Your Ad Here

Wednesday, March 10, 2010

“Hindi ko ginugulo ang relasyon nina Derek at Angelica!” -- EB Babe Saida


SI EB Babe Saida Diola nga ang tinuturong dahilan sa diumano ay muntik-muntikanang paghihiwalay nina Derek Ramsay at Angelica Panganiban.

Hindi naman itinanggi ni Saida na naging magkaibigan sila ni Derek, pero hindi raw siya dapat pagselosan ni Angelica dahil hanggang doon lang `yon.


“Magkaibigan lang talaga kami ni Derek. So, hindi dapat magselos si Angelica sa akin.


“Nababasa ko lang sa diyaryo ang mga balitang ‘yan.

Hanggang sa pangalanan na nga ako at lagyan pa ng picture. Pero wala talaga… friends lang kami ni Derek,” sambit ni Saida.


Nagulat nga si Saida nang may magsabi sa kanya na naghiwalay raw sina Derek at Angelica nang dahil sa kanya. Pero, nakumpirma naman daw na hindi naghiwalay ang dalawa. Nagkatampuhan lang pero naayos din naman daw lahat.


“Nakaka-bother lang kasi nagagamit ang pangalan ko sa problema nila. Huwag naman ako ang ilagay sa gitna kasi wala akong ginugulong relasyon,” diin pa niya.


Dahil nga raw sa pagkakasangkot niya sa tsismis, nangako si Saida na iiwasan na niya si Derek. Para raw magkaroon silang lahat ng peace of mind.

0 comments:

Post a Comment