Your Ad Here

Sunday, March 7, 2010

Ryan, sabak agad sa trabaho matapos ikasal


Sumabak agad sa trabaho si Ryan Eigenmann kahit kakakasal pa lang niya sa buntis niyang asawa na si Cathy last Sunday. Pagkapanganak na lang daw sila magbabakasyon ng asawa.


“Magtatrabaho muna ako bago kami magbakasyon.

She’s preggy so by the end of the month, baka mag-short vacation lang muna kami within the country. Pagkapanganak niya, doon kami aalis talaga,” kuwento ni Ryan, na kasama sa Misteryo ng QTV-11.


Alam na ba nila ang kasarian ng magiging anak niya?


“Ahh, nagpa-ultrasound kami pero naka-cross ang legs niya. Ayaw magpakita ng bata. Pero, it doesn’t matter kung boy or girl ang lumabas! ” sabi ng anak ni Gina Alajar.


Ano kayang klaseng father siya paglabas ng anak?


“Napaisip ako doon, huh! Siguro hindi mapaghandaan kung paano tayo magiging tatay. Kung ako ay disciplinarian o magiging kaibigan. I will just play it by ear,” sambit ng aktor.


Ano ang sabi ng mother niyang si Gina Alajar sa pagpapakasal niya nang medyo late ang age at hindi katulad nila ng father niyang si Michael de Mesa?


“Me, being the panganay, naramdaman ko din ‘yung hirap nila raising three kids at a very young age. I think that’s what she meant nang sabihin niyang nakapaghintay ako at the right age. So medyo napaghandaan ko ‘yon nang konti!” seryosong pahayag ni Ryan.

0 comments:

Post a Comment