Your Ad Here

Saturday, March 13, 2010

John Lloyd nagkaroon ng playboy image!


It seems nagkakaroon ng playboy image ang dating tahimik na si John Lloyd Cruz. Mabuti na lamang at ‘di naapektuhan ang balikan ng tandem nila ni Bea Alonzo na Miss You Like Crazy dahil hu­mataw naman ito sa takilya.

Kung dati, panay ang pagtatago nina Lloydie at Ruffa Gutierrez, walang ganito sa kanila ni Shai­na Magdayao. Para pa ngang proud sila na makitang magkasama in public. Ang siste mo, walang isa man sa kanila ang aamin sa kanilang relasyon.

Kapag siguro nag-break na sila, saka pa lamang sila aamin.
read more "John Lloyd nagkaroon ng playboy image!"

Nag-iipon na, Angel bibili ng sariling eroplano!


Mukhang bus ang nauusong sasakyan ng mga artista ngayon.

Nung araw may bus kaming sinasakyan nina Imelda Papin kapag pumupunta kami ng mga pro­binsiya para sa kanyang mga concerts. May kama at comfort room ito sa loob pero walang kit­chen na tulad ng mga nauusong personal buses ngayon na nadidibisyunan ng bedroom /kitchen/dining at living rooms combined.

Mayroon na nito sina Jolina Magdangal, Judy Ann Santos, Kris Aquino at Gretchen Barretto. Pinaka-huling nagpagawa ng kanilang mga bus sina Angel Locsin at Diether Ocampo.

Parehong madadala nina Angel at Diet ang ka­nilang mga bus sa kanilang mga shooting at tapings. Habang nag-iipon pa si Angel ng pambili ng private plane na need niya sa pagdi-distribute ng mga goods kung may kalamidad, ang bus na muna niya ang sasakyan niya para sa ganitong pangangailangan.
read more "Nag-iipon na, Angel bibili ng sariling eroplano!"

Laban ni Pacman tatapatan nina Sarah at John Lloyd




Seen : Ang Hermes belt na suot ni Mark Bautista sa contract signing ng GMA 7. Hindi sinabi ni Mark ang nagbigay ng kanyang expensive belt. Ngumiti lamang siya.

Scene : “ Mahal” ang term of endearment ni Jolina Magdangal sa kanyang boyfriend na si Mark Escueta.

Seen : Si Toni Gonzaga na ang leading lady ni Vhong Navarro sa pagbabalik-TV ng Kokey. Out na si Angel Locsin sa cast ng Kokey.

Scene : Ang You Changed My Life at Sukob ang mga pelikula ng Star Cinema na itatapat ng ABS-CBN sa Manny Pacquiao-Joshua Clottey boxing fight coverage ng GMA 7.

Seen : Mahigpit na competitor ang tingin ni Atty. Felipe Gozon ng GMA 7 sa TV5 ni Manny V. Pangilinan. Naiintindihan ni Atty. Gozon ang aggresiveness na ipinakikita ng TV5.

Scene : Sina Aubrey Miles at Troy Montero ang tinanong ng mga reporter tungkol sa split-up nina KC Montero at Geneva Cruz. Natiyempuhan sina Aubrey at Troy ng mga reporter sa anniversary party ng FHM sa NBC Tent noong Huwebes ng gabi.

Seen : Ang palengke tour ni Jolo Revilla sa Quezon City. Tinutulungan ni Jolo sa pangangampanya ang kanyang tatay na si Bong Revilla.

Scene : Iniiwasan pa rin ni Rhian Ramos na magpainterbyu dahil ayaw niyang mapag-usapan ang kontrobersiya sa kanilang mag-ina.
read more "Laban ni Pacman tatapatan nina Sarah at John Lloyd"

Movie nina Marian and Dingdong may playdate na!


May playdate na ang In Your Eyes, ang pe­likula nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na co-produced ng Regal at GMA Films. Sa May 12 na ang showing ng rom-com movie sa direction ni Mark Reyes. Tatapusin ang pelikula bago simu­lan ng dalawa ang taping ng Endless Love : Au­tumn In My Heart para walang naghahabol sa schedule.

Poor girl meets rich boy ang script ni Aloy Adla­wan na sa twist of faith, magkakapalit ang estado.

