Your Ad Here

Wednesday, April 7, 2010

Nora ayaw nang umuwi ng 'Pinas


Patagal nang patagal ang inaasahang pagba­balik ni Nora Aunor sa Pilipinas para sa promosyon ng kumpanya na nagbigay sa kanya ng make-over. Napakalaki ng pagbabago na naibi­gay ng make-over sa superstar. Talagang nagmukha siyang 10 years younger na hini­hina­la ng marami na siyang dahilan kaya na-boost ang confidence ni Nora. All of a sudden, kaliwa’t kanan ang tinatanggap niyang shows, at hindi lamang sa US at Canada. May mga pinag-aa­ralan pa siyang offers from other countries. Dahil dito, na-move na naman ang nakatakda niyang pag-uwi sa buwan ng Mayo na birthday month niya. Kung hindi June ay baka sa July na siya makapunta rito. Kailangang tapusin pa muna niya ang mga shows na tinanggap niya.

Naririnig ko ba ang buntong hininga ng mga Noranians? Matagal na silang naghihintay. Simu­la pa nung mga panahong naghahanap pa ng paraan ang mga anak niya kung paano siya mako-contact.

Bago pa naganap ang make-over at bago pa ito plinano, narinig na nila ang gagawing pag-uwi ng kanilang idolo mula sa mga taong tina­wagan nito ng personal sa telepono, para lamang sabihin na nagbabalak siyang umuwi. Narinig din nila ito kay Kuya Germs (German Moreno) who said he met the superstar in the US and she ex­pressed a desire to come home. Ganito rin hu­migi’t kumulang ang sinabi ni Lotlot de Leon who stayed with her in the US nang pumunta ito run para ma-meet ang kanyang biological father.

Now, here comes her son, Ian de Leon na sinamahan ang kanyang ina sa kanyang pagpapaganda sa Japan. Sinabi nitong di pa makakauwi ang kanyang “mama.” Ma­rami raw itong commitments na dapat unahin. Baka mga isa o dalawang buwan pa bago ito makauwi.

Di ba obvious na parang ayaw umuwi ni Nora? Puwede naman siyang pu­munta rito at pagka­tapos ay umalis kaagad. Kung mga dalawa o tatlong araw ay maaari na niyang matantiya kung meron siyang makukuhang proyekto rito, bukod pa sa gagawin niyang pagdalo sa pormal na pasinaya ng Japanese aesthetic center. Eh ‘di umalis siya agad para hindi maipit sa kanyang mga commitments. Saka na lamang siya bumalik kapag na-fulfill na niya ang mga concerts na natanguan niya sa US at Canada.
read more "Nora ayaw nang umuwi ng 'Pinas"

Nag-breakdown sa pag-eere ng Villar campaign ni Baby James, Kris nag-walkout sa taping


Breaking news : “Nag-walkout si Kris Aquino sa taping ng Kung Tayo’y Magkakalayo. Dumating siya ng 9:00 a.m. pero umalis din ng 10:30 a.m.,” simula ng kausap ko sa kabilang linya.

“Hindi niya matanggap ang paulit-ulit na pagpapalabas ng video tungkol kay Baby James,” dagdag ng source sa kabilang linya.

“Nagtatampo siya. Pagtalikod niya, nag-breakdown. Hindi nila alam kung nasaan si Kris.

“Ayun hanggang kahapon ng hapon, nakatengga sila (production ng Kung Tayo’y Magkakalayo) pero itutuloy ang taping nila,” dagdag na kuwento ng isang witness sa pagwa-walkout ni Kris sa taping ng kanyang soap opera sa ABS-CBN kahapon.

Actually, ang hindi lang daw kapata-patawad at katanggap-tanggap na ang isang channel na akala ng madla ay pro-Noynoy Aquino ay ipinalalabas ang video ni Baby James na umiral ang pagkapilyo sa isang campaign rally na nang tanungin siya kung sino ang iboboto, Villar ang isinagot ng batang magtatatlong taon pa lang naman.

But on the other hand, nakabuti rin naman dahil kahit inaakusahan ng mga tao ang pagiging pro-Noynoy ng Dos, napatunayan nilang pagdating sa balita, wala silang pinatatawad.

Well, makikinabang na naman dito si Sen. Manny Villar na nagpa-planong padalhan ng tatlong relos si Baby James bilang pasasalamat sa ginawa nitong pagbanggit sa kanyang pangalan sa kampanya sa Bacolod bago nag-Semana Santa.

