Your Ad Here

Sunday, April 11, 2010

Sharon, todo-gastos para kay Tito Sotto!


Aminado si Tito Sotto na malaking tulong ang Eat Bulaga sa muling pagkakaroon ng interest ng tao sa kanya ngayong eleksiyon, kaya nasa Top 12 siya sa mga surveys na ibobotong senador.


“Tremendous ang tulong ng show sa akin. Nang ma-elect ako sa Senate, tumigil ako sa Bulaga ng 12 years. Attend lang ako pag special events. That time, my awareness was lower than 1992. Nu’ng 2004-2007, hindi ako napagkikita sa Bulaga. Sa 2007 ako pumasok kaya nag-peak ‘yung awareness sa akin. MKahit wala siya ngayon sa EB, pasok pa rin siya sa utak ng tao dahil binabanggit ang Sotto dahil kay Vic.


“Malaking factor kapag meron ka pang kapatid na sikat! Ha! Ha! Ha! Wala kang magagawa. Kahit ayaw nila, technically o legally, walang bawal doon! Hindi nila puwedeng pagbawalan,” paliwanag pa ni Tito Sen.


Bukod kay Vic, siyempre kasama rin sa campaign ang asawa niyang si Helen Gamboa.


“Helen has a campaign of her own and in key areas, sumasama siya sa akin. Halos lahat din ng lugar, kasama ko siya. Sa mahihirap na areas o malayo by land, doon siya hindi sumasama. Ang lakas din niya,” sey niya.


Teka, saan galing ang tsismis na hiwalay sila?


“Hindi ko alam ‘yon! It was a rehash of a question in my… ‘yung kay Karen Davila. Sa ANC ‘yon. May questions at isa sa phone in at internet question, ‘yung totoo bang hiwalay kami ni Helen. Sabi ko, completely untrue. It has never happened even before noong 2007, kasama sa black propaganda ko ‘yon. In fact, we have never fought up to now. May diskusyon lang in our 40 years. Not even attempt. ‘Yon ang napick-up ng Yahoo. Nagdeny ako. Forty years na ka­ming kasal,” paliwanag ni Tito.


Na-involved pa nga si Zsa Zsa Padilla sa isyung ‘yon, huh!


“Hiyang-hiya nga ako kay Zsa Zsa. Kami ni Dolphy, close at si Zsa Zsa, close kina Ciara at Sharon. Ha! Ha! Ha! Kasi that time, biglang pumunta sa Las Vegas si Helen kaya hindi nakatulong sa kampanya ko. Hindi naesplika. Pi­pirma ng kontrata si Ciara sa show niya sa Las Vegas. Si Helen ang pumunta dahil importante ang career ng anak ko. Hindi ko akalain na gagamiting isyu ‘yon,” sambit pa niya.


Sa parte naman ni Sharon, ang pagsasaayos ng mga campaign materials niya ang tulong niya kay Tito.


“Alam mo naman pagdating sa ganyang campaign materials, ang galing-galing ni Sharon diyan! Siya ang nagpapagawa! Siya ang gumagastos. She’s very supportive. Hindi lang siya puwedeng gumawa ng commercial dahil sa mga ilang kontrata niya sa commercial.” balita niya.


Maging sina Boy Abunda at Kris Aquino ay pumayag gumawa ng infomercial niyang napapanood sa TV na patterned sa Pinoy Henyo ng Bulaga.


“Obvious kasing mas­yado sina Vic and Joey na ie-endorse ako. Given na ‘yon. Eh, itong si Mr. Tuviera at Boy Abunda were talking about projects. Binanggit ni Boy kay Tony na gusto nilang tumulong ni Kris. Alam nilang tinulungan ko sila in the past. Alam nila ang mis­yon ko. Sinabi sa akin ni Tony at umokey ako pati na ‘yung paggawa ng commercial.


“In fact, si Boy nag-isip nu’ng commercial na Pinoy Henyo ang gamitin. ‘Yung kay Kris, personal thing. It doesn’t have to do with political parties. Personal ang dating niya,” say ni Tito.


Teka, sa presidentiable, obvious na Noynoy Aquino sila nina Vic at Joey.


“Hindi naman obvious! Halata lang! Ha! Ha! Ha! We just don’t admit it publicly! Ha! Ha! Ha!” deklara ni Tito Sotto.a­la­king bagay ‘yon sa akin,” pahayag niya.

0 comments:

Post a Comment