Your Ad Here

Tuesday, March 30, 2010

Dennis nairita na papalitan ang apelyido ng anak


Sensitibong paksa para kay Dennis Trillo kung sakaling isunod sa pangalan nang napangasawa ng kanyang ex-girlfriend na si Carlene Aguilar ang kanilang anak na si Calix.

Nito lang inamin ni Carlene sa Startalk na nagpakasal na sila ng kanyang nobyong si Ro­gelio “Yo” Ocampo, but the former beauty queen does not intend to get pregnant by Yo until after five years para raw ma-enjoy nila ang ka­nilang pagsasama.

Bagama’t masaya si Dennis for his ex-flame, halatang napikon ang aktor sa Startalk reporter kung payag ba itong gamitin ni Calix ang apelyidong Ocampo.

“Palagay ko, hindi na dapat pinag-uusapan ang bagay na ’yan,” panonopla ng aktor sa reporter.

Dennis failed to address his exasperation, hindi siya dapat nairita sa nag-interbyu sa kanya kundi kay Carlene na desididong ipagamit kay Calix ang di­nadalang married name. Katuwiran ni Carlene, ayaw naman niyang iba-iba ang apelyido ng kan­yang mga magiging supling kay Yo.

But what’s the fuss? Pangilinan ba ang gina­gamit ni KC, hindi ba’t sa amang si Gabby Con­cepcion pa rin naman ito?
read more "Dennis nairita na papalitan ang apelyido ng anak"

Ryan katulong ang mga kaibigan sa mga hiling ni Juday


Katulad ng maraming husbands na may asa­wang naglilihi, hindi naman exempted si Ryan Agon­cillo sa mga cravings ni Judy Ann Santos. Pasensiyoso naman siya kaya lang kapag ang gustong kainin ni Juday ay hindi available locally, dun nagkakaproblema.

Pero nagbabago naman ng isip si Juday kapag nagpapaalam ang asawa niya na aalis para mabili ang gusto niya sa abroad. Mahirap din kapag nag­hanap si Juday ng pagkain sa dis-oras ng gabi at sarado na ang mga tindahan, restaurant o lugar na mabibilhan pero masuwerte si Ryan dahil ang dami-daming kaibigan na tumutulong sa kanya para mahanap ang gusto ng asawa. ’Yan ang na­gagawa ng pakikipagkaibigan, ’di ba Ryan?
read more "Ryan katulong ang mga kaibigan sa mga hiling ni Juday"

Sharon nakabili ng Juan Luna painting


Napa-ohhh ako nang mabasa ko ang April 2010 issue ng YES Magazine. Napa-ohhh ako dahil nakita ko ang Juan Luna painting na pag-aari ni Sharon Cuneta at nabili nito mula sa isang private collector sa Spain.

Milyon as in milyun-milyong piso ang presyo ng Juan Luna painting. Can afford si Sharon na mangolekta ng mamahaling paintings dahil richie-rich siya.

Hindi lamang ang painting ni Luna ang koleksyon ni Sharon. Nagmamay-ari rin siya ng mga paintings ni Fernando Amorsolo. Milyun-milyon din ang halaga ng mga Amorsolo paintings!
read more "Sharon nakabili ng Juan Luna painting"

Toni, bilib sa pamatay na diskarte ni Robin!


HINDI ako sigurado kung natuloy ang shooting nina Toni Gonzaga at Robin Padilla para sa unang pelikulang pagsasamahan nila last Friday, na prodyus ng Star Cinema.


Pero, bago ‘yon, sa pakikipagtsikahan namin kay Toni, inamin niyang kabado siya sa paghaharap nila ni Robin sa harap ng kamera. Kuwento pa ni Toni, kahit nagkita na sila ng ilang beses ni Robin sa story conference, hindi pa rin naalis ang pagkailang nila sa isa’t isa.Sey nga ni Toni, sa mga unang pagkikita raw nila ay hindi siya kinakausap ng action superstar. Halata raw na naiilang din ito sa kanya.


Pero, sa mga unang paghaharap daw nila ay bumilib na agad siya kay Robin. Ipinaramdam daw kasi agad ng actor ang pamatay nitong diskarte sa mga babaeng nakakasama niya.


Ayon kay Toni, inihahatid daw siya ni Robin sa pintuan kapag aalis siya. Isang bagay na ikinagugulat daw niya. Kaya kahit hindi raw sila nag-uusap, sobrang na-apreciate raw niya ang pagiging gentleman nito.


Sa ngayon, hindi pa masabi ni Toni kung paano mabi-break ang pagkailang nila ni Robin sa isa’t isa.

Pero, naiintindihan daw niya `yon dahil natural lang daw na magkailangan pa ang mga tulad nila na ngayon pa lang magkakasama sa trabaho.


