Your Ad Here

Friday, March 19, 2010

Kotseng gamit ni Aljur regalo ng apo ni Henry Sy


Sa March 26 pa ang birthday ni Aljur Abrenica at maagang dumating ang pinakamagandang birthday gift sa kanya at ito’y ang pagkaka-dismiss ng Child Abuse case na isinampa sa kanya ni Michelle Saludo.

Samantala, topic sa Internet ang diumano’y ilang beses na sighting kay Aljur na ka-date ang apo ni Henry Sy. Nakikitang magkasama ang dalawa, kaya lang, walang mga lugar na binanggit kung saan nasa-sight ang dalawa.

Pinaghinalaan pa si Aljur na binigyan ng expensive car ng dalaga, pero may komontra rin at sinabing sariling sasakyan ng actor ang gamit-gamit nito.

Ano kaya ang masasabi ni Kris Bernal sa bagong tsika sa ka-loveteam niya sa The Last Prince? Sabagay, si Kris din naman ay nali-link sa iba, kaya patas na sila ni Aljur.

May birthday concert si Aljur sa Zirkoh sa March 26 dubbed I’m Yours at guests niya sina Kris, Allan K, at Jolina Magdangal.

0 comments:

Post a Comment