Your Ad Here

Tuesday, March 30, 2010

Mark Bautista, mas maggu-grow sa GMA!


IPINAKILALA na nga si Mark Bautista bilang bagong Kapuso sa pilot telecast ng Party Pilipinas noong Linggo. Tingin namin kay Mark, nangangapa pa ito sa bagong tahanan.


Hirit kay Mark ng ilang press, parang hindi siya masaya sa kabila ng sinabi niyang masaya siya sa kinalabasan ng first episode ng show.


“Oo, may ganun ako, kanina sa backstage pa lang, before my prod show, parang, oh no, ito na ‘yun!

Like noong si Ms. Reg (Regine Velasquez) nag-i-intro sa akin, may kaba, grabe ang kaba ko. Kaya sabi ko, i-enjoy ko na lang ‘to. Pero masaya ako na napasama ako sa show. Bago ang show kaya parang bago ang lahat,” nakangi­ting sabi ni Mark.


Alam ni Mark na wala nang bawian ang pagiging Kapuso. Pero feeling naman daw niya, mas maggu-grow siya ngayon sa GMA-7. Bukod kasi sa pagkanta, gusto rin niyang pasukin ang mundo ng pag-arte. In fact, kasama rin daw sa kontratang pinirmahan niya sa network ang makagawa ng soap-opera.
Tinanong namin si Mark kung napi-pressure ba siya ngayon sa Party Pilipinas, dahil may mga nagtatanong kung kaya ba niyang mapataas ang rating ng PP?


“Sobra naman! Siguro naman, hindi naman ako ang dahilan para magpa-rate. I mean, sa cast pa lang, Regine, Janno, Jaya, Ogie, hindi na nila kaila­ngan ng tulong.


“Ako naman, gusto ko lang i-enjoy ang trabahong ibinibigay sa akin. Grabe naman ang pag-welcome nila sa akin. Kaya siguro madali lang din sa akin ang makakonek sa lahat.”


Pero aminado si Mark na naging mabilis talaga ang lahat ng pangyayari sa paglipat niya sa GMA. At sabi, bukod kay Mark, ba­litang lilipat na rin sa Kapuso si Rachelle Ann Go?


“Ah talaga? Wala naman akong alam. Ako kasi, nagulat lang din ako noong sinabi sa akin. Pero noong makita ko rin naman ‘yung mga opportunity at ‘yung possible growth ko rito, okey lang din sa akin.


“’Yung mga ibang nababalita, honestly, wala akong alam kung totoo. Actually, ang daming pumapasok na intriga si­mula ng lumipat ako rito. Pero siguro, ganun lang talaga.”


Personal ba siyang nagpaalam kay Sarah Geronimo?


“Noong nag-shoot kami, first time naming magkita ulit after niyang malaman na lilipat ako. Tinanong niya ko. Si Tita Divine pa nga ‘yung nagtanong. Sinabi ko lang na totoo nga. Eh, si Sarah, tahimik lang.”


So, mami-miss niya si Sarah?


“Well, siyempre lahat naman lalo na ‘yung mga naging ka-close ko, kaibi­gan ko doon. Pero magkikita-kita rin naman kami, si­guro sa mga guesting. Like kami ni Sarah, meron kaming show abroad na magkasama.”


Natuwa rin si Mark dahil marami raw siyang natanggap na text na nagko-congratulate sa kanya. Ilan sa mga ito ay mga dati niyang kasamahan sa ASAP XV na pinanood siya sa pilot ng PP at nag-text nga ng congratulation sa kanya.

0 comments:

Post a Comment