Your Ad Here

Wednesday, March 10, 2010

Pacman hindi mahusay na boxer, kundi celebrity fighter, ayon sa respetadong trainer


aliwas sa sinasabi ng nakararami, isang nire­res­petong trainer ang nagpahayag na hindi dapat ikonsidera si Manny Pacquiao bilang pinakamahusay na boksingero sa panahong ito.

Si Hector Roca, ang 65-anyos na tubong Panamian na trainer na hinawakan ang careers ng mga kilalang champions tulad nina Buddy McGrit, Arturo Gatti at Iran Barkley ang nagsabi na natapat lamang si Pacquiao sa panahong walang nakasabay na mahuhusay na boksingero.

“Many say that Manny Pacquiao is the best today but I’m not sure. He is what we call at the right moment,” wika ni Roca nang nakapanayam ng Dog­house­boxing.com.

Aniya, ang telebisyon ang nagpasikat kay Pacquiao at hindi dahil sa na­­kalaban niya ang mga ma­bibigat na boksingero sa kanyang kapanahunan kaya’t hindi niya ito maikokonsiderang pinakamahusay sa kanyang kapanahunan.

“He’s not a good fighter but a celebrity fighter,” ba­nat pa ni Roca . “He was a good featherweight and moved up and has fought easy fights, now he is figh­ting easy welterweight figh­ters and that will make him millions because television made him famous.”Marami ang tiyak na ‘di sa­sang-ayon sa pahayag na ito ng batikang trainer lalo nga’t ang huling dalawang laban ni Pacquiao ay laban sa matitikas sa ka­nilang dibisyon na sina Ricky Hatton at Miguel Cotto na pareho ngang natulog sa kamao ni Pacman.

Laban kay Joshua Clottey, aminado si Roca na ma­gandang laban ito at na­kikita niya na masusukat ng tunay si Pacquiao sa kanyang katatagan na tumanggap ng mga malalakas na suntok buhat sa lehitimong 147-pound fighters.

Ang laban sa Linggo (Sa­bado sa US ) sa Cowboy’s Stadium sa Arlington, Texas ay unang pagdepensa ni Pacquiao sa titulong inagaw kay Cotto.

“That’s not an easy fight for Pacquiao like so many think. Clottey is not easy, he has power and he is very strong, Pacquiao has to be real careful and not leave himself open for an easy punch from Clottey,” may paalalang pahayag pa ni Roca.
read more "Pacman hindi mahusay na boxer, kundi celebrity fighter, ayon sa respetadong trainer"

PACQUIAO AYAW MAGTIWALA


Buo ang kumpyansa ni world’s pound-for-pound king Manny Pacquiao sa kanyang sarili, pero ayaw niyang magtiwala sa maaaring ibigay na laban sa kanya ni African Joshua Clottey sa kanilang paghaharap sa ‘The Event’ sa Marso 13 (Marso 14 sa Manila) sa Dallas Cowboys Stadium dito.


Masaya at puno ng kumpyansang dumating dito si Pacquiao, kasama ang asawang si Jinkee, trainer na si Freddie Roach at marami pang miyembro ng Team Pacquiao sakay ng chartered plane bandang alas-diyes ng gabi.


Handang-handa na ang boksingero sa kanyang laban. Pero, mas pinaghahandaan umano niya ang ginawang ensayo ni Clottey, na makikita pa lamang niya sa sandali ng kanilang laban.


“Ako, walang duda, kundisyon na ako, handa na sa laban, ilang araw na lang, bakbakan na,” wika ni Pacquiao. “Pero, hindi ko alam kung anong laban ang ibigay ni Clottey sa akin, kaya ‘yun ang aaba­ngan ko.”


Kung pagbabasehan ang pustahan para sa kanilang laban, lalong lumalaki ang bentahe ni Pacquiao sa pagi­ging liyamado, at noong Linggo, umabot na sa -800 na pabor sa Filipino ring icon ang odds, kumpara sa +550 para kay Clottey.