Joke tuloy ni Tito Alfie Lorenzo, naniniguro lang si Baby James noh. Na hindi sila dapat lahat maka-Noynoy dahil baka raw manalo si Villar eh ‘di puwede rin siyang makitira sa Malacañang as guest.

Hahaha. Kaloka na ang kuwentong ito.

Anyway here pala ang buong tweet ni Kris last Monday :

“Nag-sorry ako to Noy & my sisters right away & they told me siempre he’s 2 yrs old- terrible 2s. Moral of the story- we let him be 2 while guiding him to be a good boy.

“Hay naku, ang ka naughty-han ni Bimby! Talagang heaven’s way of making me feel all I did before to stress Mom. True, he said “Veeyar” in Bacolod rally. Nag naughty siya kasi 10th event namin that day- pagod na. Bimby is sikat so nasa news.”
read more "Nag-breakdown sa pag-eere ng Villar campaign ni Baby James, Kris nag-walkout sa taping"

Aktres biglang ayaw nang maka-partner ang BF


Kumpirmadong break na ang magandang ak­tres na anak ng itinuturing na music icon at BF nitong produkto at winner ng reality search turned actor dahil bonggang-bongga nitong tinanggihan na makapareha ang binata sa pagbibidahan niyang afternoon soap.

Dapat ay ang actor ang kapareha ng aktres sa soap dahil klik ang huli nilang pinagtambalan at tang­­gap ng viewers ang loveteam nila. Pero laking gulat ng staff ng show dahil ayaw ng aktres na ma­ka­pareha ang binata at ‘di na nag-explain kung bakit.

No choice ngayon ang staff kundi maghanap ng aktor na itatambal sa aktres. Nakarating na sa binata ang pagtanggi ng aktres na siya’y maka­pareha at ang alibi na lang nito’y may ibang project na hinihintay ang management niya para sa kanya.

Hindi inamin ng magandang aktres at aktor ang kanilang relasyon, pero obvious na naging sila’t laging binabanggit ng aktres ang pangalan ng aktor sa kanyang Twitter account, pati kung saan sila pumupunta, kaya nalalamang lagi silang magka­sama.

Napansin ng followers ng aktres sa Twitter na after Valentine’s Day, she stopped mentioning the guy’s name at ‘di na rin sila nakikitang magkasama. Walang nagkukumpirma sa tsikang break na sila, hanggang lumabas ang balitang ayaw makatra­baho ng aktres ang baguhang aktor at winner ng isang reality show.
read more "Aktres biglang ayaw nang maka-partner ang BF"

Juday at Claudine, tuloy ang bombahan!


Initial telecast ng dramaserye ni Claudine Barretto sa GMA7 sa Sabado na ang unang kapareha niya sa tapusang episodes ay mismong mister niyang si Raymart Santiago. Pero dahil sa pagmamahal ni Gret­chen Barretto sa sister niya ay sasabayan niya ito ng MMK naman niyang kabit ng isang pari ang role niya.


Well, magtapatan man ang magkapatid na Barretto, sigurado namang isang victory for the Barretto clan ito dahil na-conquer ng magkapatid ang dalawang mag­kalabang network na GMA7 at ABS-CBN.

Na bihirang mangyari at ngayon lang mangyayari sa year 2010.


Marami naman ang nagtaka at nagulat kung bakit nanduon daw kami sa presscon ng Claudine? Bakit naman hindi? Eh suki naman ako ng lahat ng GMA presscons. Bakit maiiba pa ang kay Claudine? In fact, alas-kuwatro pa lang ng hapon ay nanduon na ako sa I-Republik where I had a meeting with Dindo Fernando’s widow Cory na sabik na akong makita uli after almost ten years na ‘di kami nagkita.

Doon namin pinalipas ang oras hanggang sa umabot kami ng 7:00 pm at naglakad na lang ako patungo sa Events 55 place kung saan idinaos ang solo presscon ni Claudine.


Nu’ng araw na ‘yun ay lumabas sa mga pahinang ito ang tungkol sa magkapatid na Barretto at ang hiyaw ng isang Juday fan na tantanan na ng mga Barretto si Juday. Akala pala ni Claudine ang presence ko doon ay may war freak stand. Ninerbyos daw si Claudine nu’ng makita ako. I was out smoking nu’ng pasalamatan daw ako ni Claudine over the microphone kaya ‘di ko nadinig ang mga sinabi niya.


Well, my presence sa presscon ni Claudine was nothing special except to prove to our colleagues in the writing field that nothing is ever personal sa mga birada namin sa mga artista kundi isang paalala ‘yun na its up to them kung pakikinggan nila o hindi.


