Your Ad Here

Saturday, February 20, 2010

Kris Aquino bushed to the bones


Looks like Kris Aquino’s hectic schedule is slowly taking a toll on her health.

In her recent post in her iamkrisaquino Twitter account, the Queen of Talk shared a minor accident which happened to her.

“My gosh! Super exhaustion and my lack of balance while scrubbing my legs, I slipped in the shower. Super banged my head around 1:30 AM. So stayed up till 3 A.M. because not supposed to sleep after a bad untog! I'm still dizzy today,” Kris tweeted.

Kris is undeniably the busiest and most visible celebrity on television today. Her waking hours are spent entirely on work, 24/7. She has four TV shows namely "The Buzz" on Sundays; "Kung Tayo’y Magkakalayo" and "Showbiz News Ngayon" every night; and "Pilipinas Got Talent" on Saturdays.

The list does not include her commercial shoots for her various endorsements, her out-of-town sorties, and her photo shoots.

More about Kris: She recently tweeted her protest over malicious photos of her son Baby James allegedly flashing a middle finger. The photo showed Baby James holding a dog tag with his middle finger protruding.

The second one "showed" him flashing the dirty finger. Upon tests performed by an unnamed photo expert, however, the photo was proven to have been "photoshopped."

"Angel (Locsin) texted me na in Facebook, there's an edited picture of Baby James na naka-dirty finger. How foul naman to pick on a ... 2-year-old! Super major karma whoever is behind that! To prey on the innocence of a child! Hayyyyyy! So evil!" Kris protested in her Twitter account.

Kris, in the February 19 "SNN" episode, said that Baby James is now showing his inclination towards directing. She feels her son is a director-in-the-making since he’s giving her and Boy Abunda instructions where to stand when they’re on stage.

“Siya ‘yung picture nang picture sa party namin (ni James Yap). In fairness ha, ilalabas ko ‘yon sa K mag lahat ng pictures na si Bimby (Baby James)ang nag-take,” she said.

Co-host Boy Abunda agrees.

“Marunong na siya ng stand by at action,” he said.
read more "Kris Aquino bushed to the bones"

John Prats still vague about ex, admits dating beauty queen


Like in past interviews, dancer-actor John Prats gave a vague answer when asked recently about his failed romance with young star Shaina Magdayao.

“Ganoon pa rin ang sasabihin ko, sana maging masaya na ang lahat,” he said on “Showbiz News Ngayon,” February 19.

Shaina, in her last taped interview, expressed willingness to perform with John and maintain friendship with him.

John feels the same way. “Oo naman. Ever since naman, ganoon din naman ako, dapat huwag isama ang trabaho."

The actor is reportedly seeing beauty queen Karla Henry, which may explain he was able to move on fast from his split with Shaina.

But cliche as it may seem, John clarified that Karla’s just a friend. “Si Karla naman, na-meet ko na siya before pa uli kami nagkita sa ‘Magpasikat.’ Mabait, napakabait ni Karla. We’re really good friends. Nakakatuwa na parang nakakita ako ng bagong kaibigan.”

He’s gone out with the beauty queen but he refused to label it as romantic dates.

“Group dates,” he quipped.

Apparently still nursing a broken heart, John said it would take some time before he recovers from it.

“Matatagalan bago uli ako mag-commit kasi hindi naman biro ang relasyon kong napagdaanan. Siguro, I’m just taking my time and enjoying my single life right now kaya happy na ako.”
read more "John Prats still vague about ex, admits dating beauty queen"

Gaya-gaya ang Diz Iz It? “Walang karapatan ang kahit sino na magsabing kinopya ng kahit sino ang show nila!” -- Bayani Agbayani


ISANG linggo pa lang daw halos ang Diz Iz It, ang show na tumapat sa Showtime ng ABS-CBN. Kaya kampante naman si Bayani Agbayani na gaganda rin ang ratings ng show nila.“Alam n’yo, bago ka bumangga sa isang kalaban, hindi naman agad-agad matatalo mo. And besides, hindi kami nagsu-show para sa rating. Ang mahalaga, nakakapagpasaya ka ng tao. Pinapanood ka ng tao para maging masaya sila. Hindi kailangang mag-contest, eh,” sambit ni Bayani.


“Three months na sila, kami one week pa lang. So, hindi pa talaga natin masasabi kung magre-rate sila or magre-rate kami.”


Sinagot din ni Bayani ang isyung kesyo ginagaya lang daw nila ang format ng kabilang show.


“There’s no such thing as original in television. Unang-una, ang format ng Showtime, galing na sa Talentadong Pinoy ‘yan. Ang Talentado naman, galing sa American Idol, British Got Talent. So, ang opinion ko, walang karapatan ang kahit na sino na sinasabing kinokopya ng kahit sino ang show nila.”


