Your Ad Here

Sunday, March 7, 2010

John Lloyd-Bea, walang kilig factor


Kung paniniwalaan ang praise release ng Star Cinema na blockbuster na naman ang “Miss You Like Crazy”, aba sadyang walang movie ang Star Cinema na nalu­gi, huh! Baka sad­yang para sa publiko ang movie nina John Lloyd at Bea.


Eh bawat reporters na nakapanood nito, eh pangit ang isinusulat nila, ‘di raw nila nagustuhan, magulo ang kuwento at wala naman daw kilig factor. So papano ‘yun pipilahan? Pag nanood ang mga naturang reporters halos kalahati lang naman daw ang mga kasama nilang nanonood.


Pustahan, may mabibili pang award ‘yan sa pagbebentahan ng mga awards this summer! O kung walang tumatawad, baka abutin na naman ng before Christmas ang awarding!


Kelan kaya sila magpapaka­totoo? Mga tao naman sila ah, hindi kaya?

0 comments:

Post a Comment