Sundin man nila ang mga payo namin o hindi, it does serve others na ‘di namin pinatutungkulan pero nakagawa ng katulad na pagkakamali and thus repent and mend their ways.


Nu’ng mainterbyu naman ako with came­ras na nakatutok sa amin ni Claudine, ipinaliwa­nag ko namang alaga ko noon ang sister niyang si Gretchen nu’ng maliliit pa sina Claudine at Marjorie Barretto.

Kami ng mommy Inday nila at daddy Mike ang magkatsika.


Binanggit ko pa nga na nakasabay ko sa airport sina Inday at Mike Barretto nu’ng papunta kami ng London at madalas kaming magkita ni Mike sa Subic Bay International Hotel during the time na may business pa siya doon till 2007.

When I saw Claudine’s dad ay masigla na ito and healthy mula sa pagkakasakit niya.


Kahit ang mga fans ni Claudine desires to fight with Juday’s fans, I know na natural lang ‘yun sa mga fans, ang ipagtanggol ang idolo nila at ipag­yabang. Nangyayari din ‘yan sa tunay na buhay sa mga lalaking may kanya-kanyang syota na gusto eh mas maganda ang isa kesa doon sa syota ng bes­pren.


Ako naman ay tumanda na sa piling ng nagbabangayang mga fans mula pa kina Nida Blanca vs. Gloria Romero, Amalia vs. Susan, Nora vs. Vilma, Maricel vs. Sharon, hanggang kay Juday.


Natural lang sa local showbiz na dapat may katapat o kalaban ang isang artista para pag-usapan, pagtalunan, pag-awayan para mas sumikat at manatili sa public attention. The more na pinag-uusapan at pinag­tsismisan ay lalong nananatili sa public eye. Kundi na pinag-uusapan at pinagkukumpara, ‘yun ang panahong nakakatakot na dahil araw ng pag­lubog na ng buwan!


Nanduon si Raymart Santiago na sorpresa pala ang presence dahil nang tanungin ko si Claudine kung nasan si Raymart eh sinagot niyang nasa bahay raw at nagbebeybi sit. ‘Yun pala eh may surprise appearance si mister kasama ng mga anak nilang sina Sabina at Santino.


Nilapitan kami ni Ray­mart na komo la­king-showbiz ay hindi namersonal sa anumang isinulat namin laban sa misis niya. Raymart also grew under our very eyes dahil kaibigan namin ang ama niyang si direk Pablo Santiago at ka-mahjong namin ang mother niyang si Celing (Cielito Legaspi na dating artista ng Larry Santiago Productions, Larry being the brother of Pablo), so may malalim na pinagsama­han din kami ng mga Santiago.


Si Randy Santiago nu’ng nag-aaral pa ay nainterbyu din ako sa first talk show kong “Star Ka!” nu’ng 1980 na kaila­ngan daw sa isang subject niya in school. At si Ro­well naman ay naging alaga rin namin during his romance with Sharon Cuneta sa Viva Films. So what is there to fight about? I know where Juday stands at kung saan ang lugar naman ni Claudine.


Sorpresa rin pala ang message ni Juday for Claudine, eh nabanggit ko agad kay Claudine kaya ‘di na ito nagulat, pero ina­bangan niya ang sinabi ni Juday. So, all is well that ends well ba? Hindi pa. Active pa sina Juday at Claudine kaya wala pang katahimikan sa paligid at magpapa­tuloy pa rin ang bombahan.


Sa lahat ng mga presscons na dinaluhan ko, that was the only time na kami na lang nina Claudine at mga bossing ng GMA7 ang naiwan sa venue. Kahit na presscons pa ni Juday ay maaga akong tumatakas. First time lang ako hindi kinati ang mga paa para tumakas na. I even told Claudine na ‘yung mga floral arrangements na iniuwi ko ay iaalay ko sa altar ni Sto. Niño at Nazareno para ang dramaserye niya ay ma­ging toprater ng GMA. It will only happen kung susuportahan din ni Claudine ng dasal ‘yun para mas ma­ging epektibo ang alay namin sa ating Panginoong Diyos!


Oh ano, mas epek­tibo ba ang drama namin kesa Claudine dramaserye ng gabing ‘yun? Kaya abangan sa Sabado ng gabi ang pagsisimula ng bagong kabanata sa buhay-artista ni Claudine Barretto sa GMA.

Okay ba kai?
read more "Juday at Claudine, tuloy ang bombahan!"

