Your Ad Here

Monday, April 5, 2010

Valerie at Dondon, hiwalay na?


HIWALAY raw si Valerie Concepcion kay PBA cager Dondon Hontiveros? Nali-link kasi ngayon si Valerie kay PBB Double Up ex-housemate na si Tom Rodriguez.

“Hindi kami nagkahiwalay ni Dondon dahil hindi naman talaga kami. Lay low kami ngayon sa paglabas-labas dahil busy ako sa trabaho,” iglap na paglilinaw ni Va­lerie. Pero, bakit nagseselos daw si Dondon kay Tom?
“Hindi namin napag-uusapan `yon. In fact, Dondon is more of happy for me with this new project, ang PHR presents Love Me Again.”
Anyway, excited si Valerie dahil nga­yon lang daw siya ulit aarte sa harap ng kamera. Mas madalas nga siyang mag-host kesa umarte.

“For the longest time, I’ve been waiting for a drama show like this. Ever since lumipat kasi ako ng ABS-CBN, naging busy na ako with Wowowee. Kaya happy ako ngayon na balik-drama ako. It’s something na matagal ko nang hinihintay,” say niya.

Siyanga pala, love story of second chan­ces ang tema ng pinakabagong offering ng Precious Heart Romances (PHR) na magsisimula na ngayong Lunes, April 5. Ikalawang paglabas na ito ni Valerie sa PHR matapos ang PHR presents Bud Brothers. First daily drama series naman ito ng mga dating housemates ni Kuya.

Hango sa pocketbook na sinulat ni Heart Yngrid, ang Love Me Again ay kwento ng magkapatid na sina Precy (Valerie) at Donnie (Johan) na masusubok ang samahan dahil sa pag-ibig.

Kasama rin sina Archie Alemania at iba pang PBB Double Up ex-housemates na sina JM Lagumbay, Kenny Santos at Toffi Santos, ang Love Me Again ay dinirek nina Ruel S. Bayani at Jojo Saguin.

0 comments:

Post a Comment