Your Ad Here

Sunday, March 7, 2010

Daniel Matsunaga, gustong maging Pinoy


Sina Akihiro Sato, Daniel Matsunaga at Fabio Ide ang mga Japanese-Brazilian model na vocal sa pagsasabi na gusto nilang manatili sa Pilipinas dahil napamahal na sa kanila ang ating bansa at ang mga Pilipino.


In fact, nagsalita si Daniel na handa siya na ma­ging Filipino citizen dahil sa sobrang pagmamahal sa ating bansa. May strong resemblance si Daniel kay Dingdong Dantes. Natuwa si Daniel nang marinig nito ang mga comment na papasa siya na kapatid ni Dingdong pero hindi pa raw sila nagkakaroon ng pagkakataon na makilala nang personal ang isa’t isa.

Namula at nakaramdam ng hiya si Daniel nang sabihin ng isang reporter na “finer version” siya ni Dingdong.


Desidido si Daniel na magkaroon ng acting career sa Pilipinas. Kasama sa kanyang plano na papuntahin sa Pilipinas ang mga magulang niya. Gusto ni Daniel na maranasan ng kanyang mga magulang ang kabutihan ng mga Pilipino at makita nila na maganda ang ating bansa.


Ayon kay Daniel, mahal ang pamasahe mula sa Brazil papunta sa Pili­pinas kaya pinag-iipunan niya ng pera ang pagbabakasyon ng kanyang mga magulang.

1 comments:

melissa_cu93 said...

gwapo tlaga ni daniel,,proud to be kapuso

Post a Comment