Ibig sabihin, ang pustang $800 kay Pacquiao ay mananalo lamang ng $100, habang ang $100 na pusta kay Clottey ay kakabig ng $550.


“Kahit naman liyamado ako sa laban, hindi ako nagkukumpiyansa, boksing ‘yan, susuntok ang kalaban, naghanda rin ang kalaban, kaya mahirap magpabaya,” sambit pa ng 32 anyos na pambato mula sa GenSan.


Idagdag pa rito ang umano’y mahilig na pang­he-headbutt ni Clottey sa bawat laban, gaya ng ginawa kay Miguel Cotto.


“Kaya kailangan kong mag-ingat, iba kasi kapag me putok ka sa laban, parang nag-iiba ang galaw mo, pati fight plan nababago, kaya dapat ingat,” dagdag pa ni Pacquiao.


Kabaligtaran naman ito ng kanyang trainer na si Freddie Roach, na hindi binibigyan ng tsansa si Clottey laban kay Pacquiao.


Sinabi ni Clottey sa isang panayam, na matibay ang kanyang panga kaya’t hindi pa siya nakakatikim ng knockout , bagama’t may ilang talo na siya.


Pero, para kay Roach, kahit matibay ang panga ni Clottey, mahina naman aniya ang bodega nito.


“Yeah, he has a hard chin, that’s why we studied and look for his body as target,” komento ni Roach.


Ayon pa kay Roach, walang bagay na ginagawa o ginawa si Clottey sa ensayo nito na maaaring tumakot kay Pacquiao.


“Nope, [he doesn’t scare us]. He’s very predictable. We know every move he makes. We’ve studied him for the last month. I’m tired of watching Clottey, but I’ll maybe watch a bit more so I don’t miss nothing,” wika pa ni Roach sa isang boxing website.
read more "PACQUIAO AYAW MAGTIWALA"

Christian, special guest sa Pattaya Festival!


GINAGAWA na lang Cubao ni Christian Bautista ang pagpunta sa iba’t ibang panig ng Asya. Heto nga at pupunta na naman siya sa Thailand sa March 18 para i-represent ang Pi­lipinas sa Pattaya Festival.


Ang Pattaya Festival ang pinakama­laking summer event ng Bangkok. Isang linggong festival ng music, dance, beauty contests, parades, sandcastle contests at party ito, na sasamahan pa ng sound and light shows at fireworks displays sa beach para ma-promote ang Pattaya bilang premier tourist destination. Makakasama ni Christian sa Thailand sina Universal Records’ Executive Vice President Ramon Chua­ying at ang kanyang Business Manager na si Carlo Orosa.Dahil siya ang tinaguriang Asia’s Pop Idol at Romantic Balladeer, pinili si Christian ng Grammy, ang pinakamalaking independent record label at media conglomerate entertainment company sa Thailand para mag-perform sa main event ng Pattaya Festival sa March 20.


Dinadaluhan ito ng mahigit 30,000 na tao. At habang nasa Thailand, magiging busy si Christian sa TV guesting at presscons doon.


Malaking opportunity ito para kay Christian at hindi ito mangyayari kung hindi dahil sa kanyang record label, ang Universal Records. Ang ABS CBN, na home studio ni Christian ay magpapadala rin ng mga TV crew para i-cover ang Thailand trip para makita ng mga Pinoy ang achievement na ito ni Christian.


Anyway, matapos ng success sa Indonesia ng kanyang latest single na Anagurah Cinta kasama ni Noryn Aziz at ni-launch na rin sa Malaysia, ang kasunod na Bahasa single ay inihahanda na para mapabilang sa release ng kanyang album ngayong Abril na idi-distribute rin ng Universal Music Malaysia.


Magandang balita ito, ayon sa Universal Records General Manager na si Kathleen Dy Go, kaya handa silang itodo ang marketing kay Christian sa Singapore, Hong Kong, Taiwan, South Korea at iba pang parte ng Asia.


