Your Ad Here

Sunday, April 11, 2010

'Di kilala ng stage director Dennis nag-walkout din!


Uso talaga sa showbiz ang pagwu-walkout at hindi nagtapos kay Gretchen Barretto ang season ng walkout dahil ang latest na nag-walkout ay si Dennis Trillo. Nangyari ang pagwu-walkout ng aktor sa trade launch ng GMA 7 na may telecast, ang Party Pilipinas at kung saan, semi-regular ang aktor.

Ang tsika sa amin, maagang dumating sa SMX Convention Center si Dennis dahil ‘yun ang advice sa kanila, pero malalim na ang gabi, hindi pa ito tinatawag. Kung saan-saan din ito pinauupo at ang the height, noong tinatawag na si Dennis, nag-dialogue raw ang stage director ng “sino ba si Dennis Trillo?” at “nasaan ba siya?”

Nainsulto si Dennis dahil katabi lang niya ang naghahanap sa kanya, feeling nito, sinadya siyang bastusin kaya sa halip na magalit, nag-decide na lang itong umalis at ‘di na bumalik. In fairness, hindi staff ng Party Pilipinas ang stage director, pero siguro naman kilala niya si Dennis at nakikita niya ito. Ganahan pa kayang bumalik sa Party Pilipinas si Dennis?

Samantala, kumpirmado ng si Dennis ang gaganap na Andrew sa Endless Love: Autumn In My Heart na balik-tambalan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Kagabi ang storycon ng Pinoy adaptation ng Korean novela at ang hi­ni­ngi lang ng aktor at manager nitong si Popoy Caritativo ay hindi lumabas na kontrabida si Dennis at hindi madedehado sa publicity.

0 comments:

Post a Comment