Hindi lang ang movie nila ni Dingdong Dantes ang movie this year ni Marian dahil siya rin ang bida sa Super Inday, isa sa three entries ng Regal Films sa 2010 Metro Manila Film Festival. Ang isa pa’y Shake, Rattle & Roll XII at isang secret project.
read more "Movie nina Marian and Dingdong may playdate na!"

Aktor na bf ng sexy actress may ibang babaeng dinadala sa hospital


Ayaw tanggapin ng TV celebrity na ito at mem­ber ng all-female dance group na naninira siya ng re­lasyon, ito’y kahit madalas siyang kasama ang actor boyfriend ng pretty and sexy actress sa mga pub­likong lugar.

Kamakailan, nakitang inihatid ng actor si TV celebrity sa ospital kung saan naka-confine ang kai­bigan ni TV celebrity at kahit hindi bumaba sa sa­sakyan, nakita pa rin kung sino ang naghatid sa maganda at seksing dalaga

Hindi pa siguro alam ng GF ng actor ang tung­kol dito dahil hindi siya nag-iingay o baka totoo ang tsikang break na sila ng actor, pero hindi pa lang ipinapaalam. ‘Pag nagkabukingan, tiyak na net­work war ito!
read more "Aktor na bf ng sexy actress may ibang babaeng dinadala sa hospital"

Say ni Ryan sa pagbubuntis ni Juday, 'Na-bullseye po! Gumagana si Manoy!'


At least, kinumpirma na ni Ryan Agoncillo na buntis ang asawa niyang si Judy Ann Santos. Eight weeks preggy si Mrs. Agoncillo.

Marami nang may alam tungkol sa nasabing pagbubuntis ng actress. Pero ayaw nilang i-confirm dahil kaninang umaga lang daw lumabas ang final ultra sound ng actress.

Kahapon sa Eat Bulaga, nagkuwento na si Ryan dala ang resulta ng ultrasound habang kausap si Juday sa telepono.

“Na-bullseye po! Gumagana si Manoy!” sabi ni Ryan na kitang-kita ang sobra-sobrang kaligayahan sa pagbubuntis ng kanyang misis.

Sabay nabalita na buntis sina Judy Ann at Regine Velasquez, pero agad nag-deny si Regine sa Startalk. Hindi raw siya buntis at wini-wish niya ito.
read more "Say ni Ryan sa pagbubuntis ni Juday, 'Na-bullseye po! Gumagana si Manoy!'"

Kris binugbog!?


May tweetphoto si Kris Aquino ng kanyang super swollen eye kahapon. Parang binugbog ang mata ni Kris sa nasabing photo sa kanyang Twitter account. Pero tuloy ang taping niya kahapon : “I’m at taping. But they will shoot me in shades. Woke up super swollen my eye. I think bitten by an insect or ipis. Airing for tonight (meaning last night).

“I look like I was beaten up! Yes, it’s itchy. And we have three sequences for airing tonight. Doc Aye coming na to inject me! The show must go on- nag tape w/ shades on. Doc Aye came, gave me Benadryl shot.”

Lagare sa kampanya at trabaho ni Kris at halos apat na oras lang daw ang tulog niya.
read more "Kris binugbog!?"

Juday a mother in seven months


udy Ann “Juday” Santos is more than two months pregnant. This was confirmed yesterday by Juday’s husband Ryan Agoncillo on Eat, Bulaga! where he’s a co-host.

According to this paper’s Allure section assistant editor Bum Tenorio, the couple’s friend, Ryan is ecstatic that in seven months, he will be a brand-new dad.

“Juday is just cool about it,” said Bum, “or it has not sunk in yet that yes, she is two months pregnant.”

“Ayos!” was Ryan’s first reaction when he first heard the heartbeat of their baby in Juday’s womb. Juday was tested positive in her pregnancy test at the Asian Hospital two weeks ago but the couple waited until yesterday to make the announcement.

“We wanted to make sure before we made the announcement,” Bum quoted Ryan as saying. “So, when we were at Asian and I heard the baby’s heartbeat, that was really the time we confirmed that Juday is pregnant. I’m beyond words. There is no single word that I can think of to describe how happy I am.”

While Ryan was making the happy announcement on Eat, Bulaga! yesterday, Juday was at home preparing barbecue for their dinner with friends.

Added Ryan in jest, “Doble kayod ako nito,” hinting that Juday will take it slow at the showbiz front.

