Your Ad Here

Friday, March 19, 2010

Anne, patay na patay sa katawan ni Sam!


ANG ganda-ganda ni Anne Curtis ngayon. At kitang-kita `yon sa presscon ng movie nila ni Sam Milby, ang Babes, I Love You, ng Star Cinema. Hindi kami magtataka kung bakit may mga fans talaga na sabik na sabik na mapanood silang muli after their two series sa Dos, dahil bagay na bagay naman talaga ang dalawa. At kahit na aminadong para talaga silang mga aso’t-pusa sa kanilang love-hate or away-bati relationship, obvious naman na love pa rin nila ang isa’t-isa.


Feeling ni Anne, sa pagsasama nila ni Sam sa movie, may mga bagay na nare-rediscover raw nilang muli sa isa’t-isa.


“I think, more than anything may mga nare-rediscover kaming mga bagay-bagay. Parang pinagtawanan nga namin kasi, may isang eksena na kinunan na magka-away talaga kami nu’n. Pero maganda kasi, mas mabilis kaming mag-make peace ngayon. So, tingin ko, mas matured na kami,” bungad na sabi ni Anne.


Ano nga ba ang mga pinag-aawayan nilang da­lawa?


“Ha! Ha! Ha! Wala! Medyo may pagka-personal. ‘Yung iba, mababaw lang. Like actually noong isang gabi, Baby Boy kasi si Sam! Like bigla siyang umalis sa tabi ko. So, sabi ko, bawal mag-excuse me ‘pag aalis?


“So ngayon, everytime umaalis si Sam, nag-e-excuse me na siya, hindi lang sa akin kundi pati sa ibang babae. Ha! Ha! Ha!”
Pero kung may nagugustuhan man daw si Anne kay Sam, ito ay ang pagiging pasensiyoso ng huli.


“Seriously, what I like about him is his being patient. Sam is a very patient guy.”


Si Mae Cruz ang director ng kanilang first mo­vie together. Malaking bagay raw na si Mae ang naging director nila na siyang humawak na rin sa kanila sa Maging Sino Ka Man noon. Tantiyado na raw kasi nito kapag may mga away-bati moments sila.


Binuko naman ng director ang napansin nito sa dalawang stars niya na sa dalas nga ng mga tampuhan pa rin sa set, may time raw na habang nagda-drive si Anne sa eksena at alam niyang may “war” ang dalawa, kitang-kita niya pa rin ang concern ni Sam. While noong si Sam naman ang may sakit, napansin din daw niya si Anne na tila gusto itong lapitan at kamustahin.


Itinanggi naman ni Anne ang chika na kesyo sa isang shooting nila, nag-breakdown siya backstage dahil magkaaway na naman sila.


“That’s not true! Nandiyan sila o, sila ‘yung mga kasama ko,” sabay turo sa mga fans na nasa balcony ng Dolphy Theater.


“Siguro para ma-clear, si Mae ang tamang tao para sumagot d’yan,” hirit pa ni Anne.


At ini-explain nga ng director na way niya ‘yun sa pagmo-motivate sa dalawa kaya raw napagkamalan sigurong nag-breakdown si Anne.


Bukod nga pala sa pagiging patient, physically, ang abs daw ni Sam ang nagugustuhan ni Anne sa dating boyfriend.


“I’m not believer of love at first sight. It started with physical. Nakita n’yo ba ang pictorial niya sa magazine? Of course, I must admit, I’m physically attracted with Sam. Parang napaka-humble niya palagi. Feeling niya mataba siya, pero ‘yun, those we’re the things that I discovered. Kahit may mga billboards siya na ang hunk-hunk niya, he still doesn’t think he is.”


Hirap na hirap sumagot ng diretso sina Anne at Sam kung nagkabalikan na ba sila or kung hindi, posible ba ang pagbabalikan lalo pa nga’t ayon kay Sam, si Anne daw ang greatest love niya.


“Well, siguro kasi, kami ni Sam, ‘yung love-hate, so ‘yun ang nakikita sa amin, the whole war namin. But this movie becomes a journey to patch things, day by day, no expectation. I could say this mo­vie, may pagka-true-to-life siya.”


Aminado rin si Anne na nagdalawang-isip daw siya noon na tanggapin at gumawa ng pelikula kasama si Sam.


“To be honest, yes! Ha! Ha! Ha! Si­yempre, nandun ang fear! Pero naisip ko rin, we owe it to our fans who waited for us for so long. So, it’s a journey,” sambit na lang ni Anne.

0 comments:

Post a Comment