Your Ad Here

Saturday, April 10, 2010

Maxene at JC relasyon, pangit ang ending!


May dalawang buwan na palang hindi nagkakausap sina Maxene Magalona at JC Tiuseco. Kaya nu’ng tanungin namin siya sa suportang ibinibigay ni Maxene sa kanya sa pagsali niya sa Medicol Advance Winners’ Race To A Million, walang maisagot si JC, at ngumiti lang.


Nanatiling tikom nga ang bibig ni JC sa tunay na rason nang paglamlam ng relasyon nila ni Maxene. Ni hindi rin nito maamin hanggang ngayon na naging sila ng aktres, at totoo ang balitang nag-break sila nu’ng January pa.


Hindi rin masagot ni JC ang tanong namin sa kanya na bakit kahit sa text ay hindi sila nag-uusap ni Maxene.


Suspetsa ng marami, hindi naging maganda ang ending ng relasyon nina JC at Maxene. Ang isang pruweba nga ay ang interview muna ni Maxene na ayaw nitong makasama sa kahit na anong project si JC.


Nang tanungin namin si JC tungkol sa sinabing `yon ni Maxene, ang sagot lang niya ay okey lang daw sa kanya kung ‘yun ang gusto ni Maxene. Sabi pa niya, karapatan daw nitong pumili kung sino ang gusto niyang makasama sa trabaho.


Hindi talaga namin mapiga si JC sa nangyari sa kanila ni Maxene, kaya pahapyaw namin siyang tinarayan, at sinabi na ang damot niyang magbigay ng komento sa press tungkol sa kanila ni Maxene, gayung alam naman ng lahat na naging sila nito.


“Hindi naman! Siyempre, ang inaano ko ‘yung kapakanan ng ibang tao hindi lang ‘yung sa akin. Parang ayaw ko ring makasakit ng ibang tao. Kaila­ngang maging gentleman ka sa lahat ng sinasabi mo. I mean, oo pero kailangan siyempre, kailangang ibigay ko sa press ‘yung kailangan nila pero kung ako lang, okey lang sa akin. Pero may ibang tao na mai-involve kaya kailangang isipin ko rin,” sey niya.


Akala namin ay magsasalita na si JC nang tuluy-tuloy, pero nu’ng uriratin uli namin siya kung may masama bang nangyari sa kanila ni Maxene at bigla silang nag-iwasang dalawa, sumagot itong “wala naman”.


“Siguro baka iba na ang set of friends niya. Kasi ako madalas lang ako sa bahay, hindi ako lumalabas,” dugtong niya.


Kuntento na raw si JC sa sitwasyon nila ni Maxene na hindi na sila nag-uusap. Naintriga lang kami sa sumunod na pahayag niya, dahil sey niya, mas gusto na raw niyang in good terms sila ni Maxene at wala siyang nasasaktan.


Anyway, tutok nga si JC ngayon sa Medicol Advance Winners’ Race To A Million. At kung mananalo raw siya, sa Gawad Kalinga niya ibibigay ang isang milyong piso na premyo.

0 comments:

Post a Comment