Your Ad Here

Saturday, April 3, 2010

Jericho suwertihin na kaya sa pagbuhay ng banda?


Kung gaano ka-intense bilang isang artista si Je­richo Rosales, ganoon din o baka mas intense pa siya bilang isang singer/songwriter. Marami ang hindi nakababatid na nakapag-launch na ng isang album sa Malaysia si Jericho kasama ang dating banda ni­yang Jeans. Matagumpay ang ginawang paglu­lun­sad pero natabunan ito at mas nabigyan ng im­por­tansya ang nakasabay nitong malaking prob­lema at kon­trobersiya sa buhay ni Jericho. Maaga itong nabu­wag pero kasabay ng kanyang pagtata­gumpay sa pag-arte, gusto ni Jericho na buhayin muli ang kan­yang music career. Maging matagumpay kaya siya? Baka naman muli nito siyang hilahin pababa? Dara­ting kaya sa punto na kailangan niyang pumili bet­ween his acting and his music?
read more "Jericho suwertihin na kaya sa pagbuhay ng banda?"

Diva Montelaba malaki na ang ipinagbago!


Malaki na ang ipinagbago ni Diva Montelaba nang makausap namin sandali. Tinanong namin siya kung ano ang malaking pagbabagong nagawa sa kanya ng Starstruck V.

“Masaya po ako dahil kilala na ako ng mga tao. Marunong na po akong makisalamuha sa iba’t ibang klase ng tao. Unti-unti ko nang naka­kamit ang tagumpay kaya dito na po muna ako sa Maynila titira kasama ang aking mommy at lola,” sagot ng baguhang singer.

Speaking of Party Pilipinas, mapapanood ang pagyanig ng Araneta Coliseum ngayong Ling­go dahil mag-e-enjoy ang mga manonood sa Kapuso primetime stars, mga sumisikat na singing groups, at bagong dance crews sa pagdiriwang ng Easter Sunday. Ia-announce na rin ang mga nanalo sa Diva songwriting contest. Panauhin din ang mga sikat na banda ng bansa na Kamikazee, Chicosci, at Bamboo.
read more "Diva Montelaba malaki na ang ipinagbago!"

Marvin puspusan ang ensayo ng archery


Nakausap namin si Marvin Agustin sa launching ng Party Pilipinas at excited na ito sa pagkukuwento tungkol sa pinagka­kaaba­lahan niya ngayon — ang archery.

“Nagagamit ko ang sports na ito sa aking career at negosyo kung saan natutunan ko na magkaroon ng focus at balance. Balak ko ngang sumali sa international competition kaya puspusan din ang pagsasanay ko,” sabi ng aktor na may Korean trainor.

Inamin nito na wala siyang lovelife ngayon at nakasentro ang kanyang pag-iisip sa career at negosyo. Kasama si Marvin sa Panday Kids at Dear Friend.
read more "Marvin puspusan ang ensayo ng archery"

Rachelle Ann Go Lilipat na rin sa Kapuso!


Si Rachelle Ann Go ang next na naba­ba­litang lilipat sa GMA Network at papasok sa Party Pilipinas after Mark Bautista. May nag­kumpirma na sa tsikang ito at pati sa Internet, balita na rin ang tungkol sa pag-alis diumano niya sa ASAP ng ABS-CBN para lumipat sa ka­tapat na show ng Channel 7.

’Kaloka lang dahil si Rachelle Ann na lang yata ang ’di nakakaalam na lilipat siya sa Channel 7 at papasok sa Party Pilipinas. Binisita namin ang Twitter account nito thinking na baka dun niya unang i-announce ang tungkol sa paglipat niya, pero wala siyang sinabi.

Sinagot lang ni Rachelle ang mga nagtata­nong kung talagang lilipat na siya.

Sabi nito: “Sa lahat po nang nagtatanong, hindi ko pa po alam sa Viva kung anung kaganapan… mangyayari ang dapat mangyari…let’s not worry.”

