Your Ad Here

Friday, March 19, 2010

Pokwang, pasok sa remake ng Temptation Island

PINAPIRMA ni Mother Lily ang komedyanang si Pokwang ng 2-picture contract sa Regal Films kaya naman, proud ang hitad na matawag na Regal Baby ngayon.


Sey ng Regal produ, makakasama si Pokwang sa remake ng Regal hit na Temptation Island na dinirek ng yumaong si Joey Gosiengfiao at isa si Dina Bonnevie sa nagbida sa movie. This time, tanging si Pokwang pa lang ang nasa cast at ang director ay si Chris Martinez.


Masaya rin palang ibinalita ni Mother na labas na sa DVD at VCD ang Filmfest entries niya last year na Mano Po 6 na pinagbidahan ni Sharon Cuneta at binigyan ng Graded A ng Cinema Evaluation Board at ang Shake, Rattle & Roll XI.


Naging best actress ng MMFF 2009 si Sharon dahil sa mahusay niyang performance sa MP 6 at si
Joel Lamangan ang hinirang na best director. Sa SRR XI naman, reunion movie naman ang Ukay-Ukay episode ng dating real and reel loveteam na sina Ruffa Gutierrez at Zoren Legaspi. Nasa cast din ng horror trilogy sina Maja Salvador sa Diablo episode at sina Jennica Garcia, Rayver Cruz at iba pa sa Lamang-Lupa.

0 comments:

Post a Comment