Your Ad Here

Tuesday, March 30, 2010

Dennis nairita na papalitan ang apelyido ng anak


Sensitibong paksa para kay Dennis Trillo kung sakaling isunod sa pangalan nang napangasawa ng kanyang ex-girlfriend na si Carlene Aguilar ang kanilang anak na si Calix.

Nito lang inamin ni Carlene sa Startalk na nagpakasal na sila ng kanyang nobyong si Ro­gelio “Yo” Ocampo, but the former beauty queen does not intend to get pregnant by Yo until after five years para raw ma-enjoy nila ang ka­nilang pagsasama.

Bagama’t masaya si Dennis for his ex-flame, halatang napikon ang aktor sa Startalk reporter kung payag ba itong gamitin ni Calix ang apelyidong Ocampo.

“Palagay ko, hindi na dapat pinag-uusapan ang bagay na ’yan,” panonopla ng aktor sa reporter.

Dennis failed to address his exasperation, hindi siya dapat nairita sa nag-interbyu sa kanya kundi kay Carlene na desididong ipagamit kay Calix ang di­nadalang married name. Katuwiran ni Carlene, ayaw naman niyang iba-iba ang apelyido ng kan­yang mga magiging supling kay Yo.

But what’s the fuss? Pangilinan ba ang gina­gamit ni KC, hindi ba’t sa amang si Gabby Con­cepcion pa rin naman ito?

0 comments:

Post a Comment