Your Ad Here

Wednesday, March 17, 2010

Mommy D. pinagsawaan na; Kris Aquino mas naging nega!




Seen : Nagkamali ng diskarte si Kris Aquino. Negative ang mga feedback sa pilit na pag-iyak niya sa The Buzz.

Scene : Hindi sincere ang paghingi ni Kris Aquino ng apology sa mag-inang Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez. Nanggaling sa bibig ni Kris na sinabihan siya ng kanyang ate na mag-sorry upang matapos na ang isyu. Nag-sorry daw siya kahit alam niyang wala siyang kasalanan na ginawa.

Seen : Hindi pa hinog si Jiggy Manicad upang maging news anchor. Kulang siya ng authority sa paghahatid ng mga balita.

Scene : Ang may-ari ng cellphone number 09052919057 ang nagpapadala sa entertainment press ng mga text message ng paninira sa mag-asawang Senator Mar Roxas at Korina Sanchez.

Seen : Walang nangyari sa mga reklamo ng National Historical Institute laban sa mga umawit ng Philippine National Anthem sa mga nakaraang laban ni Manny Pacquiao. Nagpapakontrobersyal ang NHI dahil wala pang resulta ang kanilang mga aksiyon.

Scene : Magsisimula sa June 2010 ang Survivor Philippines Celebrity Edition. Thirty-nine days na ma­nanatili sa isang isla ang celebrity castaways.

Seen : Ang kawalan ng interes ng mga tao sa reaksiyon ni Dionisia Pacquiao sa huling laban ng kan­yang anak. Naglaho na ang “novelty” ni Dionisia.

Scene : Live mula sa Boracay ang ASAP sa Linggo. Lilipad sa Boracay sa Biyernes ang all-star cast ng ASAP.
read more "Mommy D. pinagsawaan na; Kris Aquino mas naging nega!"

Piolo ninong sa baby nina Juday at Ryan?


Two months preggy na si Judy Ann Santos. Akala ko when I reported about it ay nasa unang linggo pa lamang siya ng pagbubuntis niya, hindi pala’t nakaka-two months na siya. Ilang buwan lang at masusundan na ang panganay nila. Sana pumayag silang maging ninong nang ipi­nagbubuntis niya si Piolo Pascual, para magtuluy-tuloy na ang pagbabati nila. Tutal, dati naman silang mag­kakaibigan, walang dahilan para hindi mabalik sa dati ang ka­nilang friendship. Let bygones be bygones.
read more "Piolo ninong sa baby nina Juday at Ryan?"

Pops naghahanap ng trabaho


Uy, paging TV5. Bakit hindi ninyo kunin si Pops Fernandez? Walang work si Pops sa kasalukuyan.

Naiinip na nga raw si Pops at kailangan na rin daw nitong mag­trabaho.

Babagay si Pops sa pantapat na Sunday show sa ASAP at sa magsisimulang Party Pilipinas.

Si Pops na rin daw ang nagma-manage ng career niya ayon sa isang kausap ko.
read more "Pops naghahanap ng trabaho"

Arnel Pineda nag-apologize!


Sa susunod, dapat ang National Historical Institute (NHI) na lang ang mag-suggest ng kakanta ng Lupang Hinirang sa laban ni Manny Pacquiao. Or siguro, magkaroon sila ng audition. Sila ang screening committee para tama at walang salto kung sinuman ang mapipili nila. Pero kailangan nilang makipag-coordinate kay Pacquiao dahil ito mismo ang namimili ng kakanta sa kanyang laban.

Habit na kasing pintasan at punahin ng NHI ang kahit sinong kumanta sa Lupang Hinirang sa boxing fight ni Pacman. Routine na kumbaga.

Pagkatapos na pagkatapos ng laban, ayan na. May story na agad na nagagalit sila dahil mali ang pagkakanta.

Kasi kung gusto talaga nilang pagsabihan na mali ang pagkakanta, sabihin nila na hindi na sa TV. Puwede naman silang tumanggi sa mga TV interviews.

Hindi nakalusot sa ganitong sistema ng NHI ang vocalist ng Journey na si Arnel Pineda. Mali raw ang pagkakanta niya last Sunday (Manila time).

Ganito rin ang nangyari kay Martin Nievera noong kumanta sa laban ni Pacman.

