Your Ad Here

Saturday, April 3, 2010

Tanya Garcia, maselan ang pagbubuntis


Pasko ng Pagkabuhay ngayon at isinabay ni Tanya Garcia ang pag-anunsiyo na tatlong buwan na siyang buntis sa ikalawang anak nila ni Mark Lapid. Sa grand opening ng kanyang salon na AlCUTraz Hair Studio sa may Ortigas Center nga namin nakatsikahan si Tanya, na wala pa ring kupas ang ganda.

Kuwento ni Tanya, last year pa raw sila sumubok ni Mark Lapid na makabuo ng bagong baby.
“Kasi nga 2-year old na si Mischa at gusto na na­ming bigyan ng kapatid. Pero we weren’t lucky pa sa pagbuo ulit. Kaya hindi na kami nag-try ng sobra.

“Then a few months after parang iba na ‘yung paki­ramdam ko. Kung ano ‘yung nararamdaman ko noong nabuntis ako kay Mischa, ‘yun ulit ang pakiramdam ng katawan ko.“So I took a pregnancy test at positive nga. Tinawagan ko si Mark at sinabi ko na humawak siya sa anumang makakapitan niya kasi may ibabalita ako sa kanya. So akala niya pagkakagastusan na naman. Pero noong sinabi ko na I’m pregnant, talagang sumigaw siya sa tuwa,” natatawang kuwento ni Tanya.

Sobrang ingat nga si Tanya ngayon dahil maselan daw ang pagbubuntis niya ngayon.
“My doctor said medyo at risk na naman itong pagbubuntis ko and she advice na hindi ako puwedeng ma-stress, mapagod or ‘yung magbiyahe nang matagal. Baka raw kasi maging masama sa katawan ko.”

Sa huling check-up nga ni Tanya ay maayos naman daw ang lagay ng second baby nila ni Mark. May heartbeat na ito at normal ang mga signs sa ika-three months nito sa loob ng kanyang tiyan.
“I’m so thankful kay God kasi nga nandiyan Siya to always protect me and my family. Kaya it’s my duty naman na pangalagaan ang sarili ko rin. Buti na lang nandiyan ang family ko at family ni Mark to help me out. Kung may kailangan daw ako na manggaling sa Manila, sila na ang kukuha for me.”
Seafoods nga ang cravings ni Tanya noong nagsimula siyang maglihi.

“Basta gusto kong kumain ng isda. Once na natikman ko, ayoko na. Iba naman ang hahanapin ko. Minsan nga, naglambing ako kay Mark na ipagluto niya ako ng adobong pusit. Natawa siya at sinabing ibang klaseng luto na lang daw ng pusit ang hilingin ko baka raw kasi maging kakulay niya ‘yung second baby namin!”

Wishing for a baby boy nga sila Tanya at Mark.
Ikinuwento nga ni Tanya na dapat ay sa December ng taong ito ay magpapakasal na sila ni Mark. Nagpaplano na nga sila kung saan gagawin ang kanilang wedding at pati ang wedding gown na isusuot ni Tanya ay pinaghahandaan na.

Pero dahil nga sa pagbubuntis ulit ni Tanya ay na-move sa 2011 ang kasal nila ni Mark.

0 comments:

Post a Comment