Pangako ni Christian, patuloy niyang itataas ang bandera ng ating bansa at iba­bahagi ang “colors of romance” hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong Asia.


Siyanga pala, magkakaroon si Christian, na isa ring Swatch endorser, na 2-nights concert sa Music Museum, ang Romance Revisited sa March 12 at 13 at special guests niya sina Karylle at ang A-POP.


Si Christian at Swatch ay limang taon na ring nagsasama sa tagumpay
at ligaya.
read more "Christian, special guest sa Pattaya Festival!"

“Hindi ko ginugulo ang relasyon nina Derek at Angelica!” -- EB Babe Saida


SI EB Babe Saida Diola nga ang tinuturong dahilan sa diumano ay muntik-muntikanang paghihiwalay nina Derek Ramsay at Angelica Panganiban.

Hindi naman itinanggi ni Saida na naging magkaibigan sila ni Derek, pero hindi raw siya dapat pagselosan ni Angelica dahil hanggang doon lang `yon.


“Magkaibigan lang talaga kami ni Derek. So, hindi dapat magselos si Angelica sa akin.


“Nababasa ko lang sa diyaryo ang mga balitang ‘yan.

Hanggang sa pangalanan na nga ako at lagyan pa ng picture. Pero wala talaga… friends lang kami ni Derek,” sambit ni Saida.


Nagulat nga si Saida nang may magsabi sa kanya na naghiwalay raw sina Derek at Angelica nang dahil sa kanya. Pero, nakumpirma naman daw na hindi naghiwalay ang dalawa. Nagkatampuhan lang pero naayos din naman daw lahat.


“Nakaka-bother lang kasi nagagamit ang pangalan ko sa problema nila. Huwag naman ako ang ilagay sa gitna kasi wala akong ginugulong relasyon,” diin pa niya.


Dahil nga raw sa pagkakasangkot niya sa tsismis, nangako si Saida na iiwasan na niya si Derek. Para raw magkaroon silang lahat ng peace of mind.
read more "“Hindi ko ginugulo ang relasyon nina Derek at Angelica!” -- EB Babe Saida"

Janice, nag-ober-da-bakod sa ABS CBN!


MATAPOS matsugi ang SIS, tila nananahimik ang kampo ni Janice de Belen.

Hindi nga siya tulad nina Carmina Villaroel at Gelli de Belen, na parehong busy sa kani-kanilang programa sa GMA 7.


Si Gelli ay kasama sa Panday Kids, at meron pa siyang Zooperstars. Si Carmina naman ay namamayagpag sa The Last Prince at Pepito Manaloto.


Sabi nga ni Carmina, walang reason para layasan niya ang Siyete, dahil heto nga at hindi na siya makahinga sa rami ng trabahong ibinibigay sa kanya. At ganun din naman si Gelli, na halos araw-araw ay nakasalang din sa trabaho.


Well, sa parte ni Ja­nice, ang alam ko lang ay nakapag-taping na siya para sa isang special episode ng Maalaala Mo Kaya sa ABS CBN. Ito na kaya ang hudyat na mas madalas na makikita sa hinaharap sa ABS CBN si Ja­nice? Nag-ober-da-bakod na nga kaya si Ja­nice sa Dos?


Anyway, gagampa­nan ni Janice ang papel ng isang batang nanay na maraming anak, na may madilim na nakaraan, na gusto na niyang ilibing. Bilang ina, gagawin niya ang lahat, na tipong papasukin niya ang kahit na anong klase ng trabaho, mabuhay lang ang kanyang mga anak.


Makakasama ni Ja­nice sa episode na ito ng MMK sina William Martinez, Makisig Morales, Paul Salas, Aaron Junatas, Alfred Labatos, Rubi Rubi, Eda Nolan, at Mon Confiado.


