Your Ad Here

Tuesday, March 30, 2010

Toni, bilib sa pamatay na diskarte ni Robin!


HINDI ako sigurado kung natuloy ang shooting nina Toni Gonzaga at Robin Padilla para sa unang pelikulang pagsasamahan nila last Friday, na prodyus ng Star Cinema.


Pero, bago ‘yon, sa pakikipagtsikahan namin kay Toni, inamin niyang kabado siya sa paghaharap nila ni Robin sa harap ng kamera. Kuwento pa ni Toni, kahit nagkita na sila ng ilang beses ni Robin sa story conference, hindi pa rin naalis ang pagkailang nila sa isa’t isa.Sey nga ni Toni, sa mga unang pagkikita raw nila ay hindi siya kinakausap ng action superstar. Halata raw na naiilang din ito sa kanya.


Pero, sa mga unang paghaharap daw nila ay bumilib na agad siya kay Robin. Ipinaramdam daw kasi agad ng actor ang pamatay nitong diskarte sa mga babaeng nakakasama niya.


Ayon kay Toni, inihahatid daw siya ni Robin sa pintuan kapag aalis siya. Isang bagay na ikinagugulat daw niya. Kaya kahit hindi raw sila nag-uusap, sobrang na-apreciate raw niya ang pagiging gentleman nito.


Sa ngayon, hindi pa masabi ni Toni kung paano mabi-break ang pagkailang nila ni Robin sa isa’t isa.

Pero, naiintindihan daw niya `yon dahil natural lang daw na magkailangan pa ang mga tulad nila na ngayon pa lang magkakasama sa trabaho.


Tinanong namin si Toni tungkol sa posibilidad na pagselosan si Ro­bin ng boyfriend niyang si direk Paul Soriano. Pero, tiniyak ni Toni na hindi mangyayari `yon, na magselos si direk Paul kay Robin, dahil sobrang secured daw sa puso niya ang kasintahan.


Anyway, ikinagulat naman ni Toni ang nalamang balita pareho ng ugali sina Robin at Willie Revillame, na ipinagbabawal ng mga ito na bumisita sa set ng movie nila ang boyfriend ng kanilang mga kasama sa project.


Hindi makapaniwala si Toni na may ganung kundisyon si Robin sa shooting nila.


Pero, sinigurado naman ni Toni na hindi mangyayari `yon, dahil hindi rin daw mahilig dumalaw si direk Paul sa trabaho niya. At kung sakali man daw na pumunta si direk Paul sa shooting niya, sobrang mahalaga lang daw ang pa­kay nito sa kanya.


Anyway, hanggang ngayon ay hindi pa masagot ni Toni kung bibigay siya kay Robin, o kung papayag siyang makipaghalikan dito. Hangga’t maari kasi ay ayaw ni Toni ma makipaghalikan sa kanyang leading man.


Pero, pinag-uusapan pa raw ang tungkol sa halikan nila ni Robin.


Samantala, sa halip na magbakasyon ngayong Holy Week, pinili ni Toni na magbigay ng kanyang testimony sa religious group na kinabibilangan niya.

0 comments:

Post a Comment