaliza tuloy ang mga ope­rations ng provincial government”


Ows? Tutoo ba yan? Syempre ngayon na kikilos ang Ate Velma ko para magpabango sa pangalan niya lalo na at muli siyang kumakandidato bitbit pa ang mister niya.


Ay, kami po ay nagtatanong lang. Wala na kaming panahon sa gobernadora na ‘yan that the Batanguenos deserved. Eh bakit n’yo kasi ibinoto in the first place tapos ngayon magrereklamo kayo?

Kayo rin pala ang maysala, debah Ate Guy?


Ay, speaking of my Ate Guy, ang Velma na ‘yan kung magsalita akala mo hindi siya nagpa-“salamat po doc” anoh? Tingnan n’yo nga ang mga mata niyang deep set? Ganyan ba ang mga mata ni Velma nu’ng dalagita pa siya ha, Bobot? Eh ang mga ngi­pin ni Velma, hoy, hindi pustiso ang mga ‘yun ha!

Implants kaya ang mga ngipin ni Velma? Teka at matanong nga si Gina Alajar!


At least, ang Ate Guy ko hindi plastic. Siya mismo ang nagsabi na nagparetoke siya sa Japan. ‘Yan ang gusto ko sa Ate Guy ko, pareho kami - call a spade a spade. Doon lang siya sa tutoo. Hindi beating around George Bush. Tutoong-tutoong tao ang Nora Aunor!


‘Yung iba diyan - malaking tse at pwe!
read more "Si Vilma, hindi nagpasuweldo ng mga doctors at nurses?"

Regine, ‘di problemado kay Mark Anthony!


Ipinagtanggol ni Regine Velasquez ang leading man niyang si Mark Anthony Fernandez sa kantaserye na Diva, na nasasangkot sa sari-saring isyu.


“I never had a problem with Mark. He listens. He comes on time. Never niya akong pinaghintay sa set. Ako kasi, parang merong konting pagkakakilala sa kanya. He kinda needs a little...push?


“Sana makuha niya ‘yon sa ibang tao. May che­mistry talaga kami. Hindi ma-explain ‘yon!” paliwanag ng Asia’s Songbird.
read more "Regine, ‘di problemado kay Mark Anthony!"

Julia at Daiana, patalbugan sa paghuhubad!


PATALBUGAN sina Julia Clarete at Daiana Menezes ng Eat Bulaga sa pagpapaseksi dahil sila ang featured sa cover ng susunod na issue ng FHM magazine! Kahit may anak na si Julia, lumutang pa rin ang alindog nito’t ganda ng katawan at hindi siya nagpatalo sa Brazilian model na si Daiana, huh!

Itinodo nga raw ni Daiana ang pagpapakita ng katawan to the point na lumalabas na sa pictorial ang nipples niya! But sad to say, na-edit ang pictorial niyang ‘yon dahil nga sa napapanood siyang wholesome sa EB! Gayunpaman, bawing-bawi pa naman siya sa ibang poses na ginawa niya!
read more "Julia at Daiana, patalbugan sa paghuhubad!"

Coco Martin, pinupormahan si Hanna Flores?


Abot-tenga ang ngiti ni Coco Martin dahil sa tagumpay ng Tonyong Bayawak sa ABS CBN 2.


“Grabe, sarap sa pakiramdam po talaga. First time ko po kasing masalang sa timeslot na ganun. Kaya nakakatuwa naman na lubos pa rin po ang suporta ng mga Saturday viewers sa Tonyong Bayawak,” sabi ni Coco.


Anyway, promise ni Coco na sa mga susunod na episode ng TB, mas matitinding labanan pa ang mapapanood. Isang hindi inaasahang insidente nga ang haharapin ni Maring (Alessandra de Rossi) na magtutulak kay Tonyo (Coco) na isumpa na gawin ang lahat mahuli lang ang mga kriminal.


Siyanga pala, totoo kaya ang tsismis na isang baguhang singer ang pinapantasya ngayon ni Coco?

Sabi-sabi na si Hanna Flores ang bagong pinupormahan ngayon ni Coco.


Sabi pa, sa taping daw ng Kung Tayo’y Magkakalayo, na kung saan ay gumaganap si Coco na anak nina Albert Martinez at Jaclyn Jose, at si Hanna na gumaganap naman na kaibigan ni Kim Chiu, madalas na tsikahin ni Coco si Hanna?


Well, binata naman si Coco, kahit sabihin pang may anak na ito. At sure naman na dalaga pa si Hanna.


At hindi naman kataka-takang mahulog ang loob ni Coco kay Hanna, dahil bukod sa bata pa ito, maganda, at mahusay kumanta, bubbly at stylish pa siya.


Si Hanna ang bagong recording artist ng Star Records. At bongga si Hanna, dahil halos lahat ng kanta niya ay napapakinggan sa mga teleserye ng ABS CBN, tulad ng Love Me, Hold Me, Come And Take Me, Munting Hiling, at You Made Life So Beautiful.


Mapapanood na rin si Hanna sa Your Song presents Gimik, a remake of a big and very successful youth-oriented show during the mid-90’s.
read more "Coco Martin, pinupormahan si Hanna Flores?"