Mula ito sa kuwento ni Mark Duane Angos, at sa direksyon ni Jerry Lopez Sineneng.
read more "Janice, nag-ober-da-bakod sa ABS CBN!"

Anne, crush na crush ni Joshua Davis!


Ang 17-year old na si Joshua Davis ay kilala bilang “Yoyo Tricker” na kauna-unahang P1M winner ng Ta­lentadong Pinoy ng TV5. Tinalo ni Joshua ang mga katunggali niyang Far East Acrobats, Makatatawanan, Leah Patricio, Omar The Ladder Balancer, Wanlu, Tribal Dancers at ang wild card na si Jackielyn.


Anyway, hindi naiwasang kuwestyunin ang pagkapanalo ni Joshua dahil nalaglag daw ang hawak niyang yoyo sa kalagitnaan ng kanyang performance. Pero deadma lang ang bagets dahil kumbinsido siya na siya talaga ang winner sa kanilang lahat.


Sabi ni Joshua, ginagabayan daw siya ng kanyang yumaong kapatid na kasabay niyang nag-aral ng yoyo tricks at kasama sana niyang nag-audition sa Talentadong Pinoy kundi lang ito namatay agad sa sakit na kanser.


“Nasa wallet ko po ‘yung picture ng kuya ko. Lagi ko itong dala-dala. Nu’ng rehearsal hindi ko po dala ‘yung wallet kaya mali-mali ako sa praktis. Pero bago mag-show, okey na po ako,” kuwento niya.


Inamin ni Joshua na hiningi rin niya ang suporta ng mga kapatid niya sa Iglesia Ni Cristo. Second year high school si Joshua sa New Era.


Ilalagay raw ni Joshua sa bangko ang perang napanalunan niya. At `yun daw ang gagamitin niyang pantustos sa pag-aaral niya sa college.


Willing din si Joshua na pakusin ang showbiz kung magkakainteres ang TV5 na kunin siya bilang talent.

At kung papapiliin siya, gusto niyang maging ka-love team si Anne Curtis na crush na crush niya.


Yun nga lang, mahihirapan siyang makasama sa project sa TV5 si Anne dahil exclusive ito sa ABS CBN 2.
read more "Anne, crush na crush ni Joshua Davis!"

Si Maricel at ‘di si Ruffa ang tunay na reyna ng TV5!


SIGURADONG magiging masaya si Ruffa Gutierrez sa TV5 partikular sa bago niyang showbiz talk program na Paparazzi, lalo at welcome sa kanya ang magiging co-host niya sa show na si Cristy Fermin.


Bago pa sumabog ang ‘walk-out incident’ ni Ruffa sa The Buzz dahil sa pagkapikon niya sa ex-co-host niya na si Kris Aquino, nakatsikahan na namin si Ruffa sa Talentadong Pinoy, Battle of the Champions.


Buong ningning na tinanggap ni Ruffa sa puso niya si Cristy, na hanggang ngayon ay maituturing na kaaway ng mommy niyang si Annabelle Rama.


“Nagkasama na kami sa The Buzz ni Cristy at wala namang problema. And I’m really happy she’s back.

I’m sure napakarami niyang scoop at napakarami niyang maibibigay sa show, kasi alam mo naman ako hindi ako masyadong tsismosa kaya siya ang magbabalita sa akin,” nangingiting pahayag ni Ruffa.


Kinumpirma ni Ruffa na okey sa kanyang Mommy Annabelle ang pagsasama nila ni Cristy sa nasabing show sa TV5.


“With us naman kasi, we’re all professionals. Kung may problema o pinipersonal ng mommy ko, ‘di sana noon pa lang sa The Buzz inalis na niya ako. And even si Mo Twister, na nilalait niya si Jun Lalin (publicist ng mga Gutierrez’s) at tinawag niyang Bacon, feel ko na rin siya.


“I’m looking forward na makatrabaho sina Mo and Cristy,” pahayag pa ni Ruffa.