Unang araw pa lang ni Mark sa Channel 7, ang pagsunod sa kanya ni Rachelle Ann na ang itinatanong at walang maisagot si Mark dahil hindi siya nagtatanong, pero matutuwa aniya siya kung totoong ililipat din ng Viva si Rachelle.
read more "Rachelle Ann Go Lilipat na rin sa Kapuso!"

May kinalaman sa hiwalayan: Aktres plastic sa actress-GF ng kapatid na aktor


Ang plastic ng dating sa amin sa comment ng isang aktres na hindi niya sure kung naging BF ng isa pang aktres ang kapatid niyang aktor dahil never ipinakilala ng kapatid niyang aktor ang aktres sa kanila. Hindi rin nito dinala sa bahay nila ang aktres ’pag may family affair sila na karaniwang ginagawa ng kapatid ’pag may karelasyon.

Paanong hindi alam ni Actress A na GF ng ka­patid niya si Actress B gayung siya ang rason sa tuluyang paghihiwalay ng dalawa? Tinawagan ni Actress A ang kapatid niyang aktor, isinumbong ang diumano’y paninira sa kapatid ng mga relatives ni Actress B.

Kinompronta ng aktor ang GF na na­uwi sa away at so­brang naapektuhan si Actress B at para ma­tigil na lang ang ka­guluhan, nakipag­hiwalay na lang siya sa aktor. Masaya pa nga si Actress A nang maghiwalay ang dala­wa kasi hindi niya gusto si Actress B para sa kapatid, tapos, sasabihin niyang hindi niya alam kung nagkarelasyon ang kapatid niyang aktor at si Actress B? Ang plastic ng hitad, kaya pala never itong sumikat!
read more "May kinalaman sa hiwalayan: Aktres plastic sa actress-GF ng kapatid na aktor"

Kris naloka sa sagot ng anak, Baby James si Villar ang 'iboboto'




SEEN : Sina Paulo Avelino at LJ Reyes sa Ba­guio City noong Holy Wednesday.

SCENE : Ang balita na “ikinaloka” ni Kris Aquino ang sagot ni Baby James nang tanungin ito ng mga tao sa isang campaign sortie kung sino ang iboboto niya.

Sumagot daw si Baby James : “Si Villar.”

SEEN : “Ang aking kaibigan na hindi pala akin” na statement ni Cristy Fermin tungkol kay Boy Abunda.

Pinakawalan ni Cristy ang kontrobersiyal na pahayag sa kanyang unang paglabas sa Juicy.

SCENE : Tumatakbong board member ng 3rd District ng Laguna ang starlet na si Angelica Jones.

SEEN : Ang Tweet ni Sunshine Cruz noong April 1: “I want to transfer to another house that doesn’t have any me­mo­ry of my stepson. Maybe it might help us forget but I know leaving this house wouldn’t make any difference coz Angelo will always and forever be in our hearts and minds. It really is painful.

SCENE : Inaalam ni Jed Madela ang source ng balita na lilipat din siya sa GMA 7.

SEEN : Si Heart Evangelista at ang kanyang pamilya sa Hong Kong.

SCENE : Mapapanood tuwing Sabado ang drama anthology ni Claudine Barretto sa GMA 7.

Si Raymart Santiago ang special guest sa pilot telecast ng Claudine.
read more "Kris naloka sa sagot ng anak, Baby James si Villar ang 'iboboto'"

Rhian at Heart BFF na?


May lumalalim na friendship sa pagitan nina Rhian Ramos at Heart Evangelista. Nagsimula ito sa pagiging pareho nilang Kapuso. Hindi man sadyain, palaging pinagtatagpo ang kanilang mga landas ng magkaparehong trabaho nila.

Hindi ko lang alam kung nagkita sila sa Hong Kong ngayong Mahal na Araw. Si Rhian kasama ang mga nagma-manage ng kanyang career. Bukod sa magpapahinga sila, bonding time nila ito. Sinabi ni Rhian na pupunta rin si Heart doon at haha­napin niya ito para makapag-bonding din sila.

