Your Ad Here

Saturday, April 3, 2010

Gretchen at Claudine, pinagsasabong ng ABS at GMA!


Happy Easter to All! Sana ay naging makabu­luhan ang pagdaos ninyo ng katatapos na Semana Santa. At hindi porke Pasko ng Pagkabuhay nga­yon, sisimulan na ninyong buhayin ang mga “namatay” last week, huh! Sobra na ‘yan!

Anyway, back to reality na. Bukas, kung hindi man ngayon, balik-trabaho na ang lahat ng nagbakasyon. Sa mga nabitin, don’t worry, long weekend na naman sa April 9 hanggang 11! Ayaw pa ninyo ‘yon?Teka nga pala, sa April 10, Saturday, mukhang nangangamoy sabong ang mangyayari sa magkapatid na Gretchen at Claudine Barretto! Bakit? Aba, sa nasabing date ang simula ng drama anthology ng bagong Kapuso artist na si Claudine. Pabulosa pa naman ang plugging ng programa dahil Laurice Guillen na ang director sa pilot episode, ang asawang si Raymart Santiago pa ang kapareha! Bonggang buena-mano, ‘di ba?

Pero ang lagay, patatalbog ba ang Channel 2? Of course not dahil sa April 10 din ang telecast ng episode ni Gretchen sa Maalaala Mo Kaya? Ipinakita na ang trailer ng episode ni Greta nu’ng Holy Week! Hindi lang kami sure kung bagong episode ‘yon o replay, huh! Ha! Ha! Ha!

Of course, nauna ang GMA sa araw ng telecast ng drama ni Claudine. Matagal nang nakaswak ang playdate na ‘yon para sa drama actress. For sure, ‘yung kay Gretchen, ipinasok na lang sa date na ‘yon ng MMK.

Para malaman kung sino sa magkapatid ang mas tatangkilikin ng televiewers, huh! Biktima tuloy ng network war ang Barretto sisters na mabuti na lang, in good terms na, huh! Or else, nangangamoy-away na naman ang sisteraka, huh! Just like the old times! Ha! Ha! Ha!

If ever na magtapat ang Claudine at MMK ni Greta ng oras, well at least, may choice ang viewers kung aling drama ang gusto nilang panoorin, huh!

Siyanga pala, sa live edition ng Showbiz Central, tampok si Claudine sa The Story of My Life kung saan ilalahad ang lihim sa mga isyung kanyang pinagdaanan. Live siyang magkukuwento ng kanyang nakaraan at mga plano sa buhay. Guest din nang live ang bagong kasal na si Sunshine Dizon, at si Rufa Mae Quinto, aba, isang very sexy hardcourt encounter ang ginawa niya!

0 comments:

Post a Comment