Nag-sorry noon si Martin na ginawa kahapon ni Arnel.

Sa interview ng abs-cbnNEWS.com nag-apologize si Arnel : “I apologize for my dissatisfactory performance sa fight ni Pacquiao and Clottey sa Dallas, Texas, according to their standards. What can I do? I’m just doing my job. But then again, hindi ako sorry kasi artistic freedom ko yun. It doesn’t make me less of a Filipino dahil sa nabago ang pagkakanta.

“Ano ba ang bago? ‘Yong traditional na pagkanta ng Lupang Hinirang ang gusto nilang marinig. On my part, I’m just doing my artistic freedom. I was there as Filipino representing Pacquiao and the Philippines. ‘Yun ang importante.

“Alam ko naman na nag-flat ako kasi ang parte na yon na nagsimulang magsigawan ang tao. Wala akong ear monitor. Hindi ko na marinig ang sarili ko noong pumapasok ako sa line na ‘lupa ng araw ng luwalhati’t pagsinta.’ Sumisigaw na sila, highlight ng melody ng kanta ‘yon sa unti-unti hindi ko naririnig,” sabi ni Arnel sa nasabing interview.

Kung sabagay hindi lang si Arnel ang nasita ng NHI sa sinasabi nilang hindi tamang pagkakakanta ng Lupang Hinirang na malinaw umanong paglabag sa Republic Act (RA) 8491.
read more "Arnel Pineda nag-apologize!"

Paglipat daw ni Piolo sa GMA, inangalan ng ABS


KUMALAT ang balita na nagpaparamdam umano si Piolo Pascual sa GMA 7, na tipong gusto na nitong lumipat sa kalabang istasyon ng ABS CBN.


Kahapon, nagpadala ng statement si Mr. Bong Osorio, ang head ng ABS-CBN Corporate Communications tungkol sa naturang tsismis. Narito ang statement ng Dos:


“Piolo Pascual is happy as an exclusive contract artist of ABS-CBN. Star Magic is amused with stories of Piolo sending feelers to rival networks. He has a full line up of television projects with ABS-CBN and any movement is currently out of the question.”
read more "Paglipat daw ni Piolo sa GMA, inangalan ng ABS"

Choreographer ni Beyonce, pasok sa Party Pilipinas!


Bonggang-bonggang ang upcoming variety/musical program na Party Pilipinas dahil darating sa bansa ang international choreographer na si Ruben Monet na mas kilala bilang Fusion. Ngayong araw na ito nakatakdang duma­ting si Ruben, at didiretso siya agad sa GMA 7 para pag-usapan ang mga dapat niyang gawin sa bagong Sunday show ng GMA.


Kilala si Fusion sa buong mundo bilang top choreographer, dancer at hip-hop teacher. Idagdag pa na si Fusion ang founder ng Kung Fu hip-hop at tinaguriang Diddy of the Dance World at Grand Master Choreographer.


Kabilang sa mga international artists na tinuruan niya at sinamahang mag-tour at mag-perform ay sina Beyonce, Akon, Pudd Diddy, Missy Elliott, Ludacris, Justin Timberlake, Backstreet Boys, Will Smith at marami pang iba.


Abangan at kilalanin ang international choreographer na si Fusion ngayong Marso sa Party Pilipinas ng GMA.
read more "Choreographer ni Beyonce, pasok sa Party Pilipinas!"

Angel, naglayas at madalas tumambay sa bar?


MUKHANG marami na namang isyu si Angel Locsin na sasagutin kapag nakaharap siya ng press. May kumakalat kasing balita na kesyo naglayas daw ito sa bahay nila, sumakay ng taxi at may isyu pang kesyo madalas daw napagkikita sa mga bar?


Pero, ‘di kaya kamukha lang ng young actress ang nakita nang kung sinumang nagpasimula ng isyu?

Kung may isa man kasing artista na masasabi naming napakaaktibo ng kanyang Twitter account, si Angel na yata ‘yun bukod sa kanyang kaibigang si Anne Curtis.


Updated ni Angel palagi ang kanyang Twitter account kaya kahit paano, may ideya ang mga followers niya kung ano ang pinagkakaabala­han ng young actress.


