Your Ad Here

Tuesday, April 6, 2010

Claudine, nagpa-lipo ng mukha?


NAMAMAGA nang husto ang mukha ni Claudine Barretto sa gues­ting nito sa Showbiz Central noong Linggo. Si Raymond Gutierrez ang nag-interbyu kay Claudine at allergy ang paliwanag niya tungkol sa pamamaga ng mukha ng aktres pero may mga nagdududa na thermage procedure at face liposuction ang dahilan.


Allergy, face liposuction o thermage procedure man ang rason, pinabilib kami ni Claudine sa professionalism na ipinakita niya dahil may sapat na dahilan para i-cancel ang kanyang live guesting sa Showbiz Central.Imbes na mag-back out, pumunta pa rin si Claudine sa studio para i-promote ang kanyang self-titled drama anthology sa GMA 7 na mag-uumpisa sa darating na Sabado.


Inalagaan ni Rico Gutierrez (Showbiz Central) si Claudine dahil puro long camera shot ang kanyang ginawa. No close up shot, isang rare chance na hindi nagsabi ang isang artista ng “I’m ready for my close up”.
read more "Claudine, nagpa-lipo ng mukha?"

Jennylyn at Dennis, nag-Holy Week sa HK?


MUKHANG flop ang Boracay nitong nakalipas na Holy Week? Wala tayong narinig na iskandalo na nangyari sa Boracay na involved ang mga artista natin.


Siguro, kinapos ng budget ang mga starlets kaya mas ginusto nilang manahimik na lang sa kani-kanilang bahay.


Well, ang Hong Kong yata ang mas dinayo ng mga artistang may pera. Kunsabagay, ang init na nga naman ng panahon ngayon, pupunta pa ba sila sa lugar na mas mainit? Eh, heto nga at ang lamig daw ngayon sa Hong Kong kaya mas enjoy sila.


Heto naman ang email ng isang reader ng Abante na kagagaling lang din sa Hong Kong. Hala, read niyo na lang ang email ni Elvira A., at medyo nakakaintriga ito.


“Dear Tito Alfie,


“Sa Hong Kong po kami nag-Holy Week kasama ang family ko. At no regrets, dahil kahit first time namin, at hindi kami masyadong nakapag-shopping, nag-enjoy talaga kami ng mga anak ko dahil napasyalan namin ang Hong Kong Disneyland. Plano na­ming bumalik before Christmas, para makapag-shopping naman.


“Anyway, enjoy rin kami dahil may mga stars kaming nakita sa Hong Kong. Nakita namin si Aljur Abrenica, na kasama nga ang family niya. At mukhang ang saya-saya nila, ha!


“Pero, ang ikinagulat ko, nakita ko rin si Dennis Trillo, at feeling ko, parang namalik-mata ako, dahil hindi si Cristine Reyes ang kasama niya, at bagkus ay si Jennylyn Mercado?


“Sabi ng mga friends ko, hindi raw ako dapat magtaka na magkasama sa Hong Kong sina Jennylyn at Dennis, dahil magkasama sila sa teleserye sa GMA. Baka raw sobrang close ng dalawa ngayon, kaya hanggang sa bakasyon sa Hong Kong ay magkasama sila.


“Sige po, Tito Alfie, hintayin ko na lang ang reaction ng dalawa kapag may nagtanong na sa kanila sa pagbabakasyon nila sa Hong Kong.”
read more "Jennylyn at Dennis, nag-Holy Week sa HK?"

Kyla, mas okey ka-duet ni Mark kesa sa La Diva!


HINDI pa rin masyadong impressive para sa amin ang second episode ng Party Pilipinas. Nakulangan pa rin kami sa mga production numbers at pati na sa mga bagong kantang nadinig!


Pilit din ang pagsasayaw ng main hosts. Hayaan na lang silang kumanta at bumirit nang bumirit, huh!

‘Yun naman ang malaking asset nila kaya pasok pa rin sila sa programa. Hindi rin namin keri ‘yung pagpa-falsetto sa number ni Kris Lawrence. Nakakasawang pakinggan.


Mas bongga kung normal na boses ang iparinig ng ex boyfriend ni Katrina Halili. Saka, iwasan sana ng kamera na makunan ‘yung parte ng ulo niyang may peklat! Ang sagwang tingnan dahil very prominent!


Mabuti naman at pinag-duet sina Mark Bautista at Kyla. At least, hindi na sa mga pinagpipilitang La Diva gaya nu’ng pilot episode ipinapareha si Mark. Nakakasawa na ang La Diva, kahit sabihin nilang may boses naman. Aba, hindi lang boses ang labanan sa telebis­yon ngayon, ‘no?