Nagkita nga ba kayo? Kuwento ka naman Rhian o kaya Heart.
read more "Rhian at Heart BFF na?"

Mark parang tunay na anak na ni Nadia


Magkasama na nagbakasyon sa Subic sina Mark Herras at Ynna Asistio. Walang dapat ipag-alala ang mga fans ni Mark dahil marami silang kasama ni Ynna.

Ka-join sa Subic vacation ang madir ni Ynna na si Nadia Montenegro at ang mga anak nito. Parang tunay na anak na rin ang trato nina Nadia at Boy Asistio kay Mark.

Madalas si Mark sa kanilang bahay sa White Plains at malaki ang tiwala nila sa special friend ni Ynna. Special friend daw o! Kahit hindi umamin o magsalita sina Mark at Ynna, halatang-halata na in love sila sa isa’t isa.
read more "Mark parang tunay na anak na ni Nadia"

Marian-Dingdong, puno ng romansahan at tawanan!


Nasa Baguio pa rin hanggang ngayon ang mag-boyfriend na Dingdong Dantes at Marian Rivera. Puspusan pa rin ang shooting ng dalawa para sa movie nilang You To Me Are Everything na prodyus ng Regal Entertainment at GMA Films.

Tanong ng fans, ano ba ang kuwento ng Marian-Dingdong movie na ito? Tungkol na naman ba ito sa isang mayamang lalaki na nagkagusto sa isang mahirap na babae?

Para sa mga readers ng Abante, ordinaryo na lang ang kuwentong ganu’n. At aware naman diyan ang producers nina Marian at Dingdong.Kaya sa pelikulang You To Me Are Everything nila, medyo nilagyan nila ng twist. Na ang dating mayamang lalaki ay naghirap, at ang dating mahirap na babae ay biglang yumaman.
Pero, hindi raw ito madramang movie. Mas lamang daw ang romansahan at tawanan sa mga eksena nina Marian at Dingdong.

Sa story nga, Dingdong is a city boy who comes from an affluent family. His father’s conviction, however, resulted in his loss of assets, status, and even his home.

Samantalang si Marian plays a provincial girl who suddenly found herself with more money than she could imagine. She inherits the bulk of her wealthy father’s assets, including the foreclosed mansion of Dingdong’s family.

To do honor to her father’s legacy, Marian needed to gain some understanding of the assets she inheri­ted. The only business experience she has is her stall in the marketplace. Eh, hindi nga puwede na ganu’n lang `yon, kaya kailangan niyang mag-aral nang husto tungkol sa negosyo.

At diyan papasok si Dingdong. Si Dingdong ang magtuturo kay Marian kung paano magnegosyo. Pero siyempre, may deal ang dalawa.

At doon nga papasok ang iba’t ibang nakakakilig at nakakatawang eksena nina Marian at Dingdong. Kasi nga, na-in love na sila sa isa’t isa.
Can two people from different worlds make it work?
Oh, may idea na kayo sa story ng movie ng mga idol n’yo, ha!
read more "Marian-Dingdong, puno ng romansahan at tawanan!"

Gretchen at Claudine, pinagsasabong ng ABS at GMA!


Happy Easter to All! Sana ay naging makabu­luhan ang pagdaos ninyo ng katatapos na Semana Santa. At hindi porke Pasko ng Pagkabuhay nga­yon, sisimulan na ninyong buhayin ang mga “namatay” last week, huh! Sobra na ‘yan!

Anyway, back to reality na. Bukas, kung hindi man ngayon, balik-trabaho na ang lahat ng nagbakasyon. Sa mga nabitin, don’t worry, long weekend na naman sa April 9 hanggang 11! Ayaw pa ninyo ‘yon?Teka nga pala, sa April 10, Saturday, mukhang nangangamoy sabong ang mangyayari sa magkapatid na Gretchen at Claudine Barretto! Bakit? Aba, sa nasabing date ang simula ng drama anthology ng bagong Kapuso artist na si Claudine. Pabulosa pa naman ang plugging ng programa dahil Laurice Guillen na ang director sa pilot episode, ang asawang si Raymart Santiago pa ang kapareha! Bonggang buena-mano, ‘di ba?