Nang araw na luma­bas ang balitang kesyo naglayas daw ito sa kanilang taha­nan, may naka-post si Angel sa kanyang Twitter na dahil na pack-up daw ang supposedly workshop niya with Direk Chito Rono, maitutuloy niya ang kanyang pagdye-general cleaning ng bahay. At ika-day 2 na raw niya ‘yun ng paglilinis.


Sey nga ni Angel sa kanyang Twitter status, “Ge­neral cleaning mode. Ang dami palang gamit sa bahay na hindi na nagagamit, sayang naman. Ayoko talaga ng tambak.”


So, kung ibe-based sa kanyang Twitter post, mukhang ni wala man lang ideya si Angel na may isyu na pala sa kanyang naglayas or even tumatambay sa mga bar, huh!


Bukod dito, sinagot na rin niya ang hindi niya pagkakatuloy sa seryeng Kokey sa pamamagitan pa rin ng kanyang Twitter account. Ayon kay Angel, totoo nga raw na nakapag stroycon, trade launch, pictorial na siya for Kokey, pero kinailangan daw siyang i-pull-out ng management dahil kailangan na rin simulan ang mo­vie niya sa Star Cinema and her new soap-opera with John Lloyd Cruz.


Masaya rin daw siya para kay Toni Gonzaga na siyang humalili sa kanya for the role. At naniniwala rin si Angel na bukod daw sa maganda ang team-up nina Toni at Vhong Navarro, mas bagay pa nga raw ang role sa Kokey kay Toni kesa sa kanya.
read more "Angel, naglayas at madalas tumambay sa bar?"

Arnel, ‘di dapat sisihin kung nagpaka-Regine!


NAKU, heto na naman kami. Nakakasawa na! Dapat pa ba nating awitin ang “Bayang Magiliw” o “Lupang Hinirang” like Velma Santos does every Monday?


Bakit naman kaila­ngang awitin ang Ba­yang Magiliw ng ayon sa tono ng mga hindi naman makanta ng tuwid ng mga walang boses?


Masyado naman yata tayong maarte when it comes to singing our national anthem as if singing it right would make the Philippines a hundred fold richer!


Bawat singer ay may kanya-kanyang interpretation ng isang awitin. Arnel Pineda sang the national anthem the way I liked it. At hindi ko siya masisisi kung sa bandang huli he wanted to sound like a diva, like Regine Velasquez.


So what’s wrong as long as the lyrics are correct. Eh hindi kaya ni Arnel Pineda ang mababang tono nito kaya tinaasan niya sa bandang huli kahit na pumutok pa ang ilang litid sa leeg niya!


Ngayon ay takda siyang mabilanggo ng one year at magmulta ng P20,000? Eh hindi man lang yata binayaran si Arnel Pineda sa pagkanta niyang yun sa bo­xing ring ng Texas, ah? Libre kaya ang pagkanta niyang ‘yun?


Ayaw kong isipin na every fight ni Pacquiao eh meron ding gustong makipagbuntalan dahil sa hindi tamang pagkanta ng “Lupang Hinirang” o “Bayang Magiliw” na magiliw lang naman sa iilan. Ilang laban na ba ‘yun ni Pacman? Ilang singers na ba ang kumanta doon bago ang buntalan? And everytime, hayun, may pintas, may ibang version ng awitin.


We never heard the USA complained about their “Star Spangled Banner”. Sa atin, why the big fuss?


Ginagawa ba naman ng NHI o National Historical Institute ang dapat nilang gawin bago ang laban ni Pacman? Maaring hindi nila trabaho ito, pero bilang tulong o kontribusyon na madidinig na naman sa buong mundo ang ating national anthem that we are proud of, dapat tumulong sila sa pagpapaalala sa sinumang kakanta sa gitna ng boxing ring ng tamang pagkanta o ‘di kaya eh turuan ng marching tune ang napiling kumanta doon. Eh ‘di nagka-papel pa ang NHI at walang mali o pintas, hindi ‘yung naghihintay lang ng mga maling kakanta at saka kakasuhan!


Hay naku, onli in da Pilipins na naman bah?