Rochelle, lalayasan na si Joy Cancio?


PINABULAANAN ni Rochelle Pangilinan ang balitang aalis na siya sa poder ng kanyang manager na si Joy Cancio at magpapa-manage na siya sa isang TV executive ng GMA-7.


Pero sabi ni Rochelle, masaya siya sa pagma-ma­nage sa kanya ng Focus E ni Joy Cancio.“Para naman yatang hindi mangyayaring iwan ko si Ate Joy,” say ni Rochelle.


“Marami na kaming pinagdaanan ni Ate Joy at ng Sexbomb. Sa simula pa lang, kami na ang magkakasama. Noong mawala kami before sa Eat Bulaga, magkakasama pa rin kami at walang iwanan.

Kumbaga, tried and tested na ang samahan naming lahat.


“So bakit pa ako mag-iisip na iwan si Ate Joy? U­nang-una masaya ako sa mga nangyayari sa career ko. Hindi ako nawawalan ng trabaho. At kapag may request ako kay Ate Joy tulad noong gusto kong gumawa naman ng primetime na show, nagawa naman niya.


“Kaya walang rason at walang dahilan para iwan ko siya. Para ko nang pangalawang ina si Ate Joy. Lola na nga ang tawag namin sa kanya, eh.


“Kung ano man ang narating ko ngayon, utang na loob ko ‘yan kay Ate Joy at sa Focus E. Kaya mali ang nasulat na ‘yan. Obvious na hindi niya alam ang magandang samahan namin ni Ate Joy.”


Binalita rin nga ni Rochelle na magpipirmahan na nga ulit sila ng kontrata sa Focus E.


“Yung kontrata kasi, parang formality lang naman since may opisina nga si Ate Joy at business iyon, eh. Kailangan ng mga papers talaga. Pero kung sa akin lang, wala nang ganyang kontrata dahil alam naman niyang hindi ko siya iiwan.”


Bida nga pala si Rochelle sa Daisy Siete: Season 26 (Adam Or Eve).
read more "Rochelle, lalayasan na si Joy Cancio?"

Christopher, naiyak sa pagbubuntis ni Gladys!


SIX weeks na nga ang ipinagbubuntis ni Gladys Reyes ngayon na ikatlong anak nila ng asawang si Christopher Roxas.


“Unexpected siya kasi akala ko, matatagalan bago ako magbuntis ulit dahil after kong ipanganak si Aquisha, naging polycystic ang right ovary ko. ‘Pag ganu’n, medyo mahihirapang magbuntis.


“Kaya ‘yung O.B. Gyne ko, niloloko si Christopher na matindi nga raw ang kamandag, parang may itak, considering na may polycystic ako, nakabuo pa rin,” kuwento ni Gladys.


Unexpected man, masaya ang mag-asawa dahil sa blessing na natanggap nila. Magtu-2 years na rin kasi ang pangalawa nila kaya tamang-tama lang ang pagbu­buntis niya.


Pareho ng O.B. sina Gladys at Judy Ann Santos, si Dra. Florendo. Siya raw ang nag-refer kay Juday kay Dra. Florendo.


“Siguro, mauuna lang si Juday sa akin ng one month, parang October yata ang due date niya. Ako, hindi ko pa alam dahil hindi pa ako nagpapa-ultrasound, pero, posibleng November.


“Mas marami kaming napagkukuwentuhan ni Juday ngayon dahil comparing notes talaga kami. ‘Yun nga lang, kahit first pregnancy pa lang ni Juday nga­yon, parang mas lumalabas, mas maselan pa yata ako sa kanya. Mas ang dami kong nararamdaman na kaka­iba, nahihilo, nasusuka. Eh, si Juday, ang gaan niyang maglihi.”


Hirit pa ni Gladys, napagkuwentuhan na rin daw nila ni Juday na kung sakaling parehong girl ang ipinagbubuntis nila, puwede nilang pangalanan na Mara at Clara ito. Hango sa kanilang first soap-opera na masasabing nagsimula ng pareho nilang pagsikat.


Anyway, naging emosyunal pa rin daw si Christopher nang malamang buntis siya.


“Umiyak siya. Parang first time dad. Siguro, hindi lang niya sinasabi, baka nag-iisip din siya na nang maging polycystic ako, hindi na ako mabubuntis. Si­yempre, ayaw rin namin ng dalawang anak lang.”


Timing din daw na nag-last taping day na sila for Habang May Buhay.
read more "Christopher, naiyak sa pagbubuntis ni Gladys!"