Your Ad Here

Sunday, March 7, 2010

Nikki at Billy, pinag-uusapan na ang kasal


Kung may maganda man daw sa relasyon nga­yon nina Nikki Gil at Billy Crawford, ito ay suporta do nila ang isa’t isa at nakakahugot sila ng posi­tivity sa isa’t isa. More than one year na ang relasyon nila.


“Kaya kaya rin tumagal na ganito kasi ganu’n ako. If early on, alam ko na hindi nakakabuti sa akin, stop na agad. In our relationship, I can see that it has helped him to become a better person and definitely help me to become a better person. Ang dami mong natutunan in a relationship. And it’s fun! We enjoy it. At saka kami ni Billy, mahilig kasi kaming magkuwentuhan,” bungad na kuwento ni Nikki, na bida sa The Red Shoes ng Unitel.
Kung minsan nga raw, kapag si Billy ang nagda-drive, madalas ay naliligaw raw sila dahil sa kakakuwentuhan at tsismisan nila.


“I’m definitely enjoying our relationship and you know, take it slow, bata pa kami. Ipon muna. We have to be smart these days.”


Ano nga pala ang V-day gift sa kanya ni Billy?


“Wala naman kaming ganun-ganun. Flowers lang. Billy is very old fashion.”


Malaki raw ang ipinagbago ni Billy nang maging girlfriend siya.


“Na-convince ako na nabago siya noong nakausap ko ang nanay niya. At ‘yung nanay niya mismo ang nagsabi sa akin na nagbago and also his friends. When his friends started telling me, Billy has changed. Nag-iba na siya but for the better.


“So, you know, it feels good kasi, si Billy naman, hindi ko naman pinipilit na magbago ‘yan. Bakit mo pipiliting magbago ang isang tao, kaya mo nga siya nagustuhan for who he is, ‘di ba? Not for who he will become.”


Sa kabilang banda, itinanggi naman niya ang balitang kesyo nagpaplano na raw sila ni Billy ng kasal.

Napag-uusapan daw nila, pero hindi pa naka-set ang lahat.


“Not anytime soon. Siyempre bata pa rin naman ako. Ngayon pa lang ako nag-uumpisa. At siyempre these days, you have to be practical. When the time comes at kami pa rin, then, we’ll know it.”


Sa trailer nga pala ng The Red Shoes ay may intimate scene sila ni Marvin Agustin. Paano siya napapayag sa ganung eksena, eh, napaka-conservative niya?


“This movie naman is all about taste. So, panoorin n’yo na lang. Hindi ko naman sinasabing, panoorin n’yo, it’s like, panoorin n’yo. Ha! Ha! Ha! Ha!


“The movie needed it. At saka, hindi naman kasi na-sacrifice ‘yung mga prinsipyo ko for this one. You’ll see it. It was done in such a way na wala namang na-violate sa mga limitations ko,” saad na lang ni Nikki.

0 comments:

Post a Comment