Pero ang lagay, patatalbog ba ang Channel 2? Of course not dahil sa April 10 din ang telecast ng episode ni Gretchen sa Maalaala Mo Kaya? Ipinakita na ang trailer ng episode ni Greta nu’ng Holy Week! Hindi lang kami sure kung bagong episode ‘yon o replay, huh! Ha! Ha! Ha!

Of course, nauna ang GMA sa araw ng telecast ng drama ni Claudine. Matagal nang nakaswak ang playdate na ‘yon para sa drama actress. For sure, ‘yung kay Gretchen, ipinasok na lang sa date na ‘yon ng MMK.

Para malaman kung sino sa magkapatid ang mas tatangkilikin ng televiewers, huh! Biktima tuloy ng network war ang Barretto sisters na mabuti na lang, in good terms na, huh! Or else, nangangamoy-away na naman ang sisteraka, huh! Just like the old times! Ha! Ha! Ha!

If ever na magtapat ang Claudine at MMK ni Greta ng oras, well at least, may choice ang viewers kung aling drama ang gusto nilang panoorin, huh!

Siyanga pala, sa live edition ng Showbiz Central, tampok si Claudine sa The Story of My Life kung saan ilalahad ang lihim sa mga isyung kanyang pinagdaanan. Live siyang magkukuwento ng kanyang nakaraan at mga plano sa buhay. Guest din nang live ang bagong kasal na si Sunshine Dizon, at si Rufa Mae Quinto, aba, isang very sexy hardcourt encounter ang ginawa niya!
read more "Gretchen at Claudine, pinagsasabong ng ABS at GMA!"

Oyo Sotto, ‘Mama’ ang tawag kay Kristine Hermosa


Hanggang ngayon ay ayaw pa ring lagyan ng label ni Oyo Sotto ang relasyon nila ni Kristine Hermosa. Sabi ni Oyo, makukumpirma lang niya ang sitwasyon nila ni Kristine kapag ikinasal na sila.
Inamin ni Oyo na pinag-uusapan na nila ni Kristine ang tungkol sa kasal. Kaya hindi raw totoo ang tsismis na ikinasal na sila sa US kamakailan. Sabi nga ni Oyo, hindi pa siya nagpu-propose kay Kristine.

Itinanggi rin ni Oyo ang balita na nagpagawa na sila ng wedding ring ni Kristine. May ibinigay raw siyang singsing kay Kristine, pero hindi raw `yon wedding ring.Tinanong namin si Oyo kung totoong may trauma na si Kristine sa pagpapakasal dahil sa nangyari sa kanila noon ni Diether Ocampo. Sagot ni Oyo, wala raw trauma sa kasal si Kristine, at gustung-gusto pa rin daw nitong magsuot ng wedding gown at maikasal sa simbahan.

Siyempre, ipinagtanggol ni Oyo si Kristine sa mga tsismis na kesyo maldita ito. Giit ni Oyo, wala siyang nakikitang pangit na ugali kay Kristine.
Ang kabaitan daw ni Kristine ang madalas niyang nakikita. At kung may moods daw si Kristine sa trabaho, hindi raw maiiwasan ‘yon dahil tao rin naman daw si Kristine na napapagod din.

Tinanong din namin si Oyo sa sinabi ng tatay niyang si Vic Sotto na nag-aalangan na itong kunin si Kristine bilang leading lady, dahil naiilang na raw siyang maging asawa sa harap ng kamera ang girlfriend ng kanyang anak. Hirit ni Oyo, biruan lang daw nila `yon ni Vic, at wala raw problema kung kunin uling leading lady ni Vic si Kristine.