Ako feel na feel ko ang pagkanta ng aking Kabalen. Doon sa huli na sobrang taas ang binirit ni Arnel Pineda, feel na feel ko ang damdaming makabayan na parang handa talaga si Arnel na “ang mamatay ng dahil sa iyooooo!!!!’, kung papanong handa rin si Pacman na mamatay sa gitna ng boxing ring .


Si Clottey naman lubos ang naging pasasalamat niya kay Pacquiao dahil siya ang napiling lumaban kay Pacman kaya nakapasok sa USA boxing kaya ‘di niya nilabanan si Pacman at panay sangga na lang ang ginawa nito sa mga suntok ni Pacman na nagmukhang nag-eensayo lang.


Sa first and second rounds pa lang eh kitang-kita na natin na kayang-kaya ni Clottey si Pacman gawa ng mga suntok nitong nagpamaga sa mukha ni Pacman. Naawa si Clottey kay Pacman kaya sangga na lang nang sangga sa mga suntok ni FPJ kaya inabot ito ng 12 rounds, debah?


Idol talaga ni Clottey si Pacman. Friend ang turing niya rito. Kaya ibinigay ng egoy ang korona kay Pacman. Kasi ‘di man lang napatumba ni Pacman si Clottey o naiganti ang pamamaga ng mata niya sa nagbi­gay nito sa kanya!


Walang kahira-hirap na mag-uuwi na naman sa Pilipinas si Pacquiao ng one hundred million pesos!


Mambalato ba naman kaya?
read more "Arnel, ‘di dapat sisihin kung nagpaka-Regine!"

Jason, napipilitan lang kumabit kay Melai!


SABI na nga ‘yang mga labs-labs na ‘yan sa loob ng PBB house ay init lang ng katawan kundi man infatuations lang.

Gawa ng sila-sila lang ang nagkikita-kita sa loob ng bahay, wala talaga silang choice kundi mamili na lang sa iilan sa kanila. Ilang nagkagustuhan na ba sa loob ng bahay ni kuya ang paglabas eh tila hindi man lang magkakilala?


Ang pinaka-mapait na karanasan ay nangyari kay Bianca Gonzalez na syota na ni direk Lino Cayetano bago pumasok sa PBB house, sukat ba namang matukso sa ka-housemate at paglabas ‘di na siya type nu’ng lalake. Nawalan tuloy si Bianca ng dalawang lalake!


Heto ang pilit na pinaglalabtim na Melai at Jason na nakakalason. Walang kalasa-lasa dahil parehong pa­ngit! pangit! pangit! Nu’ng maghalikan nga ang da­lawa na bagaman nakatakip ng kumot ma-imagine mo lang nakakasuka na!


Lumabas na ang tutoo. Napipilitan lang si Jason na kumabit kay Melai dahil kailangan niya ng pera, eh ‘di ba at naglayas na nga si Jason at umuwi ng Mindoro kasi ‘di masikmura si Melai na ina-under siyang pilit.


Parang si Melai ang in-command sa loveteam nila ni Jason. Ngayon nga ay isasama na ang Melason sa “Kokey”. Ano ba ‘yan, pawang mga freaks sa isang palabas? Hahahaha!!!
read more "Jason, napipilitan lang kumabit kay Melai!"

Eula, type pa ring maghubad sa edad na 45!


SA 10th year anniversary ng FHM ay isa nga si Eula Valdez sa umani ng malakas na palakpak mula sa mga barako. Hindi nga makapaniwala si Eula na ganun kainit ang magiging pagtanggap sa kanya ng mga kalalakihan.


‘Yun nga lang, may iba na pinintasan ang outfit ni Eula. Sabi, mukha raw itong galing opisina at dumaan lang sa party ng FHM.


Pero katuwiran ni Eula, gusto niyang maiba sa gabing `yon, kaya ganun ang outfit niya. Alam daw niyang may mga lalaki na ang gusto sa mga babae ay `yung tipong nakabalot ang buong katawan. Kaya dedma na lang daw siya sa mga namimintas.


Anyway, tatlo o apat na taon pa bago mapapayag muli si Eula na mag-pose ng seksi sa FHM.

Tinanggihan na nga niya ang alok ng FHM na mag-pose uli ng seksi.


Sabi ng mahusay na aktres, papayag lang siyang magpa-sexy ulit sa magazine kapag 45-years old na siya. Eh, 41 pa lang siya ngayon, kaya maghihintay pa raw ng apat na taon.