The couple’s five-year-old adopted daughter Yohan is so excited that she’s the one breaking the news to her grandparents and other relatives.

“Excited siya maging big sister,” Ryan said
read more "Juday a mother in seven months"

Angelica Panganiban, kinaiinisan!


ILANG nanay na ang nagsabi sa akin na naiinis sila kay Angelica Panganiban sa Rubi. Hindi raw nila type ang pagiging bastos ni Angelica sa teleserye ng ABS CBN.


Well, sa simula pa lang naman ay ganun na ang karakter ni Angelica sa Rubi, na kontrabidang-bida. At sa simula pa lang ay ipinakita naman ang pinagdaanan ng karakter ni Angelica, na dumanas na lupit at hirap, kaya na­ging mapaghiganti, at naghangad na yumaman.


Pero sa mga episodes ng Rubi nitong nakalipas na araw, ipinakita na siya kung paano magmahal sa kanyang ina, na puwede siyang pumatay para sa kapakanan ng kanyang ina.


Anyway, ipinagmamalaki ng Dos na bidang-bida sa ratings ang Rubi. Alam nila na marami ang natutuwa, naiinis, nahuhumaling at nagmamahal sa karakter ni Rubi, kaya naman lubos ang pasasalamat ni Angelica sa mga taong walang humpay na sumusubaybay sa serye niya.


“Sobrang thankful ako sa mga nanonood kaya binibigay ko talaga ang 100 percent ko para naman worth it ang panonood nila,” say ni Angelica.


Kuwento pa ni Angelica, mas maraming maiinit na tagpo pa ang matutunghayan sa Rubi. Ilan daw sa mga dapat abangan ay ang mga eksena na ipakukulong na sana ni Sylvana (Cherie Gil) si Rosana (Cherrie Pie) sa kasong kidnapping ngunit sinabi nitong napulot niya lang si Rubi.


Titira si Rubi kasama nina Sylvana, Arturo (Gardo Versoza) at Maribel (Shaina Magdayao) sa kanilang mansyon ngunit hindi naman masaya si Rubi sa pilit na pagkukumpara sa kanya ni Sylvana sa ampon nitong si Maribel.


Ano na ang mangyayari sa pakikipagtunggali ni Rubi sa mga kontrabida sa kanyang buhay?
read more "Angelica Panganiban, kinaiinisan!"

Geneva at KC, kumpirmadong hiwalay!


UMPIRMADO na ngang hiwalay sina Geneva Cruz at KC Montero.

Matagal na ngang balitang hindi na raw magkasundo ang dalawa kaya nandito sa Pilipinas si Geneva at naiwan sa US si KC.


Pero sa pagbalik nga raw ni KC dito sa Pilipinas, pinag-usapan pa raw nila ni Gen ang kanilang sitwasyon.

Ayon sa aming source ay nais pa raw makipag-ayos ni KC kay Gen dahil ang tagal na nga ng kanilang pagsasama at tinuring na nga ni KC na tunay na anak si Heaven na siyang anak ni Gen sa kanyang ex-husband na si Paco Arespacochaga.


Kinasal nga pala noong January 5, 2004 sina Geneva at KC sa Seattle, Washington, USA. Pero nauwi pa rin sa paghihiwalay ang dalawa at wala na raw magawa ang mga taong malalapit sa kanilang dalawa.


Pareho ngang paalis ng bansa sina Geneva at KC kaya walang makakuha sa kanila ng exclusive na panayam. Papaalis si KC for Texas dahil manonood ito ng laban ni Manny Pacquiao samantalang si Gen ay lilipad for China dahil may show itong gagawin doon.


Malamang sa pagbalik ni Geneva ay makakapagsa­lita na ito sa tunay na situwasyon nila ni KC. As for KC, hindi raw sure kung babalik pa ito ng Pilipinas after ng laban ni Pacquiao.
read more "Geneva at KC, kumpirmadong hiwalay!"

Kristine, prinsipe ang trato kay Oyo!


SI Kristine Hermosa ay katulad din ng ibang ordinaryong babae na nangangarap ng isang fairytale romance at naghihintay sa pagdating ng kanyang prince charming.


“Laging sinasabi sa akin ng lolo ko na one day mami-meet ko rin ang prince charming ko. So, umaasa ako na parang fairytale din ang buhay ko,” say ni Kristine.