Siyanga pala, inamin ni Oyo na ‘Ma’ ang tawag niya kay Kristine, at ‘By’ naman ang tawag sa kanya ni Kristine.
“Kasi nga, Mama ko siya sa movie at anak naman niya ako, kaya By ang tawag niya sa akin,” sabi na lang ni Oyo.
read more "Oyo Sotto, ‘Mama’ ang tawag kay Kristine Hermosa"

Jolina, sobrang apektado sa halik ni Akihiro!


Sa Tagaytay nagbakasyon si Jolina Magdangal nitong Holy Week. Kuwento ni Jolina, kahit doon na nakatira ang kanyang parents, hindi raw siya masyadong nakakapunta roon.

Kaya sinamantala niya ang Holy Week para makipag- bonding with her family. Binisita na rin niya ang building na pinatatayo niya roon pati na ang mga negosyo nila roon.“Sayang nga at hindi umabot sa Holy Week ‘yung restaurant. Supposedly ang plano talaga, bago mag-Holy Week ang soft opening ng restaurant, pero hindi umabot,” say ni Jolina.

Nagkaroon din daw ng time si Jolina na makasama ang parents ng boyfriend niyang si Mark Escueta.
“Okey naman kasi pinayagan naman ako ng parents ko na sumama sa family niya,” say lang niya.
Anyway, puring-puri naman ni Jolina ang kanyang ka-partner sa primetime series na Panday Kids na si Akihiro Sato.

“Hindi ko ine-expect na ang bait niya, na magaan siyang katrabaho at napaka-gentleman. ‘Yung first scene namin, kiss agad. So, sobrang apektado sa kissing scene na `yon dahil hindi naman talaga ako sanay sa mga kissing scene.

“Eh, hindi ko pa siya masyadong kilala at first time naming magkaeksena at kissing scene agad. Pero, nakita ko sa kanya na hindi siya nagte-take advantage. Ako, sobrang kabado, pero siya, wala lang. Ha! Ha! Ha!”

Nakakahawa rin daw ang pagi­ging pala-smile ng Brapanese star.
Siyanga pala, kasama rin si Jolina sa Party Pilipinas. At natutuwa raw siya sa pilot episode nila at nakita naman daw niya ang effort ng lahat na makapagbigay ng mas maganda at entertaining show.

Pinanindigan pa rin ni Jolina ang bago niyang itsura sa Party Pilipinas. At sabi nga, siguradong magugulat pa rin ang mga tao sa gagawin at ipakikita niya sa mga susunod na Linggo.
“Basta, kapag nanonood sila ng Party Pilipinas, para silang nanonood ng isang magazine,” sambit ni Jolina.
read more "Jolina, sobrang apektado sa halik ni Akihiro!"

Melason, sasabak sa matinding pagsubok!


Paano nga ba haharapin ng dalawang laking probinsya ang mabilis at magulong buhay sa siyudad, lalo na ngayong sikat na sila? Mabibigyang katuparan pa kaya nila ang mga pangarap para sa kanya-kanyang pamil­ya lalo pa’t over, over na ang pagka-busy nila?

Iyan ang mga tanong na bibigyang kasagutan sa Melason in Da City, ang bagong realiserye nina Melisa Cantiveros at Jason Francisco na magpapatawa at magpapakilig sa buong pamilya.

Simula Lunes (Apr. 5) ng 10 a.m., muling masusundan ng bayan ang buhay ng magkasintahang Melai at Jason o Mela­son, habang sabay nilang inaabot ang kanilang mga pangarap kasabay ng pag-a-adjust sa buhay Maynila. Si Melai kailangan ng pampagamot sa amang may sakit, samantalang gusto naman ni Jason na ipagpatayo ng bahay ang pamilya.

Sa totoo lang, buong mundo ang sumusunod sa kanilang love story dahil maging sa Internet ay may eksklusibong mga video nila ang napapanood sa http://tfcnow.abs-cbn.com/ at http://www.iwantv.com.ph. Sabi nga, sila ang Prinsesa at Prinsipe ng Masa.