Sabi ni Eula, gusto niyang subukan ang sarili na kung sa edad na 45 ay mami-maintain pa rin niya ang magandang hubog ng katawan at itsura. Kapag seksi at mukha pa rin daw siyang bata sa mga panahon na `yon ay hindi siya mag-aalinlangan na magpa-sexy sa magazine.


Hindi ba siya napi-pressure na mapanatiling bata ang kanyang itsura, at maging seksi sa paningin ng mga tao?


“Walang pressure at all. Ang aging naman is a war na walang puwedeng manalo. So, huwag mo na lang patulan. Magpakasaya ka na lang. Tatanda ka pang masaya, mag-i-age ka gracefully, kesa naman kung anu-anong pinagagawa mo sa mukha mo na hindi na gumagalaw. Hahahahaha!


“Hindi ba, accept na lang natin ‘yan. Yung pagtitina ng buhok kailangan yun. Hahahaha!” masaya niyang pahayag.


Ibinalita nga pala ni Eula na matutuloy na ang pagpasok sa showbiz ng boyfriend niyang si Rocky Salumbides. Nakipag-meeting na raw ito sa mga executives ng Kapamilya Network.


Siyempre, nabanggit muli ang kumalat na nude picture ni Rocky sa internet. Iginiit ni Eula na hindi siya napikon sa isyung `yon.


“Hindi ako napikon! Bahala sila kung ano ang perception nila. Basta alam ko kung saan galing ang photo na ‘yun at bahala sila kung ano ang gusto nilang palabasin sa ginawa nilang ‘yun. Kung ako ‘yun magiging proud ako na kasama ko siya roon sa book na ‘yun,” esplika ni Eula.


“Kung gustong palabasin ng kung sinumang naglabas ng picture na `yon eh i-put down ang kapwa Pilipino nila at namimintas pa, hindi maganda yun. Bahala sila sa buhay nila,” dugtong na sambit pa ng magaling na aktres.


Itinanggi ni Eula na iniyakan niya ang isyung `yon kay Rocky. Pero, si Rocky raw ang naapektuhan nang husto sa paglabas ng nude picture na `yon.


“Tinatanong niya ako kung ikinahihiya ko siya. Sabi ko, bakit naman kita ikahihiya? Eh, for a cause ‘yun. Korek, di ba? Sana ilabas nila rito ‘yung libro na ‘yun.” nangingiting pahayag pa ni Eula.


Ipinagdiinan din ni Eula na hindi sila nag-away ni Tito Alfie Lorenzo nang dahil sa picture na `yon. Sabi kasi, sumama raw ang loob ni Eula kay Tito Alfie dahil sa ginawa nitong pagpapakita ng nude picture ni Rocky sa mismong presscon ng The Last Prince.


“Hindi naman. Naglo­lokohan nga kami ni (Tito Alfie) nu’ng rumarampa kami sa presscon. Kabisado ko naman siya, eh. Hayaan na natin. Alam mo naman si Tito Alfie, ganun lang ‘yon. Kasiyahan na niya ‘yon. Hahahaha!” natatawang say pa ni Eula.


Samantala, natapos na ni Eula ang pelikulang Working Girls, na kung saan ay kasama niya sina Cristine Reyes, Ruffa Gutierrez at Eugene Domingo. Napapanood pa rin siya sa The Last Prince.
read more "Eula, type pa ring maghubad sa edad na 45!"

Jolina, naka-jackpot kay Akihiro!


MUKHANG adjusted na ang mga tao sa ala-Lady Gaga na image si Jolina Magdangal ngayon. At paunti-unti, masasabi nga na bagay na rin sa kanya ang ganung itsura.


“Thank you! Ha! Ha! Ha!


“’Yung bagong image naman, siguro ‘yung iba nalilito lang. Kasi parang bagong image ba? Parang ‘yung dati na. Sa totoo lang, ang masarap sabihin, hindi re-launch, eh. Re-live! Kasi naggaganito na ako dati.


“So, mas mature at siguro, para talagang mas walang pakialam. Kahit negative na ang sinasabi, okey lang. Hindi ko naman sila sinasaktan. Saka kanya-kanya namang opinion ‘yan, eh,” paliwanag ni Jolina.
Pero sa Panday Kids ay simpleng Jolina pa rin ang nakikita.