Tinanong namin si Toni tungkol sa posibilidad na pagselosan si Ro­bin ng boyfriend niyang si direk Paul Soriano. Pero, tiniyak ni Toni na hindi mangyayari `yon, na magselos si direk Paul kay Robin, dahil sobrang secured daw sa puso niya ang kasintahan.


Anyway, ikinagulat naman ni Toni ang nalamang balita pareho ng ugali sina Robin at Willie Revillame, na ipinagbabawal ng mga ito na bumisita sa set ng movie nila ang boyfriend ng kanilang mga kasama sa project.


Hindi makapaniwala si Toni na may ganung kundisyon si Robin sa shooting nila.


Pero, sinigurado naman ni Toni na hindi mangyayari `yon, dahil hindi rin daw mahilig dumalaw si direk Paul sa trabaho niya. At kung sakali man daw na pumunta si direk Paul sa shooting niya, sobrang mahalaga lang daw ang pa­kay nito sa kanya.


Anyway, hanggang ngayon ay hindi pa masagot ni Toni kung bibigay siya kay Robin, o kung papayag siyang makipaghalikan dito. Hangga’t maari kasi ay ayaw ni Toni ma makipaghalikan sa kanyang leading man.


Pero, pinag-uusapan pa raw ang tungkol sa halikan nila ni Robin.


Samantala, sa halip na magbakasyon ngayong Holy Week, pinili ni Toni na magbigay ng kanyang testimony sa religious group na kinabibilangan niya.
read more "Toni, bilib sa pamatay na diskarte ni Robin!"

Mark Bautista, mas maggu-grow sa GMA!


IPINAKILALA na nga si Mark Bautista bilang bagong Kapuso sa pilot telecast ng Party Pilipinas noong Linggo. Tingin namin kay Mark, nangangapa pa ito sa bagong tahanan.


Hirit kay Mark ng ilang press, parang hindi siya masaya sa kabila ng sinabi niyang masaya siya sa kinalabasan ng first episode ng show.


“Oo, may ganun ako, kanina sa backstage pa lang, before my prod show, parang, oh no, ito na ‘yun!

Like noong si Ms. Reg (Regine Velasquez) nag-i-intro sa akin, may kaba, grabe ang kaba ko. Kaya sabi ko, i-enjoy ko na lang ‘to. Pero masaya ako na napasama ako sa show. Bago ang show kaya parang bago ang lahat,” nakangi­ting sabi ni Mark.


Alam ni Mark na wala nang bawian ang pagiging Kapuso. Pero feeling naman daw niya, mas maggu-grow siya ngayon sa GMA-7. Bukod kasi sa pagkanta, gusto rin niyang pasukin ang mundo ng pag-arte. In fact, kasama rin daw sa kontratang pinirmahan niya sa network ang makagawa ng soap-opera.
Tinanong namin si Mark kung napi-pressure ba siya ngayon sa Party Pilipinas, dahil may mga nagtatanong kung kaya ba niyang mapataas ang rating ng PP?


“Sobra naman! Siguro naman, hindi naman ako ang dahilan para magpa-rate. I mean, sa cast pa lang, Regine, Janno, Jaya, Ogie, hindi na nila kaila­ngan ng tulong.


“Ako naman, gusto ko lang i-enjoy ang trabahong ibinibigay sa akin. Grabe naman ang pag-welcome nila sa akin. Kaya siguro madali lang din sa akin ang makakonek sa lahat.”


Pero aminado si Mark na naging mabilis talaga ang lahat ng pangyayari sa paglipat niya sa GMA. At sabi, bukod kay Mark, ba­litang lilipat na rin sa Kapuso si Rachelle Ann Go?


“Ah talaga? Wala naman akong alam. Ako kasi, nagulat lang din ako noong sinabi sa akin. Pero noong makita ko rin naman ‘yung mga opportunity at ‘yung possible growth ko rito, okey lang din sa akin.


“’Yung mga ibang nababalita, honestly, wala akong alam kung totoo. Actually, ang daming pumapasok na intriga si­mula ng lumipat ako rito. Pero siguro, ganun lang talaga.”


Personal ba siyang nagpaalam kay Sarah Geronimo?


“Noong nag-shoot kami, first time naming magkita ulit after niyang malaman na lilipat ako. Tinanong niya ko. Si Tita Divine pa nga ‘yung nagtanong. Sinabi ko lang na totoo nga. Eh, si Sarah, tahimik lang.”


So, mami-miss niya si Sarah?


“Well, siyempre lahat naman lalo na ‘yung mga naging ka-close ko, kaibi­gan ko doon. Pero magkikita-kita rin naman kami, si­guro sa mga guesting. Like kami ni Sarah, meron kaming show abroad na magkasama.”


Natuwa rin si Mark dahil marami raw siyang natanggap na text na nagko-congratulate sa kanya. Ilan sa mga ito ay mga dati niyang kasamahan sa ASAP XV na pinanood siya sa pilot ng PP at nag-text nga ng congratulation sa kanya.
read more "Mark Bautista, mas maggu-grow sa GMA!"

