Your Ad Here

Friday, March 12, 2010

Jennylyn, desididong layasan si Becky

BALITANG iiwan na rin ni Jennylyn Mercado ang kanyang manager na si Becky Aguila. Tatapusin na lang daw ni Jennylyn ang kanyang kontrata sa longtime manager niya at tuluyan na raw siyang magpapa-manage sa Viva Artist Agency.

Mula sa aming source ay napagdesisyunan na raw ni Jennylyn na bumitiw na kay Becky. Marami na raw kasi silang hindi napagkakasunduan at siguro raw ay panahon na para makagawa na ng sariling desisyon si Jennylyn sa kanyang career.Inamin noon ni Jennylyn na pinapaubaya niya lahat ang mga desisyon sa kanyang manager. Noon daw kasi ay marami siyang hindi alam sa nangyayari sa showbiz. Pero ngayon at mature na ang pag-iisip ni Jennylyn, naisipan na raw nitong dumiskarte para na rin sa kanyang career.

Pero noong tinanong nga noon ang paglisan niya sa kanyang manager, nag-deny pa si Jennylyn dahil nga may existing contract pa siya, pero co-ma­naged na siya ng VAA. Tumatanaw pa rin daw siya ng malaking utang na loob kay Becky.

Kung matuloy nga ang pag-alis ni Jennylyn sa poder ni Becky, isa na ito sa kanyang prized talents na mawawala. Kabilang nga sa mga nawala na kay Becky ay sina Angel Locsin, Joross Gamboa, Ella Cruz at ang kauna-unahan niyang talent na si Karen delos Reyes.
read more "Jennylyn, desididong layasan si Becky"

Ruffa, ‘di na sisipot sa ‘The Buzz’!

GOOD for three years ang exclusive contracts sa GMA Network na pinirmahan kahapon ng mga talent ni Annabelle Rama. Sabay-sabay na pumirma ng kontrata sina Raymond Gutierrez, TJ Tri­nidad, Ehra Madrigal, Ynna Asistio at Bubbles Paraiso.

Present sa contract signing sina GMA 7 big bosses Atty. Felipe Gozon at Jimmy Duavit.

Sa naturang contract signing, sinabi ni Annabelle na maganda ang relasyon nila ng kanyang mga alaga sa GMA Network management kaya nag-renew sila ng kontrata.

Pinabulaanan din ni Annabelle ang balita na magre-report pa rin si Ruffa Gutierrez sa The Buzz sa darating na Linggo. Ayon kay Annabelle, hindi na mapapanood nang live sa The Buzz ang kanyang anak.
read more "Ruffa, ‘di na sisipot sa ‘The Buzz’!"

Noynoy, type ipa-botox ni Kris!

Hanggang ngayon, hindi nagbabago ng pananaw si TV host Kris Aquino-Yap tungkol sa planong ipa-botox si Liberal Party standard bearer Benigno “Noynoy” Aquino III.

Kung si Kris Aquino ang masusunod, nais niyang ipa-botox ang kuyang si Noynoy, para magmukhang bata at mawala ang kumukunot na balat sa mukha.

Bago magsimula ang pinakamalaking rally noong Miyerkules ng gabi kung saan tinatayang 80 libo katao ang dumalo sa Joaquin Enriquez Memorial Sports Complex, muling iginiit ni Kris na importante ang pananamit at hitsura ng isang tao kaya’t inirekomenda niyang ipa-botox si Noynoy.

“Kasi kung napansin ninyo malaking bagay ang pananamit at hitsura mo sa pagharap mo sa tao.

Actually in-advise ko siya kung gusto niyang magpa-botox,” sabi ni Kris.

Sakabila ng rekomendasyon, mabilis na binara ni Noynoy ang plano ng nakakabatang kapatid.

Naga­galit nga raw si Noynoy ‘pag pinakikialaman o ini-experiment ang kanyang mukha.

Naikuwento rin ni Kris na ginuguwardiya­han niya si Noynoy kapag ginugupitan ito. Sinisi­guro raw niyang maa­yos ang hitsura ng senador tuwing gumagawa ng political advertisement o commercial.

Madalas nga raw sa­bihin sa kanya ni Noynoy na ginagawa niya itong kamukha ni John Lloyd Cruz, dahil sa sobrang pakikialam nito.

Anyway, dahil sa ma­tinding pagod sa kampanya ng kanyang kuya, siya umano ang nagbibigay ng “lighthearted moments” dito.

“’Yun ang nabibigay ko sa kanya. Tina-try namin na every Sunday kun­di lunch, dinner kami, kasama ang mga anak ko,” ani Kris.

Sinisi­guro rin ni Kris na kapag nanalong presi­dent si Noynoy, wala raw siyang balak na umaktong first lady ng bansa.

read more "Noynoy, type ipa-botox ni Kris!"

JC de Vera, 3 shows ang gagawin sa TV5

TAPOS na ang fighting mood ni Tita Annabelle Rama nang bumi­sitang muli sa Wednesday Club. Natapos na rin kasi ang kontrobersiyang kinasangkutan ng anak niyang si Ruffa Gutierrez laban kay Kris Aquino kung saan tumalak ang huli nang husto sa phone patch sa kanya sa Showbiz Central.

