Your Ad Here

Monday, April 5, 2010

Maja, tagung-tago ang relasyon kay Rambo!


MAY nakapagsabi sa amin na boyfriend na raw ni Maja Salvador si Rambo Nuñez, ang anak ng assistant ni Richard Gomez na si Marilen Nuñez. Sey ng aming source ay pinapakilala niya ng lihim ang kanyang non-showbiz boyfriend sa kanyang mga kaibigan. Proud nga raw si Maja sa kanyang karelas­yon pero hindi raw niya ito puwede pang ilabas sa publiko dahil may iba raw na ipa-partner sa kanya sa ABS-CBN 2.

Na-link nga sa iba’t ibang showbiz guys si Maja noong magsimula itong mag-artista. Na-link siya kina John Prats, Carlo Aquino at Coco Martin. Pero sa isang hindi taga-showbiz pala siya bumagsak.

Dagdag pa ng source namin na nangako nga raw si Maja na balang araw ay ia-announce niya sa TV na siya ay in-love sa isang hindi taga-showbiz. Pero kailangan pa raw nito ng permiso mula sa maraming tao dahil baka raw makaapekto ang pag-amin niya sa kanyang showbiz career.

0 comments:

Post a Comment