Your Ad Here

Friday, March 19, 2010

Katya Santos, nilait-lait ang katabaan!


AYAW patulan ni Katya Santos ang panla­lait ng ibang tao, na kes­yo wala siyang karapatang mapasama sa 25 Sexiest Women of the Decade ng FHM.

Sabi nga, bukod sa hindi na siya active sa showbiz, ang taba-taba pa raw niya ngayon.


“Hindi ako nangampan­ya para roon. Walang pilitang nangyari para mapasama ako. Kahit ako nagtataka kung bakit napasama ako dahil alam kong mas maraming deserving na female stars na nag-pose na sa FHM, pero ang explanation nila, ang pinagbasehan daw nila ay `yung naging contribution namin sa 10 years ng FHM, pagdating sa circulation,” bungad na hirit ni Katya.
“Kasi from the start naman na lumabas ‘yung magazine, kaming mga Viva Hot Babes ang halos nauna na nag-posed doon. Siguro nga, nakapagbi­gay kami ng contribution sa kanila, kaya na-feel nila na deserving kami na ma-re­cognize, kaya isinama ako.


“Actually, buong Hot Babes ang nire-represent ko. Kung hindi sila pabor na napasama ako roon, hindi ko na problema ‘yon. Ibinigay sa akin ang recognition kaya tinatanggap ko!” mariing dugtong pa ni Katya.


Iginiit din ni Katya na hindi pa siya nagri-retire sa showbiz.

Katunayan, kasama raw siya sa pelikulang Working Girls ng Viva Films.


“Although support lang ako roon as best friend na taratitat ni Cristine Reyes, okey na rin ‘yon. At saka, marami pa rin akong mga out of town shows,” sey niya.


Tanggap daw ni Katya na lumamlam na ang mga ningning nilang mga dating sexy stars.


“Accepted na namin na hindi na kami in ngayon. Kasi nga maraming mga bago riyan na talagang willing and able. At saka, tumanda na rin kami. ‘Yung ibang mga kasabayan namin, iba na ang focus ng career nila, at ‘yung iba may mga anak na.


“Ako naman, on the side na lang ‘yung pagsu-showbiz ko. At saka, as much as possible, ayaw ko na rin ng mga sexy roles.”


Ano ang masasabi niya na mas vi­sible sa showbiz ang kasabayan niyang si Maui Taylor?


“Si Maui naman kasi magaling sa hosting. Naging disc joc­key siya. And may showbiz talk show siya sa cable channel ng Viva. Magaling magsalita si Maui. She’s well-rounded and very talented. Ako hindi ako mahusay sa hosting, acting lang ang forte. Kung paglulutuin mo ako, doon ako ma­galing. Mas carry ko ‘yun. Or kung bibigyan mo ako ng isang cooking show na ako ang host, puwede kong i-career ‘yan,” es­plika niya.


Hirit pa ni Katya, tumatanggi na rin siya sa mga TV guestings lalo na sa mga teleserye dahil napapagod na raw siya sa puyatan. Hindi raw totoo na wala siyang offer dahil sa kanyang katabaan.


“May mga offer sa akin, kaya lang mostly kontrabida ako. Ayoko munang magkontrabida dahil ayoko ngang ma-typecast sa ganun. Kung gagawa ako ng role o show, ‘yung gusto ko na rin para hindi ako naiinip. Kasi parang napagod na rin ako. Ayoko na muna,” sambit na lang ni Katya.

0 comments:

Post a Comment