Your Ad Here

Sunday, March 7, 2010

Ruffa, maayos na nagpaalam sa ABS-CBN


Maayos ang pagpapaalam ni Ruffa Gutierrez sa management ng ABS-CBN.

Nagpadala ng sulat at nakipag-dinner ang kanyang nanay na si Annabelle Rama sa mga executive ng ABS-CBN para pormal na sabihin na tinanggap nila ang alok ng TV5.


Naintriga ang Twitter followers ni Ruffa nang mabasa nila ang entry ng aktres noong February 22, 11:53 pm: “Just read a letter. Okay. I read it again.

Suddenly it hit me... I begin to tremble. Tears well up... (Need time to think n do what’s best).”


Sa presscon ng TV5 para kay Ruffa noong Biyernes, ipinagtapat niya na ang sulat na ipinadala nila sa ABS-CBN executives ang dahilan ng kanyang pag-iyak. Hindi madali para kay Ruffa na iwanan ang TV network na nagbigay sa kanya ng malaking break nang bumalik siya sa Pilipinas mula sa Istanbul noong February 2007.


Mananatili si Ruffa bilang co-host ng The Buzz hanggang March 14, 2010 dahil ito ang nakalagay sa sulat na ipinadala ni Annabelle sa ABS-CBN management.


Nang matapos ang presscon, nag-post uli si Ruffa ng saloobin nito sa kanyang Twitter account tungkol sa nalalapit na paglipat niya sa TV5:


“TV5 is pouring P7 billion this year 2 beef up the network’s menu of shows, distribution reach and build 2 new state-of-the art studios.


“To all the TFC subscribers who will miss me...don’t be sad! : (It won’t be for long. You will see me again one day soon. Believe & trust me. Yes I will be on the BUZZ for 2 more Sundays. My gosh, I think I’m gonna cry a river on my last episode. I hate it when I’m so emotional.”

0 comments:

Post a Comment