Wish namin, sa mga next episodes ng PP, mas bago ang mga kanta at party talaga ang ambience na masaya at masiglang lahat ang napapanood sa show!
read more "Kyla, mas okey ka-duet ni Mark kesa sa La Diva!"

Regine, pinalagan ang panlalait sa Party Pilipinas!


PINALAGAN ni Regine Velasquez ang sinasabi ng iba na kesyo wala namang bago sa Party Pilipinas, at mukha pa rin itong SOP.

Panglalait ng iba, wala naman talagang nabago sa show nila, at hindi pa rin daw ito puwedeng ipantapat sa ASAP XV ng ABS CBN.


“Siyempre, musical show, ‘di ba? So, ganun talaga. Pero, nakita n’yo naman, mas maganda talaga in-terms of production value,” bungad na hirit ni Regine.


Sa tingin nga ni Regine, marami ang natuwa at nag-enjoy sa Party Pilipinas. At naniniwala nga siya na kayang-kaya nitong makipagsabayan sa kalabang show.


Kuwento ni Regine, ang boyfriend niyang si Ogie Alcasid ang mas hands-on sa Party Pilipinas. Mas focus daw kasi siya sa primetime series niyang Diva.


“Hindi naman sa hindi ako involved sa Party Pilipinas. I’m also excited for Party Pilipinas kasi nga, maingay siya. And when you do a soap, it’s nice that you have a musical show dahil doon mo nailalabas ang pagiging singer. Good thing nga lang ngayon, ‘yung soap ko na Diva, nagla-live talaga ako.”


Sa Amanpulo nga nagdaos ng Holy Week sina Regine at Ogie. Abut-abot nga ang pasasalamat ni Regine kay Mr. Tony Tuviera ng TAPE, Inc.


“Ang bait-bait kasi niya. Ganun talaga siya. Minsan, sasabihin na lang niya sa amin ni Ogie na magpunta kami ng Hong Kong!


“Ang hirap tumanggi sa kanya. Siyempre, alam mong mahal na mahal ka, at mahal na mahal din namin siya,” say na lang ni Regine.
read more "Regine, pinalagan ang panlalait sa Party Pilipinas!"

Jackie, pantasya ni Joross!


SA Phuket, Thailand nga nagdaos ng Holy Week si Joross Gamboa, kasama ang girlfriend niyang si Katz Saga. First time raw nilang mag-bonding `yon sa labas ng bansa.


Very open nga si Joross about his girlfriend. Pero, walang-wala pa raw sa isip o plano nila ang magpakasal. Pero, aminado siya na si Katz na ang gusto niyang makatuluyan.


Siyanga pala, itinanggi ni Joross na live-in na sila ni Katz. Sa bahay pa rin daw niya sa Parañaque siya umuuwi at ang girlfriend naman niya ay nagri-rent din ng townhouse sa Parañaque also. Madalas daw wala sa Pinas si Katz dahil sa mga modeling assignment nito.


Anyway, feeling blessed si Joross ngayon dahil okey ang kanyang love life, at pati na ang kanyang career. Si Jackie Rice nga ang susunod niyang magiging leading lady sa susunod na episode ng Dear Friend.


Inamin ni Joross na pantasya niyang maging leading lady si Jackie, at natupad nga `yon.


“Marami pa akong gustong makasama, pero nu’ng tinanong ako kung sino sa mga Kapuso ang gusto ko, si Jackie agad ang isinagot ko,” sabi niya.


“Binasa ko talaga ang FHM magazine na siya ang cover. Gusto ko kasi na may alam ako sa kanya kapag nagkaharap kami,” dugtong na kuwento pa ni Joross.


Bakit importanteng may alam siya kay J­ackie?


“Siyempre, para mas maganda ang working relationship namin,” nangingiting sambit lang ni Joross.
read more "Jackie, pantasya ni Joross!"

Shaina-John Lloyd, pinagtatawanan na lang ni John Prats!


DINADAAN na lang sa biro ngayon ni John Prats ang nangyari sa relasyon nila ni Shaina Magdayao.

Nga­yon kasi na mukhang out in the open na ang tungkol kina Shaina at John Lloyd Cruz, tanggap na ito ni John at puwede na raw niya itong pagtawa­nan na lang.


“Nobody can say naman that I didn’t try to save our relationship,” sabi ni John.


“Alam ‘yan ng mga pamilya at mga kaibigan namin. I did my best and now, no regrets sa nangyari sa amin ni Shaina. Puwede ko na siyang pag-usapan at ngitian,” dugtong na sambit pa ni John.


