Your Ad Here

Sunday, April 11, 2010

Carla-Geoff fans, dismayado sa GMA!


DISMAYADO ang mga fans nina Carla Abellana at Geoff Eigen­mann, dahil mula sa primetime ay mala­lagay sa afternoon drama ang dalawa.Matapos magbida ang tandem nina Carla at Geoff sa Rosalinda, ginawa silang suporta sa The Last Prince, at ngayon ay nila­gay sila sa isang afternoon soap drama para gawin ang TV remake ng pelikulang Basahang Ginto.

Ang Basahang Ginto ay isa sa mga komiks material ni Mars Ravelo at pinagbidahan ito nina Pancho Magalona at Alicia Vergel sa big screen version nito na ginawa ng Sampaguita Pictures noong 1952.

Nagtataka nga ang mga tagahanga nina Carla at Geoff kung bakit hindi sila gawing bida sa isang primetime series. Magagaling namang umarte ang dalawa at marami ang nag-aabang sa kanilang tambalan.

May nagsabi naman na ite-test daw ang tambalan nina Carla at Geoff sa isang afternoon drama series. Hindi raw kasi ganu’n natanggap agad sa primetime ang kanilang love team. Proof daw ang hindi masyadong bonggang ra­tings ng Rosalinda. Baka raw sa afternoon drama ay maka­bawi ang tambalan nila.

Gusto lang namang alagaan ng GMA-7 ang loveteam nila kaya nilalagay sila sa iba’t ibang oras. It doesn’t mean na hindi na sila puwedeng mag-primetime. Marami naman ang mula sa primetime ay pinagbida rin sa panghapon na programa ng GMA-7. Nandiyan sina Iza Calzado, Dennis Trillo, Nadine Samonte, Jennylyn Mercado, Mark Herras, Yasmien Kurdi at Heart Evangelista.

0 comments:

Post a Comment