Your Ad Here

Tuesday, March 30, 2010

Kris at Boy, magkalaban sa QC?


Magkapareho mang presidentiable ang sinusuportahan nina Kris Aquino at Boy Abunda, pagdating sa QC mayor, magkalaban ang kani-kanilang kandidato, huh!


Si Kris kasi ay balitang suportado ang kandidato ng Liberal Party na sina Herbert Bautista at Joy Belmonte sa QC.


At very prominent naman si Boy sa dinner na ipinatawag ni Mike Defensor para sa mga barangay officials ng QC sa Celebrity Sports Plaza. In fact, ang The Buzz host ang siyang nagsimula ng programa at pinangunahan ang dasal bago ang kasiyahan.


Present din sa okasyong ‘yon ang alaga ni Kuya Boy na si Ai Ai delas Alas. Ayon kay Ai Ai, friend daw kasi niya si Mike kaya suportado niya ito.


Anyway, kahit hindi gaanong involved sa entertainment industry si Mike, pangarap din niyang gawing mala-Hollywood ang QC dahil nasa syudad ang lahat ng TV stations. Bukod sa magiging tourist attraction ang proyekto niyang ito, puwede ring magkaroon ng trabaho ang kababayan natin.


Of course, hindi lang sa entertainment ang plano ni Defensor. Maging ang mga senior citizens ay marami rin siyang plano.


Kaya naman sa QC, hindi lang artista ang karamihang maglalaban-laban kundi ang mga supporters din nilang mga artista, huh!

0 comments:

Post a Comment