Your Ad Here

Tuesday, March 30, 2010

Mike at Sheena, pigang-piga sa ‘Tanikala’


MALAKING hamon kay Mike Tan ang paglabas niya sa suspense-thriller project na Tanikala: Ang Ikalawang Libro. Ginampanan ni Mike ang papel na Florante, ang mapagmahal na asawa kay Marina na na-possessed ng evil spirits.


“First time kong gumawa ng suspense-thriller film and honestly, I had some difficulty doing some of the scenes. Ang role ko bilang Florante required a lot of heavy emotions and sometimes I don’t know where to get the feelings suited for the scene. Pero, nag-internalize talaga ako at inaral ko ang character ni Florante, at doon na lumabas ang emosyon ko,” kuwento ni Mike.


“I wanted to give justice to the role and script. I hope the viewers will be able to appreciate this film.

We all worked hard for it and I really gave my best. I also want them to get the message of the story,” dugtong pa ni Mike.


Kasama rin sa Tanikala: Ang Ikalawang Libro si Sheena Halili, na gumaganap naman bilang si Jenny, a young girl who contracted a deal with a dwarf.


Parehong first timers sa suspense genres sina Mike at Sheena, at sabi nga nila, kailangan nilang ibigay ang lahat-lahat ng nalalaman nila sa pag-arte.


Pero, base nga sa performances ng dalawa, napiga naman daw nang husto ang acting nila. At natuwa naman daw ang staff ng Tanikala.


Ang Tanikala: Ang Ikalawang Libro ay mapapanood sa April 1, Maundy Thursday, at 5 pm sa GMA 7.

Ang pelikulang ito ay ginawa bilang bahagi ng CBN Asia’s Holy Week Presentation, sa tulong ng The Light Cinema.


Ang CBN Asia ang prodyuser din ng weekly inspirational show na The 700 Club Asia.

0 comments:

Post a Comment