Hindi raw nalalayo kay Kristine ang gagampanan niyang karakter sa Precious Hearts Romances (PHR) ng ABS-CBN na magsisimulang ipa­labas sa Lunes, na kung saan ay kasama nila for the first time ang kanyang real-life sweetheart na si Oyo Sotto.


Sa pictorial at promo shoot ng PHR presents Quikilig “Lumang Piso para sa Puso”, sinagot nina Kristine at Oyo ang kumalat na tsismis na plano na nilang pakasal. “If ever na dumating ‘yung time na ikakasal kami, everyone will know. Pero kung anuman ang meron kami ngayon, I just want it to be private.

Pero hindi totoo yun na nagpakasal na kami ni Tin sa Amerika,” sabi ni Oyo.


Sa naturang pictorial, ikinuwento rin ni Oyo na sobrang naa-appreciate niya ang pagiging maalaga sa kanya ni Kristine. Ramdam daw niya ang pagmamahal sa kanya ni Kristine.


Na siyempre ay ikinakilig naman ni Kristine, dahil naa-appreciate raw pala ng dyowa niya ang mga ginagawa niya. Oo nga, prinsipe talaga ang turing niya kay Oyo, at magandang senyales `yon.


Siyanga pala, huling nagkasama ang dalawa sa telenovela noong 2008 na Prin­sesa ng Banyera. At matapos ang dalawang taon, muling pakikiligin ng mag-sweethearts ang mga fans nila, dahil sa kakaibang ‘onscreen che­mistry’ nila.
read more "Kristine, prinsipe ang trato kay Oyo!"

Alindog ni Katrina, wagi pa rin sa mga barako!


MASAYA ngayon si Katrina Halili dahil sa magandang pagtanggap sa kanya ng mga tao sa NBC Tent during FHM 10th year anniversary celebration. Highlight sa 10th anniversary ng FHM ang pagpi-feature sa 25 Sexiest Women of the Decades at isa si Katrina sa nakasama sa list.


Hindi naman binigo ni Katrina ang FHM na para sa kanya, napakalaki ng naitulong sa kanyang career bilang siya ang itinanghal na FHM’s sexiest for two consecutive years.


Well applauded si Katrina nang tinawag na sa stage para rumampa kasama ang ilan pa sa 25 Se­xiest na nakarating sa NBC Tent tulad ng 10th anniversary cover na sina Iwa Moto at Bangs Garcia and
other FHM babes na sina Cristine Reyes, Francine Prieto, Katya Santos and FHM Hot Mamas na sina Eula Valdez, Valerie Concepcion and Jean Garcia.


Masaya rin si Katrina para kay Iwa na siyang co­ver ngayon. Nagulat nga raw siya nang makita ang pictorial nito.


“Happy ako para kay Iwa. Nagulat ako nang makita ko ‘yung pictorial niya, ang ganda saka siyempre, baby namin ‘yan kaya happy ako sa kung anuman ang nararating niya ngayon.”


Masaya na rin si Katrina ngayon at mas positive ang outlook niya dahil finally, alam niyang may mga projects na nga na naghihintay sa kanya. Hindi na natuloy ang supposedly paglipat sana niya sa TV5, dahil mananatili siyang Kapuso dahil ayon dito, kinabukasan (Friday) ay pipirma siyang muli ng exclusive contract sa GMA-7.


“Gusto ko lang naman po magtrabaho pa nang magtrabaho. Masaya naman po ako na Kapuso pa rin ako at may mga projects na po akong gagawin sa GMA-7.”


Matipid naman na itong magsalita at magsasagot pagdating kay Hayden Kho, pero, kinumpirma ni Katrina na sisimulan na nga raw ang hearing para sa kasong isinampa niya against Hayden dahil sa sex video na ginawa nito.
read more "Alindog ni Katrina, wagi pa rin sa mga barako!"

‘Hot Mommas’ na sina Jean, Aubrey, Valerie at Eula, pinagkaguluhan ng mga boys!


TINALBUGAN ng mga ‘Hot Mommas’ na sina Jean Garcia, Aubrey Miles, Valerie Concepcion at Eula Valdez ang ibang nakasabayan nila sa 10th year anniversary ng FHM na ginanap sa NBC Tent last Thursday night.


Umani ng nakabibinging sigawan at palakpakan mula sa mga manonood ang mga ‘Hot Mommas’ nang rumampa sila sa entablado.


