Your Ad Here

Saturday, April 3, 2010

Melason, sasabak sa matinding pagsubok!


Paano nga ba haharapin ng dalawang laking probinsya ang mabilis at magulong buhay sa siyudad, lalo na ngayong sikat na sila? Mabibigyang katuparan pa kaya nila ang mga pangarap para sa kanya-kanyang pamil­ya lalo pa’t over, over na ang pagka-busy nila?

Iyan ang mga tanong na bibigyang kasagutan sa Melason in Da City, ang bagong realiserye nina Melisa Cantiveros at Jason Francisco na magpapatawa at magpapakilig sa buong pamilya.

Simula Lunes (Apr. 5) ng 10 a.m., muling masusundan ng bayan ang buhay ng magkasintahang Melai at Jason o Mela­son, habang sabay nilang inaabot ang kanilang mga pangarap kasabay ng pag-a-adjust sa buhay Maynila. Si Melai kailangan ng pampagamot sa amang may sakit, samantalang gusto naman ni Jason na ipagpatayo ng bahay ang pamilya.

Sa totoo lang, buong mundo ang sumusunod sa kanilang love story dahil maging sa Internet ay may eksklusibong mga video nila ang napapanood sa http://tfcnow.abs-cbn.com/ at http://www.iwantv.com.ph. Sabi nga, sila ang Prinsesa at Prinsipe ng Masa.

At sa Melason in Da City, patuloy silang mapapalapit sa publiko sa kanilang paghahanap ng puwesto sa real world. Saksihan ang kakulitan ng dalawa sa kanilang mga posibleng landlord o landlady.
Magaganap na rin ang muling pagsubok ng mag-sweetypie na makapag-malling matapos dumugin noong u­nang mall date nila. Wala nang sabwatan ang magaganap sa bago nilang prog­rama kaya’t nakasalalay na lang sa dalawa ang kanilang kapalaran.

“Sobrang happy kasi hindi mahirap. Walang script. Masaya lang,” ani Melai.
Si Jason naman ay lalong ginaganahang magtrabaho. “May kakayahan pala akong kumita. Pinaghihirapan ko. Akala ko, hindi ko magagawa, pero may pag-asa pala,” sabi pa ni Jason.

1 comments:

jannet said...

aabangan ko po yan. certified adik melasonian po ako... tnx po sa update!

Post a Comment