Dahil galing naman si Bayani bilang isang Kapamilya, aminado itong kaibigan daw niya ang mga nasa katapat nilang programa like Vhong Navarro.


“Si Vhong, mahal ko ‘yan, sobrang mahal ko ‘yan. ‘Yung panganay niya, inaanak ko.”


May naging patutsada raw ang isa sa mga host ng katapat nilang show sa show nila? So, ano ang reaction niya?


“Hindi kasi bagay sa akin ang magpatutsada. Ever since kahit nagkakaroon ako ng issue sa TV, hindi ako nagsasalita talaga. Hindi bagay sa akin na nagsasalita ng masama against any artist. Unang-una, paniniwala ko, ang industriya, napakaliit lang. I might as well magtulungan tayo kesa magbagsakan.


“At sa akin kasi, ‘yun ang feeling nila, pero dapat nga mag-angatan tayo kesa magsiraan sa industriyang ito.”


So, ano nga ang masasabi niya sa nagpapatutsada sa show nila?


“Opinion niya ‘yun. Pero sana, sa akin lang, imbes na magsiraan nga, magmahalan na lang tayo. Mahalin natin ang kapwa natin artista. Mahalin natin ang katapat nating show ng sa ganun, matulungan ang industriya.”


Sa isang banda, masaya naman si Bayani dahil sa pagpasok niya bilang Kapuso, ang dami na agad na shows na ibinigay sa kanya. Bukod sa Diz Iz It, may SRO pa siya at First Time.
read more "Gaya-gaya ang Diz Iz It? “Walang karapatan ang kahit sino na magsabing kinopya ng kahit sino ang show nila!” -- Bayani Agbayani"

Kasal kay Marian sa Spain, itinanggi ni Dingdong!


NAGING masaya at memorable para kay Dingdong Dantes ng naging trip nila ni Marian Rivera sa Spain.


“Ang main objective naman talaga ng pagpunta roon ay para makita ni Marian ang dad niya, dahil matagal niyang hindi nakita, for more than over six years.

Bukod doon para makasama rin niya ang mga relatives niya at ako naman, I have a Tita who works and live there. So, isa siyang malaking reunion kaya siya na­ging sobrang saya,” sabi ni Dingdong.


Kuwento ni Dingdong, hindi na raw sila nagpasundo ni Marian sa airport sa daddy nito. Dumiretso raw sila agad sa restaurant ng daddy ni Marian.


“Okey naman ang pagmi-meet namin. In fact, I was expecting na baka hindi kami magkaintindihan. But, na-surprise ako when I found out na magaling siyang mag-Tagalog. Maayos lahat, masaya. He really show us a good time.”


Paano siya ipinakilala ni Marian sa daddy nito?


“In a different language, sa amin na lang ‘yun. Ha! Ha! Ha! Ha!”


Sey pa ni Dong, nang makilala raw niya ang daddy ni Marian, doon daw niya na-discover kung saan nakuha ni Marian ang halos kalahati ng ugali at pagkatao nito.


“He’s a very fun, outgoing person. Napakabait niya sa kanyang anak. Siguro masasabi ko, very down-to-earth. At pagdating sa mga hilig like pagkain, since he’s in a restaurant industry, doon sila nagkakapareho ni Marian.”


Puwedeng sabihin na this time, mas buung-buo na ang pagkakakilala niya kay Marian.


“Siguro, na-validate lang lalo noong finally, makilala ko na ang kanyang father. Finally, nakilala ko na kung bakit siya ganun ka-jolly na tao. Meron talagang pinagmanahan.”


Inamin nga ni Dingdong na kakaiba rin ang naging pagdiriwang nila ni Marian ng nakaraang Valentine’s Day dahil inabutan daw sila sa Spain.


“We had dinner together. Actually, tatlo kami, kasama namin ang daddy niya.”


Natawa na lang si Dingdong at tahasan ngang itinanggi ang balitang kes­yo nagpakasal na sila ni Marian sa Spain.


“Sobra naman ‘yun. Para sa akin, ang konsepto na ganun ay sobra ‘yun para sa akin because it’s one very important event in my life. So, it’s something that I will really prepare for at dito sa bansa natin ‘yun, if ever.”


Aware rin si Dingdong na sa isang event kung saan ay tumanggap ng award si Marian bilang Top Tax Payer ay nagkita o nagkasama sa isang lugar ang kanyang ex-girlfriend na si Karylle and of course, ang present niyang si Ma­rian nga.


So, ano naman ang maiko-comment niya doon?


“So, it’s good that they are both responsible taxpayers,” nakangiti niyang sabi.


Sa huli nga, tiyak daw na matutuwa naman ang mga nakaka-miss na sa tambalan nilang dalawa ni Marian dahil sisimulan na nila ang shooting ng kanilang movie under GMA Films, at gayundin ang pagte-taping ng ikaapat nilang primetime series na pagtatambalan, ang Endless Love. At siyempre, tuloy pa rin si Dingdong bilang host ng Family Feud.
read more "Kasal kay Marian sa Spain, itinanggi ni Dingdong!"

