Your Ad Here

Tuesday, March 30, 2010

Iwa Moto, kinamumuhian!


IMBES na malungkot, napapangiti pa si Iwa Moto kapag nalalaman nito na marami ang nagagalit sa kanya dahil sa contrabida role niya sa Ina, Kasusuklaman Ba Kita?


Para kay Iwa, compliment ang mga “I hate you” na sinasabi sa kanya ng mga tao na nakakasalamuha niya dahil nangangahulugan ‘yon na epektibo siya bilang kontrabida.


Sina Jean Garcia at Princess Punzalan ang dalawa sa mga aktres na gumaganap na kontrabida ang mga paborito ni Iwa.


Hindi natatakot si Iwa na ma-typecast sa villain roles dahil “forever” daw niya na gustong gumanap na kontrabida sa mga TV series na kanyang tinatampukan.

0 comments:

Post a Comment