“May transformation na mangyayari, pero sa ngayon, costume din ng isang manghuhula ang suot ko.

Pero tingnan natin kung ano ang magiging hitsura ng transformation ko,” sambit ng young actress.


Naku, kinaiinggitan na siya ngayon dahil ang Brazilian-Japanese model na si Akihiro Sato ang kanyang love interest sa series! Naka-jackpot nga siya kay Akihiro, ha!


“Napakatangkad pala ng taong ‘yon! Saka, very cheerful siyang tao. Kahit hindi niya naiintindihan ang Tagalog at nakikita niyang nagtatawanan kami, sa words, nakikitawa siya. Saka mabait siya at nagta-try mag-Tagalog,” sey niya.


Bukod sa Panday Kids, magiging bahagi rin si Jolina ng Party Pilipinas na kapalit ng SOP na una na niyang inalisan.


“Hindi naman ako umalis sa SOP. Nag-leave muna ako. Mahaba-habang usap-usapan ‘yon at miting-mitingan saka may plans na nangyayari that time. Naging plano na rin kasi namin ni Perry (Lansingan, her manager) ‘yung pag-relive ng outfit. Kumbaga, may theme kami talaga. So, I don’t think na parang umalis, nagpaalam, bumalik, hindi ganoon. Talagang nakaplano ‘yon tapos, may launching.

Kumbaga, may magazine din akong bago at tinayming na rin namin ‘yon,” paliwanag ni Jolens.


Ano ang parte niya sa bagong Sunday show ng GMA?


“Alam ko, pagmimiti­ngan pa pero nae-excite ako nang sobra sa production number na gagawin ko if ever na mapagdesisyunan na namin kung ano ang gagawin. Every Sunday, itatrato ko siyang something special. Parang this is it or not,” rason niya.


Eh, ano naman ang reaksyon niya sa pagbubuntis ng kaibigang si Judy Ann Santos?


“Hindi pa kami nagkita pero nabalitaan ko nga lang. Gusto sana ko siyang itext. Siguro mamaya tawagan ko siya. Tatanungin ko ang feeling niya at kung ano ang kinabibisihan niya ngayon. O baka nakaupo lang siya!


“Masaya ako kasi nu’ng time na nag-reunion ang Gimik at nag-dinner kami, alam ko ‘yun na lang ang kulang. Pinaghahandaan niya ‘yan. Ako, kumbaga, kung may puwedeng magawa as a friend , nagawa ko na. Pero sila naman ‘yon, di ba? Natuwa ako nu’ng first time kong narinig. Finally, this is it na for Juday!” pahayag ni Jolina sa kalagayan ng kaibigan.


Eh, kelan naman siya ikakasal at mabubuntis?


“Wala pa, eh. Kasi parang masyado pang maaga. Ayo­ko naman kasing magpakyut na hindi pa namin planado ‘yan. Maaga pa kasi to tell!” katwiran na lang ni Jolens.
read more "Jolina, naka-jackpot kay Akihiro!"

Piolo Pascual is the sweetest mango in the world! Layuan mo si Juday, Piolo!


SINCE the early 1950s where I met all the vete­ran actors and actresses including child stars Tessie Agana and Boy Alano, I’ve never met, nor encountered anyone who is just as sweet as the mango fruit that Piolo Pascual is.


Nag-iisa lang si German shepherd, no! Hindi siya Moreno, ha! Manga siya na hugis balimbing. Manga siya na numero unong manga-gamit!


Matagal na na­ming itiniwalag si mango juicy kay Juday and let him go on his own path away from where we are directing Juday towards the highest step of the stardom ladder. Pero komo manggagamit nga itong German shepherd na ito, every­time may balita about Juday there is always Piolo na nakikisakay.
The latest na ikinaburat namin ay nu’ng ibalita sa SNN na willing daw si Piolo na maging ninong sa magiging anak nina Juday at Ryan. Uhum, nasa tiyan pa nga lang ni Juday ang bata eh gusto nang gamitin ni Piolo para lang may maibalita tungkol sa kanya, who’s now dwelling in the dark! Ang da­ming katanungan tuloy ang sumunod doon.