“Pilit nga akong kinukulit ni Ruffa para maki­pag-dinner kay Kris at sa family nito. Umayaw ako dahil may kanya-kanya tayong paniwala lalo na ngayong eleksyon. Open naman ako sa pagsasabing gusto ko si Gibo (Teodoro) kaya umaayaw ako sa dinner! Basta okey na ako at natapos na ang isyu sa anak ko at kay Kris!” kuwento ni Tita Annabelle habang nilalantakan ang kakaning tibuk-tibok na dala ni Tito Alfie Lorenzo.

Tinanong nga si Tita Annabelle ni Tito Alfie kung bakit kaila­ngang uma­lis ni JC de Vera sa Panday Kids gayong maganda naman ang role niya sa GMA fantaserye.

“Wala namang renewal ng kontrata kaya pinag-taping ko na siya bago mag-expire ang kontrata niya sa March 14. Nagti-taping siya ngayon para naman wala silang masabi na iniipit ko ang alaga ko.

“Eh, sa TV 5, tatlong shows ang gagawin ni JC, saka guaranteed ang pinirmahan niyang kontrata.

Kahit wala siyang ginagawang show, may monthly siyang matatanggap! Non-exclusive naman ang kontrata niya!” paliwanag ng Gutierrez matriarch.

Ang ibig sabihin, puwede nang lumabas sa Channel 2 si JC dahil bukod sa tapos na ang kontrata niya sa GMA, non-exclusive siya sa TV 5?

“Hindi ko pa masabi ‘yan! Depende sa offer! Ha! Ha! Ha!” biting sagot ni Bisaya.
read more "JC de Vera, 3 shows ang gagawin sa TV5"

Pacman shoes, mabibili sa halagang US$1100

Ikinuwento ng isa nating kababayan mula sa Arlington, Texas na mainit ang pagtanggap ng audience kay Manny Pacquiao nang dumating ito sa malawak na The Dallas Cowboy Stadium noong Miyerkules nang hapon (Thursday morning sa Pilipinas) para sa presscon ng laban nila ni Joshua Clottey.

Mula sa LA, lumipad si Manny sa Dallas noong Lunes at dahil sa kanyang hectic sche­dule, idinaos ang send-off party sa private terminal na malapit sa international airport ng Los Angeles. Isang chartered plane na may nakalagay na Pacquiao 1 ang sinakyan ni Manny at ng kanyang entourage, papunta sa Texas.

Meanwhile, available na sa Nike stores sa Amerika ang limited edition ng Manny Pacquiao training shoes.

Tumawag kami kahapon sa Wilshire Beverly Hills branch ng Niketown para alamin ang presyo ng Pacman shoes. Sinabi ng Niketown personnel na mabibili sa halagang US$1100 ang Pacman training shoes at US$80 ang selling price ng Pacquiao jackets.

May pitong stars ang Pacman shoes dahil nire-represent nito ang pitong boxing title ni Manny.

Tulad ng nakagawian pagkatapos ng mga laban niya, magkakaroon si Manny ng after-fight party at kakanta uli siya, kasama ang kanyang banda.

Sa presscon ng laban nila ni Clottey, nagkuwento si Manny tungkol sa kanyang kandidatura, singing career, at ang band rehearsals nila para sa after-fight party.

Ikinuwento ng isang eyewitness na kalmante at puno ng kumpiyansa sa sarili si Manny sa presscon na kapwa nila dinaluhan ni Clottey.
read more "Pacman shoes, mabibili sa halagang US$1100"

“Kris should check her behavior…”-- Lea Salonga

NABASA namin sa Facebook ang reaksyon ni Lea Salonga tungkol sa apology ni Kris Aquino sa mag-inang Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez. Maigsi pero may laman at siguradong magiging kontrobersyal ang short but sharp comment ni Lea:“She (Kris) should check her behavior on a regular basis so that apologies like these would NEVER HAVE TO BE UTTERED IN THE FIRST PLACE!!!”

Wala sa bansa si Lea. Nasa New York siya para sa kanyang mga show pero updated siya sa mga nangyayari sa Philippine showbiz at ebidensya ang mga Twitter post niya na may kinalaman pa rin sa Ruffa-Kris controversy:

“I can’t really objectively comment on Ruffa & Kris. None of us can. What happens on TV doesn’t always reflect reality. One thing to remember about Pinoy showbiz: what happens behind the scenes is more often far more interesting than what we see on screen.”
read more "“Kris should check her behavior…”-- Lea Salonga"

Juday Dalawang Buwan ng buntis!!

Kinumpirama na sa wakas ni Ryan Agoncillo kanina sa Eat Bulaga na dalawang buwan ng buntis ang asawang si Judy Ann.. sa wakas tinuldukan na nila ang issue at nalaman na ng publiko ang tunay na kundisyon ni Judy Ann.. CONGRATS
read more "Juday Dalawang Buwan ng buntis!!"