Iza, naabot na raw ang langit!


IPINAGKAKAIT pa rin ni Iza Calzado ang boyfriend niya sa press nang makausap siya sa press launch ng Panday Kids.

Maging ang Valentine’s date nila ng dyowa ay ayaw niyang ikuwento at gusto talaga niyang sa­rilinin, huh!


“Akin na lang ‘yon! Basta happy ako nu’ng Valentine’s Day. Okey na ‘yon, ‘di ba? Tahimik lang ‘yung date namin. Simple lang talaga,” matipid na pahayag ni Iza.


Siyempre, tinanong kay Iza ang tungkol sa pagpapalabas ng bagong book ng Encantadia. Matutuloyba talaga `yon, eh, wala na si Karylle at may gulo pa raw sila ni Sunshine (Dizon)?


“Wala ako sa posis­yong sumagot tungkol diyan. Hindi ko alam sa kanila. Okey lang sa akin na ituloy nila. Hindi kasi ako sure, kasi I have yet to sit down with them about this. Hindi lang natuloy ‘yung pag-sit down ko sa mga GMA executives. Medyo napagod din ako sa Kaya Kong Abutin ang Langit,” pahayag ni Iza.


Speaking of langit, naabot na ba niya ang langit?


“Oo, nakabalik na nga ako sa lupa! Ha! Ha! Ha!” sey niya.


Ilang beses niyang naabot?


“Ay, teka, iba pala ang ibig ninyong sabihin, huh! Ha! Ha! Ha! Kaya pala. Ano ito? Tapos na ‘yon. Sag­lit lang. Preno muna ako! Ha! Ha! Ha!” bawi ni Iza sa una niyang sagot.
read more "Iza, naabot na raw ang langit!"

Juday-Sarah skeds, ‘di magtugma!


Gusto sana ni Juday na matapos na ang “Hating Kapatid” nila ni Sarah Geronimo sa Viva Films sa Marso para pagbalik nila ni Ryan Agoncillo sa bakasyon nila ng April ay ang movie naman ng Unitel ang maumpisahan na sa buwan ng May at pagkatapos ay masimulan na nina Juday at Ryan ang Regal Films movie nila na pang-MMFFP entry ni Mother Lily.


Kaso nga, hindi magkatugma ang iskedyuls nina Juday at Sarah. Abala kasi si Sarah sa iba pa niyang commitments.


Naghihintay lang si Juday na maka-swak ang free days niya sa free days din ni Sarah. Pero, malabo yatang mangyari ‘yun.


Ewan ko kung ano na ang napag-usapan nina Juday at direk Marilou Diaz Abaya para sa Penafarancia project nila. Ayaw ko ‘yung nadidinig kong may emotional blackmail, ha. Baka iba ang ma-karma!
Tama ba ‘yun, Noel Ferrer?
read more "Juday-Sarah skeds, ‘di magtugma!"

At last, kinilala ng ABS ang pagiging reyna ni Juday!


WELL, since finally and at last ay kinilala na ng ABS-CBN ang tunay na reyna ng teleserye na si Judy Ann Santos, na sa totoo lang naman ay da­lawang dekada na ring nagrereyna sa mga teleserye ng Dos - ipinakita ng mga solid Juday fans and friends na kahit anong oras pa ipalabas sa ere ang “Habang May Buhay” na tatlong taon nilang hinintay ay nanduon pa rin ang ipinanangakong suporta ng mga doctors and nurses association around the world.

Kaya itong Juday-Derek Ramsay nur­serye ang toprater ngayon ng ABS-CBN. Hindi kami ang maysabi niyan, huh. Kundi ang Dos na rin mismo dahil sa kabi-kabilang pagbati ng iba pang mga programa sa Dos, una na nga ang SNN at The Buzz, plus pinatunayan ng thank you party na idinaos sa Il Terrazo bilang pagdiriwang dahil sa natamo nilang high ratings gabi-gabi.


Dalangin namin sa Sto. NiƱo at Mahal na Na­zareno ko na wala na sanang bad elements ang makilam at mainggit sa high ratings ng “Habang May Buhay” para wala nang mag-imbento ng pekeng ra­tings at gawing kulelat ang “Habang May Buhay”.


Eh, para na ngang nangyari sa tunay na buhay ‘yung role ni Juday sa nurserye dahil nu’ng dalhin ako sa ospital with Juday so much worried eh, ‘yun ang first time na aapir na siya as nurse sa “Habang May Buhay” at duty na siya sa ospital.


Hayun nga ang Juday at ako ang inaasikaso niya sa St. Luke’s. Oh debah, art imitates life, debah Elvie and Hong Kong fighters?
read more "At last, kinilala ng ABS ang pagiging reyna ni Juday!"