Gusto ba naman kaya ng mag-asawa na ma­ging ninong ng anak nila ang isang walang concerned na tao tulad ni Pio­lo Pascual?

Kunin ba naman kayang ninong si Pio­lo kung sakali? At gaano ka-sincere ang mga binitiwang salitang ‘yun ng Piol­o na ‘yan?


Papaano paniniwalan ang hitad na ‘yan eh nu’ng ikakasal sina Juday at Ryan, eh nagbitiw rin siya ng salita na dadalo siya sa kasal ‘pag inimbita siya. Eh, ‘di inimbita nga! Aba, sumipot ba naman?


He was nowhere to be found. Mas busy pa yata siya kesa megastar na si Sharon na nanduon sa Batangas nu’ng araw ng kasal. Asan si Piolo?


Inimbita rin siya sa Rockwell reception para sa mga kaibigan na ‘di nakadalo sa Batangas wedding.

Dumalo ang ibang mga kaibigan nina Juday at Ryan, bukod-tanging si Piolo lang ang hinde.


Nanduon daw siya sa Batangas beach kung saan ginanap ang dinner reception ng wedding nina Juday at Ryan a week ago. Naligaw ang ungas? Sinamahan kuno niya si KC Concepcion na nag-diving.

Uhum, text naman ng diving instructor doon may ibang ka-dive daw ang Piolo, hindi si KC. Hindi kaya si KC Montero? Hahaha!


Ngayon, papaano mo pa paniniwalaan ang u­ngas na itong dinaig pa ang tunay na bakla sa pagka-etchosera? Iba ang sinasabi kesa ginagawa.


Nagbuntis pa lang si Juday sumabit na naman siya? Hanggang saan, hanggang kelan? Wika ng awiting ‘di ko alam ang pamagat.


Papano ‘pag nanganak si Juday, nanduon kaya sa maternity ward ang sweet mango juice na ito watching her give birth?


Hanggang saan sasapit ang kaetchosang ito ng German shepherd? May maniniwala pa kaya sa kanya?

Sa Amerika nga wala nang gustong manood ng concert na kasama siya kaya sinamahan na ng dalawang loveteams ng ABS-CBN ang coming up shows na syempre hindi na sina Piolo at Sam ang tampok kundi itong dalawang pares ng mga bagong kasama nila sa shows! Sabit na lang ang papa ko ngayon? Eh, kelan naman kaya hinde?


Eh teka, hindi na si Lolita Solis ang nag-report kundi isa pang reporter about Piolo sighting sa Sofitel hotel kung saan naka-book ito for the weekend? Hindi pa kasi mag-iba ng hotel ang Piolo na ito eh.


Sofitel - eh may tell sa huli ang hotel kaya laging may telltale about him. Bakit kasi hindi siya mag-Manila Hotel para sosyal. O ‘di kaya eh Diamond Hotel para maging diamond star siya like Maricel Soriano, at hindi ‘yang daya lang.


Ayaw ba niyang i-book ko siya sa Pan Pacific Hotel o ‘di kaya sa Hyatt Hotel ng si Crispina Belen naman ang maka-sight sa kanya?


Executive sa Sofitel Hotel ang dati kong artista sa Tower Productions, so let me check kung nag-check-in nga ang Papa Piolo ko doon at sino ang kasama? I hope and pray it’s not…., huh!


So, binabalaan na kita Piolo Pascual, huwag mo nang ipilit na idikit pa ang pangalan mo kay Judy Ann Santos from now on. Tapos na ang mga pabor na ibinigay namin sa iyo na hindi mo nilingon man lang tulad ng pagtalikod mo kay Joji Dingcong na dati mong manager na nakiusap at na­nikluhod na bigyan ka ng break sa movies.


And when you got it, lumayas ka na lang na walang paalam! Talk about gratitude in English at kawalang utang na loob in Tagalog! Whatever is coming your way now ay ani mo or harvest mo ng mga pinaggagawa mo sa ibang tao in your past. Mabuti na lang at buhay pa ako to see what follies and foibles is coming your way!


Sisigaw na ba kami nina Juday at Ryan ng “good riddance”? Or shall we dance?
read more "Piolo Pascual is the sweetest mango in the world! Layuan mo si Juday, Piolo!"