Your Ad Here

Sunday, March 7, 2010

Alessandra, ‘gow gow gow’ sa kasalang Kristine-Oyo!


Pabor si Alessandra de Rossi na magpa­kasal na ang ex-boyfriend niyang si Oyo Sotto sa girlfriend nito ngayon na si Kristine Hermosa.


“Gow! Gow! Gow!” ang reaksyon ni Alex nang tanungin ang reaksyon niya sa napapabalitang kasal nina Kristine at Oyo.Sabi pa ni Alex, matutuwa siya kung mauuwi sa kasalan ang relasyon nina Oyo at Kristine. Alam daw niyang maaalagaan nang husto ni Oyo si Kristine. Maalagang tao raw si Oyo at talagang husband material.


“Matagal din niyang sinuyo si Kristine! Bagay rin naman sila at swak naman ang personalities nila. So, go lang!” sambit pa ni Alex.


Ayon pa kay Alex, bagama’t hindi sila close ni Kristine ay okey naman sila. Ilang beses na raw silang nagkita ni Kristine sa mga gatherings ng pamilya nina Dina Bonnevie. Matalik na kaibigan ni Alex si Danica Sotto, ang ate ni Oyo.


Noon pa man, madalas na raw niyang biruin sina Oyo at Kristine. At kahit hindi pa raw umaamin ang dalawa sa relasyon nila, alam na niya na magsyota ang mga ito.


Sa pagkakatanda ni Alex, mahigit tatlong taon na ang relasyon nina Oyo at Kristine. Kaya para kay Alex, tamang-tama raw na pakasal na ang dalawa.


Pabirong sabi nga ni Alex, kung umabot lang sila ni Oyo ng tatlong taon at niyaya siya nitong magpa­kasal, tatanggapin agad niya.


Ginagarantiya ni Alex na mapapaligaya ni Oyo si Kristine kapag mag-asawa na ang dalawa. Sigurado raw na tatratuhing reyna ni Oyo si Kristine.


“Totoong magmahal si Oyo. At loyal talaga siya,” papuri pa ni Alex kay Oyo.


Anyway, inamin ni Alex na kung may lalake siyang gustong balikan, ‘yun ay si Oyo. Gusto raw niya ang personalidad ni Oyo at klik talaga ang ugali nila.


Anyway, si Alex ang bida sa indie movie na Romeo & Juliet.

0 comments:

Post a Comment