Your Ad Here

Sunday, April 11, 2010

Dennis parang si Robin kung ma-in love




Seen : Pareho ang ugali nina Robin Padilla at Dennis Trillo. Madaling ma-in love sina Robin at Dennis sa mga babae na nakakapareha nila.

Scene : Hindi natuloy ang commercial shoot ni Heart Evangelista sa Bangkok dahil under state of emergency ito.

Seen : Malaki na ang tiyan ni Judy Ann San­tos. Tumataba na rin siya dahil sa kanyang pag­bu­buntis.

Scene : Ibinalik ng Bb. Pilipinas Charities Inc. kay Maria Venus Raj ang Bb. Pilipinas-Universe crown na kanilang binawi. Ang mag-apply ng Philip­pine passport ang kundisyon na hiningi ng BPCI kay Venus.

Seen : Pilit at hilaw na hilaw ang loveteam nina Erich Gonzales at Enchong Dee. Hindi believable na may mutual understanding sina Enchong at Erich na may twang ang pagsasalita ng Tagalog.

Scene : Watchamakalit ang title ng pambata at bagong show ni Eugene Domingo sa GMA 7.

Scene : Sa April 18 ang premiere night sa SM Megamall Cinema 10 ng Working Girls.

0 comments:

Post a Comment