Your Ad Here

Monday, April 5, 2010

Jon Avila, 3-taong tigang!


TATLONG taon nang walang girlfriend si Jon Avila. Pero, inamin niya na lumalabas din siya na kasama ang iba’t-ibang babae.

Sabi ni Jon, focus daw siya ngayon sa kanyang career. Hirap daw kasi siyang pagsabayin ang love life at career, lalo na ngayong tatlo ang show niya sa TV 5, ang Shall We Dance, PO5 at Everybody Happy, at kasama rin daw siya sa Impostor ng ABS CBN.

Giit pa ni Jon, wala rin daw siyang sex life, na mahirap talagang paniwalaan.

Tanong namin kay Jon, wala ba siyang sex-mates, ‘yung tipong harot lang at walang halong love?
“Wala akong sex-mates!” mariing sambit ni Jon. Hindi ba niya nami-miss?

“I stayed in PBB for 3 months, as in wala talaga. Nakaya ko naman. Nakontrol ko naman,” sagot niya.

Pero, hindi talaga kapani-paniwala na sa loob ng tatlong taon ay tigang siya. At dahil parang nakukulitan na sa amin si John, itinaas niya ang kanyang kanang kamay at sabay sabing… “Ito ang sex-mate ko!”

Imposible raw siyang magkaroon ng sex-mate dahil hindi siya mahilig gumimik, at mas gusto raw niyang mag-stay na lang sa bahay.

Samantala, non-exclusive ang kontratang pinirmahan ni Jon sa TV5. Pinayagan daw siya ng Star Magic na siyang humahawak ng career niya, dahil non-exclusive din daw siya sa Kapamilya Network.

0 comments:

Post a Comment