Your Ad Here

Friday, March 19, 2010

Kamay ni Angelica sa loob ng brief ni Derek, kinaiinggitan!


HINDI hinihiwalayan ng mga intriga ang mag-sweetheart na sina Derek Ramsay at Angelica Pa­nganiban. Pagkatapos nga ng diumano’y pagbi-break nila na ang itinuturo pang dahilan ay dahil sa pagseselos daw ni Angel sa EB Babes member na si Saida, nandiyan pa ‘yung iba’t ibang isyu sa dalawa na kesyo verbally abused naman daw si Angelica, at heto’t may panibago na naman silang sasagutin - ang napa­kalaking picture nila sa isang tabloid taken at Boracay.


Kahit kami ay nagulat nang una naming makita ang cover ng tabloid kung saan, nakayakap si Ange­lica mula sa likod ni Derek at ang kanang kamay nito ay nakapasok sa loob ng brief ng actor.
Pero habang tinititigan ang larawan, feeling namin ay para naman itong peke dahil parang humaba masyado ang kamay ni Angelica at nag-iba rin ang color. Pero hirit ng taga-Pinoy Parazzi, ang tabloid na naglabas ng picture, marami pa raw ganung klaseng picture, parang series daw ‘yun na ipinadala sa opisina.


Kung pagbabasehan ang lapit ng kuha, puwedeng sabihin na kaibi­gan, kasama or kakilala ng dalawa ang kumuha ng picture nila. Masaya sina Derek at Angel sa picture na tipong isa sa mga private moment nila.


Ang tanong, may tao or may dati ba silang kaibigan na ngayon ay galit sa kanila para maglabas nu’n?

‘Yun ay kung totoo ngang hindi dinoktor ang larawan, ha!


Hinihintay namin ang ilalabas na official statement ng Star Magic regarding that picture dahil may nabasa kaming maglalabas nga raw ang Star Magic ng kanilang official statement, pero mas nauna pa naming nabasa ang diumano’y sagot daw ni De­rek through a text message sa isang blog site sa internet under darlasauler.com, na taga-ABS-CBN din ang may-ari ng blog site.


Nakasaad diumano sa text message ni Derek angganitong reaction sa intimate picture nila ng girlfriend:


“I don’t see anything wrong with the photo. It’s our own private photo with friends! We are ha­ving clean fun!!! What’s wrong is whoever exposed the pic!”


Iba’t ibang opinion ang narinig namin kaugnay ng naturang la­rawan, marami ang nagsabing mukha naman daw peke. May nagsabing baka makasira sa ilang endorsements ng dalawa, pero marami rin kaming naringgan na ang hot daw ng picture kahit wala namang nakita sa private part ni Derek. May mga nainggit pa nga kay Angelica at bongga raw ito, huh!

0 comments:

Post a Comment