Your Ad Here

Sunday, April 11, 2010

Melisa, problemado sa ama!


MALAKING dagok ang hinaharap ngayon ni Melisa Cantiveros. Ilang araw pa lamang simula nang tuluyan niyang lisanin ang bahay at pangangalaga ni Kuya kasama ang nobyong si Jason Francisco, kinailangan niyang tugunan ang pagkakasakit ng ama sa lalamunan.Napag-alaman ng Prinsesa ng Masa na malaking halaga raw ang aabutin para malunasan ang sakit ng amang si Mang Dionisio. Matulungan kaya siya ng Prinsipe ng Masa na si Jason sa problema niyang ito?

Sa pag-alis nina Melai at Jason sa PBB house, inaasahang sari-saring pagsubok ang darating sa buhay nila sa kanilang pag-abot sa kanilang mga pangarap. Una na rito ang paghahanap ng tirahan at pakikibagay sa sandamakmak na kapitbahay.

Samahan ang Melason sa kanilang nakakatuwang paglilipat sa kani-kaniyang tirahan at pakikisalamuha sa kanilang mga bagong kapitbahay sa “Mela­son In Da City,” na mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes ng 10a.m. sa ABS-CBN at 6:30p.m. naman sa Studio 23.

0 comments:

Post a Comment