Ayaw tanggapin ni Ruffa ang comment ng ibang mga kaibigan sa press na posibleng siya na ang tanghaling Reyna ng TV5?


“Naku, huwag naman. Princess na lang. Hahahaha!


“Well, nandiyan naman si Ate Maricel (Soriano). Ayo­ko naman siyang sagasaan. Mahal na mahal ko ‘yun. Siya ang Reyna ng TV5 at ako ang Princess.”


Anyway, iwas na si Ruffa na pag-usapan si John Lloyd Cruz. Sabi nga niya sa amin, may bago na siyang tahanan kaya hindi na dapat pag-usapan pa si John Lloyd.


“Huwag na natin siyang pag-usapan sa aking bagong tahanan. Ang masasabi ko lang, kahit saan ako magpunta mananatiling magkaibigan pa rin kami.”


Lalong umiwas si Ruffa nang mabanggit ang naba­litang paghaharap nila ni Shaina Magdayao.

Nagdahilan na lang itong uuwi na at tatawagan pa ang kaibigang si Gretchen Baretto para batiin ng Happy Birthday nu’ng mga oras na `yon.
read more "Si Maricel at ‘di si Ruffa ang tunay na reyna ng TV5!"

Ruffa, welcome na welcome sa TV5


Tumanggi si Perci Intalan (Entertainment TV Head ng TV5) na magbigay ng comment tungkol sa isyu na kinasasangkutan nina Ruffa Gutierrez at Kris Aquino.


Nadawit ang TV5 sa pag-alis ni Ruffa sa studio noong Linggo dahil sa sinabi ni Kris na mas masaya sa The Buzz kumpara sa network na kanyang lilipatan. Ayon kay Perci, ayaw niya na mag-comment dahil wala sila (TV5) sa posisyon.


“It’s an issue between Ruffa and Kris. Basta ang posisyon namin, we welcome Ruffa with open arms and nag-uusap kami ni Tita Annabelle.


“Obviously things have fallen in to place. We told Ruffa, nandito lang kami. Hinihintay ka namin na mag-transfer.”


Kinumpirma ni Perci na kasama na si Ruffa sa mga talent scout ng Ta­lentadong Pinoy sa bagong season nito. Binanggit din niya na magiging nationwide na ang audition para sa popular talent search show ng TV5.


Ikinatuwa ni Perci at ng Talentadong Pinoy host na si Ryan Agoncillo ang mataas na rating (47.8% audience share) ng Battle of the Champions na ginanap sa Cuneta Astrodome noong nakaraang Sabado.


“We are happy about the ratings but this is actually the first time in two years that we congratulated each other about the rating,” ang masaya na sabi ni Ryan.


“Ang gusto lang namin, we just wanted to be like Sing-Galing na umabot ng 7 seasons. Kami, ang running joke namin, umabot ng limang season at within six months, sana maka-double digit ratings.”


Nagkatotoo ang running joke nina Ryan at napasubo siya sa staff ng Talentadong Pinoy, dahil nang umakyat noon sa 20% ang rating ng kanilang programa, tinupad niya ang pangako na maglilibre siya ng pizza.
read more "Ruffa, welcome na welcome sa TV5"

Gretchen, nakaka-stress ang beauty!


Maganda ang aura ni Mikaela nang makita namin siya sa presscon niya para kina Rachel at Nonito.

Walang kakurap-kurap ang mata ni Mikaela nang sabihin nito na nawala ang kanyang stress nang putulin niya ang pakikipagkaibigan kay Gretchen Barretto.


Nakaka-stress pala ang beauty ni Gretchen, base na rin sa statement ni Mikaela.


Anyway, si Mikaela ang nagbulgar noong nakaraang taon ng isang anomalya sa gobyerno na nagdadawit sa pangalan ni Gretchen, pero hindi lumaki ang isyu dahil pinili ng huli na manahimik.
read more "Gretchen, nakaka-stress ang beauty!"