Kung noon daw ay nasasaktan si John tuwing nababanggit ang pangalan ni John Lloyd sa usapan tungkol sa nasira nilang relasyon ni Shaina. Ngayon daw ay kaya na niya itong tanggapin at gawan pa ng joke.


“Akala mo nga na fairy tale ang ending naming dalawa. ‘Yung happily ever after. Hindi pala totoo sa lahat iyon. May binabagayan pala iyon. At hindi para sa amin ni Shaina iyon.


“Yung tungkol naman sa kanila ni John Lloyd, accepted ko na iyon. Like what I said, I can laugh at it na lang at gawan ko ng biro.


“May nagtanong nga sa akin na if ever aksidente kaming magkita ni John Lloyd, ano ang gagawin ko?

Ang sagot ko, ‘Magpapa-picture ako sa kanya at hihingi ng autograph!’ Ha! Ha! Ha! Ha!” malakas na tawa ni John.


Inamin nga ni John na kahit na iisang network sila ni John Lloyd ay never daw silang naging close.


“Nagkikita lang kami sa studio at sa ilang guestings pero we were never close. In short, hindi naman kami friends. Hindi kami chika! Ha! Ha! Ha! Ha!” tawa niya ulit.


“May nabasa nga ako na sasapakin ko raw si John Lloyd kapag nagkita kami. Naku, hindi ako bayolenteng tao. Hindi ako magre-resort sa ganu’ng kilos lalo na kung alam ko na ako ang lalabas na masama.


“Maganda na ang pakiramdam ko because I’ve move on na. Kumbaga, harapin na natin ang bagong buhay. Kakatapos lang ng Easter kaya it’s a new life kaya tanggapin na natin ‘yan.”


Noong mag-show nga ang ASAP sa Boracay ay nahuli raw si Shaina na tumitingin-tingin kay John habang nagre-rehearse ito ng sayaw. ‘Yung para raw gusto siyang lapitan pero nagdadalawang-isip daw si Shaina.


“Talaga? Baka nagustuhan niya ang tan ko! Ha! Ha! Ha! Ha!


“Hindi ko alam ‘yan kasi noong nasa Bora kami, trabaho ang inasikaso ko. Wala akong time na mag-emote sa beach. Tsaka hindi rin naman kami nagkausap kaya it’s okay.


Isa na nga sa mga non-exclusive stars ng TV5 si John at kabilang siya sa tatlong prinsipe ng primetime ng Kapatid network. Bukod sa sitcom na Moomoo and Me, kasama rin si John sa Lokomoko U at sa PO5: Party On 50.
read more "Shaina-John Lloyd, pinagtatawanan na lang ni John Prats!"

Angelu, inspirado kay Efren Peñaflorida!


PUMASOK na nga si Angelu de Leon sa ibang career path. This time, mas seryoso at mas ibang-iba na siya, kumpara sa pagiging artista.


Aminado si Angelu na simula nu’ng maging Born-Again Christian siya, nag-iba ang mga pananaw niya sa buhay.


Anyway, tinanggap ni Angelu ang hamon bilang Presidente ng JCI Ortigas Chapter. Isang international non-partisan and non-profit oriented group kunsaan ay nagbibigay sila ng charity sa lahat ng klase ng panga­ngailangan.


Na-induct nga si Angelu as President at mismong siya raw ang personal na kumontak kay Efren Peñaflorida para maging guest speaker nila. Sobrang na-touched daw siya kay Efren dahil kahit hindi raw sila personal na magkakilala, pero isang tawag lang niya ay hindi siya pina­hindian nito.


“Pareho kasi kami ng goal. At sobrang nai-ins­pire ako sa kanya. Hindi kami magkakilala ng personal kaya nagulat at na-touched ako na sa isang invitation ko lang sa kanya, umoo agad siya,” masayang pahayag nga ni Angelu.


Feeling naman ni Angelu, hindi raw niya kailangang i-compromise ang pagiging artista niya sa bago niyang endea­vor. At present, The Last Prince pa lang daw ang ginagawa niya sa GMA-7. Wala rin daw siyang lovelife na kino-consider.


“Wala! ‘Yung last na alam mo, wala rin, hindi rin nag-work-out. Feeling ko, ganun yata talaga. Si­guro, it goes din na mula ng maging Christian ako, kung sinuman ang magi­ging karelasyon ko, it’s different na talaga from before.” (ROSE GARCIA)
read more "Angelu, inspirado kay Efren Peñaflorida!"