Angelica, nadala sa lampungan kay Jake!


NAKUNAN na ang eksena ng lampungan nina Angelica Panganiban at Jake Cuenca sa teleseryeng Rubi.
“Nakakadala ang love scene namin ni Jake but he has remained a gentleman throughout the shoot,” sabi ni Angelica.


“Kahit sino naman sigurong aktor kakabahan kapag si Angelica ang kasama sa eksena lalo na’t love scene pa. Kaya kahit naghanda ako, hindi naalis sakin ang nerbyos,” sambit naman ni Jake.
read more "Angelica, nadala sa lampungan kay Jake!"

Mike at Sheena, pigang-piga sa ‘Tanikala’


MALAKING hamon kay Mike Tan ang paglabas niya sa suspense-thriller project na Tanikala: Ang Ikalawang Libro. Ginampanan ni Mike ang papel na Florante, ang mapagmahal na asawa kay Marina na na-possessed ng evil spirits.


“First time kong gumawa ng suspense-thriller film and honestly, I had some difficulty doing some of the scenes. Ang role ko bilang Florante required a lot of heavy emotions and sometimes I don’t know where to get the feelings suited for the scene. Pero, nag-internalize talaga ako at inaral ko ang character ni Florante, at doon na lumabas ang emosyon ko,” kuwento ni Mike.


“I wanted to give justice to the role and script. I hope the viewers will be able to appreciate this film.

We all worked hard for it and I really gave my best. I also want them to get the message of the story,” dugtong pa ni Mike.


Kasama rin sa Tanikala: Ang Ikalawang Libro si Sheena Halili, na gumaganap naman bilang si Jenny, a young girl who contracted a deal with a dwarf.


Parehong first timers sa suspense genres sina Mike at Sheena, at sabi nga nila, kailangan nilang ibigay ang lahat-lahat ng nalalaman nila sa pag-arte.


Pero, base nga sa performances ng dalawa, napiga naman daw nang husto ang acting nila. At natuwa naman daw ang staff ng Tanikala.


Ang Tanikala: Ang Ikalawang Libro ay mapapanood sa April 1, Maundy Thursday, at 5 pm sa GMA 7.

Ang pelikulang ito ay ginawa bilang bahagi ng CBN Asia’s Holy Week Presentation, sa tulong ng The Light Cinema.


Ang CBN Asia ang prodyuser din ng weekly inspirational show na The 700 Club Asia.
read more "Mike at Sheena, pigang-piga sa ‘Tanikala’"

Kris at Boy, magkalaban sa QC?


Magkapareho mang presidentiable ang sinusuportahan nina Kris Aquino at Boy Abunda, pagdating sa QC mayor, magkalaban ang kani-kanilang kandidato, huh!


Si Kris kasi ay balitang suportado ang kandidato ng Liberal Party na sina Herbert Bautista at Joy Belmonte sa QC.


At very prominent naman si Boy sa dinner na ipinatawag ni Mike Defensor para sa mga barangay officials ng QC sa Celebrity Sports Plaza. In fact, ang The Buzz host ang siyang nagsimula ng programa at pinangunahan ang dasal bago ang kasiyahan.


Present din sa okasyong ‘yon ang alaga ni Kuya Boy na si Ai Ai delas Alas. Ayon kay Ai Ai, friend daw kasi niya si Mike kaya suportado niya ito.


Anyway, kahit hindi gaanong involved sa entertainment industry si Mike, pangarap din niyang gawing mala-Hollywood ang QC dahil nasa syudad ang lahat ng TV stations. Bukod sa magiging tourist attraction ang proyekto niyang ito, puwede ring magkaroon ng trabaho ang kababayan natin.


Of course, hindi lang sa entertainment ang plano ni Defensor. Maging ang mga senior citizens ay marami rin siyang plano.


Kaya naman sa QC, hindi lang artista ang karamihang maglalaban-laban kundi ang mga supporters din nilang mga artista, huh!
read more "Kris at Boy, magkalaban sa QC?"

Iwa Moto, kinamumuhian!


IMBES na malungkot, napapangiti pa si Iwa Moto kapag nalalaman nito na marami ang nagagalit sa kanya dahil sa contrabida role niya sa Ina, Kasusuklaman Ba Kita?


Para kay Iwa, compliment ang mga “I hate you” na sinasabi sa kanya ng mga tao na nakakasalamuha niya dahil nangangahulugan ‘yon na epektibo siya bilang kontrabida.


Sina Jean Garcia at Princess Punzalan ang dalawa sa mga aktres na gumaganap na kontrabida ang mga paborito ni Iwa.


Hindi natatakot si Iwa na ma-typecast sa villain roles dahil “forever” daw niya na gustong gumanap na kontrabida sa mga TV series na kanyang tinatampukan.
read more "Iwa Moto, kinamumuhian!"