Your Ad Here

Wednesday, March 31, 2010

Venus Raj, tinanggalan ng korona!


ANJANETTE Abayari, Tisha Silang at Janelle Bautista.

Sila ang mga Bb. Pilipinas-Universe title-holder na hindi nagkaroon ng pagkakataon na lumaban sa Miss Universe Pageant nang bawiin ng Bb. Pilipinas Charities Inc. ang kanilang mga korona dahil sa isyu ng lack of residency.


Sumusunod sa yapak ng tatlo si Maria Venus Raj, ang newly-crowned Bb. Pilipinas-Universe na tinanggalan ng title noong Lunes dahil sa isyu ng kanyang tunay na nationality. Nakita ng BPCI na may inconsistencies sa statement ni Venus at ng kanyang ina at sa mga dokumento na ibinigay nila. Nakalagay sa documents na isinilang si Venus sa Pilipinas pero sinabi nila ng kanyang ina na ipinanganak siya sa Qatar.


Sa text message na ipina­dala nila sa PEP, ipinaha­yag ng BPCI na mabigat sa kanilang puso na pakawalan si Venus pagkatapos ma­laman ng organization ang inconsistencies sa kanyang birth records at sa personal account nila ng nanay niya.


As of presstime, hindi pa naglalabas ng official statement ang kampo ni Venus pero may nakapagsabi sa amin na iyak siya nang iyak noong Lunes dahil sa malungkot na pangyayari.


Marami ang na-disappoint, lalo na ang mga tao na naniniwala na malaki ang tsansa ni Venus na mapansin sa Miss Universe Contest. Si Venus ang isa sa mga top favorite contestant nang sumali siya sa Bb. Pilipinas Contest at walang nagreklamo nang siya ang manalo ng 2010 Bb. Pilipinas-Universe title.

0 comments:

Post a Comment