At sa Melason in Da City, patuloy silang mapapalapit sa publiko sa kanilang paghahanap ng puwesto sa real world. Saksihan ang kakulitan ng dalawa sa kanilang mga posibleng landlord o landlady.
Magaganap na rin ang muling pagsubok ng mag-sweetypie na makapag-malling matapos dumugin noong u­nang mall date nila. Wala nang sabwatan ang magaganap sa bago nilang prog­rama kaya’t nakasalalay na lang sa dalawa ang kanilang kapalaran.

“Sobrang happy kasi hindi mahirap. Walang script. Masaya lang,” ani Melai.
Si Jason naman ay lalong ginaganahang magtrabaho. “May kakayahan pala akong kumita. Pinaghihirapan ko. Akala ko, hindi ko magagawa, pero may pag-asa pala,” sabi pa ni Jason.
read more "Melason, sasabak sa matinding pagsubok!"

Tanya Garcia, maselan ang pagbubuntis


Pasko ng Pagkabuhay ngayon at isinabay ni Tanya Garcia ang pag-anunsiyo na tatlong buwan na siyang buntis sa ikalawang anak nila ni Mark Lapid. Sa grand opening ng kanyang salon na AlCUTraz Hair Studio sa may Ortigas Center nga namin nakatsikahan si Tanya, na wala pa ring kupas ang ganda.

Kuwento ni Tanya, last year pa raw sila sumubok ni Mark Lapid na makabuo ng bagong baby.
“Kasi nga 2-year old na si Mischa at gusto na na­ming bigyan ng kapatid. Pero we weren’t lucky pa sa pagbuo ulit. Kaya hindi na kami nag-try ng sobra.

“Then a few months after parang iba na ‘yung paki­ramdam ko. Kung ano ‘yung nararamdaman ko noong nabuntis ako kay Mischa, ‘yun ulit ang pakiramdam ng katawan ko.“So I took a pregnancy test at positive nga. Tinawagan ko si Mark at sinabi ko na humawak siya sa anumang makakapitan niya kasi may ibabalita ako sa kanya. So akala niya pagkakagastusan na naman. Pero noong sinabi ko na I’m pregnant, talagang sumigaw siya sa tuwa,” natatawang kuwento ni Tanya.

Sobrang ingat nga si Tanya ngayon dahil maselan daw ang pagbubuntis niya ngayon.
“My doctor said medyo at risk na naman itong pagbubuntis ko and she advice na hindi ako puwedeng ma-stress, mapagod or ‘yung magbiyahe nang matagal. Baka raw kasi maging masama sa katawan ko.”

Sa huling check-up nga ni Tanya ay maayos naman daw ang lagay ng second baby nila ni Mark. May heartbeat na ito at normal ang mga signs sa ika-three months nito sa loob ng kanyang tiyan.
“I’m so thankful kay God kasi nga nandiyan Siya to always protect me and my family. Kaya it’s my duty naman na pangalagaan ang sarili ko rin. Buti na lang nandiyan ang family ko at family ni Mark to help me out. Kung may kailangan daw ako na manggaling sa Manila, sila na ang kukuha for me.”
Seafoods nga ang cravings ni Tanya noong nagsimula siyang maglihi.

“Basta gusto kong kumain ng isda. Once na natikman ko, ayoko na. Iba naman ang hahanapin ko. Minsan nga, naglambing ako kay Mark na ipagluto niya ako ng adobong pusit. Natawa siya at sinabing ibang klaseng luto na lang daw ng pusit ang hilingin ko baka raw kasi maging kakulay niya ‘yung second baby namin!”

Wishing for a baby boy nga sila Tanya at Mark.
Ikinuwento nga ni Tanya na dapat ay sa December ng taong ito ay magpapakasal na sila ni Mark. Nagpaplano na nga sila kung saan gagawin ang kanilang wedding at pati ang wedding gown na isusuot ni Tanya ay pinaghahandaan na.

Pero dahil nga sa pagbubuntis ulit ni Tanya ay na-move sa 2011 ang kasal nila ni Mark.
read more "Tanya Garcia, maselan ang pagbubuntis"