Sa totoo lang, parang namumukadkad pa lang na mga artista sina Jean, Aubrey, Valerie at Eula, dahil sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga tao. Patunay nga na kahit mga nanay na sila, hot na hot pa rin ang dating nila sa mga kalalakihan, kesa sa ibang mga rumampang dalaga.


Kitang-kita rin na kakaiba at maganda ang taste nila sa pananamit. Si Aubrey ay naka-bustier, habang si Valerie naman ay naka-sexy cocktail dress, samantalang si Jean ay naka-all black sexy dress, at si Eula ay naka-suit na ala-Demi Moore.


Anyway, sa grupo naman ng mga dalagang rumampa, nangunguna pa rin ang alindog ng magkaibigang Katrina Halili at Cristine Reyes. Nakabibingi ang palakpakan at sigawan ng mga tao sa pagrampa ng dalawang sexy actress.


Binanggit pa lang ang pangalan ni Katrina, naghiyawan at nagpalakpakan na ang mga tao. Hindi nga nakabawas sa appeal ni Katrina ang kinasangkutang sex video, kung ang pagbabasehan ay ang mainit na pagtanggap sa kanya ng mga tagahanga niya.


Magkasunod na rumampa sina Katrina at Cristine. Akala nga namin ay si Katrina na ang finale dahil sa malakas na hiyawan, pero matapos itong rumampa ay ipinakikilala na si Cristine bilang Sexiest Woman of the World nu’ng 2009 at nagsigawan din ng bonggang-bongga ang mga manonood.


Tumanggap din ng malakas na hiyawan si Bangs Garcia, pagpapatunay lang na sikat na rin ang bida sa teleseryeng Magkano Ang Iyong Dangal?


Anyway, kahit si Francine Prieto na pinakamala­king babae sa lahat ng mga rumampa, umani rin ito ng palakpakan.


Kung ikukumpara last year, mas mainit ang pagtanggap ng mga tao kay Iwa Moto noon kesa ngayon.

Parang nabantilawan ang pagsikat ng singkit na sexy ta­lent ng GMA 7.


Expected na naming hindi masyadong papalakpakan si Katya Santos dahil hindi na ito visible sa showbiz at tumaba na rin ito. Ang bentahe na lang ng dating Viva Hot Babe ay ang kanyang malulusog na dibdib na umaalog sa pagla­lakad niya.


Dalawampu’t lima ang napiling Sexiest Women of the Decade sa FHM, pero sampu lang ang dumating sa party.


Ayon sa FHM editor-in-chief na si Allan Madrilejos, abala sa kani-kanilang mga commitments ang mga absent na sina Angel Locsin, Angelica Pa­nganiban, Assunta de Rossi, Bianca King, Dina Bonnevie, Ehra Madrigal, Jackie Rice, Maui Taylor, Maureen Larra­zabal, at Rufa Mae Quinto.


Alam naman ng lahat na tumatakbo sa Bohol si Cesar Montano kaya abala rin si Sunshine Cruz sa pagtulong sa kanyang asawa. Wala naman sa ‘Pinas sina Patricia Javier, Joyce Jimenez, Asia Agcaoili at Cindy Kurleto, samantalang gusto munang i-enjoy ni Diana ang kanyang privacy.


Anyway, hindi nagawang talbugan ng katatapos na FHM anniversary party ang nakaraan nilang party.

Sabi nga ni Allan Madrilejos, hindi masyadong mara­ming tao ang dumalo sa anniversary party nila nga­yon.
read more "‘Hot Mommas’ na sina Jean, Aubrey, Valerie at Eula, pinagkaguluhan ng mga boys!"

Annabelle, ayaw maging second-rate, trying-hard, copycat kay Kris!


Kahit anong pilit, hindi nakumbinsi si Annabelle Rama na sabihin nito na “Iba ang level ng saya dito (sa GMA 7)” sa contract signing ng kanyang mga talent sa GMA Network.


Hindi pumayag si Annabelle na ulitin ang mga salita na unang narinig mula kay Kris Aquino noong nakaraang Linggo at naging dahilan ng pag-alis ni Ruffa Gutierrez sa studio ng The Buzz. Ayaw ni Annabelle na maging “second rate-trying hard-copycat.”
read more "Annabelle, ayaw maging second-rate, trying-hard, copycat kay Kris!"