Your Ad Here

Wednesday, March 10, 2010

Janice, nag-ober-da-bakod sa ABS CBN!


MATAPOS matsugi ang SIS, tila nananahimik ang kampo ni Janice de Belen.

Hindi nga siya tulad nina Carmina Villaroel at Gelli de Belen, na parehong busy sa kani-kanilang programa sa GMA 7.


Si Gelli ay kasama sa Panday Kids, at meron pa siyang Zooperstars. Si Carmina naman ay namamayagpag sa The Last Prince at Pepito Manaloto.


Sabi nga ni Carmina, walang reason para layasan niya ang Siyete, dahil heto nga at hindi na siya makahinga sa rami ng trabahong ibinibigay sa kanya. At ganun din naman si Gelli, na halos araw-araw ay nakasalang din sa trabaho.


Well, sa parte ni Ja­nice, ang alam ko lang ay nakapag-taping na siya para sa isang special episode ng Maalaala Mo Kaya sa ABS CBN. Ito na kaya ang hudyat na mas madalas na makikita sa hinaharap sa ABS CBN si Ja­nice? Nag-ober-da-bakod na nga kaya si Ja­nice sa Dos?


Anyway, gagampa­nan ni Janice ang papel ng isang batang nanay na maraming anak, na may madilim na nakaraan, na gusto na niyang ilibing. Bilang ina, gagawin niya ang lahat, na tipong papasukin niya ang kahit na anong klase ng trabaho, mabuhay lang ang kanyang mga anak.


Makakasama ni Ja­nice sa episode na ito ng MMK sina William Martinez, Makisig Morales, Paul Salas, Aaron Junatas, Alfred Labatos, Rubi Rubi, Eda Nolan, at Mon Confiado.


Mula ito sa kuwento ni Mark Duane Angos, at sa direksyon ni Jerry Lopez Sineneng.

0 comments:

Post a Comment