Your Ad Here

Monday, April 5, 2010

Marvin, todo-ensayo para sa Asian Games


MAS pinili ni Marvin Agustin na mag-stay sa Manila nu’ng Holy Week, kasama ang kanyang kambal na sina Sebastian at Santiago. Para kay Marvin, nu’ng binata pa siya ay gawain niya ang mawala sa Maynila tuwing Holy Week, at nabago raw `yon nga­yong may anak na siya. “Noong araw na wala pa tayong mga responsibilidad na mabigat, puwede tayong mawala kahit na ilang araw. Kunsaan-saan ako nakakara­ting noon.

“Ngayon kasi, may mga anak na ako, iba na ang takbo ng buhay ko. Mas nakatutok ako sa mga anak ko. Kesa luma­yo pa kami, sa bahay na lang kami ng mga anak ko.

“Makakaiwas pa kami sa mga gastos. Kung makakaipon ka ng malaki, gawin mo. Lahat naman ng pinag-iipunan ko ay para sa mga anak ko,” bungad na kuwento ni Marvin.

Sunud-sunod nga ang biyayang dumara­ting kay Marvin. Bukod sa mga regular shows niya sa GMA-7 na Panday Kids, Dear Friend at Party Pili­pinas, todo ang ensayo niya ngayong April para sa isang archery event.

Makikipag-c­ompete si Marvin sa Cebu nga­yong April para maka-qualify siya sa 16th Asian Games na magaganap sa China in November. Halos araw-araw raw ay nag-eensayo siya sa UP Diliman kasama ang kanyang coach.

“Matagal ko nang pangarap ang makasali sa isang malaking archery event at itong Asian Games nga ang pun­tirya ko. I pray na sa mga nagiging ensayo ko ngayon ay mabiya­yaan ng maganda. Ma­ging part ka lang ng Philippine team ay mala­king bagay na para sa akin,” pagtatapos pa ni Marvin

0 comments:

Post a Comment