Your Ad Here

Monday, April 5, 2010

Daiana, hinuhubaran sa titig ni Shivaker!


NASAKSIHAN namin ang kaswitan nina Daiana Meneses at Shivaker/Sam YG nang magkasunod silang pumasyal sa Wednesday Club sa Imperial Hotel bago ang Holy Week. U­nang dumating ang Brazilian model at after ilang minutes, heto at dumating ang Pinoy-Indian na naka-shorts lang!
Consistent naman ang dalawa sa pagsasabing friends lang sila. Pero hindi kapani-paniwala ang sinasabi nila sa kanilang ginagawa that night.

Kasi naman, si Daiana mistulang aliping sagigilid, dahil siya pa ang tagabuhos ng beers sa baso ni Shivaker, at super-asikaso talaga siya, huh! Tapos ang lalaki, kung makatitig sa babae, kulang na lang ay hubaran niya ito sa tingin! At sa totoo lang, feeling nina Sam at Daiana, silang da­lawa lang ang nanduon. Istorbohin man namin sila, sandali silang mamamansin pero after that, balik na naman sila sa kanilang bulungan, huh!
Sa kaso nina Daiana at Shivaker, action speaks louder than words nang gabing makasama namin sila.

Pero, dahil ayaw nilang umamin kung may relasyon sila, nirerespeto namin ‘yon. What you see is what you get na lang ang drama namin!

Lalo na at sabay umalis ang dalawa sa Imperial habang nakatunganga lang kami sa kanila, huh!

0 comments:

Post a Comment