Your Ad Here

Saturday, April 3, 2010

Jolina, sobrang apektado sa halik ni Akihiro!


Sa Tagaytay nagbakasyon si Jolina Magdangal nitong Holy Week. Kuwento ni Jolina, kahit doon na nakatira ang kanyang parents, hindi raw siya masyadong nakakapunta roon.

Kaya sinamantala niya ang Holy Week para makipag- bonding with her family. Binisita na rin niya ang building na pinatatayo niya roon pati na ang mga negosyo nila roon.“Sayang nga at hindi umabot sa Holy Week ‘yung restaurant. Supposedly ang plano talaga, bago mag-Holy Week ang soft opening ng restaurant, pero hindi umabot,” say ni Jolina.

Nagkaroon din daw ng time si Jolina na makasama ang parents ng boyfriend niyang si Mark Escueta.
“Okey naman kasi pinayagan naman ako ng parents ko na sumama sa family niya,” say lang niya.
Anyway, puring-puri naman ni Jolina ang kanyang ka-partner sa primetime series na Panday Kids na si Akihiro Sato.

“Hindi ko ine-expect na ang bait niya, na magaan siyang katrabaho at napaka-gentleman. ‘Yung first scene namin, kiss agad. So, sobrang apektado sa kissing scene na `yon dahil hindi naman talaga ako sanay sa mga kissing scene.

“Eh, hindi ko pa siya masyadong kilala at first time naming magkaeksena at kissing scene agad. Pero, nakita ko sa kanya na hindi siya nagte-take advantage. Ako, sobrang kabado, pero siya, wala lang. Ha! Ha! Ha!”

Nakakahawa rin daw ang pagi­ging pala-smile ng Brapanese star.
Siyanga pala, kasama rin si Jolina sa Party Pilipinas. At natutuwa raw siya sa pilot episode nila at nakita naman daw niya ang effort ng lahat na makapagbigay ng mas maganda at entertaining show.

Pinanindigan pa rin ni Jolina ang bago niyang itsura sa Party Pilipinas. At sabi nga, siguradong magugulat pa rin ang mga tao sa gagawin at ipakikita niya sa mga susunod na Linggo.
“Basta, kapag nanonood sila ng Party Pilipinas, para silang nanonood ng isang magazine,” sambit ni Jolina.

0 comments:

Post a Comment